Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 17 18 [19] 20 21 22

Author Topic: All About "Paglilihi"  (Read 261324 times)

autisteek

  • Newbie
  • *
  • Posts: 13
    • View Profile
Re: naniniwala ba kayo sa" lihi"?
« Reply #270 on: December 27, 2010, 02:32:15 pm »

i believe in "lihi" in terms of cravings ... nakakarelieve talaga ng morning sickness pag nakakain mo yung gusto mo, ang sarap sa pakiramdam... esp to moms like me who have really bad morning sickness...


pero yun lihi as in nagiging kamukha, che! hindi yon totoo.. sabi ko nga friend ko, baka alibi na lang yon ng mga hindi makapagpaliwanag sa asawa at byenan nila kung bakit kamukha ng kapitbahay nila yung baby nla. hahaha! I have an uncle who has a persian-like daughter (hindi persian cat ha!), firstborn niya dun sa tita ko... sabi nung mother pinaglihi daw sa santo nino.. aun pala (according to the mother's siblings), buntis na pala yung tita ko and ang daddy ai yung arab bf niya... childhood sweethearts sila ng uncle ko.... hehe.
Logged

thersie_marie

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 168
    • View Profile
Re: naniniwala ba kayo sa" lihi"?
« Reply #271 on: January 03, 2011, 10:16:02 pm »

i remember sabi ng psych prof q. d totoo ang lihi. kung gusto nyo magkaron ng guapo/magandang bebe, magasawa kayo ng guapo! haha.

pero i believe na may mga cravings talga.. katulad dun sa panganay q. d q pa alam na preggy ako. sobrang gusto q talga ng banana ketsup ng mcdo!! from intramuros to shaw blvd, hanap kami ng hanap ng hubby q.. umiiyak na q. tas sbi ng dad, bili na lang tayo sa bote? waahh. ayoq. gusto q banana ketsup sa mcdo!! haha. til now natatawa pa din kami sa moment na un :)

funny mommy noh..ako di ko ganun nasunod mga cravings ko kc iniisip ko c baby....kasi alam ko yung lihi or mas tama sabihin kung ano ang nakahiligan mo my posibilidad na maapektuhan c baby.  kasi di ba karugtong natin sila. kapag malungkot ka daw malungkutin din c baby..for me paglabas nga ni baby ayaw mag-smile..parang laging nakasimangot. kaya nung lumaki lagi ko syang nilalaro nung ng 1yo and haf  na lang sya naging masayahin. 
Logged

michelledm

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: naniniwala ba kayo sa" lihi"?
« Reply #272 on: January 05, 2011, 02:08:30 pm »

yun na siguro ang paglilihi, during the first trimester kasi diba we all suffer from different kinds of paglilihi. yung iba madali, yung iba naman mahirap like ako when i was pregnant with my first baby, grabe hindi pa ako delay noon i was ecxecting my period on the 30th pero 27th pa lang iba na naf-feel ko. Super nahilo ako all day kala ko pagod lang then the other day ganun na naman as in tapos nagsusuka ako from time to time. Kailangan nasa loob lang ako ng room with aircon kasi lahat ng maamoy ko susuka talaga ako. every after meal suka ako as in. hindi ko na alam gagawin ko nun super weak na ako. Ayoko naman magpahospital kasi wala magaasikaso ng shop namin if ever. . ayaw ko ng kahit anong perfumes, especially yung usok ng kumukulong sinaing grrr i hate it talaga.. those days  :-[ ayaw ko na
Logged

miejaide

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 78
    • View Profile
Re: naniniwala ba kayo sa" lihi"?
« Reply #273 on: January 05, 2011, 03:42:36 pm »

di masyado..
may maselan lang siguro talaga.. ako, d ako maselan... but there was a time na may cravings talaga.. i dont like tortang talong pero nung buntis ako hinahanap ko un. 3 days yata kaya kami nag ulam ng tortang talong.. hehe... may time din na biglang ayaw mo na lang sa isang bagay...  hate ko nun makaamoy ng oyster sauce.. saka makakita ng beef ewan ko ba.. psychological din siguro...
Logged
no one achieve great success without a give up story, nothing comes for free.. there will come a time that u have to give up something good if u want something better....

kuliglig^^

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 285
    • View Profile
Re: cravings? Lihi?
« Reply #274 on: August 18, 2011, 07:35:29 pm »

Craving for congee, pasta, nicely cooked veggies, pork tofu, edam cheese (keso de bola --- anhirap nito sa August!  :o) and other stuff..

