Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 ... 8 9 [10] 11 12

Author Topic: Share your bitchy moments with your IL's  (Read 74824 times)

Shey♥Bry

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 131
  • • Happily Married• Proud Mommy •
    • View Profile
Re: Share your bitchy moments with your IL's
« Reply #135 on: October 22, 2011, 11:58:49 am »

Nakakaloka magbasa  ::)


So far, ok naman ang relationship namin ng FIL ko.. He's 72 years old and pure chinese siya.. Akala ko noon, sobrang strict ng mga chinese at kapag chinese ka eh gusto nila chinese din ang mapapangasawa ng anak nila.. Buti at hindi ganun ang ugali ng FIL ko. Minsan tinatanong ko si Hubby kung may sinasabi ba sakin Dad niya, wala daw, nangangamusta lang. Lagi kasi yun nangangamusta kung ok lang daw ba kami.. Nakakatuwa nga dad ni Hubby eh, kasi nung nag uumpisa palang kami magsama, suportado na niya kami lalo na when it comes to financial..

Ang kakaiba lang sa Dad niya eh, sobrang mapamahiin, hehe. pero tinatawanan nalang namin ni hubby (kahit pure chinese din si hubby, minsan di siya naniniwala sa daddy niya hahahh ) . Ultimo , kung saan nakapwesto yung pintuan eh papansinin niya heheh. Nag re-rent kasi kami ng house dati, tapos bilin niya kay hubby dapat daw yung pintuan eh nasa left. (feng Sui) hehe. Eh sabi nalang namin eh wala kaming magagawa kung nasa right ang pintuan . Tapos yung mga pintuan ng mga rooms eh magkakatapat, tinanong kami kung nag aaway daw ba kami, sabi namin minsan oo, tapos sabi ni daddy, kasi daw magkatapat yung mga pintuan namin hehe..  Hindi naman ako naiirita pag ganun ang FIL ko, kasi alam ko concern lang siya samin :)
Logged
Wife and Mom

thirdysmom

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 315
  • sinung babae mo, ha?!!
    • View Profile
    • peek-a-boo!
Re: Share your bitchy moments with your IL's
« Reply #136 on: October 25, 2011, 11:23:10 pm »

this happened about a month ago. FIL came home from Qatar because his Dad (hubby's lolo) passed away. MIL, despite the fact na "hiwalay" na ang setup nila appeared at the wake trying to settle things with FIL.to cut the long story short, nagkabati sina ILs.so playing nice si MIL.FIL then asked my hubby to bring all his pasalubong out so he can divide it EQUALLY kina MIL and my SILs at saka sa aming mag-anak. While dividing the chocolates MIL suddenly said "ay ayoko niyang isang yan" sabay tapon ng isang pack ng choco-peanut butter cups sa side namin at KINUHA yung plain milk choco bars na fave ni hubby right in front of me. FIL told her "e di yan ang ipamigay mo sa mga pamangkin mo dun" pero parang batang nakipagpilitan si MIL. I am no chocolate person, but the fact that she acted like a 7 year old girl arguing which chocolate brand and type should she get is very irritating. How immature para makipagkumpetensya pa sya sa anak niya (na asawa ko) to get it. Sa pikon ko I told them "ok lang po Pa, sige Ma, iuwi mo na yang lahat ng chocolate na yan. Nobody wants sweets in this house anyway". Tapos si FIL na yung nahiya at sya nagdecide kung ano lang ang dapat makuha ni MIL. Found out that next day away sila ulit. Immaturity kills!
Logged
To the world you might just be one person, but to one person you might be the world
thirdysmom.blogspot.com

ea_brea

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 408
  • don't be afraid to dream a little bigger, darling
    • View Profile
    • La Mer de Reve
Re: Share your bitchy moments with your IL's
« Reply #137 on: October 26, 2011, 11:26:28 am »

grabe, makipag agawan ba ng chocolates! nakakaloka at nakakapikon yan ha. to think hindi naman siya talaga dapat kasama sa hatian. parang ngayon lang nakakita ng chocolates yang MIL mo.

