Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 4 5 [6] 7 8 ... 23

Author Topic: How you met, your love story, your soulmate  (Read 111286 times)

momyJ

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 130
    • View Profile
Re: Your love story
« Reply #75 on: August 15, 2008, 01:03:20 pm »

mga sis ano ba ibig sabihin ng SD...lagi ko kasi nababasa dito sa forum...di ko alam kung ano...hehe...sorry, tao lang... ;)  hi mommy aishen1208.. SD means sperm hehe..twag po nming mga single moms sa dad ng baby namin.. :P


wow kanina pa po ko morning ngbabasa ng mga love stories..heheh at kinikilig ako promise..

mommy ale,..nice ng story nyo ni hubby..parang movie ang dating..

sad to say hindi happy ending ang love story hehe.. ;)
Logged

myralmedo

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 284
  • my super bundle of joy-kurt elijah
    • View Profile
    • ♥live.laugh.love♥
Re: Your love story
« Reply #76 on: August 15, 2008, 01:04:10 pm »

Quote
mga sis ano ba ibig sabihin ng SD...lagi ko kasi nababasa dito sa forum...di ko alam kung ano...hehe...sorry, tao lang...

sis kalix, ang galing naman, magkabirthday kayo ng hubby mo!

sis andreismom..based sa kwento mo, mukhang angel mo nga si angel in disguised...

sis myralmedo, antay namin ang detailed na kwento mo...hehe

halu mommy aishen1208  :D

sure i'll give my story some other day hehe :D

sis, SD sperm donor yan hehe :p korek si mommyJ iniisip ko rin kung ano yan dati (step dad? smart dady? parang indi naman diba? hehe) tas may nabasa ko isa sa mga thread that's the meaning i forgot kung sinong mommy ang ngbansag nun hehe ;)

Godabless!0=)
« Last Edit: August 15, 2008, 01:06:55 pm by myralmedo »
Logged
|myralmedo| I'm not a Princess. I'm a QUEEN.


Laugh as much as you breathe and love as long as you live. ♥♥♥

aishen1208

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile
Re: Your love story
« Reply #77 on: August 15, 2008, 01:15:35 pm »

^ah, yun pala meaning ng SD!..thanks sis...now I know ;)
Logged

3kids and a mommy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 49
    • View Profile
Re: Your love story
« Reply #78 on: August 15, 2008, 05:49:22 pm »

Lesson I learned, surrender everything to the Lord. Let God write your love story :) I am so blessed because the creator of the universe took time to make my love story that I will be proud to share to my daughter and to my grand children. There are times that Jeff and I fight about petty things but we learned to accept our differences. We never fail to say "I love you" to each other. We sometimes held hands while sleeping. Corny ba?

I think that the best gift that you will receive from God, is to spent the rest of your life with someone that will put a smile on your face just by remembering his name :)

110% agree, Mommy heartlight07!  :)

Logged

surfmom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 125
  • i love you baby
    • View Profile
Re: Your love story
« Reply #79 on: August 15, 2008, 06:17:12 pm »

kami ni hubby..
kakaiba..

kc were both dancers and from different schools..
i was 4th year highschool nun last year na.. i am a ballerina so were going to held a big university dance concert.. what happened is that my mentor invite her friend named sir jay.. a breakdancer,,, tpos student niya c hubby ko everyone in our troupe really likes him i was super deny pa... pero crush ko talga siya kasi suplada effect ba.. hehe..and then after the dance concert he suprisly text me.. he got my number daw from my gay friend.. super kilig kaya ako nun.. super..

tpos medyo na T.O ako kay hubby kc inamin na niya na may anak daw siya sa pag kabinata..
i feel sad so im stopping my feelings

pero yung true love pla ganun no no matter what pla...
hanggang one day may dance ako for our recognition day.. although he didnt make it on time my mentor was surprise nung andun sia sa tambayan..

 they're all teasing me.. kc im quite boyish..
tpos nung pupunta kami sa practice area namin ilang a kami kc nag hlding hands kami hehe,,
tpos we make our first kiss there smack lang hahaha..

