Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2 3 ... 10

Author Topic: Experiences with Nausea and Vomiting - Morning Sickness  (Read 109857 times)

i♥ü

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 147
    • View Profile
Experiences with Nausea and Vomiting - Morning Sickness
« on: August 07, 2008, 09:40:12 am »

Read it on Smart Parenting.
17 Pregnancy Symptoms Other Than Morning Sickness

Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/getting-pregnant/weirdest-pregnancy-body-changes-a00041-20190110-lfrm?ref=parentchat

are you one of the lucky preggies na hindi naka experience ng morning sickness?

ako yata lahat ng morning sickness naranasan ko,
hirap ako gumising sa morning, yung tipong kala ko may sakit ako, mabigat pakiramdam ko, kulang sa tulog (pero maaga naman ako natutulog), nahihilo - buti na lang hindi ako inaabutan ng himatay sa daan pero  minsan halos mapakapit nako kasi nahihilo na ako, masungit - to the point na akala eh galit ako...vomiting - every morning nagsusuka ako, or kaya may maamoy lang ako na hindi gusto or makain suka na kaagad, but not to extent naman na kailangan na ako injectionan dahil sa excessive vomiting. ako, i love garlic rice, since hindi ko pa alam na preggy ako, nagtataka ako bakit halos hindi ko madigest yung kinakain ko, mga dalawang subo lang , parang ayoko na.
antukin - hay kahit anong pilit ko i-open yung eyes ko kusang nacloclose, ibang level talga yung pag ka-antukin ko...
tpos do u believe na kapg naki share ka daw ng food sa buntis pati ikaw eh aantukin? kasi uso sa min sa office yung sharing of foods, since hindi ko naman alam na preggy ako, share pa rin kami, tapos maya maya madalas ko marinig na antok sila, bigat din ulo... hehe
lagi ako may hinahanap na pagkain pero wala naman akong ganang kumain.
siguro mga 4-5 mos na ako nung medyo nakakain nako ng maayos... nawala yung morning sickness.

tpos 2 mos na hindi ako dinadatnan, nag test ako, it's positive. 3x ko pa ginawa para sure... haaayyy..nagkaroon ng kasagutan kung bakit ko nararamdaman yun mga yun.

sabi nila kapag naghirap ka raw magbuntis - boy daw pero kapag magaan like no morning sickness girl daw.

sarap balikan nung mga experiences natin nung preggy pa tyo noh?

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Login to reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!
« Last Edit: January 10, 2019, 08:53:08 pm by Mommy Jazz »
Logged

jayeshael

  • Guest
Re: morning sickness
« Reply #1 on: August 07, 2008, 10:01:35 am »

sis ako naman hindi morning sickness... afternoon and evening sickness.. makaamoy lang ako ng ginisa or prito nasusuka na ko nun.. 4mos ganito ako minsan nga sasabihin ko ang OA naman diba dapat mga 2mos lang ito.. pumpsok ako sa ofc pero thankfully sa bahay talaga ko inaabutan..

there is one instance lang ha sa fx ewan ko ba bkt dun pa kakahiya talaga.. i always bring gum and candy naman pra nga hindi ako mahilo..aba nung nsa kalagitnaan n kami ng byahe meron akong nararamdaman na hindi mganda na parang nasusuka ako. and pwesto ko sa fx sa middle and napagitnaan ako, babae sa right ko and lalaki sa left.. so pigil pigil pa ko i was thinking of a plastic bag kasi wala naman akong dala. tanging bitbit ko lang nun is my ofc uniform na iuuwi ko nga pra labhan.. at eto na dko na kayang pigilan at waaaaaaaaaaaaa nagsuka nga ako sa loob ng fx. dko na naisip ang bumaba dat time kc alanganin yung bababaan ko. mega iwas yung mga katbi ko shmpre pero alam naman nilang mdyo big yung tummy ko kahit papano excuse pero hindi excuse sa mga kamalditahan nila. aba yung lalaki pa nagoffer sken ng panyo yung katabi kong mga babae sa kabilang side mega react to d max at super takip ng hanky haha! unforgettable kc very embarrasing moment talaga ito sa slambook.. ;D ;D
Logged

lau

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 68
    • View Profile
Re: morning sickness
« Reply #2 on: August 07, 2008, 11:20:51 am »

