Parent Chat

Advanced search  

News:

Author Topic: Paano mo ma ha handle ang asawa mo na di pala kuwento ng mga prblema niya  (Read 221 times)

Melody Figueroa

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile

Hello bago lang po ako dito, hingi sana ako ng payo kasi ang asawa ko di siya pala kuwento ng problema niya. Lagi last to minute kung sabihin ang problema niya. Parang ako pa nahihiya mag tanong dahil minsan sinabi niya sakin na wag ko problemahin ang problema niya dahil problema niya daw po yun. At ayaw niya ako ma istress. Kaya kapag di na niya kaya i solve sasabihin niya sakin yun last to minute. Di ko maunawaan ang asawa ko , I always pray na sana bigyan ako ni God ng strength para maunawaan ko pa siya. Kasi ako all out ako sa asawa ko lahat sinasabi ko. To the point sinasabi niya sa akin na nag cocomplain ako. Nahihirapan siya walA daw siya magawa sa mga daing ko dahil malayo siya. Salamat po
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: Paano mo ma ha handle ang asawa mo na di pala kuwento ng mga prblema niya
« Reply #1 on: November 06, 2019, 04:54:11 pm »

Hi sis, ganyan talaga kadalasan ang mga lalaki, usually they try to solve the problem on their own, maybe because of their ego, or its just them being a man that they are 😉, minsan nakakatampo din lalo pag ang ending sasabihin din sayo at last minute na so mas grabe na yung stress kasi tayo na iisip ng mga paraan ganyan, sasabihin mo na lang kung sinabi mo lang agad sana ganyan etc etc...gaya ng sabi mo, malayo hubby mo and hindi talaga nakakatulong sa kanila yung laging makakarinig ng mga daing from us, they will feel incompetent na parang may kulang pa rin sa ginagawa nila, be more appreciative of your husband...say thank you everytime he gave extra effort, be patient din kasi mahirap talaga sila intindihin and if you felt na may dinadala siyang problema and hindi niya pa kaya sabihin sayo at the time just give him words of encouragement na kaya niya yun watever it is and malalampasan niya yun...just try to be more understanding and pray always for guidance 😊
Logged

Melody Figueroa

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Paano mo ma ha handle ang asawa mo na di pala kuwento ng mga prblema niya
« Reply #2 on: November 06, 2019, 09:01:30 pm »

Sis salamat sa pag advice ha, actually sobrang na a appreciate ko ang hubby ko to the point na lagi ko siyang na papasalamatan sa lahat ng effort na binibigay niya. For being a good provider to us, pero alam mo yung feeling na parang walang tiwala wala ako silbi kaya nga asawa eh di po ba best friend mo? Yun po problema ang Ego! Pero sa huli sasabihin din sayo, so bakit di nalang sabihin sa una then dalawa kami mag isip. Haay! Nakaka sad lang. 😢 kahit sis expenses niya sa ibang bansa , credit cards , loan d ko alam. Lalo na din ang salary niya. Every payroll niya wala siya sinasabi na eto nagastos eto salary ko. Pero ako all out saknya. 😢 Sis, thank you! Nakagaan ng loob ang advice mo. Salamat. God bless you sis
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3238
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Paano mo ma ha handle ang asawa mo na di pala kuwento ng mga prblema niya
« Reply #3 on: November 09, 2019, 05:38:47 pm »

Mommy Melody,
hindi naman nating pwedeng pasukin ang isip at desisyon ng mister natin. Hindi natin kelangan malaman lahat. All we can do is kwentuhan siya ng mga magagandang pangyayari at positive vibes, mga magbibigay sa kaniya ng inspiration. Bawasan ang mga kwentong magdudulot ng problema sa kanya. Ikuwento sa kanya yung mga problemang nasolusyunan mo na o naisipan ng solusyon and above all, just assure him na nandiyan ka lang para tulungan siya kung may pinoproblema siya and without judging. Baka po kasi ito ang dahilan ng hindi niya pag-open sa inyo, yung meron ka laging masasabi na magpapatunay na mali siya.
Lastly, accept natin husband natin sa personality nila. Hindi sila perfect. Hindi din tayo perfect pero magkasam tayong mag-go-grow at itong pinagdadaanan niyo ay bahagi ng growth na yon.
Logged

Melody Figueroa

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Paano mo ma ha handle ang asawa mo na di pala kuwento ng mga prblema niya
« Reply #4 on: November 14, 2019, 08:18:35 pm »

Mommy salamat po sa advice. Hayaan niyo po lagi ko pag pray na bigyan ako ng malaking pang unawa kay God. Actually sis makuwento naman ako sa asawa ko, ahaha as in parang walang preno kaya minsan nasabihan na ako niya na lagi sa akin ang mic kasi lagi ako nag kukuwento even though nag aask din ako kamusta ang araw niya , ang work niya. Kaya ako di na ako nag kukuwento ng di niya ako tinatanong. Kasi baka iba na ang dating saknya ng kuwento ko. Hindi din siya pala kuwento kahit nga payroll niya di ko po alam, kahit sa mga kapatid niya ganon din siya.
Logged