after nun tuloy tuloy na..

sa tagal namin mag bf.. dami niya nging girls..
lagi ako umiiyak..
pero he still come back to me..
and sana naman this time he meant what he said na he'll change..

were planning to get married 3 2 4 years from now 3 or turning 4 na baby ko nun..
im giving birth to a beautiful girl..

sbi nila magbabago daw ang maloloko guys kapag girl ang baby... hehe so im really hoPING
Logged
my angel

gabneth

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 265
    • View Profile
Re: Your love story
« Reply #80 on: September 11, 2008, 08:29:28 am »

nag meet kami ni hubby sa college of law library.... law student na sya and ako OJT....1993 yon , naging friends kami matagal din kami wala communication.... after 3 years nagkita ulit kami....yong mga friends kasi niya madaming violations sa Library so nakipag kaibigan sila sa amin na mga librarian .. para libre daw ang penalty ng book if mag overdue man at nakakahiram ng more than 2 books...ganon lang tapos group date , partner partner kami.... sa amin 4 pairs , 2 pairs lang nagkatuluyan...walang ligawan.... as in 1st date namin kami na daw.. ;D 5 yrs kami bf/gf and 7.7 yrs na kami  mag asawa ;D
Logged

proudmom

  • Guest
Re: Your love story
« Reply #81 on: September 11, 2008, 01:04:39 pm »

wow ngaun ko lang nabasa tong thread na toh.. galing.. nawiwili ako magbasa ng love stories hehe

share ko narin yung sakin..

hubby and I were classmates since first year way back in college.. sabi niya na amaze daw siya sakin dahil sinungitan ko daw sila ng friend niya.. inutusan kasi nilang magphoto copy yung friend ko sinigawan ko nga.. "mahiya naman kayo kalalaki nyong tao babae pa inuutusan nyo! edi kayo magphoto copy nyan!" taray effect ang drama ng lola nyo.. hindi ko na maalala yung days na un si hubby nalang nagkwekwento sakin..  ;D one of the boys ang drama ng lola mo, I drink, I smoke, I party, I do gigs and gimiks, etc. I see him often dahil parati kaming asa tambayan to smoke.. dun ko na siya nakilala, nakabiruan at naging close.. we became closer than just a regular friend, "tol" pa nga tawagan namin.. we were like bestfriends.. tinutukso na kami lahat ng friends namin.. there's "something" na daw between samin pero syempre deadma lang ako

meron akong long time boyfriend that time, pilyo kc ex ko nun.. babaero.. chickboy.. kapag magkaaway kami ni ex, si hubby ang takbuhan ko.. meron pa nga kaming tambayan na parang batibot sa school, shoulder to cry on si hubby.. that set up lasted for 3 years.. si hubby naman panay payo, iwanan mo na yan, me mas deserving sayo chuvaness.. un pala may hidden desire na si hubby from day one, nagaantay lang ng tamang tyempo.. nauna akong grumaduate kay ex at hubby being an employee lalo kaming nagkaroon ng problem ni ex and tuluyan ng naging on the rocks ang relationship namin.. dun na pumasok si hubby from the day the nalaman nyang hiwalay kami ni ex tuloy tuloy ang panunuyo niya from text to phone calls.. hinaharana pa ko sa phone.. pero manhid parin ako that time cause I'm still hoping sa ex ko

tuloy parin si hubby sa panunuyo.. un pala nanliligaw na siya nun.. night shift ang pasok ko in makati, si hubby taga QC. labas ko 6am, 4am palang umaalis na si hubby sa house nila para sunduin ako.. or 12 midnight pupuntahan niya ko sa office para sumamang kumain sa breaktime ko then uwi na siya.. pero mas pinili ko parin balikan ang ex ko nun, my hubby was so devastated when he found out but reuniting with my ex didn't made me happy.. inisip ko sino bang mas hindi ko kayang mawala, si ex or si hubby who's been there for me for everything kahit sa studies ko (meron pang time na si hubby gumawa ng thesis ko dahil uber palpak ako sa subject na un  ;D)..

