Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2 3 4

Author Topic: paano kung mag-poo poo si baby sa mall?  (Read 24369 times)

gym16

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 186
  • Happy MOM's Day to all of us!♥
    • View Profile
paano kung mag-poo poo si baby sa mall?
« on: November 20, 2009, 08:01:42 am »

mga mommies anong ginagawa nyo kung si baby (yung nasa toddler stage na po..) nag-poo poo while namamasyal kayo sa mall? pag toddler na kasi iba na ang poop di po ba unlike pag babies kaya pa ng wipes pero pag medyo malaki na dapat na talagang hugasan na, yung sa baby ko kasi parang mashy pa, di matigas di rin watery. paano ginagawa nyo?

i had an experience sa SM mall na talaga namang very inconvenient para sa amin ni baby. namamasyal kasi kami nun nang mag-poo poo si baby, e that time yung poop niya hindi na katulad nung baby pa sya so dapat talagang hugasan kasi kung wipes lang di natatanggal yung amoy, when i was about to wash my baby sabi nung janitress bawal daw maghugas ng pwet ni baby sa lababo nila kahit na natanggal ko na yung poop and kailangan ko lang iwash ng water para mawala yung amoy (syempre tinanggal ko muna lahat ng poop sa pwet ni baby para pag hinugasan ko wala ng yucky substance na mapupunta sa lababo nila and naubos yung dala kong wipes para dun) e wala naman silang tabo para sa cubicle ko na lang iwa-wash si baby so ang ending umuwi kami ng wala sa oras and talagang ang baho ni baby, kawawa talaga. ayoko ng maexperience yung ganitong scenario so talagang hinihintay ko muna magpoop si baby sa house before kami umalis pero hindi naman pwedeng laging ganoon di ba..ano pong ginagawa nyo in case ganito rin po yung na-eencounter nyo?kawawa naman kasi si baby kung hindi sya malilinisan ng maayos dahil walang consideration yung mga naglilinis ng pulic toilet di ba..ayaw lang nila madagdagan yung trabaho nila!
Logged
gym16 here!

AriesMom

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 65
    • View Profile
Re: paano kung mag-poo poo si baby sa mall?
« Reply #1 on: November 20, 2009, 10:27:45 am »

nangyari na rin sa akin yan sis, sinabihan din ako ng janitress. Hindi talaga kaya ng wipes lang, maamoy na rin ang popo nila. Buti na lang may dala akong towel, so pinunasan ko muna si baby ng wipes, para malinis yung popo tapos nilabhan ko sa lababo yung towel tpos pinunas ko un kay baby na basa basa pa, para na rin nahugasan si baby. Ayon, buti naman, natanggal ang amoy.  ;D

Sobra talaga ako nahihirapan kapag magpapalit ng diaper ni baby sa mall, ang hirap kasi, ang likot likot, hindi mapakali.. hehe!
Logged

mommielynne

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 382
  • great powers come with great responsibilities....
    • View Profile
Re: paano kung mag-poo poo si baby sa mall?
« Reply #2 on: November 20, 2009, 02:27:58 pm »

hahaha... i always experience the same thing! my problem is not the janitress, but what restroom to go since lagi kami 2 ni hubby magwash kay baby sa mall. si hubby tagahawak ako tagahugas. the same thing wipe muna ng wipes hanggang matanggal lahat ng poop then wash ng water with soap. never ko naexperience na binawalan ng janitress, pero my problem is ang sama ng tingin sakin ng mga nasa women's restroom kapag nasa loob din si hubby at nakakahiya naman sa mga male na nasa men's room kapag nadoon ako habang nasa urinal sila. hahaha...pero wala deadma nalang mas mahalaga mahugasan ng maayos si baby.
Logged

gie121

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 52
  • a proud wife and mom to Maegan, Mariel and Maike
    • View Profile
Re: paano kung mag-poo poo si baby sa mall?
« Reply #3 on: November 20, 2009, 03:23:34 pm »

