Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: Day care na anak ko, napakaiyakin  (Read 1900 times)

Aprilyn Sabino

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Day care na anak ko, napakaiyakin
« on: March 10, 2020, 11:14:31 am »

Hello mommies! First time to post po dito sana may magbigay ng advice sakin. I have daughter 5y.o siya last dec, pumapasok na siya sa day care, 3y.o palang siya pinasok ko na siya sa day care para masanay din siya sa school and makipaglaro sa ibang bata. Wala kasi siyang ibang nakakalaro sa bahay, hindi din siya lumalabas sa bahay para makipaglaro kasi hi-way yung samin kaya wala talagang batang naglalaro sa daan. I have 2nd daughter na din pero 2y.o palang siya nung feb kaya nung pinasok ko siya ng day care baby pa sister niya. Sorry po if mahaba intro, eto po talaga main concern ko patapos na school year pero everytime malapit na uwian nila umiiyak siya. Masipag siyang pumasok sa school, hindi naman tinatamad pero everytime nasa school na siya umiiyak siya, before ok na siya hindi na gaanong umiiyak. Pero ngayon nagpapractice nalang sila para graduation nila araw araw na siyang umiiyak. Tinatanong ko siya if inaaway ba siya ng classmate niya or anong ayaw niya sa school bakit umiiyak. Wala naman palagi ang sagot niya. Maingay lang daw sa school kaya siya umiiyak. Sabi ko naman makipagplay siya sa mga classmate niya ayaw din naman niya. Basta everytime tinatanong ko siya sinasabi lang niya "hindi niya alam bakit umiiyak siya or mainggay kasi" yan lagi niyang sagot sakin. Inexplain ko naman everyday sakanya kung bakit maingay mga classmate niya. Hindi ko na alam gagawin ko sakanya, pati teacher niya sinasabi niya sakin kailan kaya mawawala pagiging iyakin niya :( yun lang talaga problem namin sakanya. Magaling siya sa academics yun lang talaga pagiging iyakin ang concern namin. Palagay niyo po anong magandang gawin? Pasensiya na po if magulo kwento ko, first time ko lang po kasi magkwento dito. Thank you po sa sasagot

Naka-relate ka ba? Mag post ng katanungan o payo dito
Reply to join this discussion.

Basahin sa Smart Parenting:
How to Calm Your Child Who Cries When He Goes to School: 5 Expert Tips
Click HERE.
« Last Edit: March 15, 2020, 10:30:39 pm by Parentchat Admin »
Logged