fast forward, naging kami narin ni hubby at last.. and after 2 years of being together we now have a very beautiful angel.. of course we have our ups and downs but no regrets.. it doesn't matter how long you've been together as long as you know that you are right for each other then everything else will fall into place.
Logged

yshaleigh

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 384
    • View Profile
    • http://lilypie.com/pic/080924/h6EJ.jpg
Re: Your love story
« Reply #82 on: September 11, 2008, 02:45:09 pm »

my love story...


well.. very simple lang naman... my hubby and i were friends since college but we never got close like my other friends. My gf sya sa tropa namin for 6 yrs then they broke up. we were all busy at work so we never find time to see each other til our friends got same message from him that they broke up already. Lahat kami sobrang nagulat kc we were expecting them exchanging vows 2 yrs after our grad kc they really love each other so much kaya nung kinausap namin sya sinabi nyang 22o nga na wala n sila ng friend nming girl. We asked why but he was hesitant to tell, but after a few days, nlaman namin n may 3rd party sa friend namin n girl. yung girl naman ayaw mkipag usap except sa kin, she told me everything then the following day ng open up naman sa kin yung hubby ko n ex niya.. then, i found out that they both have mistakes sa relationship nila.. Pero pinagtataka ko lang kc yung girl ang bitter at ayaw makipag usap o mkpagkita sa min at sa ex niya n hubby ko. So, it started it all there, we hanged out with our group of friends once a week para mawala sa isip niya yung pain. we chat everyday and sometimes we hanged out alone, but during those mths may bf ako who happens to leave the country soon. Then, i was so depressed kasi yung ex ko n un sobrang ideal ng relationship namin as in.. para kming best of friends lang.. we do respect each other, we laugh, we cry, we play, we never argue or fight kc magkasundo kami in everything as in we're very much ok until he left.. so, sya(hubby) ang nging shoulder to cry on ko... gaya ng ginawa ko saknya,, he returned the favor, sya ang nkasuporta kaagad nung umalis ang ex ko. At ang malupit pa ng meet pa sila ng ex ko.. kc 2 days before umalis ang ex ko pumunta ko sa hauz ng ex ko para ibgy ang gft ko kc ayoko pmunta sa despedida niya kaya sinamahan ako ng hubby ko pagpnta don since taga cavite un at la akong kasi. Kaya ngmeet pa sila at wala naman akong idea n plan n pala nyang manligaw sa kin kaya pala pinilit nyang samahan ako para mameet daw niya yung ex ko para malaman daw niya ang level ng kalaban niya.. o db.. hahaha.. kaya ayun.. it started from there.. naging kami after 2 mths po.. at bihira lang mangyri kasi never ako ngco2mmit after ng isang rel unless its 2 yrs already.. tagl no... sya n kc yung nkita kong para sa kin. so, now we're very much okey and happy with our baby.
Logged

elsa08

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 155
  • Mommy ni Migs..
    • View Profile
    • Little Shoppers Haven
Re: Your love story
« Reply #83 on: September 11, 2008, 11:24:01 pm »