kami since pag toilet trained na dapat marunong makiramdam ang bata and kaya na nila ihold yung wiwi or poop nila. so when my daughter tells me na mommy i want to poop or wiwi pag nasa mall kami i will tell her to hold it for while, il carry her and rush to the nearest washroom :)
Logged

mama_jo

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 485
  • female version of her papa
    • View Profile
Re: paano kung mag-poo poo si baby sa mall?
« Reply #4 on: November 20, 2009, 03:48:34 pm »

my jana already knows to say "popo" even at home...when malling, i always have alcohol, wipes, toilet seat paper, liquid soap in small bottle...

todo punas muna with alcohol ang bowl before ko ilagay ang toilet seat paper para makaupo sya...since, marunong na nga syang magsabi, di na kakalat ang dumi kaya madaling linisin and good thing, pinapahiram ako ng tabo ng in-charge sa CR, of course, sasabunin ko muna nag tabo if before using it.
« Last Edit: November 21, 2009, 02:19:19 pm by 1sttime_mom »
Logged

purplesiy

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 90
    • View Profile
Re: paano kung mag-poo poo si baby sa mall?
« Reply #5 on: November 20, 2009, 04:15:20 pm »

luckily for me once pa lang nag poopoo yung 2 yr old daughter ko sa mall and she told me beforehand na she wants to poop kaya nakapunta kami agad sa restroom.  We used the handicapped room so kami lang talaga nung yaya ang andun and nahugasan talaga ng mabuti  :D
Logged

mommybelle27

  • Newbie
  • *
  • Posts: 40
    • View Profile
    • myjingabiz
Re: paano kung mag-poo poo si baby sa mall?
« Reply #6 on: November 20, 2009, 04:55:25 pm »

this happens to me all the time so lagi ako prepared.  your bag should always have alcohol and tisue to clean the bowl before you let him/her seat.  If not buy ka ng disposable toilet seat cover.
tapos i always bring an empty bottled water container para hindi ko sya kailangan dalhin/ilabas sa sink to wash him.  dun mismo sa loob while seated after ko sya i-wipe, i-wash ko sya 
Logged
http://www.myjingabiz.multiply.com
I never knew how much love my heart could hold until someone called me mommy

Jennifer Arenajo

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 204
    • View Profile
    • Two Tiny Feet
Re: paano kung mag-poo poo si baby sa mall?
« Reply #7 on: November 20, 2009, 06:04:08 pm »

... but what restroom to go since lagi kami 2 ni hubby magwash kay baby sa mall. si hubby tagahawak ako tagahugas.

sis, i suggest you go sa handicap restroom, mas maluwag yun ang may privacy pa kayo dun...may changing table din dun incase gusto mo ihiga si baby for the diaper change  ;)
Logged
:) ;)  my babies

mommybelle27

  • Newbie
  • *
  • Posts: 40
    • View Profile
    • myjingabiz
Re: paano kung mag-poo poo si baby sa mall?
« Reply #8 on: November 20, 2009, 06:14:16 pm »

@mommyjen
i do that too.  i ask the janitres to allow us sa handicap restroom dahil hindi na mapigil ng toddler ko yung poohpoh niya.  they always allow naman.   
Logged
http://www.myjingabiz.multiply.com
I never knew how much love my heart could hold until someone called me mommy

LadyLee

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 81
    • View Profile
Re: paano kung mag-poo poo si baby sa mall?
« Reply #9 on: November 20, 2009, 06:22:45 pm »

sana nga may family toilet dito saten para di maxadong hassle pag may mga ganyang sitwasyo.. sa mga sm malls din, minsan yung handicap c.r. hindi din bukas, pero ang ginagawa ko, sa mga c.r. sa loob ng dept. store.. mas konti yung tao dun tska may mga dipper din at liquid soap na available kaya medyo maayos dun kapag dun inabutan ang baby.. (10 months pa lang baby ko pero lagi kong na-eexperience to sa mga pamangkin ko)  ;)
Logged

myanabanana

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 80
    • View Profile
Re: paano kung mag-poo poo si baby sa mall?
« Reply #10 on: November 21, 2009, 04:16:24 am »

