Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 22 23 [24] 25 26 ... 28

Author Topic: All about Injectables  (Read 336781 times)

hannahfaith08

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: All about Injectables
« Reply #345 on: December 30, 2012, 11:57:24 pm »

hello mommies! i'm new here. share ko lang experience ko sa injectable..

i'm still studying kaya pinilit ako ng mom ko na magpa-inject sa barangay health center namin kasi natatakot sila na masundan yung apo nila hehe. ayaw ko sana kasi sabi nila nakakataba daw yung injectable e mataba na nga ako, iniisip ko baka dumoble lalo weight ko. dahil nagagalit na sakin yung mom ko, napilitan ako magpa-inject.

nung nagpunta ko sa health center, kakatapos lang nung period ko. ang alam ko dapat during your period ka dapat magpa-inject (kung first time) pero napilit naman namin yung worker dun na bigyan na ko ng shot. sabi niya sakin pag first to second time daw minsan magkakaron ka ng spotting o kaya hindi ka magkakaron. pero pag third time na daw hindi ka na daw talaga magkakaron (nakalimutan ko kung bakit). sabi din sakin na kelangan ko daw magcontrol sa pagkain kasi majority ng nagpapa-inject ay naggegain ng weight.

after nung first shot ko (september), lagi akong may period sa loob ng 3 months. siguro 4 days up to a week lang ako walang period tapos meron na naman. iba-iba naman kasi ang reaction nung gamot, depende siguro sa tao. yung iba hindi nagkakaperiod at yung iba naman laging may period. and luckily, hindi ako tumaba. naglose pa nga ko ng weight. siguro kasi stressed ako sa school and humina din talaga yung pagkain ko.

kakabalik ko lang sa health center to have my second shot and glad to know na nag-lose ako ng 8 kilos. :D

by the way, di ko alam yung brand ng ininject sakin, pero Php 125 ang binayaran ko.
Logged

-joanamber-

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 175
  • brianna's mom
    • View Profile
    • https://www.facebook.com/joanabri
Re: All about Injectables
« Reply #346 on: February 09, 2013, 10:54:11 am »

I want to stop injectables na. Pwede na ba agad agad magswitch sa pills?
Logged
-joanamber-

tsukino4

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 169
  • My Life's Happiness ~Miko and Baby Aoi
    • View Profile
Re: All about Injectables
« Reply #347 on: April 09, 2013, 02:29:23 pm »

totoo ba na iniinject to sa braso kung san di masyado nagagalaw? ganun kasi ginawa sakin.. kayo po?
Logged

Have faith to God and you'll live a better life.

mariespancho

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: All about Injectables
« Reply #348 on: June 02, 2013, 08:09:18 am »

I want to stop injectables na. Pwede na ba agad agad magswitch sa pills?

Ako din gusto ko malaman if pwede ba stop injectales and change sa pills. when kaya pwede magpills? anyone experienced this? thanks!
Logged

bhinggay

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: All about Injectables
« Reply #349 on: June 27, 2013, 03:55:32 pm »

hi mommies,

ask ko lang kasi medyo paranoid na ako, naka lyndavel injectable ako for 6months na, me and my hubby decided na stop na sya, last duedate ko nung June 19 hindi na ako nag pa inject ulit, pero last June 26 (yesterday) nag make out kami and hindi niya nawithdraw sa labas, possible kaya na mabuntis ako pag ganun? paranoid lang, thanks!

waiting din ako sa reply ng OB ko :(
Logged

minijared

  • Newbie
  • *
  • Posts: 45
  • "Mother is a god in the eyes of a child"
    • View Profile
Re: All about Injectables
« Reply #350 on: June 30, 2013, 03:00:46 pm »

sa health center ako nagpa-inject last friday. last day of period ko. sabi saken magkaka-spotting daw ako pero kung may bleeding ng more than a week with 3 change of pads hindi daw normal un. so far wala naman ako spotting, hindi din ako nahihilo.
Logged
"Somebody doesn't know that once you're a mother, "Normal" is history".

EllenBon

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: All about Injectables
« Reply #351 on: August 26, 2013, 01:34:28 am »

hello po. im new here. :) 10 months na ako under injectable. depo trust for about less than 150 lang sa watsons. sa health center ako nagpapainject. pag naubusan sila ng stock, eto ang pinapabili nila saken. the advantage of this for me is, hindi talaga ako nagkakaroon ng mens. nong first month lang, as in isang buwan akong nagka mens pero moving forward after that, hindi na. pero ang disadvantage e tumaba talaga ako. kaya ngayon, im planning to consult my OB this week kase di ko na kaya to. di ko na nasuot yong mga dresses ko. safe kaya kung magtetake ng BIOFIT tea? pra mag lose ako ng weight?
Logged

minijared

  • Newbie
  • *
  • Posts: 45
  • "Mother is a god in the eyes of a child"
    • View Profile
Re: All about Injectables
« Reply #352 on: September 23, 2013, 11:17:24 pm »

i had my first  shot last june 28, july & august hnd ako nagka-period then sept 5 nagkaroon ako until now. hindi na ako bumalik sa center for my scheduled shot kasi sabi ng ob ko wag muna. nagpa-ultrasound ako, based duon may tumutubo uling polyps sa uterus ko. and chronic bleeder na daw ako. namumutla na kasi ako nun nakita ako ni doc. binigyan niya ako ng pills, hemostan and iron supplement. after a week balik ulit to see if meron change.
Logged
"Somebody doesn't know that once you're a mother, "Normal" is history".