Yes sis, I'm one of the lucky ones. I didn't experience morning sickness in my 2 pregnancies. Yun nga lang, my nose became hyper sensitive. One smell that I hated the most was ginisa. Madami pang smells ang ayoko. And I feel nauseated whenever I smell them.
Logged
"There will come a time in your life when you become absolutely infatuated with a single soul. For this person, you'd do anything and not think twice about it, but when asked why... you have no answer. You'll try your whole life to understand how a single person can affect you as much as they do."

myralmedo

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 285
  • my super bundle of joy-kurt elijah
    • View Profile
    • ♥live.laugh.love♥
Re: morning sickness
« Reply #3 on: August 07, 2008, 11:32:51 am »

halu mommy  i♥ü  and mga mommies! :D

ako ata eh night sickness hehe..umaatake un gbi gbi ewan ko ba.. :D

pro yung mga middle months na whole day sickness ito haha... ;D super sensitive ko nung time na un nagresign ako from my work kc indi ko na kaya ang travel time "duwal" ako ng "duwal" and super hina ng katawan..bed rest galore  :D

Godabless!0=)
Logged
|myralmedo| I'm not a Princess. I'm a QUEEN.


Laugh as much as you breathe and love as long as you live. ♥♥♥

andreismom

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 342
  • "my life"
    • View Profile
Re: morning sickness
« Reply #4 on: August 07, 2008, 12:54:42 pm »

ako naman hindi morning sickness, its whole day sickness, hindi naman ako sobrang hilo pero sobrang tamad ako, as in wala akong nagagawa maghapon, gusto ko lang nakatalungko sa table ko.... for 3 mos ata akong ganon, pero hindi ako vovomit....
Logged
i love my baby very much!

mama_jo

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 485
  • female version of her papa
    • View Profile
Re: morning sickness
« Reply #5 on: August 07, 2008, 02:51:11 pm »

me, night sickness  ;)...especially pag magtu-toothbrush ako sa gabi...lahat ilalabas ko at matutulog akong la laman ang tyan during 1st trimester...
Logged

mommy_sette

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
  • my little erin sophia
    • View Profile
Re: morning sickness
« Reply #6 on: August 08, 2008, 12:29:55 pm »

hi mommies!

ako swerte, kc di once lang ako nagsuka mula nung nagbuntis ako. naiingit nga yung 2 kong officemate na kasabayan ko kc di ako maselan magbuntis.  tapos nung time na nagsuka ako e super hilong-hilo ako ako iyak ng iyak na parang hihimatayin na ko. naisip ko tuloy kawawa naman yung ibang mommies na nakkexperience nito.

hate ko lang talaga yung back pains and leg cramps in the middle of the night. lagi tuloy nasisira tulog ni hubby kc pinapa-stretch ko yung legs ko.
Logged

mama_jo

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 485
  • female version of her papa
    • View Profile
Re: morning sickness
« Reply #7 on: August 08, 2008, 04:08:42 pm »

hi mommies!

ako swerte, kc di once lang ako nagsuka mula nung nagbuntis ako. naiingit nga yung 2 kong officemate na kasabayan ko kc di ako maselan magbuntis.  tapos nung time na nagsuka ako e super hilong-hilo ako ako iyak ng iyak na parang hihimatayin na ko. naisip ko tuloy kawawa naman yung ibang mommies na nakkexperience nito.

hate ko lang talaga yung back pains and leg cramps in the middle of the night. lagi tuloy nasisira tulog ni hubby kc pinapa-stretch ko yung legs ko.

swerte mo naman sis...me, nagmukha talaga akong haggard kz sama ng feeling...

yung back pains, normal talaga yan kz sabi ng OB ko especially tayong 1st time moms, first time na ma-stretch yung balakang, muscles ng tummy..yung sa kin pati yung muscles s taas ng singit...

