Parent Chat

  • December 15, 2018, 01:28:59 am
  • Welcome, Guest
Advanced search  

News:

Which Kind of Pinay Mom Are You? Take this quiz and find out!

Pages: [1] 2 3

Author Topic: Anak ko muntik nang mawala???!!  (Read 40590 times)

kieragarie

  • Guest
Anak ko muntik nang mawala???!!
« on: March 02, 2010, 12:18:37 am »

..Sana may makarelate share ko lang po..
...naranasan niyo na bang muntik nang nawala anak nyo???,ano ginawa niyo??ano pakiramdam??..
...waahh...kasi ako kanina muntik na nawala panganay ko sa mall,sa may grocery.naglalagay ako ng pinamili namin sa counter ng bigla na lang nahalata ko wala na yung panganay sa tabi ko..akala ko naman nasa katulong nagpunta at andun kasi si bunso,pagtingin ko wala naman pala..asks ko sa katulong,at naasar pako at walang alam sabihin pagasks ako kundi "di ko po alam,ate"...bigla akong pinagpawisan,hala sabi ko kawawa naman anak ko nasaan na kaya yun...tas isa pa tong cashier na pastarring din,tinatanong if cash or card daw..nasupladahan ko tuloy...hayz..buti na lang nakita ko rin anak ko kausap yung guard,nagsasabi na pala na nawawala siya kaso di daw maintindihan at may pagkabulol nga...naku napayakap talga ako ng mahigpit...kaya paguwi namin sa house inorient ko talaga anak ko about that incident and next time manyari(Lord wag naman na po sana,knock on the wood) ganun pa rin gagawin niya lapit lang sa guard and etong magaling kong kasambahay inorient ko rin na pag ganun dapat alerto din siya just in case ganyan dalawa lang kami kasama ng mga bata...untill now iniisip ko pa rin nanyari..tulog na ngayon mga anak ko,and habang pinagmamasdan ko sila lalo na yung panganay ko napaisip ako what if natuluyan na siyang nawala???
pasensiya na po napahaba po post ko..thanks.


Mod's note:
AYou can track and communicate with your child with this watch 

image from http://www.mapp.com.ph
Read it on Smart Parenting. Click this link:
http://www.smartparenting.com.ph/parenting/real-parenting/lj-reyes-swears-by-this-gadget-to-ease-moms-worries-a00041-20171113

Post a question about this topic or share your experience. 
Login or register to join this and other discussions! Members get a downloadable freebie upon registration or membership update.
« Last Edit: July 25, 2018, 12:09:45 am by Mommy Jazz »
Logged

☆♥♡unica hija☆♥♡

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 426
  • Joshua - the only man constant in my life
    • View Profile
Re: ANAK KO MUNTIK NANG NAWALA???!!
« Reply #1 on: March 02, 2010, 07:35:34 am »

Anak ko twice na nawala sa SM department dito sa amin sa CDO.
Mahilig kasi siya humiwalay sa akin at dumiretso so toys or books section.
Yung una, pagsunod namin ni mama sa toys section wala na siya, so mega hanap
kami. Maya maya narinig na namin name niya na lost. Punta kami sa customer service section. Ayun nandun at nagggames sa computer dun.
Yung second, dun din sa department store, nagdoon ako sa fitting room tapos si mama kasama si Josh sa labas lang ng room (pero sa loob pa din ng fitting area). Si Josh malikot as usual, panay ang labas ng fitting area. Pag labas ko ng fitting room wala na siya. Pagtanong namin sa saleslady, nandun daw sa customer service. Kaya may I run ako sa customer service station at nandun nga siya at nangingilid na ang luha. Super yakap ako sa kanya at dun lang siya umiyak.
Actually alam naman niya gagawin pag nawala siya. Alam niya address sa house, celphone number ko. At yung SM (dito kasi kami palagi), super lapit sa office namin at kilala siya dun kaya kung sakali pwede siya himingi ng help dun.
Sabi ko din wag siya sasama kahit kanino lalo na pagyayayain siya lumabas ng store. Sa akin lang at kay mama siya sasama.Kaya ngayon di ko na talaga siya hiniwalay sa paningin ko.
Logged
[move]

memejo

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 63
  • My Baby Boy at 19 weeks & 1 day
    • View Profile
Re: ANAK KO MUNTIK NANG NAWALA???!!
« Reply #2 on: June 07, 2010, 10:29:09 am »