mommyonsale

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 150
    • View Profile
Re: Share your bitchy moments with your IL's
« Reply #138 on: October 28, 2011, 03:40:27 am »

MIL ko nung simula na nalaman nila buntis ako hindi kami in good terms... Ngaun civil pakikisama ko sa kanya kahit sa SIL ko sa FIL ko ok naman... Habang kinukwento ko ito ngaun inis at bwisit ako sa MIL at SIL ko... I'm pregnant for my second son... Kaninang 9pm nagpaalam c hubby na bababa daw siya kasi may bisita nag ask ako y ka kumuha ng barya maglalaro daw sila sa baba ng cards para ientertain daw yung bisita named Jessica... Grabe gusto ko sana siya sigawan kaso pinigilan ko sarili ko dahil pregnant nga ako... Entertain bisita maglalaro ng TONG IT??? though i know si MIL TONG ITERA talaga... gabi gabi yan himala kapag namintisan ang gabi na di siya naglaro though i like kasi wala siya sa bahay and peaceful ako... kaso ngaun c hubby ko ang kalaro baka walang makalaban sa pag totong it niya kaso nabubwisit ako kasi i'm not that kind e ayoko makita ng anak ko na nagsusugal yung tatay niya e alam na nga nung bata na yung TONG IT e playing cards e... kainis BI... Ganitong oras di pa sila tapos 3:30 na.. sabi ni hubby hanggang 11pm lang daw yung bisita at uuwi na aba anong petsa na at nakaupo pa rin sila mag ina... Naku gusto ko na talaga babain eh kaso kapag umeksena ako dun malamang na talk of the town ako dahil xempre di pwede mawala ang chismis na malamang sasabihin ni MIL ako naman kalaro ng asawa mo blah blah blah... na kesyo di si hubby ang napahiya sa bisita kundi sya... once lang naman nangyari un ... kaso yung mga ganung bagay ayaw na ayaw ko buti kung sana laro lang talaga no money involve kaso meron e meaning SUGAL na un diba??? hay... Tagal ko na binalak bumukod kaso nagtitiis lang ako gawa ng si hubby di pa kayang tumayo sa sarili.. i admit di pa niya talaga kaya.. Kasi ilang beses na niya sinasabi sa akin na OO bubukod na tau.. binigyan pa niya ako ng deadline na hanggang sa 2nd birthday ng anak namin kaso ngaun mag aapat na taon na anak namin at magdadalwa pa dahil i'm pregnant nga... Sukang suka na ko sa pakikisama sa kanila (SIL at MIL).. Lam nyo ba last month lang napakababaw na dahilan, ng dahil lang sa hanger napikon talaga ako... Paano ba naman mga sis naglaba kami ni hubby so ngaun need namin ng hanger e naglaba sila SIL at MIL the day before na naglaba kami so may sinampay sila... Pinagtatanggal na sa sampayan ni SIL so i tot na kami na ang gagamit nun aba nung magsasampay na kami e sabi ba naman basa pa daw yung mga damit... so sabi ni hubby e nagtatago ka kasi ng hanger sa cabinet mo e kaya nagkukulang e aba sabi ni SIL natural para sa mga damit na pang alis ko un e.. mga sis katatapos lang nila maglaba meaning yung mga nakatago niya excess na un kasi nakahanger pa nga yung mga damit nila e... Ah sa pikon ko sa kapitbahay ako nanghiram ng hanger pero relative din naman na alam ang ugali ni SIL...

