Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 ... 7 8 [9] 10 11 ... 16

Author Topic: autism spectrum disorder  (Read 172007 times)

riddermark

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 590
  • back to my old name
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #120 on: February 08, 2012, 06:49:48 pm »

^sis you can find the directory at autismpinoy.com

now for mommies out there living in the PROVINCE...
I have a question about therapy clinics/centers. we all know that this business is rising fast, parang kabute rin minsan. do clinics in your area have certified and legitimate therapists? if OT talagang registered OT ang nagtetherapy sa kids nyo? or si owner lang ang OT and he/she trains people to do the job?

this should be one factor we need to be keen about. i am planning to relocate in the province and this might be my problem. limited resources in terms of therapies. we dont have speech there, that's for one. but at least for OT sana, licensed naman ang magtreat/therapy diba? the same lang naman ang bayad. i heard parehas lang yung cost per session sa province namin at dito sa therapy namin sa manila. but the reason we're planning to relocate is financial.

sana naman we get good service at hindi lang pera pera sa kanila.

your inputs please?
Logged
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
God created little boys for He knew that there should be lots of love and happiness added to a family.

nicole03

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 63
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #121 on: February 13, 2012, 06:13:58 pm »

Mga mommies need your help please, medyo mahaba kwento ko para detailed:

I have an 18 month old baby girl that have I some concerns about, that things that im worrying about are:
1. she points but only to things that her pointer finger can touch like if i ask where's the fish she'll point to our frame na may fish and elephant sa figurin namin na elephant, pati sa mga books she can point to some shapes and moon when asked, but for far objects as to where's the light or the plane anything na hindi maabot ng kamay niya she wouldn't point
2. She only knows certain words and hnd pa ganon ka clear here are some star (pronounce as istar, umbla (umbrella), bu (blue), duck (same), TV, da (daddy), sometimes ba (bubbles), minsan naman she can say these words zebra, teeth, flower mostly sight reading
3. she flaps her arm when excited or frustated
4. ayaw sumama sa ibang relatives but napapatawa naman nila si baby basta wag lang siyang bubuhatin
5. trid to her her body parts but she's really not interested

Here are the things naman that she can do:
1. responds to her name, may times na hindi but very seldom and I know alam niyang tinatawag ko siya kasi pag sinasabi ko na "bye bye na" tatakbo siya agad sa akin
2. has good eye contact looks to me when im singing to her
3. she smiles when she look at the mirror and makes some other facial expressions
4. if she wants someting like milk, toy, book basta w/n her reach she'll give it to me if hindi naman niya abot she make some gesture look at the object then she will at me and back to that object
5. i recently intoduces flash cards and introduced to her the phonics, pronunciation ng letter like a is pronounce as "a" b is for "ba", when i showed her the card and ask her how do you pronounced it she says it correctly naman, i introduced 5 letters at a time
6. loves to bring me toys and books, she goes to me if she needs help like hindi niya mapaghiwalay yung lego pieces
7. pretend play okay naman, when i said lets play horse sakay siya sa likod ko, mahilig magpa slide sa legs ko, gusto din i bounce siya, minsan kiniss niya stuff toy, then yung toy cup tinuruan ko magpretend play nun minsan kunin niya yung cup then subo niya sa akin, then if meron siyang anythinh that looks like a stick and tupperware gawin niyang drum yun
8. knows how to play toys corretly like her xylophone, shape sorter, stacking cups and rings, piano, other musical toys, hindi niya sinusubo toys niya, does not line up toys din
9. knows simple commands like, stand up, no, mine (anyhting na hawak niya or naihulof niya ibinibigay niya sa akin), get your bubbles (toy bubbles), minsan get your shoes
10. may logic naman siya like she uses the comb to comb her hair, toothbrush pang clean ng teeth niya then if gusto niya lumabas she'll me her shoe then pag isang pair lang pinapakuha ko yung isa kinukuha naman then siya na din nagtataas ng paa niya pag isusuot na yung shoes
11. i can say naman na she likes children kasi may katabi kaming school palaging gusto ni baby nakatingin dun especially pag flag ceremony nakikisayaw pa siya saka nag wawave din siya sa mga bata at nagclap pa sa kanila, may isan din bata din nilalaro siya ng peekaboo natutuwa naman si baby
12. no violent tantrums is may tantrum man siya always alam ko gusto niya at bakit nagtatantrum siya
13. not a picky eater magana kumain
14. can imitate certain actions on songs and imitate children when thery'r dancing