my son is turning 1 year old sa lagi ko pang karga pero syempre if there are times na nag grocery ako minsan naiisip ko na baka may dumampot bigla e pag nawala anak ko di ko alam anong gagawin ko.i heard so many horror stories about kids being abducted take the case of jaime bulger in england he was abducted by kids also & was tortured & left dead (he was 3 years old at the time of death). iniwan ng nanay yun sa pinto ng establishment where they bought something. sa ganyan kasi mabilis ang pangyayari kaya super alert dapat.may hubby ayaw niya na magisa ako na dala ko yung bata kahit pa sa kanto yan ng street namin kasi pag magisa ka helpless ka pag may lumapit tapos agawin yung bata....dapat alert at all times & pray that your child will be protected...
Logged

iyatedi

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 54
    • View Profile
Re: ANAK KO MUNTIK NANG NAWALA???!!
« Reply #3 on: June 07, 2010, 11:51:58 am »

ako last year nangyari..we were eating out sa Jollibee sa SM..iniwan kami ng asawa to buy some stuff sa department store..di pa kami tapos kumain ng 3-yr old son ko..ng magyaya syang umihi..we were waiting sa line kasi sobrang haba tapos andaming tao..paglingon ko wala na yung anak ko..talagang pinagpawisan ako ng malamig..tinignan ko kung nasa tabi tabi sya..hindi ko makita sa dami ng tao..inalert ko agad yung guard na kung may nakitang bata palabas wag paaalisin..dalawa pa naman exit nung store..sabi nung guard baka nasa loob lang..pakitingin lang daw..inulit kong tignan..may 5-10minutes siguro akong naghanap sa loob ng store..pero for me that's too long na to find your son kasi what if kung nakalabas na..san ko sya hahanapin sa mall..at yung span of time na yun pwede ng madukot anak ko..luckily, my son was just standing beside one of the inner tables..hindi umiiyak pero gumagala ang tiningin..hinahanap ako..my instant reaction was to hug him so tight..binilin ko na wag malikot..after that incident bumili kami ng stretchable belt..so that anytime na magtatakbo sya sa mall..nakatali sya sa amin..
Logged

MissPychi

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 245
    • View Profile
Re: ANAK KO MUNTIK NANG NAWALA???!!
« Reply #4 on: June 07, 2010, 11:55:51 am »

Hi sis!  Yup, nangyari na sa akin yun.  Si unica hija ko yung muntik nang mawala.  She's 3 yrs old.

Nagpa-APE kami (family) sa Healthway Robinsons last month.  Si unica hija, iiyak-iyak kasi nga na turukan ng needle para makuhanan ng dugo.  Kaya takot na siyang pumasok sa clinic ng pedia at ng dentist para magpa-check up.  (Kasama din namin si Kuya that time.)

Yung clinic kasi ng denstist nasa bukanan lang ng lobby ng Healthway.  Nung time na niya pumasok dun sa dentist, ayaw niya at nagiiyak siya. Lumabas siya ng lobby ng healthway dun sa tabi ng guard.  Pag lingon ko, wala na siya.  Tinanong ko sa guard, di raw niya napansin, pero may batang pumasok daw sa loob.  Hinanap ko siya sa loob, wala.  Hinanap ko siya sa labas, wala rin.

Sabi ko, impossible naman biglang mawala yun at napakabilis naman tumakbo yun para sa age niya.  Kinbahan tuloy ako na baka may kumuha sa kanya.  Kasi wala naman akong naririning na batang umiiyak sa labas, baka yung kumuha sa kanya any napatikom ang bibig niya, etc...

Nung nasa point na ako na-maghysterical (kasi si guard hindi ata trained kung ano ang dapat niyang i-assist kapag ganun ang scenario, parang nataranta pa.  Hindi niya masagot ang mga tanong ko!) Si hubby lumabas na, inikot niya ang paligid ng stores na malapit sa clinic.  Ayun , nakita niya si unica hija na nakatayo at nakatingin sa display window ng 1 store dun.  Nung nakita niya yung daddy niya, sigaw lang siya "Papa!" then ngiti, if walang nangyari.  Di rin siya umiyak... di niya ata alam na nawawa na siya!

