Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 16 17 [18] 19 20 ... 22

Author Topic: All About "Paglilihi"  (Read 251034 times)

liams mom

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 512
    • View Profile
Re: funny moments while pag.lilihi
« Reply #255 on: October 06, 2010, 05:46:25 pm »

1st trimester ko, 1 bus ride lang kami nakatira from office. Since 4:30 uwian na namin, mga 5pm nasa house na ko. Sleep na agad ako, takaw ko talaga sa tulog,as in! Si hubby,darating mga 6:30. Pagdating niya,ginigising ako para kumain. Naku,galit na galit ako sa kanya. As in hinahawi at minsan nasisipa ko pa sa inis kasi iniistorbo tulog ko! Gawa niya kasi i-hug at i-kiss ako para magising...haha.. Tumigil lang siya nung narealize niya nabubugbog ko siya dahil sa pag hawi ko. Mga sumunod na araw, either ipa gising na lang ako sa mama ko or pag siya, sa paa na lang ako kinakalabit para magising. Hahaha... Kawawa naman asawa ko! Buti na lang na-tolerate ang ugali ko nung buntis! 
Logged
lga

purplemom

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 827
    • View Profile
Re: funny moments while pag.lilihi
« Reply #256 on: October 06, 2010, 07:28:16 pm »

ako naman sa daughter ko gustong gusto ko kumain ng quail egg as in di ako namimigay kahit kanino at pag may kumuha umiiyak ako tumutulo agad luha ko feeling ko inapi ako..he he..

with my son naman gustong gusto ko yun homemade na ice candy and ayaw ko yun nabibili sa grocery gusto ko yun binibili ni hubby sa mga houses eh sa lugar namin wala naman nagtitinda ng mga ganun ice candy so dumadayo pa sya sa ibang lugar yun madami bata or susundan niya mga batang may dalang ice candy and ask niya if san binili..ha ha ha

pag sumasakay naman ako ng taxi at ayaw ako pasakayin ang lagi ko sinasabi sa driver "di sana kayo makaboundary" or "sana maholdap kayo" ..ha ha..ang bad talaga tapos nakikita ko reaction ng driver natutulala di naman ako masugod kasi buntis nga..pero binabawi ko naman kasi nag pray naman ako na wag magkatuto yun curse ko bad yun eh..ewan ko ba pag buntis dahil sa hormones natin nagiging pilya whatever..he he
Logged

happiestwoman

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 120
    • View Profile
Re: funny moments while pag.lilihi
« Reply #257 on: October 06, 2010, 09:01:41 pm »

Nakakatuwa naman tayo mga sis noong naglilihi...
Ako naman ang pinaglihian ko noon strawberry, subway subs (steak & cheese) yakult at si Hubby…
 Kawawa nga si hubby nung lihi stage palang ako kasi naiinis ako sa mukha niya minsan nga nasipa ko sya ng wala lang dahilan basta naiinis lang ako sa mukha niya.
At ang hilig kong pinahihirapan noon si hubby gustung gusto ko na nagaalala sya saken kaya naman gabi gabi nagpapansin ako inaaway ko sya at lumalayas ako  ayun lagi naman niya ako nahahanap at sinusuyong umuwi na.
One time ciguro napuno na sya noong lumayas na naman ako nagtataka ako bat ang tagal at hindi parin ako sinusundan ni hubby kaya naman sumuko ako at umuwi pag dating ko sa house ala si hubby sa room tapos ala din lahat ng damit niya ayun ako tuloy ang nagalala tinatawagan ko sya sa  cellphone niya hindi niya sinasagot , nagtext sya, sabi “ Ako nalang ang aalis para hindi mo na kailangang umalis pa ayoko ko kasi na napupuyat ka masama sa bata yan” ayun  sobrang  guilty at nag alala talaga ako … Un naman pala itinago niya lahat sa ilalam ng kama  yung mga damit niya at sya ay nasa coffee shop lang malapit sa bahay, inaantay niya lang na mangako ako na hindi na maglalayas bago sya umuwi…ang kulit ko no?
Kaya si hubby talaga ang pinaglihian ko noon ng todong todo kaya naman 1st 4d ultrasound palang ni baby lahat sila nagsabi na kamukha ni hubby at un noong lumabas nga carbon copy nga sila kaya si hubby tuwang tuwa next time daw ulit sya paglihian ko. At sobrang thankful ako kasi ang bait ng asawa ko sobra ang tiniis niya noong naglilihi ako.
Censya na  mga sis napahaba kwento ko…
 ;D
Logged
happiestwoman