nagpunta kami kanina sa development pedia kay dra agnes falcotelo, and hindi masyado nakipag cooperate si baby ewan ko maybe because hindi kasi complete yung tulog niya, kinda fidgety si baby inconsistent siya pag tinatwag ni dra, as usual she was asked where's the light nad inexplain ko na ganon nga si baby but she said dapat daw alam niya yun pointing to books like shapes hindi daw yun considered na pointing, ganon ba talaga yun?
then she give some toy block kay baby pag sinasabi ni dra na mine hindi binibigay ni baby but pag ako ang nagsabi bigay niya agad sa akin, then un sa bi ni dra pinipili lang ni baby yung tao

before she waves when someone said goodbye but lately lang ayaw niya na and worried din dun si dra but weird thing was when we arrived hom and nagbye yung katulong namin kay baby nag byebye din si baby, hindi din kinonsider ni dra na interested si baby with other children kasi daw dapat daw si baby ang lalapit sa bata para makipaglaro but isn't she too young pa to do that and with her age mostly parallel play pa lang diba?

observation ko lang ang liit ng office hindi child friendly, kung hindi pa naglabas ng toys si dra hindi titigil sa pagliligalig si baby, she didn't label my duaghter yet but advice to undergo OT which im very willing to do so naman, but medyo confuse ako or in denial lang kasi sobrang baba ng marks ni baby and the assestment didn't even last an hour locomotor skills lang ni baby and pumasa the rest hindi here are the results: prsonal and social: 9 months, hearing and speech: 6 mon, eye and hand coordination: 10 mon, non verbal performance: 10 mon

the OT is for 2 a weeks for 3 months then ibalik daw namin sa kanya after 3 months then saka na siya maglalabel but sa akin lang isn't 3 months enough para magimprove in all areas si baby kasi for sure for the first few days of theraphy hindi siya makikipag cooperate nun im afraid pag balik namin baka hindi nanaman mag cooperate si baby and ilabel na siya kaagad

please help mga mommies naguguluhan na talaga ako I hope you guys can enlighten me. Thanks!
Logged

ELENRN

  • Newbie
  • *
  • Posts: 20
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #122 on: February 13, 2012, 09:13:50 pm »

@ Mommy nicole03

Ganyan din po ang son ko. He was 21 mos. nun ma evaluate ng DevPed. Early Intervention for 6 mos. ang
ni recommend sa amin, then ibinalik po sa DevPed after 6 mos. Ngayon po malaki na ang improvement
ng son ko pero tinuloy na rin po namin ipasok siya sa SPED. Communication Disorder ang diagnosis sa kanya.
As of now ang dami na niya nasasabi na words pati po behavior malaki na rin ang improvement. Tuloy mo lang yun OT niya mommy and show your loving support. God bless you and your child. :)
Logged

nicole03

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 63
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #123 on: February 13, 2012, 10:56:34 pm »

Thanks poh mommy ELENRN! I'll be scouting for therapy center tomorrow and hopefully magimprove ang language niya. Ask ko lang poh kung what specifically ang symptoms ng communication disorder? And after ilang months of therapy did you see improvements on your baby? Thanks!
Logged

ELENRN

  • Newbie
  • *
  • Posts: 20
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #124 on: February 14, 2012, 12:05:48 am »