Hi mommy grace thank you sa pag tanong mo nyan. Actually, ini isip ko din yan paano kapag nag pupo si baby sa mall? hindi pa naman nangyayari sa akin pero sana nga may mga c.r na convenient para sa mga babies natin. Siguro gagayahin ko na lang din yung ibang mga mommies dito magdadala din ako ng empty bottle para kahit walang tabo mahugasan si baby. :D
Logged
[

gym16

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 186
  • Happy MOM's Day to all of us!♥
    • View Profile
Re: paano kung mag-poo poo si baby sa mall?
« Reply #11 on: November 21, 2009, 05:26:25 pm »

nakakaloka talaga..during that time kasi my baby just turned 1 y/o and di pa sya masyadong marunong umupo sa toilet bowl plus medyo mahirap talaga pag di kasama si hubby magwash walang tagahawak baka mahulog si baby sa bowl..sa changing table naman sobrang likot niya ayaw din humiga! ang nakakainis pa naka-pull-ups pa sya na diaper so mas messy and di pwedeng ihiga, may mga janitress din na nananagad ng pasensya minsan kahit sobrang puno na yung restroom ayaw pa rin buksan yung handicap restroom e pang-handicap lang daw yun..???  >:(

may mga fastfood naman na may cr na pang-isahan lang so dun na ko madalas pumupunta, mabilisang kilos lang talaga kakahiya sa naghihintay e, ang prob naman dun yung faucet nila automatic na nag-i-stop so pindot ka ng pindot para continious yung flow ng water..hayyy...pasaway!di bale..lahat naman may paraan basta ang habol ko lang malinisan ng maayos si baby ng hindi umiinit ang ulo ko...hehe! ;D
Logged
gym16 here!

fulltimemom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 106
    • View Profile
Re: paano kung mag-poo poo si baby sa mall?
« Reply #12 on: December 15, 2009, 10:54:52 pm »

hi mga mommies.. ako ang ginagawa ako meron akong disposable toilet seat, you can but it sa watsons then meron akong soap na parang paper lang yung itsura niya tapos babasain mo lang (i bought it sa states, im not sure kung meron nun dito sa philippines) then towel.. tapos ok na wala naman ng amoy..
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3242
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: paano kung mag-poo poo si baby sa mall?
« Reply #13 on: December 15, 2009, 11:21:31 pm »

You can use moist towelletes, get a good kind, yung hindi madaling mapunit. Before using it, wet it some more and dab it with a liquid soap. Always carry a small bottle of J&J babywash. Then wipe it again with moist tissues until clean.
Hindi talaga mapapantayan ng punas ang pag hugas so when we get home, wash ulit before bedtime and apply calmoseptin para sure na walang rashes.
Logged
Sumali sa mga usaping pang magulang. Magtanong at magbigay ng payo dito sa Parent Chat.

Jennifer Arenajo

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 204
    • View Profile
    • Two Tiny Feet
Re: paano kung mag-poo poo si baby sa mall?
« Reply #14 on: December 16, 2009, 02:42:02 pm »

ako, pag umaalis kami kasama ang baby, nagdadala pa ako ng wipes, diaper tapos alcohol, extra shirt and short (aside from bottle, milk formula, biscuits and candies) kaya lagi na lang ako sinasabihan ng hubby ko na ano na namang alsa balutan ang dala ko  ;D madalas naman daw hindi nagagamit...

one time, nagpunta kami ng mall, sandali lang daw kami kaya wag na daw magdala ng kung ano-ano...hayun doon nagpopoo si baby kaya uwi na kami agad  hehe!

since then, hindi na umiimik si hubby sa mga dala-dala ko ;D :D

sorry medyo ot at mahaba  :-*
Logged
:) ;)  my babies
Pages: [1] 2 3 4