Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 18 19 [20] 21 22 ... 30

Author Topic: All about potty training  (Read 157224 times)

Bru

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 64
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #285 on: July 15, 2011, 12:34:06 am »

I just started potty training my 2.9 years old daughter last month. Nung 1 year kasi sya naglalaro lang sa potty kaya hindi ko na tinuloy (not so patient mom  :( ) . My problem is, pag umaalis kami, pinapasuot ko parin sya ng diaper. Ang tendency pag uwi, she doesn't want to take it off, if ever she did, she doesn't like to seat on the potty to pee. She'll just pee wherever/anywhere she likes. Pero the next day if sa house lang, ok nanaman sya, sa gabi nalang naka-diaper and i don't get the same problem pag gising niya. Bat ganun? I'm scared kasi na pag nasa mall at wala syang diaper, she'll have accidents.
Logged

Errych

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 619
  • Watch.Wait.Time will unfold & fulfill its purpose.
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #286 on: July 15, 2011, 01:16:16 am »

When my daughter was 2 years old I enrolled her to a summer school. The first thing that they ask from me was if my child still wears diaper. I told them that she is wearing diaper pa. The teacher told me that even if my daughter excels academically still they require potty trained na yung bata for nursery. Sabi ko she's too young pa. But then I let her finish summer class and did not proceed with enrolling her formally.  I bought a simple potty from the mall, safety first was the brand, and started teaching her to use it. May times nga na isasabay ko pa siya sa bathroom just to let her see how to use it. Still she paid little attention to it until she was hospitalized due to diarrhea. Boila! after 3 days in the hospital, pag-uwi sa bahay no diaper na. She refused to wear one. Worry ko sa gabi baka magka-accident, when I checked in the morning dry pa rin. I'm proud of her because she never had any accidents pa specially in wetting the bed. Bumabangon talaga siya kahit sobrang sleepy.  :)

Logged

- Mommy Jo -

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 593
  • blessed and happy! :)
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #287 on: July 15, 2011, 10:32:16 am »

@mamagwyn: inorient lang muna namin sya sa potty chair sis.yun yung pinaka-step 1 samen. although di niya masyado nagamit kase mabilis sya na at ease sa big toilet seat. di sya takot umupo  ;D then tin-try ko sya suotan ng boy brief pag day time para madistinguish niya yung pakiramdam ng may diaper at wala.although di pa rin  talaga maiwasan na meron pa din mga boo-boo moments every once in a while lalo't bago pa lang sya sa ganung pakiramdam  :) nagda-diaper pa din sya at night pero I make sure every morning before ko sya paliguan routine na samen na sinasabi ko na mag-weewee muna sya.minsan sya na mismo magsasabi.improving naman sa potty training journey. Napansin ko lang based sa case ng mga mommies,mas mabilis ata talaga ipotty train ang girls compare sa boys.hmmm.
Logged

mamagwyn

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 655
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #288 on: July 15, 2011, 10:44:00 am »

sa baby ko kasi nagigising pa siya in the middle of the night at nadede siya, napikit siya kahit nadede, minsan ayaw pa nga ipa-agaw hehe.

hmm siguro pakita namin sa kanya yun potty chair hehe.

- Mommy Jo -

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 593
  • blessed and happy! :)
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #289 on: July 15, 2011, 11:36:11 am »

^yup sis,better na potty chair muna.goodluck ha,balitaan mo kami sa updates kay baby girl  :)
Logged

mamagwyn

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 655
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #290 on: July 15, 2011, 01:34:19 pm »

yup sis, this weekend try ko iconvince si hubby na buy ng potty chair hehe..