@ Mommy nicole03

    Actually wala po sinabi sa akin ang Dev Ped kung anong Symptoms. Based lang po sa evaluation konti lang ang
alam na words ng son ko at his age, at saka hindi po talaga siya gaanong nag sasalita kumpara sa mga ka age niya na bata. Kahit sumusunod siya at nakakaintindi may developmental delay po talagang nakita sa anak ko. Mga 2mos.
nakitaan ko na siya ng improvements and mabilis siya naka adapt sa school. Sabi ng Devped may factor din daw po ang environment kaya speech delayed ang son ko.
Logged

nicole03

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 63
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #125 on: February 14, 2012, 12:20:06 am »

what poh yung mga activities sa OT? and hindi kasama ang parent sa loob right? Kasi if ganon for sure the first few days ng therapy baka magiiyak lang baby ko but sana nga din mabilis siyang maka adapt, im worried lang na 3 months of OT wll not be enough and madiagnose agad si baby ng iba, ang hirap kasi in some aspects she's normal nauutusan and sociable yun lang talaga pointing and language sobrang delayed.... :'(
Logged

ELENRN

  • Newbie
  • *
  • Posts: 20
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #126 on: February 15, 2012, 12:41:45 am »

Sa case ng son ko, since nag improve siya sa Early Intervention kung saan SPED Teachers ang nag hahandle,hindi na
po siya pinag OT ng DevPed niya. Pinatuloy na lang po yun SPED Class niya 3x a week tapos nag add lang po yun school ng program na kelengan sa kanya. During his session hindi po ako kasama sa loob. Nun una umiiyak din yun anak ko kasi hindi niya type yun isang teacher niya, pero nun nagtagal nka adapt din. Ang alam ko after 3mos. na mag OT ang anak mo, ibabalik siya sa DevPed pero itutuloy din ang OT niya for another 3mos hanggang sa mag improve siya. Hindi kaagad nagbibigay ng label si Dra.Falcotelo and ang feedback sa kanya is magaling siya. I know how you feel mommy, ganyan din ako noon. Pag nag OT si baby mo im sure malaki ang improvement niya. Dont worry.
Logged

nicole03

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 63
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #127 on: February 15, 2012, 10:53:08 am »

thank you sis sa pagreply, nakahanap na me ng OT start na si baby tomorrow, kanina lang yung evaluation kay baby as usual mega iyak nanaman si baby, based sa OT wala pa daw 2 secs eye contact niya, incosistent then sa name response, though nakikicooperate naman yung baby ko sa activity pansin ng OT ayaw ni baby na madaming verbal command, she told me medyo matagal daw aabutin ng therapy but it still depends on how magrerespond si baby though nakwento din niya na madami din naman silang students na kagaya niya but after the theraphy naging mainstream na, good thing lang kay baby hindi naman siya nananakit, iyak lang talaga siya ng iyak, ginawa ko ng 3x a week OT niya instead of 2 then starting march 4x a week na, thanks again hopefully next post ko may improvement na kay baby
Logged

riddermark

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 590
  • back to my old name
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #128 on: February 16, 2012, 04:16:54 pm »

hi mommy nicole. you are so keen about your child's development and it is a very good thing. i realized just now upon reading your post how i was so lax in teaching them skills. i am a working mom and i rely on the yayas most of the time.  i think i can relate to you and help you. first, because we have the same doctor. second, the skills you thought your baby have, half of them can be seen in mine. 

my eldest was then 2yo when we first saw doctora. i was so clueless of symptoms of autism. i thought his speech delay was the only problem. turned out he was a year and a half delayed in most aspects except gross motor skills. it was a little obvious for me that my son have developmental delays. we were told to undergo OT 2x/week with diagnosis of speech delay, and went back after 3 months. unlucky my son didnt do well in his therapy. that's when doctora labeled him with autism. and so our journey began.

my second/youngest son is different from my eldest. he is more sociable and pa-bibo. i had high hopes he'd do well compared to his kuya. sadly, at age 2 he doesnt have words with meaning yet. your son can do a lot of things compared to my youngest. i sometimes blame it on less interaction at home. despite the "strengths" i pointed out to doctora, in general, we failed her tests. Automatic she said he's in the spectrum as well. That's because there's already one in the family. the good news i hear lang is she has high hopes because my youngest seem to be in the lighter shade of the spectrum. he has better response compare ke kuya na deadma talaga. but in general, failed talaga lahat ng tests. he couldnt identify the things or follow what she asked.

much as i want to bombard them with therapies, we cannot because of financial constraint.