yung leg cramps...sabi ng OB ko, pag kulang ka raw ng calcium, it will result leg cramps...lucky me  ;) kz di ako nagka-leg cramps through out my pregnancy...
Logged

cheiz

  • Guest
Re: morning sickness
« Reply #8 on: August 08, 2008, 04:35:37 pm »

wala akong maalala na morning sickness... kasi naman nung preggy ako aside from running our small garments business during day time, i'm also running a small resto with my husband during night time. Or day usually ends at 2-3am.. so hindi ko maalala ang morning sickness kc i usually wake up nun nga 10am na..hahaha...
Logged

forgetfull_shane

  • Newbie
  • *
  • Posts: 38
  • Thomas27Miguel
    • View Profile
Re: morning sickness
« Reply #9 on: August 08, 2008, 06:56:48 pm »

hi..ako grabeh ang selan ko mgbuntis ngnhihina ako,nasusuka na para bang yung sintido ko tinutusok..walang oras my sa umaga.gb at hapon yung sickenss ko nung buntis ako...naginhawaan lang ako nung mgli-limambuwan na ang tiyan ko...
Logged

before my usernme is YUMMYsingleMOM..



 "love never wanted me"

if tears could make us PRETTY...id be the prettiest GIRL alive.

arielle28

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile
Re: morning sickness
« Reply #10 on: August 27, 2008, 10:39:21 am »

hi mga mommies, newbie lang ako dito and i really need your advice. I'm 6weeks pregnant at the moment sa 2nd baby ko, pero sobrang hirap ang experience ko ngayon, hinde ako halos makabangon sa bed, kahit ano kainin ko after few minutes sinusuka ko na at the whole day akong hilo at suka ng suka. hinde ako nakakapasok sa work ko dahil dito. my OB gave me medicine pra maprevent yung vomiting, pero ang side effect naman, hinde ako makatulog at para akong ngfofloat, nawala nga lang yung vomiting the whole night until hapon but after 4 pm bumalik uli yung vomiting. i really need your help sa ganitong situation, please advice. thanks.
Logged

myralmedo

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 285
  • my super bundle of joy-kurt elijah
    • View Profile
    • ♥live.laugh.love♥
Re: morning sickness
« Reply #11 on: August 27, 2008, 10:46:05 am »

Quote
hi mga mommies, newbie lang ako dito and i really need your advice. I'm 6weeks pregnant at the moment sa 2nd baby ko, pero sobrang hirap ang experience ko ngayon, hinde ako halos makabangon sa bed, kahit ano kainin ko after few minutes sinusuka ko na at the whole day akong hilo at suka ng suka. hinde ako nakakapasok sa work ko dahil dito. my OB gave me medicine pra maprevent yung vomiting, pero ang side effect naman, hinde ako makatulog at para akong ngfofloat, nawala nga lang yung vomiting the whole night until hapon but after 4 pm bumalik uli yung vomiting. i really need your help sa ganitong situation, please advice. thanks.

halu mommy arielle28!

naku mukang same tau it's my 1st time at iba talaga ang feeling, kahit t was 2 years ago fresh pa rin yung naexperience ko hehe  :D  i resigned sa work ko kc i can't travel na from cavite to makati. Are you working ba? totally bed rest ka siguro.  first, pa check mo sa OB mo muna ako kc my OB gave me meds na pntagal hilo hilo and suka and if yung meds indi pa rin effective pacheck up ka ulit, super payat ko nun and napaka sensitive ko but when i turned 4 mos. nawala na cia back to normal na, bsta kain ka lang kahit sinusuka mo kc diba kumukuha ng nutrients c baby satin, tas more on fruits. we'll pray for you. ingats kaw!

Godabless!0=)
Logged
|myralmedo| I'm not a Princess. I'm a QUEEN.