Grabe kaba ko nun.  After nung incident, nag lunch kami, at dun lang nag sink-in na pano kung nawala nga siya talaga? Dun lang ako napa-luha...  :'(

Hirap talaga.  Si unica hija ko kasi, hindi siya takot sa tao, super friendly kasi at outgoing ang personality niya... ok nga sana, mukhang napasobra naman!
Logged

malinkelly

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 111
    • View Profile
Re: ANAK KO MUNTIK NANG NAWALA???!!
« Reply #5 on: June 07, 2010, 03:15:16 pm »

noon, nawala na yung kapatid ko, that was  along time ago, grabe, sobrang alala talaga ang mommy ko noon, buti na lang nakita siiya nang mga taga-barangay...

for those moms, may tips akong nakita sa tv, kapag mamasyal sa mall or s amga public places and super bata pa nang mga anak niyo, dapat may not ang bata sa bulsa nang damit niya, na nakalagay ang name and address nang bahay, pero para mas sigurado, keep a very closed eye on your children...
Logged

liams mom

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 514
    • View Profile
Re: ANAK KO MUNTIK NANG NAWALA???!!
« Reply #6 on: June 07, 2010, 06:54:36 pm »


for those moms, may tips akong nakita sa tv, kapag mamasyal sa mall or s amga public places and super bata pa nang mga anak niyo, dapat may not ang bata sa bulsa nang damit niya, na nakalagay ang name and address nang bahay, pero para mas sigurado, keep a very closed eye on your children...
agree ako dito sis. just to be safe, pag lalabas ng house and you know na mahilig humiwalay ang kids, better na lagyan ng note  ang bata sa pocket and orient them na lumapit lang sa guards ng establishment. minsan nakakakita ako ng kids na may nakakabit sa kanilang parang leash. ang pangit tignan pero feeling ko their parents have safety in mind rather than yung magmukhang pets ang anak nila. siguro mas gusto na nilang nakatali sa kanila kids nila kesa naman mawala... pero siguro gagamit lang ako nun pag sobrang d na mapagsabihan ang anak ko... :)
Logged
lga

mavey's_mom

  • Newbie
  • *
  • Posts: 23
  • proud mother of Xian Maverick, my precious one!
    • View Profile
Re: ANAK KO MUNTIK NANG NAWALA???!!
« Reply #7 on: June 07, 2010, 09:33:08 pm »

Dapat talaga, as much as possible di na natin isama mga kids sa grocery lalo na kung maraming tao. Better, na iwan na lang sila if they're with the yaya sa mga spot na pwede sila maglibang with the guidance of their yaya. Sa shopwise and SM Cubao, meron place na pwede mag-laro mga bata while you're doing the shopping you can choose ilang hours gusto mo. Php150 yata for 2 hrs(not that sure)? My son at his age 3 yrs and 7 mos. alam na niya full name niya, complete address namin, complete names namin ng hubby ko. I'm also planning to buy him a dog tag, in case mawala sya tuturuan namin sya na ipakita yun sa guard or kung sino man magmamagandang loob na makakita sa kanya at willing ibalik sya. Nakakatakot na panahon ngayon, marami ng mapagsamantala... ;)
Logged


"Being a full-time mother is one of the highest salaried jobs...since the payment is pure love."

iyatedi

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 54
    • View Profile
Re: ANAK KO MUNTIK NANG NAWALA???!!
« Reply #8 on: June 08, 2010, 09:49:30 am »

my son is 4yrs old..he knows his name, pati kami ni hubby at mga cp numbers namin including sa yaya niya..halos similar naman mga numbers kasi post-paid kami..yun nga lang pagtinanong sya ng ibang tao baka di maintindihan kasi bulol..:)

may mga special carts sa ibang grocery na parang car..i'm sure di na gagala yung bata dun..yun nga lang limited sya..unahan..

the tag is also a good option..makabilingi nga..thanks mga mommy!
Logged

riddermark

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 591
  • back to my old name
    • View Profile
Re: ANAK KO MUNTIK NANG NAWALA???!!
« Reply #9 on: June 08, 2010, 10:23:38 am »

i am PRO walking harness. others may comment but i dont care, what's more important is my child's safety. actually pinabili ko pa yun sa mother ko yung me teddy bear sa harap at yung tali nasa likod, so parang meron lang syang toy na akap akap. and kids in the states use it! madalas pag nakikita kami maraming napapangiti at di mapigilan mag comment na parang aso daw ang anak ko. i just smile at them and answer, "mahilig kasi tumakbo ayaw kong madisgrasya" but at the back of my mind i'd say ... .... ...! 

my eldest was just 1yr 7mos when i started to use it on him primarily for walking/running support. and when he gets really malikot i'd probably use harness pa rin lalo na pag nasa labas at madaming tao. if and when hindi na namin kayang kontrolin at kung mahiling matatakbo at ayaw pahawak. kung hindi na mag work ang holding hands, stroller, carry ... pag talagang gusto nyang maglakad din, better safe than sorry.