BTW, mommy elenrn, didnt your school ask for the doctor's approval for your son to be enrolled in SPED? doctora didnt approve of such kasi for my eldest. she said we concentrate on therapies alone for now. my eldest is now 3yo. he undergoes OT and SPEECH and an experimental ABA until we discover which one works for him, we will let go of 1 therapy.

sa bunso, it's OT for now.

Logged
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
God created little boys for He knew that there should be lots of love and happiness added to a family.

riddermark

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 590
  • back to my old name
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #129 on: February 16, 2012, 04:26:35 pm »

many moms here say doctora is good. si therapist lang ang kumukontra before saying my son is ok naman delayed lang. but now i believe more kay doctora. she may have high standards or follows what is said in the book but she has better understanding and grasp when it comes to developmental concerns of our child/ren.

let's exchange notes, mommy.

just my two cents ... our clinic followed what is suggested by the doctor ... which is OT 2x a week. SOP nila yon. can your clinic arrange a different setting? magiging OK kaya ke baby yun? i dont know ha. di kaya si doctora ang may better say?

i was telling doctora im willing to put my son kahit sa play school or salimpusa basta me makasama lang kids (wala kids sa bahay). she strongly said NO kasi andami nang therapies for my son and it is best for him to focus on his behavior daw. ito ang dilemma ko talaga ngayon.
Logged
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
God created little boys for He knew that there should be lots of love and happiness added to a family.

nicole03

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 63
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #130 on: February 16, 2012, 09:35:47 pm »

@ sis riddermark: im glad pareho pala tayo ng dev ped, hope you don't mind if i ask you some questions in the future, 1st day ng therapy ni baby kanina, im expecting na hindi makikipagcooperate si baby since im not allowed inside the room and baka umiyak lang siya, to my surprised nagawa ni baby umupo sa chair the whole session doing the activities considering na yesterday during the assestment eh ayaw umupo ni baby at iyak lang ng iyak, sabi ni OT fake ang iyak ni baby walang naman luha parang nagpapaawa ang dating, maybe because napansin din ni baby na wala ako sa room then after the session pinapasok ako sa room biglang tumakbo sa akin si baby saka umiyak ng malakas na parang nagsusumbong but as per OT's advised deadma ko na lang kasi masyado ko naman itotolerate ang pagbababy sa kanya. For me its already an accomplishment kasi sa bahay hindi ko siya mapaupo ng ganon katagal sana magcontinue na din siya magimprove

sis i also ask dra folcotelo if i can also enroll my baby sa toddler class, i found a non formal class for toddlers here sa place namin but same as what she told you ayaw din niya magfocus na lang daw muna sa theraphy then saka na lang daw yun, but like you sis im also thinking pano nga naman siya makakapag socialize if therapy lang iba pa din kasi if she's learning with other children yun din naman kasi ang magiging setup pag nagschool na siya, but anyways i'll wait for the results of the OT and our next check she's too young pa din naman maybe when she turned 2 and if nagbebehave na talaga siya

hindi naman strict when it comes to number of sessions yung clinic ni baby, im the one who ask them to make it 3x a week kasi for me lang ha nakukulangan talaga ako sa 2x a week, wouldn't be better if more often yung therapy para mas mapractice? pag summer sa kanila everyday na ang theraphy mon to thurs for 5 weeks, yung iba ko din nababasa though sa states naman yun combination ng different therapies umaabot pa nga ng 20hrs per week

sis let me know if effective yung ABA i've read na mas effective daw yun, and btw when did dra advised your eldest son to undergo speech theraphy? thanks in advance!
Logged

mami che

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 435
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #131 on: February 17, 2012, 06:31:03 am »

@ Sis riddermark, ano age gap ng 2 kids mo? My kid (3yrs old) has ASD din then may baby din ako na 1.2years old. But he's very different din with his kuya. Sobrang bibo, harot & sociable tong baby ko but hindi ko pa rin inaalis sa akin yung "possibility"  :'(  kaya napaparanoid ako minsan  :o

My kid is taking ABA and OT. Sobrang effective sa son ko yung ABA coz he can utter words he wants na (though dapat idecipher  yung iba ;D) depende din sa therapist siguro... kasi naghanap c teacher (owner ng therapy center) kung kaninong therapist mas magrerespond yung kid ko... Dati kasi, di responsive anak ko sa mga activities but now, malaki na improvement niya nung nagbago sya ng therapist.  Saka tinatry try din ng therapist na isali sa group class para matest kung puwede na pumasok sa school... Pero di pa masyado. Need to correct muna the behaviour para mas maging effective sya sa class...
Logged
"Of all the rights of women, the greatest is to be a mother..."

