Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 3 4 [5] 6 7 ... 10

Author Topic: Dealing with the EXes (yours and your partner's)  (Read 57296 times)

kawaiimaridel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 44
  • Live life to the FULLEST with GOD
    • View Profile
Re: Your hubby's EX-GFs
« Reply #60 on: August 28, 2011, 10:10:55 pm »

tama mommy mariann basta pera pinag-uusapan nawiwindang yang mga babae na yan,kahit hindi kagwapuhan basta malalim bulsa..kaya nga di na ako naghanap ng gwapo kasi im sure madaming kaagaw,naku mas marami pa palang lalapit pag mukang peso sign ang lalaki...alam ng asawa ko na i can live without him,pero di niya ako maiwanan dahil sabi ko endangered species na ako,at wala na siyang makikitang katulad ko,takot na lang niya ngayon...kung kaya ng mga lalaki na yan kaya din nating mga girls...hehe
Logged
iloveyou my princess paula..eventhough you cant smile...but you are the only one who makes me feel special mom and be contented in my life...iloveyou too daddy joel..

sweetest_thing

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 133
  • happy mommy for the third time :)
    • View Profile
Re: Your hubby's EX-GFs
« Reply #61 on: September 01, 2011, 01:14:46 pm »

@sis mariann: tama! it's his loss, not yours di ba?

@sis kawaiimaridel: i can relate, i was also preggy when my hubby cheated on me with who else, his ex!

nakakainis kasi i gave that b*tch the benefit of the doubt when he befriended hubby in one of the social networking sites (di ko na babanggitin ano), i thought maybe she's just offering friendship, little did i know na me maitim pala siyang balak ke hubby, e nung time na yun, medyo routine na kami ni hubby, nabawasan na sweetness and na-shift pa attention ko sa pregnancy ko so nung tinukso nung girl, nagpatukso naman! at ang masakit pa nito, hindi ako nagduda, hindi ko sila nabuking e to think daig ko pa si jawo magbantay ke hubby. ewan ko ba, naiinis ako pag naaalala ko na nalusutan nila ako! anyway, to make the long story short, i gave hubby a second chance on one condition na pag naulit pa uli, goodbye forever na kami ng mga anak niya, last chance na niya to!

kaya super duper mega to the max hate ko ang ex niya! 

Logged

kweykerz

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 80
    • View Profile
Re: Your hubby's EX-GFs
« Reply #62 on: September 01, 2011, 01:48:09 pm »

..pasalamat talaga ako at kahit na napakaraming EXES ng asawa ko...hindi niya na nakukwento.. minsan lang.. nung nagtanong ako na sapilitan pa.. pag nagtanong pa naman ako, gusto ko detalyado.. like "etong si ganito, may nangyari ba sa inyo?" "baka naman may anak kayo nitong si ganito?" "matagal ba kayo nitong si ganito.." yung mga exes niya.. nalalaman ko nalang sa mga kapatid niya tapos tinatanong ko sya kung sino si ganito.. sino si ganyan..  ;D
..hindi rin naman kasi ako selosa.. siya lang palagi ang gumagawa ng pagseselosan niya.. hahaha..lalo na nung mag BF/GF palang kami.. to think na alam niya na sya lang naging boyfriend ko since birth..
Natutuwa lang tlaga ako at mabait hubby ko.. pero oras talaga na mambabae sya.. di niya na kami makikita ng anak niya..  >:(   hehe ;D
Logged

Bry♥Shey

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 94
  • I ♥ My Wifey Shiela, Aliesh & Aera
    • View Profile
Re: Your hubby's EX-GFs
« Reply #63 on: September 13, 2011, 12:33:07 am »

wala namang problem sakin if she's telling me stories about her previous relationships. past narin naman iyon =) and may advantage din naman ito dahil malalaman mo yung mga ayaw niya na nangyare sakanila before. kung ano yung pinag-awayan nila. ano ang reason for breakup. at least you would know yung mga things to avoid =)
Logged

ackelboc

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 52
    • View Profile
Re: Your hubby's EX-GFs
« Reply #64 on: September 27, 2011, 01:06:54 am »

pa join..

kapag asaran times namin ang lagi ko dialog kay hubby..hay naku, mabuti na lang ako ang naging asawa mo..kung nagkataon nakatuluyan mo si EX naku malamang utal ang mga anak hahaha! or blessed ka ako naging asawa mo kung si EX mo, naku yung mga anak niyo BOOBS bigger than the brain!...

ang hirit niya naman...kung si EX ko ang nakatuluyan ko, ang ginagawa ko daw ngayon nagtitikim ng gasolina at diesel at nag inventory ng langis sa gas station..hahaha

nakakatawa lang kase kapag asaran times namin at ganyan ang topic in a way naipapakita pa rin namin na we are blessed to have each other
Logged

Nanay Iza

  • Newbie
  • *
  • Posts: 21
    • View Profile
Re: Your hubby's EX-GFs
« Reply #65 on: September 27, 2011, 04:24:06 am »

nakakatuwa naman :) antagal ko tuloy mareplyan yung isang email ng client..hahaha winner talaga yung "binugbog"!

