Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: Giving Birth During Pandemic Season (Share your experiences)  (Read 5867 times)

Cyril Coreces

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
    • View Profile
    • Mommy Life Vlogs
Giving Birth During Pandemic Season (Share your experiences)
« on: October 20, 2020, 01:48:39 pm »

Basahin sa Smart Parenting. Click this to read full article.
What Toxic Pandemic Stress Can Do To Pregnant Women And New Moms

photo by ISTOCK

I gave birth On June 24,2020..kasagsagan ng COVID sa ating bansa..Pumunta kami ng province ng mister ko para manganak from Bulacan dahil hindi pa pwede magtravel via eroplano to Davao that time and we have 2 years and 1/2 old child din.. Tatlo lang kami basically kaya we chose to travel sa province ng mister ko on June 13. Pagdating namin sa province ay need namin mag-quarantine ng 14 days as per protocol kaya lang hindi pa kumpleto ang quaratine namin ay naglabor na ako ng madaling araw ng June 24 kaya tumakbo kami sa brgy health center dito at sinakay sa ambulance papuntang hospital sa bayan.

At dahil hindi pa kumpleto ang quarantine namin ay naging challenging ang mga pangyayari but I chose to remain calm. Buti inaccept kaagad kami sa unang private hospital na nilapitan namin pero we were ISOLATED at kinunan ako ng rapid test dahil nga we came from bulacan at hindi pa kumpleto ang quarantine.

Sobrang hirap grabeh kasi konting bahing o samid ay nilalayuan ka na ng mga nurses. Kinunan pa ako ng xray after i gave birth dahil daw umubo ako.. At when I was on labor inilagay ako sa seprate na room na ako lang mag-isa parang bodega at nanganak sa labor room na parang luma na.. Then nilagay kami sa private room kasi hindi pwede may kasama dahil sa situation namin.. At dahil dito ang laki ng bill namin na hindi namin inaasahan. Dati sa first child namin we only spent 12,500 package na lahat at recently we spent 50,000 plus sa private hospital na kulang kulang ang gamit... But yeah buti nalang safe kami parehas ni baby... 

Naka-relate ka ba? Mag Reply para makapagpost ng katanungan, payo o kwento..

« Last Edit: October 22, 2020, 04:05:11 pm by Parentchat Admin »
Logged
Join me as I discover and explore the "mommy world!" - Follow me on Facebook -  https://www.facebook.com/mommylifeph/

A Mil

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: Giving Birth During Pandemic Season (Share your experiences)
« Reply #1 on: October 24, 2020, 08:57:11 pm »

First in the family na may nanganak na C-section. So my sis in law went to her OB for a swab test, and was told that she need n manganak kase konti na lang yung water niya. So ayon, tinurukan si sis in law ng pampahilab 5-6times in 12hrs pero di tumalab kaya na c-section sya. The delivery went well naman. The doctor delivered 7 babies thru c-section lahat that same day.

So eto na, paying the bills. Nag pupunta kami sa accounting/cashier para malaman how much ang babayaran namin sa hosp. Wala sila binibinigay na copy, only estimations.

The OB went to check on my sis in law and gave a go signal for discharge. Nung magbabayad na kami, ang tagal ibigay yung bill, kesyo yung philhealth daw wala pa etc etc. Then dumating secretary ni doc at sinabi na ang total bill is 85k. So Inabot ng kapatid ko yung byad kay secretary and sya nagbayad sa  cashier.

Eto na yung billing statement. Ang total na binayaran lang namin na nasa resibo is 31k plus with PF na ng mga docs and deducted na ang philhealth. Pero ang binigay naming total bayad ay 85k kay doc. Normal po ba yun? na 85k yung binayaran namin pero ang nakalagay lang sa resibo ay 31k plus?

Please enlighten us po. Thanks!
Logged

Parentchat Admin

  • Administrator
  • Sr. Member
  • *****
  • Posts: 270
    • View Profile
Re: Giving Birth During Pandemic Season (Share your experiences)
« Reply #2 on: October 26, 2020, 11:08:27 am »

@Cyril, thank you for sharing your story. Nakakabahala talaga ang panganganak ngayong pandemic.

@A Mil, Like what mommy Cyril said, malaki din ang binayaran nila dahil sa mga dagdag na expenses para matugunan yung pandemic protocols. I'm guessing, baka po hindi naka itemize yung additional cost dahil luma ang resibo nila at hindi pa reflected yung bagong adjustments? Baka din po nakahiwalay ang PF ng OB at hindi kayo binigyan ng resibo ng secretary ng OB niyo ng separate receipt for the OB rate. Baka po ibang doctors (like Pediatrician, Anesthesiologist) ang naka charge sa Dr's fee na nasa bill ninyo? In any way, right ninyo malaman at mag demand ng malinaw na breakdown sa receipt.
Logged
Sali na sa mga usaping pang magulang dito sa Parent Chat. Sign in to Smart Parenting.

Cyril Coreces

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
    • View Profile
    • Mommy Life Vlogs
Re: Giving Birth During Pandemic Season (Share your experiences)
« Reply #3 on: November 05, 2020, 05:15:57 pm »

Naku ang laki ng binayaran nyo sis.. Sa amin may Philhealth naman ako. Normal delivery at konti lang kaltas ng Philhealth. Ang daya nga lang ng private hospital kasi yung final resibo ay hindi naka itemize compared dun sa draft. Ito yung sinabi sa amin.

- separate ang OB fee kasi hindi daw in-house at wala silang in- house kaya umabot ng more than 20k yung bill namin just for the OB.
- Hindi pa tapos ang quarantine namin kaya may protocol daw sila like kami magbabyad ng PPEs ng mga nurses na nag-assist sa amin.

Buti nalang may naipon na kami pera for giving birth kaya advice ko sa mga manganganak na covid pa ay secure niyo yung budget, make sure may philhealth kayo, kung pwede manganak sa lying in for normal birth go lang basta sure kayong trusted ang midwife na magpapaanak sa inyo.. Be strong mga mommies. 😊 mahalaga malusog at safe kayo ni baby.
Logged
Join me as I discover and explore the "mommy world!" - Follow me on Facebook -  https://www.facebook.com/mommylifeph/