pamangkin ko was 9yo when we lost her for a while sa star city and she even wasnt a malikot kid. nalingat lang parehas at nabitawan ko for a few minutes yon na nangyari, what more kung kids ages 3 and up?
« Last Edit: February 28, 2011, 01:36:55 pm by riddermark »
Logged
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
God created little boys for He knew that there should be lots of love and happiness added to a family.

herolaine

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 50
  • mylove...mylife...my family
    • View Profile
Re: ANAK KO MUNTIK NANG NAWALA???!!
« Reply #10 on: June 09, 2010, 12:11:33 am »

Anak ko twice na nawala sa SM department dito sa amin sa CDO.
Mahilig kasi siya humiwalay sa akin at dumiretso so toys or books section.
Yung una, pagsunod namin ni mama sa toys section wala na siya, so mega hanap
kami. Maya maya narinig na namin name niya na lost. Punta kami sa customer service section. Ayun nandun at nagggames sa computer dun.
Yung second, dun din sa department store, nagdoon ako sa fitting room tapos si mama kasama si Josh sa labas lang ng room (pero sa loob pa din ng fitting area). Si Josh malikot as usual, panay ang labas ng fitting area. Pag labas ko ng fitting room wala na siya. Pagtanong namin sa saleslady, nandun daw sa customer service. Kaya may I run ako sa customer service station at nandun nga siya at nangingilid na ang luha. Super yakap ako sa kanya at dun lang siya umiyak.
Actually alam naman niya gagawin pag nawala siya. Alam niya address sa house, celphone number ko. At yung SM (dito kasi kami palagi), super lapit sa office namin at kilala siya dun kaya kung sakali pwede siya himingi ng help dun.
Sabi ko din wag siya sasama kahit kanino lalo na pagyayayain siya lumabas ng store. Sa akin lang at kay mama siya sasama.Kaya ngayon di ko na talaga siya hiniwalay sa paningin ko.

OT po saglit sis unica hija sm cagayan de oro ba ito and iyong office nyo yung link2support synnex na now. wala lang been there dun din ng work si hubby b4 getting married.  ganda dyan sa inyo white water rafting tinago falls and camiguin =)
Logged
Being a wife is a blessing from God...being a mother is the best gift from God =)

☆♥♡unica hija☆♥♡

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 426
  • Joshua - the only man constant in my life
    • View Profile
Re: Anak ko muntik nang mawala???!!
« Reply #11 on: June 13, 2010, 09:04:22 pm »

@herolaine - pm sent.
Logged
[move]

mommy_angel

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 204
  • Praise GOD!!
    • View Profile
Re: Anak ko muntik nang mawala???!!
« Reply #12 on: December 15, 2010, 01:34:54 am »

nakakatakot naman to... alam ko normal sa mga bata ang nawawala. pero nakakatakot parin. ako naaalala ko pa. nawala ako dati. mangiyak ngiyak ako kakahanap sa mama ko. kasi bumili sila ng token mag rides kami ng bro ko. e atat ako. nauna na ako sa mga rides. (sa mall lang) ayun nawala ako. tapos nakita ko sila hinahanap ako.. napagalitan ako. mula nun hindi na ako humihiwalay. natakot na ako. pero yung younger bro ko! nako! suki yun... walang araw pag umalis kami na hindi siya nawawala. sa sobrang lagi siya nawawala. alam na niya gagawin niya pag nawala siya :D ang huling naaalala ko na nakakatuwa sakanya, yung nasa duty free kami. nawala siya habang namimili kami. ginawa niya, siya mismo pumunta dun sa costumer service(kung saan may mic at nagsasabi na may nawawalang bata :D) tapos sinabi niya buong pangalan ng mama ko. bata pa siya nun :D mga 4 or 5 yrs old lang, :D tapos nakita namin nakaupo siya dun sa may table naka smile pa :D :D worst naman sa bunso naman... isang mall na parang sa plaza lang. yung walang dept. store parang divi style. may tinitignan na damit mama ko. so siyempre, dalawang kamay gamit niya. binitiwan niya muna si bunso. tapos alam niya nasa tabi niya lang. edi lakad lakad kami. tapos bigla nalang hinanap niya si bunso. e alam namin hawak niya... ayun, balik kami sa pinang galingan namin, tapos naghiwalay na mama ko at tita ko sa pag hanap. 3rd flr yung mall na yun,. naikot na buong mall. buong floor. wala pa din. nagtanong na din sa guard. niradyo na ng guard wala daw batang nawawala na dinala sakanila. tinanong yung suot. diniscribe ni mama,. eh yung mall na yun pag lumabas ka palengke na. hi-way ganon... sabi nung isang guard parang may napansin daw siyang bata na kapareho ng diniscribe ng mama ko, may kasama daw na babae..... lahat kami kinakabahan na..... ikot ulit sila. iniwan na ako sa yaya. para mabilis. pag balik wala pa rin, umiiyak na mama ko. umiyak na din ako. 8yrs old lang ata ako nun... tapos huminto na kami sa paghahanap. umupo si mama sa tabi... umiiyak. tapos may lumapit hndi ko maalala kung guard o janitor. basta may lumapit. dala yung bunso namin. niyakap agad ni mama iyak ng iyak... pag uwi nawala na kaba. bongga!! award!! hehe.... mula nun hindi na siya nawala. natakot din. tinanong siya ni mama kung bakit ba siya nawala, may pinuntahan daw siya na mga laruan. tapos hindi na niya alam pabalik samin, ayun :D