samin naman ni hubby ako yung nagtatanong about sa mga ex niya..pero pag knkwento niya nagseselos ako..hehe (crush ko kasi sya nung high school pa lang, nilandi landi ko lang sya kaya naging kami hahaha pero hindi naman ako nanira ng relasyon hinintay ko naman hanggang magbreak sila) alam ko naman na love niya ako, pero minsan naiisip ko pa din "siguro kung sila nagkatuluyan mas ok buhay nila ngayon.." may mga ganun akong naiisip, tsaka yung isang ex naaawa ako nung nkwento ni hubby yung about sa kanila...angtagal nila nung girl eh kaya kilala sya nung family ni jowa, classmates pa sila nung high school at madami silang common friends...pag nag aaway kami parati ko tinatanong kay hubby "kung kayo ba ni *** nagkatuluyan, hindi kayo mag aaway?" nakaka insecure lang, kaya si hubby umiiwas nalang sya kasi iiyak iyak na naman ako..parati niya sinasabi na ang problem ko daw kasi hindi ako naniniwala na love niya hehe
Logged

Mommy_Aubs

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 125
  • Happy Mom & Wife
    • View Profile
Re: Your hubby's EX-GFs
« Reply #66 on: September 28, 2011, 12:26:34 am »


natawa naman talaga ako sa binugbog ko siya.  ;D

ako naman. alam ko lahat tungkol sa mga ex GF ni hubby. kinuwento niya lahat sa akin. pero hanggang dun lang. minsan pang asaran namin pero hanggang dun lang din. walang bitter bitteran about his past as well as mine. ang mahalaga eh kami yung nagkatuluyan  ;D hehe... at siyempre alam namin na super love namin ang isa't isa.  ;)
Logged
Aubrey_ER

kawaiimaridel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 44
  • Live life to the FULLEST with GOD
    • View Profile
Re: Your hubby's EX-GFs
« Reply #67 on: September 28, 2011, 01:18:12 pm »

naku sis eto na naman ako....
this time di ko naman siya binugbog,kasi naawa naman ako sa kanya,nung magsama na kasi kami mega kalkal ako ng mga gamit niya para iorganized at itapon na ang mga basura.dun ko nakita ang mga love letters niya,curious lang naman ako binasa ko yung iba,since ayaw naman niyang magkwento sa akin about his exes nung highschool siya...nabasa ko dun kung paano siya ipagtabuyan ng girl na sobrang mahal na mahal niya,naiyak nga ako sa mga nabasa ko.kasi sobrang awa ko sa kanya.tapos 1 time naiopen ko sa kanya,ayun nagkwento siya sa akin about that girl.as in sobrang mahal na mahal daw niya yun.den nagpunta yung girl sa baguio kasi dun ang province niya,ang ginawa daw niya sinundan daw niya sa baguio from cubao siya ha.at sa bundok pa daw yun,alam mo yung effort sa pagpunta sa layo ng lugar na yun,tapos pagkadating niya dun ni hindi man lang daw siya pinapasok sa bahay dahil baka daw magalit ang tatay niya.kahit daw paupuin or mag-alok ng tubig sa kanya eh wala.mga 20 minutes lang daw siya hinarap ng girl.dun na daw siya naggive up,after 5 years of being broken hearted at ninakaw niya ang # ko sa totoong textmate ko,naging kami after 4months ng lokohan sa celfone..ahahhah(hindi ko sinasabi sa kanya real name ko)until pinuntahan na niya ako sa bahay namin sa laguna...hala haba na ng kwento ko..

ok ganito nung sunday biglang may nagtext sa kanya at name nung girl ang nakalagay,sabi ko sa kanya parang kilala ko to...ang nakalagay lang naman eh "fren sa cp muna ako kasi may topak internet" .sabi ko sa kanya bakit nagtext sayo tong babae na to,alam ba niya kung gaano kasakit yung ginawa niya sayo.ang kapal naman ng mukha niya,nakita kong nalungkot siya..sabi ko bakit binigay mo ang # mo sa kanya,eh kasi daw nagbigay ng # yung girl so automatic na yun,nainis ako...what a lame excuse,kung di ka na interesado diyan sana di mo na lang binigay # mo.hayzzz sobrang asar ko talaga,sabi ko pa sa kanya na buburahin ko siya sa facebook mo,nagalit siya kasi parang di na daw professional ang dating niya.sabi ko di ako makakampante pag patuloy mong makikita ang babae na yan.
pero ang ginawa niya niyakap niya ako at sinabihan na "ikaw lang at ang anak natin ang gugustuhin kong makasama sa buong buhay ko"naiiyak pa siya...naiiyak na naman ako,kaya lang nag-aalaal pa din ako :'(...
Logged
iloveyou my princess paula..eventhough you cant smile...but you are the only one who makes me feel special mom and be contented in my life...iloveyou too daddy joel..