Biglaan kasi, pag nakita ko.. I want to eat it, but when I bought it na... Ayoko na..  :(
Logged

mumzeth

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 173
  • See GOD bigger than yourself.
    • View Profile
Re: cravings? Lihi?
« Reply #275 on: August 18, 2011, 08:55:32 pm »

ako naglihi ako sa grapes, ube roll(red ribbon) ice cream kitkat mostly sweets. at gusto ko yung manggang hilaw with asin.. one time nagpabili ako ng ube macapuno roll yung malaki then nung nabili na ayoko kainin gusto ko lang titigan so mga tao sa bahay praning.. ahaha hinati ko.. adobo gusto ko din nung preggy ako.. :)
Logged
Read John 3:16 but replace the blanks with your name..

"For GOD so loved _______ that he gave his one and only Son, so that if ________ believes in him, _______ will not perish but have eternal life."

 just wanna share how much GOD loves us.. :)

leilatoto

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 324
  • Zoe Alexa Maxine
    • View Profile
Re: cravings? Lihi?
« Reply #276 on: August 18, 2011, 10:45:45 pm »

ako di rin ako nahilig to any particular food kasi almost 5 months akong nagsusuka at di halos kumakain at nahihilo kaya lagi ako nakahiga, basta I remember, there's 1 time na nagpahanap ako ng singkamas sa husband ko. I dont know naisip ko lang na parang gusto ko sya, kaso di panahon ng singkamas nun kahit nghanap sa palengke si hubby wala sya nabili , hindi naman ako nagalit. i also remember na nagpabili ako ng paksiw at ampalaya pero isinuka ko lang din.after nun yung 3rd tri ko na magana na ko kumain lahat na kinain ko.
Logged

FayeP

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 212
  • I so love my baby Reid!!!
    • View Profile
Re: cravings? Lihi?
« Reply #277 on: August 19, 2011, 06:48:16 pm »

ako din po nothing in particular, iba ibang pagkain ang gusto ko kainin, basta malakas lang ako kumain (dati kasi pang construction worker lang, ngaun kain-kargador na po)

pero lately, gusto ko ng fruits like papaya, pineapple at lacatan bananas, then nakakailang basong milk din ako (birchtree) at pasta, kahit anong pasta, pati siopao asado...

ewan ko po kun lihi pang maituturing un eh mag 8 months na un tyan ko.. baka simpleng katakawan lang...
Logged
"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

kweykerz

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 80
    • View Profile
Re: cravings? Lihi?
« Reply #278 on: August 25, 2011, 11:09:00 am »

lapit kana manganak fayeP goodluck!  :D
kung kain ka ng kain.. for sure lalaki masyado yang baby mo.. baka mahirapan ka nyan  ;)

lihi..
2months to three months, medyo maramdamin ako non.. tapos sobrang suka ng suka..
antukin.. nagpapabili ako ng pagkain na nd ko naman kakainin..hahaha.. at may specific na tao ang kakain non.. like.. bumili si hubby ng buko.. madaling araw nangungulit na ko.. tapos pagdating niya.. ipapatawag ko si father para ipakain yung binili nyang buko.. bwahahaha  ;D pero never ko na inulit yon ha? one time lang kasi kawawa naman asawa ko  ;D

cravings...
dati first trimester, nd pako masyadong kain. pero gusto ko palagi.. hmm..french fries na nabibili lang don sa dati naming dorm, nung dalaga pa ko.. kasi uber sarap.. tapos xempre.. matatamis gusto ko non.. like chocolates, tiramisu.ice cream, cakes hahaha.. tapos halos ayoko ng kanin.. mas madalas akong tulog ng tulog
pero  2nd trimester.. lahat na kinakain ko.. pero laging may  saging.. saging lagi. sa isang araw.. nd ako nakakalimot kumain ng saging.. as in nakakasampung saging ako sa isang araw.. hahaha.. yung latundan ha? ewan ko ba bat saging ang gusto ko palagi ngayon...
25 weeks pregnant na ko :D
« Last Edit: August 25, 2011, 11:14:45 am by kweykerz »
Logged