Sa isip isip ko nga ano ba lasa ng hanger masarap ba dahil sa sobrang pagdadamot niya siguro masarap yung hanger... hihi... hayyy... Maraming sitwasyon ako na nega kaso ito na muna...

ang suswerte ng mga in good terms sa mga in laws... though civil ako pakikisama ko sa MIL ko may times pa din na di talaga ganun kaganda ang pagsasama namin... Dami ko pa kwento sa susunod...
Logged

thirdysmom

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 315
  • sinung babae mo, ha?!!
    • View Profile
    • peek-a-boo!
Re: Share your bitchy moments with your IL's
« Reply #139 on: October 28, 2011, 08:54:59 pm »

grabe, makipag agawan ba ng chocolates! nakakaloka at nakakapikon yan ha. to think hindi naman siya talaga dapat kasama sa hatian. parang ngayon lang nakakita ng chocolates yang MIL mo.


i know right, sis. parang bata lang! ayaw nagpapagulang. kahit mga SIL ko may ganung attitude. sa akin naman ok lang magshare. wag lang garapal mang-agaw. nakakabastos na kasi minsan. sa house pa namin nangyari yang eksena na yan ha? nakakaloka! hehe  ;D
Logged
To the world you might just be one person, but to one person you might be the world
thirdysmom.blogspot.com

happymama

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 113
    • View Profile
Re: Share your bitchy moments with your IL's
« Reply #140 on: November 25, 2011, 02:52:04 pm »

Joining

kung nabasa nyo mga post ko, lagi kung sinasabi dito na
Ma swerte ako pag dating sa mga in laws.

Pero nung nalaman ko na sil and girl bilas, backfight me.
Actualy ang babaw, dahil lang sa inggit,

MIL bought a phone galaxy s2, and gave it to me, birthday
and xmas gift daw,

Ito naman si sil gawagawa ng issue at tinatawag na
akong madam, para daw aking langaw na naka patong
sa kalabaw ang sakit ha, though its nit true.

Nung nalaman ko na mga inggetira at chesmosa sila
lagi ko sila ina asar kasi alam ki na suma sakit ang dibdib nila
kung may mga bago ako.
Logged

ishko

  • Newbie
  • *
  • Posts: 28
    • View Profile
Re: Share your bitchy moments with your IL's
« Reply #141 on: December 12, 2011, 04:22:58 pm »

the best ang MIL ko sa lahat.. why? she invited hubby and I to live with them kasi solong anak si hubby and since I am pregnant then. First, she told hubby na kami babayad ng lahat ng bills (water, electricity, cable, telephone, internet, etc.) Sabi ko ayoko. (Kaya pala kami papatirahin para makatipid siya at kami ang magbabayad ng bills)  :o

Then, later magrent kami ni hubby, sabi ko kasi hindi ko siya kayang kasama sa bahay.. she offered her house, kami na daw tumira at ang monthly rent namin ay P6,000. Kaloka! Btw, they have 3 houses, kung sino sino lang naman ang pinapatira niya dun.

Meron pa bang tatalo kay MIL??  >:( 
Logged

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 139
  • ♫But as for me & my house, we will serve the Lord♫
    • View Profile
Re: Share your bitchy moments with your IL's
« Reply #142 on: December 21, 2011, 08:47:54 pm »

Joining din..

Recently lang nakipag sagutan na din ako ng text sa MIL ko, may post po ako tungkol sa nangyari.
Dati rati pag pinaparinggan niya ako sa text or tinitira niya ako sa text lalo na nung nasa mandaluyong pa kami nakatira kahit wala akong alam eh nagsosorry lang ako. "Ayo sorry po, ano po bang nangyari?" "Ay sorry po diko nasagot call nyo kasi kakauwi ko lang po galing work." Super apologetic ako kahit wala akong idea bakit.

Out of nowhere bigla nalang niya akong tinext na masamang manugang daw ako, maarte, to think na wala naman akong alam sa usapan nila ng husband ko nung nagdaan araw na niyaya niya (MIL) kaming pumasyal sa kanila. Sana manlang yung asawa ko ang inaway niya dahil sila ang magkausap nung nagpunta yung husband ko sa kanila para magbigay ng pera.

So nireplayan ko sya ng maayos, grabe naman ho kayo magsalita, wala naman ho akong alam sa usapan nyo ni _______ (hubby) na dapat pala kaming pumunta dyan.

tapos nagreply sya (MIL), grabe na kung grabe, masama kang manugang, wala kang modo. Partida wala pa akong ginagawa wala na akong modo, pano pa kung may ginawa na ako?