ea_brea

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 408
  • don't be afraid to dream a little bigger, darling
    • View Profile
    • La Mer de Reve
Re: Your hubby's EX-GFs
« Reply #68 on: September 28, 2011, 02:53:27 pm »

ako din hindi ako komportable na pagusapan ang mga ex ng asawa ko. kasi tapos na sila, bakit kelangan pa balikan? basta nagiiba itsura ko at mga reaction pag bigla nagkekwento ang hubby tungkol dun. tipong pinapakita ko talaga na "wala akong paki sa kwento dahil tungkol sa ex mo!". nagtanong nga sya minsan kung ayaw ko ba daw na nagkekwento siya about dun, sinabi ko talaga na oo, no more explanations. ako naman wala akong maiganti sa kanya kasi 1st bf ko sya (grrr!). pero after niya magtanong hindi na sya nagkwento ulit.

gripfast

  • Newbie
  • *
  • Posts: 49
  • I am my son's happy ever after...
    • View Profile
Re: Your hubby's EX-GFs
« Reply #69 on: September 28, 2011, 04:40:37 pm »

Yung ex nga ng bf ko, nagso-show sa webcam para lang ihatid sya sa bank na pinagta-trabauhan niya. Nagpapakita ng private parts yung girl. To think may asawa at anak na sya, babae pa! I hate sluts talaga and whores. yung ex ng bf ko, she is a whore and a slut. nanggigigil ako sa kalandian niya.
Logged

Nanay Iza

  • Newbie
  • *
  • Posts: 21
    • View Profile
Re: Your hubby's EX-GFs
« Reply #70 on: September 28, 2011, 11:37:09 pm »

@ sis kawaiimaridel: sis nakakaiyak naman yung kwento mo..be strong sis..kausapin mo asawa mo mag usap kayo ng masinsinan..kasi parang hindi naman tama na magbiruan sila ng ganun..tsaka yung girl alam ba niya na may anak na kayo ng asawa mo? baka nga hindi pa naka move on si hubby mo dun sa girl..pray lang sis na malagpasan nyong mag asawa ang pagsubok na yan..
Logged

sassy_lexy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 15
    • View Profile
Re: Your hubby's EX-GFs
« Reply #71 on: October 15, 2011, 11:29:29 am »

i hate my hubby's gf! she's a psycho. may asawa't anak na at buntis pa ngayon. hindi makamove on, brineak kase ng asawa ko after 4yrs na nagtiis ang hubby ko sa kanya. she's really something! pati posing namin sa profile pic ng fb ginagaya niya. grabe talaga. nung may friendster pa since pwede makita ang views, ginagamit niya ang account ng bestfriend niya to view me. and take note, every minute ata niya ako iview. sayang lang sa fb hindi ma track e.  >:(
Logged

Aicha

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 101
  • never compare you're child, every child is unique
    • View Profile
Re: Your hubby's EX-GFs
« Reply #72 on: October 15, 2011, 01:04:12 pm »

nung 1year na kami saka na namin napag usapan yung mga ex's niya, ako ang nag open up nagkwento naman sya pero wala daw seryoso sa mga past na, at puro short rel. ako daw naka una sakanya ganun din sya sakin... nung nakwento niya na sakin lahat ng ex niya ganun din ako sabi niya ayaw niya na daw magtatanong ako about dun kasi nonsense, kaya di na namin pinag uusapan.. sobrang loyal naman sya sakin for almost 5yrs. never kami nagka problem sa girl. kaya i think im lucky sa lovelife baliktad sa career. hehe
Logged

-joanamber-

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 175
  • brianna's mom
    • View Profile
    • https://www.facebook.com/joanabri
Re: Your hubby's EX-GFs
« Reply #73 on: October 21, 2011, 01:12:54 pm »

Ayoko napaguusapan yung mga ex niya kasi naiinsecure ako kahit di naman dapat. Ayaw niya inoopen ko yun pero minsan di ko maiwasan. Affter kong iopen ako naman tong naiinis. Weird no.? Sa tingin ko never magiging okay yung EX ng mga hubbies natin for us.
Logged
-joanamber-

annamariemomof3

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 144
    • View Profile
Re: Your hubby's EX-GFs
« Reply #74 on: October 25, 2011, 11:38:26 am »

kakainis talaga ang ganyan. dati nga rin si hubby pati sexcapades nila ng mga ex niya kinukwento tapos ikakasal na lang kami sabihin ba naman na that day rin ang anniv nila ng ex niya. siyempre kakainis di ba lalo na nung nalaman ko na sa bedroom namin now niya dati pinatutulog ex niya. siyempre can't help but think na baka even when we are intimate iniisip pa rin niya yung mga dati gawa nila ng ex niya. kuwentuhan ko nga rin nangyari sa amin ng ex ko makaganti lang ayun nagselos di tumahimik siya.
Logged
Pages: 1 ... 3 4 [5] 6 7 ... 10