pinoytamil

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 316
  • its so hard wanting & labing sam1 dat u cant be w/
    • View Profile
Re: funny moments while pag.lilihi
« Reply #258 on: October 07, 2010, 08:42:14 pm »

ako kasi ang dami ko gusto kainin pero kapag nasa harap ko na hindi ko talaga makain pero ito yung mga nakakatawa nandun kasi ako kina mommy ko wich is talagang barrio sya at nagpakuha talaga ako ng maLig-ang(para xang blue berry/duhat) ayun since rare pa lang yung prutas na yun dat time eeh talagang lahat ng makakakita gusto humingi eeh yung tita ko lang naglakas ng loob magsabi sakin binigyan ko naman sya kaya lang as in bubot na bubot talaga hahaha... tapos nagwala talaga ako nung yung guyabano eeh nawala sa puno kasi hinintay hintay ko talaga sya mahinog imagine inabangan ko sya at inambi ko sya sinz nung bulaklak pa lang sya ang weird talaga hahaha imagine naghintay ako sa wala kaya ayun todo talaga ang pagwawala ko tsaka nung 1 time kasama ko yung pamangkin ko tsaka pinsan ko abay kami sa kasal nakagown pa kami eeh nakakita ako ng puno ng malig-ang gosh! wash out talaga mga sis ang byuti namin talagang nanungkit kami ng malig-ang hahaha pagnaaalala yun ng pamangkin ko gang  ngayun naiinis pa din sya sira kasi poise niya hahaha
Logged

ravenwillis27

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 811
  • Being a mom isn't easy.If it was,dads would do it.
    • View Profile
Re: funny moments while pag.lilihi
« Reply #259 on: October 07, 2010, 08:52:48 pm »

@smurf - sis sa lahat ng post sayo ako natawa.. sa rice dispenser tawa ako ng tawa  ;D naisip ko lang, kelan kaya maiisip ni hubby na hanapin ako sa rice dispenser haha (chubby kasi ako kaya impossible! haha) pag nag diet ako yan ang inspiration ko - magkasya sa rice dispenser  ;D

nung naglilihi ako, ang pinaka ayoko yung amoy ng ginigisang bawang at sibuyas.. nasusuka talaga ako. ayoko rin ng smell ng processed meat like tocino, longganisa, etc.  pati kapitbahay namin pinagdadabugan ko pag nagluluto ng may ganung smell.. sabi ng hubby ko, "anong gusto mo, wag na sila kumain beb?" ;D

super like ko naman singkamas and melon. pero gusto ko sa SM supermarket bibili. ayoko ng iba. gusto ko makita yung sticker ng Dizon Farms (supplier ng fruits ng SM). pag wala nun, ayoko na. sinasawsaw ko nga pala yung singakamas at melon sa bagoong.. kadiri ngayon pag iniisip ko yung melon na may bagoong :-\

Logged

victoria

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 142
  • Happy because I am now a mother and a....
    • View Profile
Re: funny moments while pag.lilihi
« Reply #260 on: October 09, 2010, 12:37:35 pm »

ako kasi ang dami ko gusto kainin pero kapag nasa harap ko na hindi ko talaga makain pero ito yung mga nakakatawa nandun kasi ako kina mommy ko wich is talagang barrio sya at nagpakuha talaga ako ng maLig-ang(para xang blue berry/duhat) ayun since rare pa lang yung prutas na yun dat time eeh talagang lahat ng makakakita gusto humingi eeh yung tita ko lang naglakas ng loob magsabi sakin binigyan ko naman sya kaya lang as in bubot na bubot talaga hahaha... tapos nagwala talaga ako nung yung guyabano eeh nawala sa puno kasi hinintay hintay ko talaga sya mahinog imagine inabangan ko sya at inambi ko sya sinz nung bulaklak pa lang sya ang weird talaga hahaha imagine naghintay ako sa wala kaya ayun todo talaga ang pagwawala ko tsaka nung 1 time kasama ko yung pamangkin ko tsaka pinsan ko abay kami sa kasal nakagown pa kami eeh nakakita ako ng puno ng malig-ang gosh! wash out talaga mga sis ang byuti namin talagang nanungkit kami ng malig-ang hahaha pagnaaalala yun ng pamangkin ko gang  ngayun naiinis pa din sya sira kasi poise niya hahaha


sis, natatawa talaga ako...    hehe
Logged

pinoytamil

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 316
  • its so hard wanting & labing sam1 dat u cant be w/
    • View Profile
Re: funny moments while pag.lilihi
« Reply #261 on: October 09, 2010, 12:54:58 pm »

