Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 13 14 [15] 16

Author Topic: autism spectrum disorder  (Read 141702 times)

blackrainbow

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #210 on: April 27, 2016, 02:06:17 am »

Hi mga sis! Nag back read po ako. Buti nakahanap ako ng another forum about ASD. Thank you po sa mga nagshare ng information and stories nila. As much as possible nag gagather po ako ng mga personal experience ng mga parents with their special kids kung ano mga ginagawa para mag improve yung mga kids.

I have a gut feeling kasi na yung daughter ko ay my ASD. But di ako naging proactive not until nag recommend yung pedia na we need to see a devped. Then, my daughter is diagnosed with Language Impairment. She's 2.10. Re evaluation after 6mos. Kahit ni reready ko na sarili ko na baka ASD na to next visit ang bigat sa loob. :( dun po sa mga mommies na ASD ang diagnosis meron ba kids na nakapag aral pa din sa regular school?

Logged

MyAdie

  • Newbie
  • *
  • Posts: 36
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #211 on: April 27, 2016, 11:54:45 am »

Hi Joy,

What made you say that your daughter might have ASD? What red flags did you see in her?
Logged

Kristine Abril

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #212 on: April 27, 2016, 03:13:15 pm »

Hi..ako din po ngiicp n baka yung son ko na 2 and 2months has asd..kc ngtiptoe walking zya at spinning..d pti zya ngsasalita pa..kzo mrunong naman umintindi tulad pginuutuzan mo..may eye contact din zya..kahit nga sutustan mo zya lilingun zya..nalilito tuloy ako kung normal b zya pero speech delay or may asd zya..
Logged

blackrainbow

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #213 on: April 27, 2016, 03:38:11 pm »

@MyAdie: Sis eto yung red flags

Dominant sa kanya hand flapping, non verbal (pero very talkative/babbles a lot), poor eye contact, very picky sa mga tao kung papansinin niya or completely avoid eye contact, doesn't respond to name. Somehow, na lessen na yung mga to when we started OT. She can now identify a few things pero bulol pa, hand flapping pag hindi kami nakatingin kasi alam niya sinasaway siya, inconsistent eye contact and respond to name.



Logged

Jewelberry

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #214 on: May 19, 2016, 03:46:20 pm »

Hi mga mommies,
Yesterday I went to see a Development Pediatrician, nawala sa loob ko dahil sa busy sa work and thinking alot of things na nakapag schedule pla  ako with the Doctor,
Anyway to make the story short we went there to see his Doctor. Dra. Villadolid, (any feedback about her would be great.)
my son is 2.10 months now and per her impression he has ASD and Language Impairement . sa totoo lang mga Mommies sa sobrang shock ko hindi ako nakapag react o nakapag tanung sa kanya ng matino.
Locomotor skills niya is at lease 2 yrs old :(
Personal - Social  niya is 22 month old :(
Hearing Language niya is 16 month old :(
Eye and hand coordination 19-20 months
Perfomance niya us 3-3.5 yrs old (dito lang siya nag exceed) he is really good daw in problem solving
pero as early as 2.3 months pinasok ko na siya sa OT kasi i felt something na hindi pa din normal kasi hindi siya lumiingon when I call out his name. or pag may inuutos kami. may improvement now kahit paano, he knows color, he knows some of the animals, he like dancing to some songs sa tv. but ang nag trigger daw sa anak ko is he is kinda obsess with cars and anything spinning , and like to tear and kumutkot ng mga labels and he doesn't initiate any conversation more on turo or getting my mom inlaw's hand if he need something,

should I 2nd get and 2nd opinion?any recommnedation na Doctors?

I'm planning to transfer him sa Bright beginning sa Marikina kasi madami akong feedback ok daw dun kaysa sa Kids can do.

Minsan iniisip ko should I resign for my son , but my mom inlaw is taking care of him. but still I know he needed me more. but my parents rely on me also that's why parang guguho mundo ko ngayon.

help me cope up with this situation , parang nanghihina ako, I cant stop crying even at work. while back reading I understand and felt other had been going through.na ngayon pinag dadaanan ko.

