Parent Chat

Advanced search  

News:

Author Topic: 𝐎𝐯𝐞𝐫 𝐩𝐫𝐨𝐭𝐞𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐤𝐚 𝐛𝐚?  (Read 269 times)

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile

Yung naa alarma k agad pg nalungkot 😢 nadapa or tahimik anak mo? Minsan hindi kana mpakali kaka isip if ok lang b sila? If may umaaway ba sa kanila? Ganyan ako 🤦🏼‍♀️ pero salamat na lang din at tinuruan ako ng mga bata maging kampante at magtiwala na ok lang sila.

Nkakatuwa db makita na kaya nila tumayo sa sarili nilang paa at ipagtanggol ang sarili nila. Dati sabi ng mama ko sa akin pg my umaway sa akin “anak wag ka makikipag away” naku naku ako iba 😅
“Anak pag my umaway sayo , i confront mo isumbong mo agad sa teacher or sa matanda wag ka papayag na aapihin ka”

Dati dati lagi ako kasama pg my mga sasalihan sa school ngayun sabi ni Juliene (2nd child) ko “Mommy mg #Zumba ako sa school , hindi mo kailangan sumama ako na bahala, dala ko ndin mga gamit ko😂

Abah! Natuto na mg zumba ang anak ko 😅

Ikaw mommy anung kwentong nanay meron ka about independence? Kakatuwa noh 😊
Logged

MrsPractical

  • Newbie
  • *
  • Posts: 13
    • View Profile

Relate ako.

Masayang masaya ako kapag kini-kiss ako ng anak ko paghatid ko sa kanya sa school. Reward ko yon sa mga tinrabaho ko ng umaga paggising ng maaga, paggising sa kanila, paghahanda ng almusal, pagligpit, paghatid. O diba? Ka aga-aga ngarag ka na? Ni hindi ka pa nagaalmusal dahil inuuna mo sila.

Pero ngayon, lumalaki na sila, nahihiya nang mag kiss baka kasi makita ng mga kaklase nila. Nalulungkot ako pero alam ko din may mga pagbabago na mangyayari. Kaya ngayon bago bumaba ng sasakyan, mag ki-kiss na siya, hindi na sa gate ng school.

*Hay buhay nanay!*
Logged