ELENRN

  • Newbie
  • *
  • Posts: 20
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #132 on: February 18, 2012, 11:48:41 pm »

@ mommy riddermark

Sa case po ng son ko, may coordination po yun DevPed at yun school. Every time na may check up ang son ko sa DevPed kasama po ang school head dala yun progress report ng son ko. Kaya direct agad sa teacher na sasabihin ng DevPed kung saan areas dapat tutukan ang son ko. Lahat po ng activities ng son ko ay recommended ni DevPed.


Logged

riddermark

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 590
  • back to my old name
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #133 on: February 21, 2012, 04:11:09 pm »

@mommy elenrn - that's good! nag wonder lang ako because you started with SPED. maybe because your son is improving fast kaya nirecommend ni dr?  iba-iba approach ng mga dev peds, i thought kasi OT is the first intervention. now i'm enlightened.

@ mami che - 1yr 4 mos gap ng age nila. with out last visit kay dra, i asked her what's the difference between OT and ABA. actually daw parang magkalaban sila (in my own words na). different approach. so what we'll do ... we'll see which works best for my son. so patatagalin pa namin ng konti ang ABA kasi sa ngayon we can't determine yet. mga 1yr of ABA daw.   doble gastos!

i havent seen the actual OT sessions (except the 1st assessment) but i think my son follows teacher who shows authority and that's OT teacher. with ABA he wouldnt follow kung walang "reward" which sometimes appears as bribery na.  that's for now ha. mag experiment pa kami.

si OT ang magsasabi if baby is ready for speech. he will make a recommendation to be shown ke dra. then dra will write it in the profile/assessment which will be shown naman sa SP (speech pathologist).

but mommies, i'd want my son to socialize sana sa school setting. im torn - follow an experienced doctor or sarili ko.



« Last Edit: February 21, 2012, 04:13:02 pm by riddermark »
Logged
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
God created little boys for He knew that there should be lots of love and happiness added to a family.

dhoodz

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
    • View Profile
Re: autism spectrum disorder
« Reply #134 on: February 23, 2012, 04:51:58 pm »

My son was 1.5 y/o when i noticed he could not still talk, my pedia told me na parang its ok  kc boy naman daw sya pag boy kc medyo delayed daw un development.. Pero nung 2 y/o na sya pinatingnan ko sya sa 3 dev ped with in a month.. ngshopping talaga ako ng dev ped.. so sa pangatlong dev ped na i have to stop denying and start yung therepies niya. 2 out 3 dev ped recommended OT first. yung isa recomend niya e ABA..  I did all what the dev ped told me OT (2x a week @therabilities) and ABA (daily @shine intervention).  He even had OMT at shine din cz lagi sya ng vovomit and for his speech din. At inenroll ko sya dun sa traditional prep school na malapit sa bahay namin not so high end pero pang saling pusa lang  for socialization..

He is now 4y/o.. he has OT and Speech @ therabilities (both 2x a week) and he goes to school @ lincolnshire, nursery na sya dun.. He is has improved a lot though d pa talaga sya nakikipag-usap ng husto.. Nasasabi lang niya yung gusto niya, he can takecare of himself na rin kaya parang feeling ko delayed na lang talaga sya sa speech.. Nakausap ko naman din yung SPED teacher niya sabi niya ngsasalita naman daw sya dun sa school like requesting for things etc..

Grabe ang gastos it's like 40k a month, buti na lang I have loving sisters who are helping me out financially. I am a working mom too, laging zero yung bank account. ko sa gastos.. but i don't mind as long as i see my son getting better everyday nawawala yung pagod ko..




Logged
Pages: 1 ... 7 8 [9] 10 11 ... 16