sorry ang haba :D
Logged

I love_dadilove7503

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 222
  • I love my Family
    • View Profile
    • http://lb1f.lilypie.com/7rWEp8.png
Re: Anak ko muntik nang mawala???!!
« Reply #13 on: December 15, 2010, 05:55:45 am »

hay naku nawala na rin minsa ang anak ko panganay nung 3 years old pa lang sya..

Here is what happenned!

Sa province ito sa barrio namin, one time nagluluto ako ng lunch namin, so I ask one of my pamangkin to buy me kalamnsi sa isang store na malapit sa house.. so while waiting for my pamangkin dun kami ni paul sa terrace ng house, so nung malapit na yung pamangkin ko natanaw namin nasa tapat nung isa house na katabi ng sa amin, I ask him to go to his Kuya Egie, may pamangkin ang get the kalamansi.. so he run and and lumapit sya sa kuya egie niya, so ako naman since nagluluto ako lumabas ako to check yung food na luto ko.. pagbalik ko wala pa rin sa terrace yung anak ko, tas lumipas ilang minuto wala pa din sya.. hanap ako sabi pamangkin ko kinuha sa kanya kalamansi tas tumakbo na pabalik sa house, pro wala sa house, natakot na ko kasi kahit mga kapitbahay namin di sya nakita, lahat na kamag anak ko naghanap as in sumisigaw na kami sa buong paligid ng pangalan niya, napuntahan ko na rin lahat ng kanto na pwede na malabasan papunta highway pati na yung patubig na malapit sa house.. para kong maloloka kasi wala talaga makapagsabi kung may nakakita ba sa kanya.. siguro 20 minutes na wala pa din sya, di ko lam gagawin ko para akong lukaret na ko, lahat na lang kinausap ko kung nakita sya.. panic na talaga ko.. yun na yata pinaka nakakabaliw na moment ng buhay ko..

Tas after ilang minuto pang paghanap, sabi ng kapitbahay namin nandun daw pala sa kusina nila nakatalungko sa ilalim ng mesa.. di nila napapansin kasi lahat sila nasa loob ng bahay kasi kakadating lang ng anak kapitbahay namin galing japan.. hay sobrang takot talaga ako, sabi ng anak ko kaya daw sya nagtago lasi hanap namin sya.. kalurky di bah!! taguan pala na laro..

sorry napahaba po.




Logged

moi angels

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 401
    • View Profile
Re: Anak ko muntik nang mawala???!!
« Reply #14 on: December 29, 2010, 01:54:40 am »

hay naku... nakakaloka talaga maranasan 'toh!

i experienced this once with my eldest, i think she was only 3 or 4 y/o that time. nasa mall kami 3, ako & my 2 kids. naka-carrier pa yung 2nd ko nun and stroll lang kami. nalingat lang ako sandali hindi ko na makita yung eldest ko! inikot ko na yung area, binalikan ko na kung saan kami nanggaling & nakipag-away na talaga ako sa guards ng mall. super hysterical na ako kasi malapit lang sa entrance/exit ko sya last kasama! i was really shouting her name sa loob ng mall, walang pakialam sa mga taong nakatingin sa akin.  ??? then may biglang lumapit sa akin na teenager, siguro mga 2nd yr HS, sabay sabi "ma'am nandun po yung anak nyo." "saan?!" then i saw my daughter kasama nung barkada nung teenager. "hi mommy!" "nakita po kasi namin sya na mag-isa kanina dun sa may dolls & na-realize namin na hindi na niya kyo kasama. nakita po kasi namin kayo 3 kanina. so we took her muna while the others were looking for you!"

grabe pasalamat ko nun that nothing happened to my daughter & that yung group na yun ang nakakita sa kanya... lesson learned talaga. :-[
Logged
Pages: [1] 2 3