anne13

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: All about Injectables
« Reply #353 on: September 25, 2013, 08:36:33 pm »

hello po, pa 3 times na po ako nagpa inject ng lyndavel.. ask ko lang po if okay lang ba siya na gamitin ko kahit d p ako mommy,, kasi yung husband ko ayaw p namin magkaron ng baby...
Logged

AnJelatine

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 104
    • View Profile
Re: All about Injectables
« Reply #354 on: December 28, 2013, 04:09:59 pm »

Kapag injectable ba, irregular ang cycle? Iniisip ko kase mag switch from pills to injectable eh.
Logged

tinsantos10

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 76
    • View Profile
Re: All about Injectables
« Reply #355 on: December 30, 2013, 07:58:50 pm »

^Yes sis. Nakaka-irreg talaga ng cycle ang injectibles.
Logged

zhel1605

  • Newbie
  • *
  • Posts: 20
    • View Profile
Re: All about Injectables
« Reply #356 on: January 10, 2014, 12:29:32 pm »

Hello mga mommies. first time ko nagpaturok ng injectable binigay sakin is depotrust.. dati kasi pills ang gamit ko kaso tinigil ko kasi almost everyday masakit ang ulo ko. Then yun nga switch ako. I got my first shot last December 7, 2013.  I had my 4th day of menstruation nun and until now meron pa din akong spotting. Hindi naman sya ganun karami konti konti lang and minsan nawawala pero bumabalik pa rin. Lately din lagi akong nanghihina and nahihilo, is it possible kaya na mabuntis ako even if I had my shot? Next shot ko kasi is feb pa. Natatakot kasi ako 4 months pa lang ang baby ko and hindi ko pa nakakalimutan yung panganganak ko kaya medyo traumatic pa. Normal lang ba tong nararamdaman ko? Kasama lang sya sa side effect? Thanks.
Logged

BASTI

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 218
  • Macco-kay ko!
    • View Profile
    • http://ccc25.multiply.com
Re: All about Injectables
« Reply #357 on: January 12, 2014, 08:31:59 am »

totoo ba na iniinject to sa braso kung san di masyado nagagalaw? ganun kasi ginawa sakin.. kayo po?

Yes possible...
sakin kasi yung OB ko sa Pige ako  tinuturukan pero nun one time na nakita niya may tattoo ako sa back na bago sa braso ako ininject.. which is okay naman pero ngait na ngawit lang talaga yung braso ko.... effect daw ng pag turok yun...





Hello mga mommies. first time ko nagpaturok ng injectable binigay sakin is depotrust.. dati kasi pills ang gamit ko kaso tinigil ko kasi almost everyday masakit ang ulo ko. Then yun nga switch ako. I got my first shot last December 7, 2013.  I had my 4th day of menstruation nun and until now meron pa din akong spotting. Hindi naman sya ganun karami konti konti lang and minsan nawawala pero bumabalik pa rin. Lately din lagi akong nanghihina and nahihilo, is it possible kaya na mabuntis ako even if I had my shot? Next shot ko kasi is feb pa. Natatakot kasi ako 4 months pa lang ang baby ko and hindi ko pa nakakalimutan yung panganganak ko kaya medyo traumatic pa. Normal lang ba tong nararamdaman ko? Kasama lang sya sa side effect? Thanks.


hi sis... ako kasi when I felt something new I always asked my OB talaga...

I cant tell whats happening to you pero naalala ko meron akong ganyan time din dati..........
Logged
I miss my SP sissie's for so long ^^ Im back for good :)

AnJelatine

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 104
    • View Profile
Re: All about Injectables
« Reply #358 on: January 12, 2014, 12:29:27 pm »

^Yes sis. Nakaka-irreg talaga ng cycle ang injectibles.

Thank You! :) Mag stick na lang ako sa pills ko tutal hiyang naman ako. Napa-isip lang ako mag switch kase P450/month ang pills ko :-\
Logged

minijared

  • Newbie
  • *
  • Posts: 45
  • "Mother is a god in the eyes of a child"
    • View Profile
Re: All about Injectables
« Reply #359 on: January 12, 2014, 07:49:53 pm »

update: sept-october may period ako. puro spotting. binigyan ako ng micropill ng OB ko for hormonal imbalance pero 2x palang ako uminom sobrang sakit ng ulo ko tska suka ako ng suka. pinatigil un pills. came nov, bumalik un period ko (5-7days) unitl now normal na ulit. hnd ko tuloy alam kung magpapa-inject ulit ako. very convenient kasi saken, makakalimutin kasi ako sa mga iniinum kaya hnd ko gustong mag-pills.
Logged
"Somebody doesn't know that once you're a mother, "Normal" is history".
Pages: 1 ... 22 23 [24] 25 26 ... 28