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3208
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: All about potty training
« Reply #291 on: July 15, 2011, 02:02:00 pm »

Haaayyy*** At last, totally potty trained na bunso ko at 4yo! Kasi naman po sinunod ko lang yung nabasa ko sa book na huwag pipilitin at papagalitan dapat puro encouragement. I admit, napagalitan ko na siya many times kasi hindi talaga matuto. It's the pupu part that's hard. Wala nang prob if he needs to make wiwi but in making pupu, mas comfortable siya pag sa underpants.
Now he says so when he needs to pee or poop. Except pag nasa harap ng computer playing Boowa and Kwala ang Disney Jr. Dahil ayaw tumayo sa computer, dun na rin siya nagpu-pupu which gets me angry. Kaya ang parusa, once he makes pupu while using the PC, no more computer. Dapat din pangunahan ng reminder. Ayun, sumusunod na.
Logged
Sumali sa mga usaping pang magulang. Magtanong at magbigay ng payo dito sa Parent Chat.

mamagwyn

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 655
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #292 on: July 15, 2011, 02:33:41 pm »

sis can i ask anong book yun nabasa mo? thanks

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3208
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Logged
Sumali sa mga usaping pang magulang. Magtanong at magbigay ng payo dito sa Parent Chat.

aushi

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 59
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #294 on: July 15, 2011, 04:11:37 pm »

my 2yrs old daughter is now potty trained! yipee!  One time, sinabi niya na wiwi daw sya..  so pinaupo ko sa toilet, akala ko joke lang at aabutin nanaman kami ng 30mins sa CR.. nagulat ako after 30sec na nakaupo sya, nagwiwi na sya and tuwang tuwa pa sya.. clap ng clap ng hands and binalita niya sa lahat ng tao dito na nakakawiwi/pupu na sya sa toilet.. hahaha... 1 week palang syang ganun.. and ayaw na niya mag diaper.. sana tuloy tuloy na.. hehe..  ;)

mamagwyn

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 655
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #295 on: July 15, 2011, 10:15:13 pm »

thanks sis, great help to in the future ^^

inker

  • Newbie
  • *
  • Posts: 31
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #296 on: July 16, 2011, 09:35:47 pm »

My daughter was potty trained when she was 1 1/2 years old. 3 days lang ang actual training ko. Ang ginawa ko ganito:

1. First day, I introduced her to the potty. I told her that it would be her "CR" from now on. I let her sit on it. But she didn't sit on it on the first day. I poured some water on the potty. I didn't put on a diaper on her throughout the day. Syempre mega wiwi sya. Mega punas din ako. I told her that if she doesn't want to get wet, she should urinate on the potty. I placed the potty near the kitchen sink. Kasi nasa itaas ang CR namin.

2. Second day, she tried to sit on the potty, but still hesitated to urinate there. Nung mabasa ulit ang underwear niya nung umihi sya, nagsimula na syang mandiri. So the next time that she felt like peeing, nagsabi na sya :) Meron pa ring misses. Nakakalimutan nyang magsabi or umupo. Inilipat ko yung potty niya malapit sa play area niya,yung madali nyang makita at madalas may tao. Dito, malaki ang improvement. Walang misses after that. Siguro kasi nakikita niya agad yung potty.

3.  Third day, she was with her yaya. Kahit wala ako, umuupo na daw magisa sa potty. After that day, tuloy tuloy na yon, although may mga misses pa rin ng konti. Normal naman kasi yon.

Little by little, inilalayo na namin yung potty. Hanggang sa naiakyat na namin sa CR :) Yung potty niya merong seat na pwedeng gamitin as mini toilet seat. Yun na ang next. Sa toilet bowl na siya nagu-urinate using the mini toilet seat para di sya mahulog. By 2 1/2 years old, completely potty trained na sya, even at night.

Ang nakita kong strategy na naging effective sa anak ko e yung hindi ko talaga sya sinuutan ng diaper habang gising sya. Ihi sya sa shorts niya kung ihi. Punas naman kami. Yun nga lang, tiyaga talaga sa pagpunas. Kahit inis at pagod ka na, sige punas lang. Nagsasabi naman sya ng poop. Nandidiri kasi sya kapag may poop sa diaper niya.

Sinimulan ko yung training umaga ng Sabado, para ako mismo ang magturo habang walang pasok. Wala kasing tiyaga ang mga yaya. Kasi nuong una kong inuutos sa yaya na gamitin ang potty, di pinapagamit, ayaw daw nung bata. Alam ko tinatamad lang. Syempre mas madaling magdiaper. So ako nagtrain sa anak ko Sabado at Linggo habang dayoff sya. Sya nalang nung Monday as follow through.