hi mga sis.. join na rin me..
i got so inspired reading your love stories... so share ko na rin ours...
hubby and i met sa office, he's a production engr while i'm a quality engr.. so these two section hardly work out well kaya super kami mgkaaway kasi when i reject a certain part, shempre di sya payag.. basta ganun ang scenario namin sa office.. ang irony, hubby and i share the same alma mater during college and live at the same town pero we met sa batangas pa.. mgkasama kami sa staff house since our company offers a staff house for those who lives far from work..
when i do my laundry, si hubby laging nakasunod sa kin, nkikipgkwentuhan, naiinis nga me nun kasi di me makabukaka when i do my laundry shempre dapat pa tweetums kasi my boylet.. sabi ni hubby di pa raw sya nanliligaw nun, nirereto niya yung isa naming officemate sa kin.. na di ko naman type pati si hubby was never my type.. as in talaga..
before i knew it, he started texting na me and telling all our housemates na he wanted to court me.. kaya yun super dami ngsasabi na sagutin ko na kasi mabait daw.. pero sila there telling my hubby na wag na me kasi maldita nga me pero tumuloy pa rin ang loko.. one time nga, he texted me na susunduin daw niya me sa opis since ng ot yata me nun.. hintay si hubby, i even told one of my staff na isama niya sa lakad niya tapos iligaw niya para makauwi na me.. pero sabi ng staff ko, try nga daw pero decided daw talaga eh.. kaya yun... miski in denial pa din me  that time... ayaw ko pa rin pero makulit talaga.. i even plan to resign and work sa cavite that time pero sabi ni hubby, mg wowork din daw sya sa cavite din.. hay, kaya yun bumigay na din me through text ko nga sinagot when he texted me an arabic message of i love you.. i reply back na he may have put a love spell on that message kasi it was then i realized na parang i fallin' na rin... kaya yun, after 4 months of kulitan.. we became officially us.. after 2 years, we got married.. after 2 years of married life, i'm 5 months preggy na..

sarap lang balikan ang tamis ng unang halik.. ;) ;)
Logged

vEy aNn

  • Newbie
  • *
  • Posts: 45
  • Me & My BaBy LoVe
    • View Profile
    • http://rafmanzano.multiply.com
Re: Your love story
« Reply #84 on: September 12, 2008, 10:57:18 am »

ei, wait lang ha. mukang mahaba love story ko e. ;)
Logged

lovesqniarthur

  • Newbie
  • *
  • Posts: 48
  • our bundle of joy-- aRtHuR JaReD c",)
    • View Profile
Re: Your love story
« Reply #85 on: September 12, 2008, 11:33:18 am »

sali din po ako! our love story?! hmmmn....

It started with a "gandang morning!" SMS. He accidentally included me in his recipients' list. I replied him good morning and that started our texting... Magkasma kami sa work before but we don't talk outside the office. He was a production leader and I'm a production controller/planner... Starting taht morning,he texts me every now and then, mga forwarded na jokes or quotes lang.. Then he saw me wearing a stainless steel ring made by one of our machinists as souvenir sa kin. Niloko niya ko. Sabi niya stainless girl na din daw ako, if I want, he'll give me a Silverworks ring na lang.. I took it as a joke lang kz dati na naman kami nagkkwentuhan anything under the sun pag andun ako sa production area namin... He always make me laugh... Di ko naimagine na someday cia pala yung makakatuluyan ko.. As in! He fully knew my relationship kz my ex-bf works in the same company and they're friends... Kakatext-text namin, nalaman niya yung story why we broke up. Nobody knows kz sa company why we broke up ni ex! Sabi ko lang, we're poles apart kaya it didn't worked out! Un naging part of my everydayroutine na yung pagtetetext-text namin. He's been my bestfriend and my confidante nung mga times na un and up to now... Para ciang alalay ko na wherever I am eh magugulat na lang ako na andun din pala cia. Matyaga cia to wait for me para ihatid ako pauwi ng house.. And before he started courting me, he had his hair cut short, nagshave cia ng beard saka bigote, he gave up his hikaw sa tongue... As in new look! hehe! I was like, wow cute pala cia when he's neat!  :o hehe! c",) Nag-e-effort cia for me pero di niya sinasabi if he's courting na ba or what?! Then the night of Feb.19, 2006 he said I love you thru SMS lang. Nashock ako kahit somehow i expect na ganun yung kakalabasan nung pageeffort-effort niya sa kin... I didn't replied his text kz I dunno what to say... Next morning, he flooded me I love you messages... Grabe! Sobrang dami ng text niya na puro  love you lang yung nakasulat! I can't concentrate on my work kz tunog ng tunog yung fone ko! So I replied him I love you too... Un! That started our relationship.. He doesn't cease to make me happy every single day of our relationship from that day up to now...

