Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 ... 23 24 [25] 26 27 ... 30

Author Topic: All about potty training  (Read 192083 times)

BlueAby

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 446
  • Mother of two
    • View Profile
    • CS_CuteShoppe FB Page
Re: All about potty training
« Reply #360 on: January 26, 2012, 07:51:31 pm »

sinubukan ko sis i-potty train yung 3yrs old na anak ko (boy) kaso nung magwiwi siya dun sa potty niya gusto niya nakaupo. Parang naiilang siya na magwiwi dun na nakatayo then shoot dapat yung wiwi niya sa bowl.

Nasa palengke kasi sila naiiwan. Habang nagtitinda mother ko, siya yung nagbabantay sa mga anak ko. kaya hirap din siya kung itetrain niya pa. para ngang gusto ko na mag quit ng job ko para matutukan ko sila eh.
Logged

rodcielle_07

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 174
  • working mom
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #361 on: January 27, 2012, 09:44:38 am »

sis BlueAby:

ang hirap ng working mom noh? hay... 3 yrs old mo na sya napotty train? eh di magastos pa din kayo sa diapers sis? kaya nga ako ngpurchase na ko ng cloth diapers para magamit nitong sunod na baby ko.. (preggy now) and since boy sila pareho eh hiraman na lang sila :)

may naalala ko sa sinabi mo kasi ako may arinola sa kwarto para di na ko lalabas para magpee.. nakikita ako ng 1yr old boy ko sabi ko sa kanya wwiwi lang mommy.. tapos nung isang araw nakita ko uupo sa arinola ko.. hahaha sabi ko baby "no baby" dirty yan! kasi shoshoot yung pwet niya dun kasi medyo malaki yung hole nun di ba? tsaka medyo awkwarf kasi boy sya tapos upo sya pag magwiwi.. kaya naisip ko mabilhan ng para sa kanya.. medyo mahal lang sya sa mall.. sa palengke ba meron nun?
Logged
 

Aicha

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 101
  • never compare you're child, every child is unique
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #362 on: January 28, 2012, 06:52:48 pm »

sis rodcielle, nag start ako nung 11 months si baby, wala pa kong work nun kasi, pag nag weewee ak sinasama ko sya sa cr para makita niya.. tapos after a week siguro di ko sya dina diaperan naka panty lang or tshirt lang walang pang baba.. tapos every 15mins. dinadala ko sya sa cr para mag weewee, tyaga lang talaga sobrang mahirap kasi iyak sya ng iyak nung una. tapos hirap maglinis ng weewee at poopoo, after sometime umiihi narin sya at di umiiyak pero ayaw niya ng nakaupo, nakatayo sya nag weewee.. tapos nung 1yr. na sya binilhan ko na ng potty trainer, yung pag introduce sa potty nahirapan din ako kasi parang nag start ulit sa una. iyak nanaman ng iyak, every 15mins pinapaupo ko sya sa potty.. minsan umiihi minsan di na umaabot. hehe, tyaga lang talaga saka kausapin mo lang, minsan umuupo din ako sa potty niya kunwari tapos gagayahin niya na ako.. after 5months natuto na sya mag weewee mag isa, di ko na sinasabihan, pag naramdaman niya na sya na mag isa mag weewee, tapos last month lang marunong na sya mag poopoo din.. tapos nung tuesday lang marunong narin sya magbaba ng panty pag weewee sya at isuot ulit. un nga lang di maayos. nagulat nalang kami kasi naka panty sya, binaba niya yung panty para mag weewee, aftr nun tinaas niya. sobrang saya kasi lahat ng hirap ko sa pag ttrain sakanya worth it.  ;D
Logged

syndyela

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 268
  • Happy to relate with SP moms! :)
    • View Profile
    • Soulary
Re: All about potty training
« Reply #363 on: January 28, 2012, 09:08:22 pm »

Waaah!  Gusto ko na rin i-potty train ang 2 year old ko, kaso I'm working kasi kaya hindi ko matuunan ng pansin.  Hindi rin naman nattrain pag naiiwan sa inlaws ko and parents ko kasi may iba din sila pinagkakaabalahan na trabaho.  As if naman mapagttyagaan ng maids turuan e hindi naman talaga namin maids yung nag-aalaga sa baby ko (maids ng in laws ko sila). 