Sana makatulong sa mga mommies dito ang akong potty training experience :)
Logged

mamagwyn

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 655
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #297 on: July 16, 2011, 11:21:04 pm »

@sis inker

thanks naman po sa experience mo..

ask ko lang po, nakakapagtalk na ba si baby mo nun train mo siya? sa akin kasi maliit ang attention span niya eh, hindi ko makausap ng matino. tapos hindi pa siya nakakapagtalk talaga, mga 1 word lang kaya niya, yun mga frequent niya na ginagamit.

michi247

  • Guest
Re: All about potty training
« Reply #298 on: July 17, 2011, 06:21:06 am »

^ I posted it here po:
http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,15.msg316323.html#msg316323

same tayo ng book na binabasa. struggle pa rin ko sa pagturo sa anak ko, kasi ayaw niya na walang diaper. nagsasabi siya ng pupu at wiwi, pero tapos na niyang gawin. tapos pag-alis namin ng diaper saka siya mag-act ng nagwiwi sa toilet bowl. e kahit anung hawak at squeeze niya sa putotoy niya, wala lumalabas na wiwi kasi tapos na siya.  :) 3 months na lang mag 3yrs old na son ko kaya minsan nafrustrate na ko. ayaw ko siya mag-school na nakadiaper pa rin.

tama yung book, na kung di pa ready yung anak mu at ayaw pa, wala ka magagawa kasi 1yr old pa lang son ko tapos ko na basahin yung book, pero inumpisahan ko siya nung marunong na siya magsalita ng pupu at wiwi. pero humihinto ko pag ayaw talaga. paulit ulit na lang ko at ginagawa yung tips pero wala pa rin. pag sinasabihan ko siya na magwiwi at pupu sa toilet, sasabihan lang niya ko ng mahabang, no! no! no! no!  :(

alam naman niya yung wiwi at pupu kasi nakikita niya kami pero feeling niya talaga sa diaper lang siya magwiwi at pupu. naghahanap nga ko ng story book or cd about toilet training para mapakita ko sa kanya baka matuto pag baby yung mga nasa pictures.
Logged

inker

  • Newbie
  • *
  • Posts: 31
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #299 on: July 17, 2011, 09:18:21 am »

@mamagwyn - Nagsasalita na sya during that time, kaya lang hindi pa rin buo. Ang mahalaga, nakakaintindi na ang bata. To test your child, ask him or her one to two steps instructions, kagaya nito: "Hi baby, can you get that ball and please place that ball inside that box?" Or, "Baby can you get your slippers and give it to mommy?" Mga ganung simpleng instructions lang. Kapag nakakasunod na sya, pwede na yang turuan kahit hindi pa masyadong nagsasalita.

Yung pamangkin ko nga boy, mas maaga na potty trained kahit na mas madaldal pa ang anak ko (kasi nga girl). When he turned one, he had started urinating on his potty. Ang bilis din ng transition niya from being potty trained during the day to night. Wala pa syang 2 years old, pati sa gabi, di na sya nagwi-wee wee. Lahat ng anak ng ate ko, maaga na potty trained kaya sa kanya ako humingi ng tips :) Pero sabi niya, mas maaga daw yung mga boys niya than her girl natuto, kasi nga mas physically developed ang boys (their gross motor skills) than girls.

Ang pinakamahirap na part talaga yung magpupunas ka. Tiyagaan talaga. Test of patience sa ating mga mommies. Kapag hindi ka sumuko, ikaw ang panalo :D Ayaw na ayaw nila yung feeling na nababasa sila ng ihi nila. Ilang araw lang yan na basa, madadala na yan. Uupo at uupo din yan sa potty. Basta ilagay mo lang sa malapit sa kanya, yung madali nyang makita. Ilayo mo na lang kalaunan. Kung gusto pa ring nakadiaper, itago mo ang diaper. Kapag umiyak at gusto ng diaper tell him or her that it's gone at hayaan lang, wag nalang pansinin. Iyak lang naman yun. Titigil din yan :) Basta ang mantra mo, "Don't give in."  ;D
Logged
Pages: 1 ... 18 19 [20] 21 22 ... 30