Actually, di ko pa cia love that moment, nakulitan lang talaga ako... But he taught me to love him as days go by. And now, I love him so much and our baby jared...  :D

Ooops, he gave me a silverworks ring a week after na sagutin ko cia! ;D
Logged
I cAn BeCaUsE I BeLiEvE i Can! c",)

sunmom

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 93
    • View Profile
Re: Your love story
« Reply #86 on: September 12, 2008, 01:17:35 pm »

ako din...kami naman ni hubby started out like this:

i transferred to another call center kasi feeling ko professionally abused na ko sa center ko that time...so ganon nanaman,training uli,bagong classmates,etc...since tech inapplyan ko,and that time ang tech accounts dominated by men, 3 lang kame girls sa class...e medyo sexy ang lola mo,so most of the guys noticed me...e dahil mom na rin ako that time (with my baby boy who died...) ayoko maciado maglalapit sa boys kasi baka magkaimpression sila na since may anak na giveaway na! and may bf din pla ako that time na may anak na rin from other girls (as in 2 girls,hehe!). But yung bf ko na un,lulubog-lilitaw thinking i'd still be his kahit walang ni-ha ni-ho! So one time,I decided to stop it with him sa tinagal ng di niya pagpaparamdam...And for some playful idea on my mind,inannounce ko sa class! di ko alam,crush pla ko ni hubby! e yung bading naming classmate nagdaldal. Tapos,yung image kasi nadinidisplay ni hubby sa class is pa-virgin boy! So being a mom and 2yrs older than him, I asked him to take me to the pyro display...

Grabe super tagal niya dumating sa meeting place namin, 1 hour! Ewan bakit ko cia inantay! Tapos super dami nang tao sa MOA,nilakad namin hanggang dun kasi walang masakyan! tapos after namin manood,ganon parin! nakarating na kami ng baclaran wala parin! When eventually nakasakay na kami,I asked him if he wanted to just sleep at my place kasi kawawa naman cia (kaka-20 niya lang that time...) buty he declined. Un pla,nahiya lang cia pero at the back of his mind,he was hoping toget it on with me! Pa-inosente pa,hmph! Anyway,continued dating wala parin made him yearn for more hanggang sa nakilala niya na i'm not just my body...nainlove and the rest is history! =)
Logged

little_tin_star

  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
  • When I'm stressed, I turn to Milo and Pretzel.
    • View Profile
    • Surprisingly Beautiful: My rants and raves on the life I didn't choose, but loving it to the fullest, anyway.
Re: Your love story
« Reply #87 on: September 12, 2008, 01:52:54 pm »

Basta talaga lovestory mabenta sa mga mommy! :D Nakakatuwa basahin mga stories nyo. Ako naman:

Galing din sa wedsite namin: Copy paste na lang. hehe.

This is our love story - at least from the bride's point of view. Read and kiligin along the way...

"December 07, 2002. I got back at PCTv as a txtjock. I knew he was a regular chatter kasi I kept seeing his nickname on my monitor and sa TV kasi addict sya sa CTRU. But, we weren’t talking yet. As in dedma with each other. I never greeted him kasi he never greeted me din naman. So, wala lang. Care ko at that time whether he notices me or not. December ended and we were not chatting still. Ewan ko ba pero dedma talaga kami.

Then, one night, my sister, Bru, and I were talking about the chat room and the chatters and who among them had “papable” nicknames. And by some force of nature or something, I said his nick, which was +VAMPIREMIGGY+. Tapos from that fateful night onwards, I had a “crush” on him na. Nickname-based at first, but eventually, became personality-based when we got to chat na in the room.

He greeted me first. Calling me Rintintin. Tapos ayun. Most of my shifts, kulitan galore na kami. I actually owe a lot to Lady Android aka Sharon. She was like the “way” para Jowell and I get to know each other.