haay naku sis gang ngayun asar pa din sakin pamangkin ko...
nasa tabing kalsada kasi yung puno at everytime na meh dadaan na bus or any kind ng vHcle eeh napapatingin talaga samin sinabi ko na lang sa kanya haay naku maiintindihan mo din ako kapag ikaw naman ang naglihi


sis ganda naman ng profile pic mo hehe kelan labas nyan?
Logged

mommycake

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 66
    • View Profile
Re: naniniwala ba kayo sa" lihi"?
« Reply #262 on: October 10, 2010, 12:52:48 pm »

Para sakin totoo ang lihi.. proven para skin.. kc pinaglilihian ko MATA ng pusa..hinihimas himas ko un aun nakuha ni baby tignan nio pic niya.


--diba yung mata ng pusa bilugan na may pagkasingkit?

Tapos eto, c Cristine Reyes naman.. Eva fonda pa nun yung teleserye niya and fav ko sya since lumipat sya sa ABS, super sikat sya nun.. gustong gusto ko dimples niya kahit isa lang! sbi ko sana magkadimple din c baby gaya ni Cristine Reyes..
eto yung patunay..


haha la naman kami dimple ni hubby! haha kaya naniniwala ko sa lihi:) para skin lang ha:)
Logged

MommyJammy

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 243
  • Disco Disco Good Good \(^o^)/
    • View Profile
Re: funny moments while pag.lilihi
« Reply #263 on: October 13, 2010, 10:39:43 am »

Funny moments? hmm.. hindi sakin kundi kay Hubby, hindi ko alam kung totoo talaga yung NAPAPASA yung paglilihi pero nagdadalawang isip nako kung maniniwala ako.

Pano naman kasi, start ng 3 months ko, i bought myself a pack of yoghurt kasi i have LBM, edi kinain ko, maya maya mo dyan tinatanong ako ni hubby ko kung meron pa daw, sabi ko meron pa ref, kung pwede daw sa kanya nalang  :o aba! inagawan pa ko! Tapos may incident madaling araw naghahanap ng orange at itlog na maalat!  tapos may time na nanonood kami ng movie eh may kinakain yung actor na pack ng chips, sabay kami, "wow gusto ko din ng chips!" tapos nagkatinginan kame sabay tawa.

Minsan inaagawan ako sa kinakain ko hay nako, ano ba yung nangyayari na yun? i'm confused.  :o
Logged

jhenbreak

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 66
    • View Profile
Re: naniniwala ba kayo sa" lihi"?
« Reply #264 on: October 30, 2010, 09:11:26 am »

actually, for me, it's all in the mind! pero it's Biblical as well. Read a part of Exodus na ata un or still in Genesis, can't remember, pero it's about Jacob and Laban. May ginagawa si Jacob para maging batik-batik yung hayop, may itinatali siya sa sanga dun sa kinakainan ng mga hayop para maging batik-batik din yung anak para maging palatandaan na sa kanya yung lamb/goat at hindi kay Laban.

mich_tatsdwayne

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 255
    • View Profile
Re: naniniwala ba kayo sa" lihi"?
« Reply #265 on: October 30, 2010, 12:35:18 pm »

Hindi din ako naniniwala sa "lihi". Pero may cravings talaga pag preggy at may times pa na walang gana kumain.

Nung preggy ako (1st trimester), sobrang nag-crave ako sa mga Pinoy dishes na di ko nakakain dito sa Singapore. One time kumain kami sa Pinoy resto at talaga namang lamon ang ginawa ko. hehe. Gustong-gusto ko pati ng lechon kaso wala pero lechon kawali meron kaya ok na din. Tsaka gustong-gusto ko din that time ang Quarter Pounder ng McDo.

Minsan naman takaw tikim lang ako. Bibili ako ng food pero di ko din kakainin. Talagang sayang.   
Logged

chelle_peachy0524

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 62
  • certified full time mommy
    • View Profile
Re: naniniwala ba kayo sa" lihi"?
« Reply #266 on: November 04, 2010, 10:38:40 pm »

lihi? i thinks there's no such thing but cravings yes... and the mere fact na matakaw talaga ang buntis o walang gana. kasi yung color ni baby genetic naman di ba like for example kung "naglilihi" ka sa siopao eh kung pareho naman kayo ng hubby mo na kulay uling eh di pa rin puputi ang anak mo kahit kumain ka ng maraming siopao di ba? 
Logged

honey-ecclaire

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 991
  • this is the last time I fall inlove...
    • View Profile
Re: naniniwala ba kayo sa" lihi"?
« Reply #267 on: November 04, 2010, 10:52:23 pm »

me too,Nung preggy ako lahat ng naamoy ko eh saging,pati amoy pawis ng hubby ko....pag nandyan na sya dapat di muna sya maligo kase sisimsimin ko pa ang kili-kili hehe

now,ayun ligo agad pag amoy pawis na...And sabi nila pag sa saging pinaglihi eh parang madaling mangitim ang balat if nakakagat ng kung ano(Lamok) ayun my son is like that..