Sa working moms out there, how do you potty train your child?
Logged

rodcielle_07

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 174
  • working mom
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #364 on: January 29, 2012, 09:57:40 am »

sis aicha galing mo naman.. maibili na rin nga sya ng potty trainer..
Logged
 

miekee_18

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 222
  • Mom of SuperTWINS
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #365 on: January 29, 2012, 09:54:45 pm »

Dahil sa kababasa k dito lately naparanoid na naman ako haha..so we started training our twins last friday lang. ang unang plan namin ni hubby yung isa muna sa twin ang ipotty train kasi baka mahirapan kami kung sabay na magkaron ng "accidents".. Ang kaso itong asawa ko sabay naman niya pinaalisan ng diapers so naging sabay sila I remember night pa namin sinimulan lakas loob haha yuns isang twin the "panganay" nag wiwi siya before going to bed pero yung bunso hindi so as expected si bunso nag wiwi sa panty niya..si pangany mabilis naman niya na gets bumangon siya around 3am at wiwi daw nakatulog din naman agad since then for 3 days now d n talaga sila nag disposable diaper at cloth diaper kasi sila pag araw as in wala na panty and shorts nalang.. so far I can say na success kami kay ate konting  tiyaga pa kay bunso hehe kasi nakakalimutan ata niya minsan na dapat s banyo siya mag wiwi..kanina both of them nakapag pupu na.. pero tingin ko konting araw nalang at potty trained n din sila 2 yrs & 10 mos. na nga pala sila hehe medyo late ko na sila natrain kasi balak ko sana hintayin nalang sila kusa kaso nung nag back read ako parang naiingit ako sa mga momies na potty trained na ang mga babies hehe:) update ko kayo pag fully trained na ang twins
Logged
miekee_18

sweetpumpkin

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 254
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #366 on: February 08, 2012, 12:30:35 pm »

hi mga mommies...update ko lang yung progress ng anak ko sa pagpopotty train ko sa kanya.
this morning after 2 weewees on the floor,niyaya niya ko sa cr.she hold my hand then niyaya ako papunta sa cr.di pa sya gaano nagsasalita,tapos naisip ko baka gusto niya magweewee. i asked her "weewee"? tapos tumango sya....inupo ko sya tapos tuwang tuwa,ayun after a minute napaihi na din...garbe ang feeling!!!!  tapos as usual pag nagflush na sya ng toilet nag gugoodbye sya sa ihi o poopoo niya...last week naman niyaya niya rin ako sa cr para magpoopoo sya...mas nauna ko kasi sya itrain mgpoopoo sa cr.i started january,since then sa cr talaga.inaabangan ko na di abutin sa panty niya.tapos this morning naman yung pag-pee niya.hay sana tuloy tuloy na talaga.i'm so happy :)
sa una lang mahirap at talagang kailangan matyaga.pero pagnatuto na mga anak naten,sobrang happy naman... :)
Logged

swtgrl_bee

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 516
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #367 on: February 11, 2012, 10:41:47 pm »

Ako plano ko kapag 2YO na si baby, mind setting muna tapos biblilhin ko yung mga kailangan bilhin and seminar ko mga tao dito sa bahay :D in short major production number Ito =p working din ako, pero 6:30AM dito naman ako sa bahay so matutukan ko yung morning wiwi ni baby. Nakaka excite naman, good luck sa atin Mommies.
Logged
xoxo B1B2 :))

imeego

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 340
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #368 on: February 11, 2012, 11:09:52 pm »

si hubby kumontra sa plan ko na i-potty train na baby ko, too early pa daw saka hassle daw kasi baka umayaw na totally sa diaper tapos kesyo maiistorbo daw tulog ni baby eh ang hirap pa naman daw patulugin once nagising si baby and pag nasa labas daw kami baka maya-maya magpadala sa cr...sabi ko makakatipid naman sa diaper, naku di bale na lang daw...di ko na lang kinontra, although feeling ko ready na si baby kasi since nung 14 mos old pa lang alam na niya magsabi ng wiwi at pupu everytime napi-feel niya yung urge :-\
Logged

cassiopeia

  • Newbie
  • *
  • Posts: 15
    • View Profile
    • tweets? follow me
Re: All about potty training
« Reply #369 on: February 13, 2012, 05:31:41 pm »