We became textmates later on. Around May. We text until the wee hours of the morning. Kulitan lang. But we were constant chatmates na. And eventually, we got to talk on the phone. Latter part of May yata yun. I’m not really sure pero it was after I got back from Baguio. Speechless lagi ako every time na magkaka-four way kami nila Sharon, Sherwin (aka Clutch), and Jowell. Daldal na lang ako kapag wala na siya. Crush ko nga sya, db? kaya yun. Quiet always. Madalas 3-way or 4-way kapag talk kami. Di ko pa carry na kausapin sya on my own. I’ll be tongue-tied for sure. Pero siempre, the time came when the two of us had to talk na one-on-one. I survived naman. Fortunately, madaldal siya kaya I didn’t have to talk much. OK lang yun. I love listening to him naman, eh. Tapos, he’d call me na regularly. At first, he’d call me kapag di niya makausap si Sharon. Selos galore ako that time. Tapos, he’d call na for no apparent reason. Chikahan tsaka kulitan lang. But, I didn’t take it as a hint na he kind of liked me, too. I don’t want to assume kasi I don’t want to get hurt.

Frankly, from the moment I had a crush on him, I was falling in love with him more and more every day. The more I got to know him better, the more I was falling for him.

And I didn’t have the slightest clue if he was feeling the same thing…!"


--------------------------------------------------------------------------------
The Start of Something Beautiful
"Jowell was out with his family and relatives. They went sa Music21. Treat ng tita niya from the States who was here with her daughters for a visit. We were texting tapos he asked me to go out with him tomorrow to watch a movie. I agreed kasi we were friends’ naman, di ba? And besides, it is about time that the name and the voice had a face.

We met at Starbucks at SM North. I got sa meeting place first. He was there at SM na pero I walked faster kasi he just had his foot operated. Wawa nga siya kasi he had a hard time walking. I saw him na while I was buying my all-time fave drink. I didn’t approach him. Dedma lang pro my heart was racing big time. Finally, he went na to my table. Beso-beso like old friends pero deep inside, I was so kilig. We stayed there muna then shot some hoops before we saw Charlie’s Angels. Before the movie, we weren’t holding hands yet. But, after that. Wow!!! I was on cloud nine. I was ecstatic. We played some video games after the movie. Grabbed a quick bite then walked around. Finally, it was time to go home. He wanted to make hatid, but I declined na. It was late and I know his foot hurt badly na. He walked me na lang sa hintayan ng cab. He waited for me to get a ride. Then, he kissed me. Sa lips. Quick lang. As in mwah. Pero maski na. Kiss pa din yun. I was surprised and happy. But, I didn’t let that kiss get into my head. I was thinking of it as more of a friendly kiss rather than romantic in nature. Nonetheless, that night ended well.

I don’t know what got into his head and his heart and he asked me if he can court me. And I would be so darn stupid if I say no. Hello! I love him. But, I was really taken by surprise. I was not expecting it. I was hoping and wishing, but I didn’t know that it was coming that soon. But, what the heck, right. I’ve been waiting for this day.

And, officially on July 15, 2003, we became a couple."
Logged

vEy aNn

  • Newbie
  • *
  • Posts: 45
  • Me & My BaBy LoVe
    • View Profile
    • http://rafmanzano.multiply.com
Re: Your love story
« Reply #88 on: September 15, 2008, 02:59:00 pm »

wow, nakaka-inspire naman mga love stories nyo! yiheeee... *kilig*

i guess its time na for me to share mine. hope magustuhan nyo.

it was summer '94, i guess april '94 when my hubby and i officially met. we were batchmates. our choir needed some guys to act as disciples & crowd for our cantata. one of our member (friend ni hubby) "recruited" some kasama si jun (hubby). after our practice we went sa bahay ng co-member namin who is now my brother-in-law. there, they started making "galit" us. sabi ko di ako ang gusto niya, yung friend ko. kasi way back 3rd yr high school, nagpalakad siya sa 1 pang friend ko na classmate niya, sa friend ko (magulo ba?!). so ang alam ko nung mga panahon na yon, tuloy-tuloy niyang nililigawan yung friend ko. (ayaw ko kasi ng ganon na after nung friend ko, ako naman, parang tagasalo ba!)sabi nung mga kasamahan ko sa choir na kilala siya na wala daw nililigawan, so akala ko, niloloko lang ako. one time, nagpaalam siya sa kin na di na madadalas ng pagpunta sa bahay kasi lilipat sila ng bahay na malayo na, deep inside me, natutuwa ako.