With God's grace kakayanin namin ito.

I was scouting for a progressive school na nga e . pero baka may purpose si God why nangyari ito saamin mag asawa.
Logged

MyAdie

  • Newbie
  • *
  • Posts: 36
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #215 on: May 20, 2016, 02:32:37 pm »

Hi Jewelberry,
We have the same devpedia.  I had my son assessed by her when he was 1yr 9mos. His first impression was GDD with ASD as consideration. When we went back to her after 6mos of OT, she told us that my son has ASD because of lack of social skills, fleeting eye contact and delayed speech.  Just like your son, my kid is obsessed with anything that spins. Up to now ganun pa din siya at 4yr 9mos, fascinated pa din sa mga bagay na umiikot.
We just went back to her 2 weeks ago, I believe pang 6th assessment na namin (kasi semi annually). My son has improved a lot from our last assessment. Notable improvement talaga is on his speech, he started to talk at 3yrs 6mos. Though delayed pa din (according to dra ang level niya pang 4yo, heís 4yrs 9mos na).
Nafeel ko din yan before na gusto ko magresign para matutukan ang anak ko, kaso di kakayanin pag isa lang ang magwowork kasi tight din ang expenses.  Ngayon my son still undergoes 3x a week therapy and buti na lang okay ang school niya, mainstream with sped license.  He is an incoming kinder 1 but according to dra pwede na ang son ko sa kinder 2 kasi yung skills niya okay naman kaso di naman grades ang focus namin, yun pa ding social skills ang pinapabantayan niya.
Magaling si Dra, I donít think you need a second opinion (sa opinion ko lang naman), but if itíll ease some of your worries re her findings on your son, okay lang din naman pa 2nd opinion.
Prayers really help. Ganun talaga, we donít know why we are chosen to be special parents, only God knows. Iniisip ko lang na din na  we have the capacity to love him wholeheartedly and unconditionally.  Na if sa iba siya napunta, baka hindi siya mahalin ng buo, so sa akin na lang. :o)
God bless us in our journey, malayo pa lalakbayin natin :o)

Logged

Dyan Eyere Villeta

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #216 on: June 27, 2016, 07:53:10 am »

hi po, hingi lang po ako ng opinion sa inyo. may 4 years old son po ako, medyo delayed po ang pag imik niya. marunong naman po siya mag abc, mag count ng 1-10, narerecognize din niya yung sa shapes and colors, nakakakanta siya ng nga nursery rhymes like itsy bitsy spider, bingo or kahit kanta sa frozen, mulan or yung sa sound of music nakakanta niya meydo bulol lang po, pero yung pakikipag usap samin yun ang di niya pa nagagawa. pag nahingi siya ng milk or tinapay "awiwawi" ang sinasabi niya. natingin naman siya samin pag tinatawag namin name niya. last saturday nag pacheck up po kami sa developmental  pedia sa makati med and ang sabi ni pedia need daw niya mag undergo ng speech therapy at behavioral therapy open naman po kami dun sa speech therapy kaya lang dun sa behavioral medyo nag dadalawang isip pa kami kasi medyo spoiled anak ko lalo na sa tatay niya nung time kasi na nagpapacheck up kami may pinakita na laruan si pedia tapos may pinapagawa siya like pag hiwalayin yung blocks at spoon. ang ginawa ng baby ko yung blocks lang ginalaw niya kasi kita ko sa mukha niya na interested siya dun sa blocks. tapos may pinakita si pedia na picture ng bulaklak ang gusto niya na ituro ni baby ano kagaya nun pero di ginawa ni baby kasi nga yung blocks pa rin ang asa isip niya. ugali din po kasi ng baby ko na pag di niya kilala yung tao na kaharap niya di ka niya papansinin pero pag nakikita ka niya palagi di na siya nahihiya sayo. ano po kaya kailngn ko gawin?
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3212
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: autism spectrum disorder
« Reply #217 on: June 28, 2016, 02:28:56 pm »