Sa sobrang inis ko na ang pinagsama samang sama ng loob, kasi yung araw na yon, death anniversary ng mama ko, sa halip na magpunta kami ng cemetery, nag mall nalang kami para di ako masyado malungkot at ALAM ng MIL ko na anniversary yun ni mama. Tapos tinext niya ako ng ganon, so nireplayan ko sya, "Alam nyo ho, ang liit liit na bagay pinalalaki nyo, grow up."

Baka kasi ineexpect niya magrereply ako na parang takot na takot sa kanya eh. Sinisindak niya kasi ako lagi, dinadaan niya ako lagi sa mainit ulo niya, galit sya, nanay sya ng asawa ko. Yan lagi nyang ginagawa eh, sinisindak niya ako lagi. Umpisa palang. kaya after nung ttext ko, di na sya nagreply. After nun, tinext din sya ng husband ko. Grabe. Buoong buhay ko umiiwas ako lagi sa gulo, tahimik ang buhay ko, simpleng tao lang ako. She brought out the worst in me. Well, almost  ;D
Logged

sarsi

  • Newbie
  • *
  • Posts: 25
    • View Profile
Re: Share your bitchy moments with your IL's
« Reply #143 on: March 27, 2012, 07:02:53 am »

Nung una natatawa ako while reading this thread,  pero towards the end nalungkot ako.kasi di ba, our in laws are supposed to be our parents na din? pero it just goes to show na madami talagang in laws na stranger, intruder and kontrabida pa ang tingin sa daughter/son in law nila.. isa na ako dun.. hindi din maganda ang pakitungo sa akin ng father in law ko.. i just dont let him ruin my every day, i always shut the door behind him, i decided not to mind anything he says about me, and i always tell myself the only  people that matter to me are those who care for me and my family, yun lang! kung ma bad trip sila sa ken, care ko

happymama

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 113
    • View Profile
Re: Share your bitchy moments with your IL's
« Reply #144 on: March 27, 2012, 10:23:25 pm »

buhay pa pala tong thread nato

anyway, gusto ko lang na mag vent ng galit at sama ng loob sa hilaw kong (BIL)  sa asawa niya, at sa buong angkan
ng asawa niya.

napaka unfair kasi na pag bintangan nila ako ng basta basta, mag sisigaw sa harap ko, habang may maraming  tao.

sa ginawa niyang yun sakin (BIL) hindi ako nasasaktan, more on galit at pag hhihiganti, pinag pi pyestahan nila ako

every afternoon pupunta dito sa house yung hilaw kung (BIL)  at mag sasalita ng kung ano ano tuungkol sakin,

hanggang sa na ubos na ang pasensya ko, sinagot sagot ko na sya, pero never kung pinag sisihan yun, alam ko

masakit na salita ang binitawan ko, pero una niya akong sinaktan, una niya akong binastos.

pinag tanggol ko lang ang sarili ko, ginawa ko kung ano ang dapat, pinag tutulungan nila ako, pero never akong

na takot, lalo akong na gising na kilangan kung lumaban pa, dahil marami sila at nag iisa lang ako.

ito lang yun, if they hurt me, doble doble pa ang i bibigay ko sa kanila.

galit na galit na galit ako sa kanila, wala silang karapatan. >:( >:( >:( >:( >:(

pasensya na po sobrang haba.