Kaya sabihin man nilang wlang scientific basis naniniwala pa din ako.....yes,yung mga deformities ng ilang tao na isinisisi nila sa lihi dun ako hindi naniniwala...
Logged
The moment a child is born, the mother is also born.  She never existed before.  The woman existed, but the mother, never.  A mother is something absolutely new.  ~Rajneesh

sarge

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 184
  • I love my baby Derek! :)
    • View Profile
Re: funny moments while pag.lilihi
« Reply #268 on: November 05, 2010, 01:59:59 pm »

ako naman sa daughter ko gustong gusto ko kumain ng quail egg as in di ako namimigay kahit kanino at pag may kumuha umiiyak ako tumutulo agad luha ko feeling ko inapi ako..he he..

with my son naman gustong gusto ko yun homemade na ice candy and ayaw ko yun nabibili sa grocery gusto ko yun binibili ni hubby sa mga houses eh sa lugar namin wala naman nagtitinda ng mga ganun ice candy so dumadayo pa sya sa ibang lugar yun madami bata or susundan niya mga batang may dalang ice candy and ask niya if san binili..ha ha ha

pag sumasakay naman ako ng taxi at ayaw ako pasakayin ang lagi ko sinasabi sa driver "di sana kayo makaboundary" or "sana maholdap kayo" ..ha ha..ang bad talaga tapos nakikita ko reaction ng driver natutulala di naman ako masugod kasi buntis nga..pero binabawi ko naman kasi nag pray naman ako na wag magkatuto yun curse ko bad yun eh..ewan ko ba pag buntis dahil sa hormones natin nagiging pilya whatever..he he

Mommy tawa ako ng tawa dito grabe. :)))))) Benta.

Ako rin natatawa ako sa sarili ko kasi ang damot ko sa SUHA. Pag yung tatay ko nakikiagaw nagiinit ulo ko. Sabi ng nanay ko ano ba yan para kang di pinapakain, ang taba taba mo na nga. :)))))

Ang sweet naman ng hubby mo, hinagilap niya talaga yung bentahan ng ice candy. :> Sana ganyan rin boyfriend ko.

Ako naman mommies hahaha, nung buntis ako lagi ako nagpapabili ng balot pero di ko kinakain yung sisiw.. ang kinakain ko lang yung dilaw. Sa isang upuan nakaka-anim ako or pito. Kaya tumaba ako ng husto ngayong nagbubuntis ako. Natatawa ako kasi tumira ako sa boyfriend ko nung first trimester ko.. sa pangasinan.. Pag nagcrecrave ako ng balot, sobrang nakasimangot ako :))))) Pinagtatawanan ako ng boyfriend ko kasi alam niya na ibig sabihin nun. May isang beses pa nga mga 10 na ng gabi naglakad kami mula sa barrio nila, gang sa kabilang barrio para lang maghanap ng balot! HAHAHA. :)) buti pasensiyoso boyfriend ko sakin...

LOL.
Logged

cherryblossom

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 74
  • ♥My baby is my life♥
    • View Profile
Re: naniniwala ba kayo sa" lihi"?
« Reply #269 on: November 17, 2010, 01:26:02 pm »

lihi ba kamo? haha oo na hindi medjo naniniwala kasi pinaglihi ko anak ko sa bf ko, lagi akong galit sa bf ko ng nagbubuntis palang ako, ayun c baby kamukhang kamukha ng kanyang tatay.. hindi dahil, mahilig ako sa chocolates nung buntis ako, as in bibili talaga ako kapag gusto ko kahit walang pera haha...kumukupit sa wallet ng mama ko.. pero eto c baby d naman maitim, ang pink pink ng complexion niya.... yun... sa pilipinas lang yata ang lihi lihi na yan, check mo sa ibang bansa, cravings lang ang tawag dun...
Logged
Pages: 1 ... 16 17 [18] 19 20 ... 22