@Dyan Eyere Villeta]Behavior Therapy (or Occupational Therapy) is a good decision. Need muna ng behavior therapy para matuto siya sumunod sa ibang tao (authority). Pag ok na behavior ang following instructions, tsaka pa lang pwedeng i-Speech Therapy.
« Last Edit: June 28, 2016, 02:45:10 pm by Mommyjazz »
Logged
Sumali sa mga usaping pang magulang. Magtanong at magbigay ng payo dito sa Parent Chat.

blackrainbow

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #218 on: July 15, 2016, 01:27:52 am »

@Jewelberry naramdaman ko din yan na mag resign but sadly, I'm a single parent. Walang ibang magsusuport sa anak ko kundi ako. I'm blessed din naman kasi anjan ang mom ko nagbabantay sa daughter ko. I'm just making sure lang na every session niya (she's taking ABA now) anjan ako.

Update lang sa progress ng daugther ko. After 2months. Nagstop kami ng OT since ang layo at wala ng maghahatid sa anak ko dun.

Now she's taking ABA. Actually nka 4 sessions pa lang kami sa ABA maganda na response ng anak ko. Medyo matagal na sitting time niya. Even sa house umuupo na siya pag kumakain. Usually kasi she's flapping or running around. I tried to enroll her sa daycare but like after 3 days ayaw na niya pumasok. Public kasi at di allowed parents sa loob saka di naman sila lahat naasikaso (nasa 30 kids sa classroom. Napaka chaotic)  kaya pinagstop ko na lang muna and focus na lang muna kami sa ABA.
Logged

Joanne Marco

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #219 on: June 19, 2017, 03:26:05 pm »

Hi mommies. sana may makabasa pa nito. Kakauwi lang namin ngayon galing kami sa dev pedia. Ang sabi niya Communication disorder daw yung sa baby ko. Meron po ba dito na yun yung unang findings tapos naging autism din? Natatakot po kasi ako. My son isa 1.9 y/o
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3212
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: autism spectrum disorder
« Reply #220 on: June 21, 2017, 12:20:10 pm »


Don't worry po agad lalo na kung wala namang nakita ang Dev Ped na clear signs ng autism. Maaari ngang communication disorder lang. Work on the advice of your DevPed on how to improve his communication. Hindi lang naman communication problem ang basehan ng pagkakaroon ng autism. If your baby does not display other signs, then there is no reason to overthink.;)
Logged
Sumali sa mga usaping pang magulang. Magtanong at magbigay ng payo dito sa Parent Chat.

Joanne Marco

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #221 on: June 26, 2017, 09:40:51 pm »

mommyjazz yun nga po mommy. ang dami niya po signs ng autism like poor eye contact. pero sabi ng devpedia too early pa daw po para sabihin na autism kasi he's just 1.9 y/o. di ko natanong ng ayos sa devpedia kasi nung sinabi nyang may disorder anak ko parang di ako agad nkareact kasi super gulat ko.
Logged

winstedt man

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
    • https://www.winstedt.edu.sg/
Re: autism spectrum disorder
« Reply #222 on: September 04, 2017, 07:39:49 pm »

My son has improved a lot from our last assessment. Notable improvement talaga is on his speech, he started to talk at 3yrs 6mos. Though delayed pa din (according to dra ang level niya pang 4yo, heís 4yrs 9mos na).


Good to hear that, canyou tell me what types of interventions were there used and, also, in English, I'm sorry I cannot speak Ph., nor mixed, where was the clinic / surgery / the doctor?

Thanks and much blessing to you!
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3212
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: autism spectrum disorder
« Reply #223 on: September 29, 2017, 08:05:18 pm »

Logged
Sumali sa mga usaping pang magulang. Magtanong at magbigay ng payo dito sa Parent Chat.

Jennifer Atienza

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
ASD
« Reply #224 on: October 10, 2017, 09:41:43 am »

Hi guys! Do you have a child with ASD?
Logged
Pages: 1 ... 13 14 [15] 16