Logged

tashasabs

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 284
  • 타사 ❤
    • View Profile
Re: Share your bitchy moments with your IL's
« Reply #145 on: April 30, 2012, 12:35:38 am »

I turn ito a devil b***ch. No doubt about that. Nakita na ng in laws ko yan. Bastos na kung bastos pero I don't let anybody na anuhin lang ang pamilya ko. Sa dami ng napagdaanan namin noon, konting kanti lang nila sa asawa ko ay nako. They've seen my pagiging nice and malambing, and now they've also seen how b***chy I can be. It's a good and bad thing, I suppose. Pero nagiging ganyan lang naman ako kapag kailangan. Most of the time I'm polite sa kanila.  :)
Logged
Happy to be in #sabsuniverse.

hazeldust

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 85
    • View Profile
Re: Share your bitchy moments with your IL's
« Reply #146 on: May 03, 2012, 01:01:57 pm »

bakit ganun noh..ang mga mother natin mabait naman sa hubby natin pero yung mga mother nila lagi natin nakakaaway..dumaan din naman sila sa mga ganun..kung ayaw nila dapat maging civil lang sila at sila ang dapat na nakakaintindi kasi sila ang mas matanda, natural not all the things naman eh alam na natin and sila din naman ganun diba.. they act like a child..sana lang pag dating ng time mga sis wag tayong maging ganun sa magiging asawa ng ating baby..hehe
Logged

YANCY&SOPHIE'Snanay

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 218
  • I LOVE YOU NEY AND SKY...LET NO ONE HURT US.
    • View Profile
Re: Share your bitchy moments with your IL's
« Reply #147 on: May 03, 2012, 05:44:39 pm »

Baby Doll, i market natin ang MIL mo, wagi!  miracle worker pala, kayang magpaputi ng bata! hahaha!!!! dalhin natin sa Africa, specifically sa west africa...anyway, meron din akong mga irritants na maliliit, minsan pag si hubby na ang nagagalit sa family niya, sumasama din loob ko...pero, meron akong equalizzer:  my two daughters!  one look from them, one smile, one hug - tsugi ang mga negastar sa paligid hehe
Logged

je_anne

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 51
    • View Profile
Re: Share your bitchy moments with your IL's
« Reply #148 on: May 06, 2012, 09:24:01 am »

puwede din mag-rant?

ako naman i'll be having irish twins (meaning my second baby will be born before my 1st turns 1 this year). Anyway, first baby ko was a boy. Sa name pa lang ng first baby ko ang dami ng suggestion. Pero before he was born, nagkausap na kami ng hubby ko ng name. So di kami nagka-problem.

Ngayon, preggers na naman ako..di pa alam ang gender. Pero nagulat na lang ako one time, nagsabi yung yaya ng anak ko na ang gusto ng MIL ko, name daw niya. Nainis lang talaga ako.

Na-confirm ko din, kc habang nanonood kami TV or I think dinner ata un, nag-comment yung FIL ko naman na kapag babae name daw ng MIL ko. Di pa kami usap ni hubby about that pero definitely it won't be her name by hook or by crook. parang gusto ko sabihan na, san ipinangalan mo sa anak mo ang name mo at hindi sa anak ko!!! Kairita lang talaga.
Logged

syndyela

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 268
  • Happy to relate with SP moms! :)
    • View Profile
    • Soulary
Re: Share your bitchy moments with your IL's
« Reply #149 on: May 06, 2012, 12:08:23 pm »

@ je anne: wow, parang MIL mo lang ang manganganak ah, siya ang gustong mamili ng pangalan! hehe.

Eto, share ko lang conversation namin ni MIL kanina:

MIL: Alam mo ba ang daming nag-like sa photo ni (daughter ko) na inupload ko sa FB!  Cute na cute sila sa picture!
Me:  Ah talaga po, wow naman :)
MIL: Hindi ko na nga pinost yung iba e.  Siguro kung ipost ko pa yung ibang picture at videos ni (daughter ko), makyutkyutan din sila dun!
Me: (just smiled.  pero sa loob loob ko, gusto kong isagot, "e bakit di mo ipost?!")

Ganun un eh, pinipili lang niya yung mga photos na gusto niya ipost sa fb.  But anyway, hindi na ako nagpaka-b*tchy, sa mga ganung cases, natutunan ko nalang na wag silang pansinin at patulan.  Iniisip ko nalang na seniors na sila kaya ganun sila. hehe.

Logged
Pages: 1 ... 8 9 [10] 11 12