Tiger Lily

  • Global Moderator
  • Sr. Member
  • *****
  • Posts: 460
    • View Profile
Re: All About "Paglilihi"
« Reply #279 on: August 25, 2011, 11:54:27 am »

Same topics merged.
Logged
Simply follow the Rules and Guidelines, and for sure... you'll never go wrong  ;)

Shey♥Bry

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 131
  • • Happily Married• Proud Mommy •
    • View Profile
Re: All About "Paglilihi"
« Reply #280 on: September 22, 2011, 11:25:09 pm »

Sa First Trimester ko , ayoko ng nakaka amoy ng p=mga Prito, anything na pini-prito hehe. Naiinis ako  :-\

Tapos nung nag 2nd trimester na, ayun na sobrang hilig ko sa chocolates, kahit anong chocolates, chocolate cake, champorado- hindi dapat ito mawala sa breakfast ko :) Si hubby kilala na ng tindera nung champorado, minsan pag hindi nagigising ng maaga si hubby para bumili ng champorado, may nakabalot na yung tindera para samin :)  ;D HIlig ko din sa coffee and coke . kaya biglang bigat ko nung mga time na yun, mga 5 months to 6 months ata hilig ko magkakakain. tapos bibili ako ng mga fruits, pero minsan hindi ko kinakain, gusto ko lang na nakikita sila sa lamesa, minsan nabubulok na sila. hehe..

Pero ngayon, control ko na yung mga kinakain ko.. kasi sa sobrang hilig ko sa sweets nung 2nd trimester ko, tumaas blood sugar ko :( ayun puro test ang pinagawa sakin ng OB ko ngayong last trimester na ...
Logged
Wife and Mom

MommyMichell

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 84
  • Love my smart kids!
    • View Profile
Re: All About "Paglilihi"
« Reply #281 on: September 23, 2011, 12:08:54 am »

sa 2 pregnancy ko wala akong cravings or lihi, kung ano yung normal kong kinakain or gusto yun pa din, walang nabawas or nadadagdag, once lang ako nabadtrip sa amoy ng food nung nag-gigisa ng igat (isda) yung byenan ko, super duper lansa nung fish na yun  :o or siguro sensitive lang nose ko kasi buntis ako non?
Logged
Thanks to all the moms here for sharing!

mommy mhy

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 107
  • Super duper loves matthew :)
    • View Profile
Re: sinong naglihi sa ice cream?
« Reply #282 on: September 28, 2011, 03:29:05 pm »

me on my first pregnancy....Mcdonald sundae caramel :) :)...iba 'yung feeling pag nakakain ako ng ice cream sobrang saya tapos pati si baby sobrang galaw everytime I ate ice cream......sama sama ng loob ko pag nagcracrave ako tapos hindi ako nakabili... :( :(

with regards to relevance on my sons looks hehe caramel naman ako naglihi pero kulay chocolate sya :):):)
Logged
mommy mhy

♫jam.with.me♪

  • Newbie
  • *
  • Posts: 43
    • View Profile
Re: Re: sinong naglihi sa ice cream?
« Reply #283 on: September 28, 2011, 03:35:21 pm »

for me, it was plain Mango Ice cream. :)

ewan ko, basta hindi kumpleto meal ko if walang ice cream.. dapat Mango flavor pa. Kahit one scoop lang, feeling ko super satisfied taste buds ko. hehe..

Wala namang resemblance or connection kay baby nung lumabas, pero yun din ang first flavor ng ice cream na natikman niya.  :)

He loves it!
Logged

athenarissa

  • Newbie
  • *
  • Posts: 42
    • View Profile
Re: Re: sinong naglihi sa ice cream?
« Reply #284 on: September 28, 2011, 04:54:57 pm »

DQ Oreo Cheesecake   :) til now on my 8th month, pag naiisip ko yun gusto ko na naman bumili....  ;D
Logged
Pages: 1 ... 17 18 [19] 20 21 22