nung 1st yr college, he continued courting me. binabale-wala ko lang siya, pinagtataguan pag pumupunta sa school. there was a time pa na timing nung pumunta siya sa school, uwian na namin, may ibang nanliligaw sa kin (naging boyfriend ko - fling lang, nakipag-break din ako after how many weeks kasi sabi nung friend ko, nung nanood siya ng sine nakita niyang may kasamang iba, two-timer ba!!! grrrr...), nakita niya un. sumunod siya sa dunkin', nag-CR kami nung friend ko, naiwan sa table yung nanliligaw sa kin, sa kabilang table si hubby. kinalikot ni manliligaw yung wallet ko, nakita yung picture ni hubby tsaka pinintasan. pagbalik namin nung friend ko, wala na si hubby. nagpadala siya ng letter thru his friend na di muna siya magpapakita sa kin. super sad ko, kasi don ko lang na-feel na love ko pala siya. huhuhu... :'( may time pa nun na nagpupunta ako sa mga pinsan ko, umiiyak. sad talaga!

it was april 29, 1996, nung nagkita kami sa church, i tried talking to him with the help of my sister, cousins and other church friends. iniwan nila ko sa isang room to talk. there, nagkasagutan na. :D

may 4, 2003, he didn't go to church. i called him up to scold him. during our conversation, he proposed to me. i was so shocked then, i don't know what to say, how to react. i was speechless. he asked me again. he asked me kung ano daw sagot ko? that's the time i said yes to him.

i walked down the aisle proudly and exchange i do's last december 20, 2003.
« Last Edit: September 15, 2008, 03:41:24 pm by veymanzano »
Logged

prettytrisha

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 198
    • View Profile
When, where, and how did you meet the man you are married to?
« Reply #89 on: October 08, 2008, 06:14:59 pm »

Hi Mommies! Just want to share how me & my hubby meet. Somebody just asked me kasi this question. Kasi foreigner hubby ko & people think that you can only meet foreigners thru internet/chat or if your working in a bar!  :o

*********************
I almost forgot this story. It was him who reminded me of the first day that we meet. Na-love at first kasi siya sa akin! Haba ng hair ko! ;)

I was sitting at the lobby where he used to work before and was waiting for somebody na may appoinment ako. A group of foreigners walk inside. I noticed him kasi malayo pa lang nakatitig na siya sa akin. Hanggang lumagpas na, nakatingin pa din siya sa akin. And he almost bumped the wall (literally), as in. Wala naman akong interes sa kanya that time kaya hindi ko masyadong pinag-tuunan ng pansin.

Then, his secretary told him na may supplier na gustong ma-meet siya. He thought it was just an another supplier so he asked somebody to have a meet us. He said, he don't know what urge him para maki-join sa meeting namin. Then to his surprised, I was there with the rest of his group having a meeting. Since then, hindi niya na ako tinantanan.

Pag pinag-ku-kuwentuhan namin yun, lagi kaming natatawa. He said, he acted like a school boy that time na first time nagka-crush. Lagi kasi cyang nagpapa-cute. Things that he's not supposed to do daw at his age & given his position sa company.

We're very happy together. We've been through a lot (at marami na rin akong nai-iyak) but I know we will still be happy together dspsite all odds. Though there are times na nag-aaway kami, sometimes cause of cultural differences. But he said, its one of the things na nagpapa-strong ng bond namin dahil, there's always excitement :) And by the way, we're having our second baby next year!
Logged
Pages: 1 ... 4 5 [6] 7 8 ... 23