^if your baby can say the wee-wee and po-poo every time she/he feels the urge you can easily potty train na si Baby :) hindi ka na mahihirapan sis, konting tiaga nalang :)

my youngest is 2 yo & 5 mos and hindi pa siya potty train. Well, i'm trying hindi pa kasi niya sinasabi pag may tendency na, he inform us pag meron na. Unlike his Ate I by that age nagsasabi na siya kaya madali lang namin na potty train.
« Last Edit: February 14, 2012, 05:18:54 pm by cassiopeia »
Logged
When you become a mother, you stop being the picture and start being the frame.

xoxjanexox

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 87
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #370 on: February 13, 2012, 08:40:55 pm »

hi mga mommies, how old nyo start ipotty train si baby? my baby is 13months old pwede na ba sya ipotty train?
Logged

smart.momi

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 150
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #371 on: March 05, 2012, 04:29:04 pm »

my 2yr old and 2months daughter hirap ako magpotty train kasi working mom ako at the same time di naman mtyaga yaya niya sa pagtuturo sa kanya. nahihirapan tuloy ako..
Logged

mum_06

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 188
  • you're my greatest achievement.love you both!!!
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #372 on: March 06, 2012, 12:42:03 pm »

sa pagpopoo ng anak ko,madali namin syang natrained.
si hubby talaga ang nagsimula,siguro 5 o 6 months pa lang sya nun.
tuwing makikita ni hubby na parang umiire sya..pinapaupo niya agad
sa potty niya at simula noon,doon na talaga sya nagpopopoo.then nung
nakakalakad na sya,sa toilet na namin dindala kasi ngsasabi na sya.
pati ihi,di sya nagkakalat...kaya nga lang ang hindi ko maintindihan ngayon
sa gabi,hindi sya makakaramdam na naiihi na sya kaya laging basa bed niya.
kinausap namin sya at sabi niya talaga hindi niya alam na naiihi sya.turning 6 na sya
sa July :(
Logged
:) In God we trust :)

nylej20

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 430
  • mother of twins...
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #373 on: March 07, 2012, 04:09:20 am »

naku mga sis dilemna ko rin dati ang pag potty train sa mga kids ko. I have twins kasi boy at girl. nauna matututo yung boy ko and yung girl ko lagi sya napupu sa panty niya. mula ng napunta kami dito sa US di ko na sila nilagyan ng diapers every night. i see to it na bago matulog mag wiwi na sila. the good thing is kahit madaling araw bumabangon sila para mag wiwi. tinatawag lang nila ako para ssamahan ko sila. Natutunan ko rin dito na wag iforce ang kids natin kung ayaw pa magpupu sa cr. Yung girl ko di ko na pinilit mag pupu sa cr kng ayaw niya. ineexplain ko lang lagi na dapt dun na sya magpupu next time. One day nagulat na lang ako nagpupu sya sa cr..tinawag niya ko then tinuro niya pupu niya. sabi ko good job. ayun tuloy tuloy na. Just in time lang before sila pumasok sa school kasi karamihan sa school dito isa sa requirement ay fully potty trained na :) Tiyaga lang talaga kelangan..mahirap pero pag nagawa na nila..para kang nanalo sa lotto hehe
Logged
Happy Mom

kara

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 137
    • View Profile
Re: All about potty training
« Reply #374 on: March 07, 2012, 12:42:07 pm »

need help po mga mommy :) last month nagstart akong turuan si bebi na magwiwi at pupu sa cr, syempre nung una di pa niya gets kaya okay lang na magwiwi sya sa shorts niya, until nagsawa ako sa kakalinis heheh tinigil ko, tas nung monday sinimulan ko na ulet sya na walang diaper at mas nakita ko na alam na niya na hindi sa bed magwiwi tas alam ko na kapag na wiwi sya kaya pumupunta na kami sa cr, okay na sana e kaso ang problem ko e nakaupo sya kapag wiwi na dapat nakatayo(boy po bebi ko) ako kasi ang lagi nyang nakikita, pano ko ieexplain sa kanya na dapat nakatayo sya magwiwiwi??? sa pupu naman, okay lang kahit ayaw niya sa bowl or sa bowl niya sa sahig lang din sya nagpupu alam ko in time makakapupu din sya sa bowl... thanks :)
Logged
Pages: 1 ... 23 24 [25] 26 27 ... 30