Laugh as much as you breathe and love as long as you live. ♥♥♥

arielle28

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile
Re: morning sickness
« Reply #12 on: August 27, 2008, 11:01:19 am »

Quote
hi mga mommies, newbie lang ako dito and i really need your advice. I'm 6weeks pregnant at the moment sa 2nd baby ko, pero sobrang hirap ang experience ko ngayon, hinde ako halos makabangon sa bed, kahit ano kainin ko after few minutes sinusuka ko na at the whole day akong hilo at suka ng suka. hinde ako nakakapasok sa work ko dahil dito. my OB gave me medicine pra maprevent yung vomiting, pero ang side effect naman, hinde ako makatulog at para akong ngfofloat, nawala nga lang yung vomiting the whole night until hapon but after 4 pm bumalik uli yung vomiting. i really need your help sa ganitong situation, please advice. thanks.

halu mommy arielle28!

naku mukang same tau it's my 1st time at iba talaga ang feeling, kahit t was 2 years ago fresh pa rin yung naexperience ko hehe  :D  i resigned sa work ko kc i can't travel na from cavite to makati. Are you working ba? totally bed rest ka siguro.  first, pa check mo sa OB mo muna ako kc my OB gave me meds na pntagal hilo hilo and suka and if yung meds indi pa rin effective pacheck up ka ulit, super payat ko nun and napaka sensitive ko but when i turned 4 mos. nawala na cia back to normal na, bsta kain ka lang kahit sinusuka mo kc diba kumukuha ng nutrients c baby satin, tas more on fruits. we'll pray for you. ingats kaw!

Godabless!0=)

yup im working as a teacher aboard, yun na nga ang mahirap malayo ako sa aten at yung mga OB dito parang hinde alam ang isasagot sa mga tanong ko. actually nagresign na ako before pa ako nagbuntis which is effective sa November pa. so ang plan namen is to seek another doctor's advice or another medicine para maka-cope sa situation ko ngayon. yeah, i've been trying to eat as much as i could kahit sobrang hirap kc nga kawawa naman ang baby. Thanks sa advice.
Logged

ilovegabe

  • A Nurse, A Mommy and A
  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1355
    • View Profile
Re: morning sickness
« Reply #13 on: August 27, 2008, 12:31:15 pm »

i never had any morning sickness. As in wala talaga. wala ding cravings. Walang physical manifestations except sympre lumaki lang tumtum ko  :D
Logged
Train up a child in the way he should go: and when he is old, he will not depart from it.
-Proverbs 22:6

For it is by grace you have been saved, through faith—and this not from yourselves, it is the gift of God— not by works, so that no one can boast.
-Ephesians 2:8-9

tineped

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 844
    • View Profile
Re: morning sickness
« Reply #14 on: September 03, 2008, 02:52:04 pm »

Nung 2 months na ko preggy dun nagsimula ang hirap ko sa pagbubuntis. Umaga, tanghali, gabi ang sickness ko. Sorry for the term pero sinusuka ko lahat ng kinakain ko. I lost 4lbs dahil sa paglilihi. Gusto ko lagi sabaw ang ulam pero maya maya lang ilalabas ko din kinakain ko. I have to drink plenty of water then para pambawi. I was having a hard time eating solid foods then. Muntik muntikan na ako maadmit pero buti na lang hindi. Iniiwasan kasing madehydrate ako. Makaamoy lang din ako ng ginisa or fried spam naku mahilo hilo na talaga ako. Pati pabango ayaw ko. Pati amoy ng asawa ko kahit bagong ligo ayoko din. Worst, isang buwan ako di nagtrabaho kaya naubos ang vacation at sick leaves ko. Hindi ko talaga kaya pumasok nun. Nataon pang summer, napakainit kaya lalong nakakahilo. Nahinto lang yung ganito nung 3 1/2 mos na ko. Pero ngayong mag 8 mos na ko parang bumabalik yung panghihina ko. Ewan ko lang kung normal ba. Pero at least malapit lapit na ko excited na ko makita baby namin. Baby girl pala baby namin kaya di accurate yung sabi nila na pag nahirapan lalake pag hindi babae.  ;D
Logged
Pages: [1] 2 3 ... 10