Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 ... 19 20 [21] 22 23 24

Author Topic: experiences shared about baby falling / falling from bed  (Read 253549 times)

mommyandkiehla

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 232
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #300 on: March 25, 2012, 09:41:08 pm »

OMG! Kawawa naman si baby. Sarap sabunutan ng mga ganyan na pabayang ngbabantay. But syempre accident hindi din naman nila gusto un. Lesson learned nalang. It's not too late pa sis to baby proof your house. Go na. Sana magtuloy tuloy recovery ng baby mo from his bukol and bruises if there's any.

Yung yaya nung baby ko dati nung pumutok lips ni baby because sa tamad niyang tumayo at sundan baby ko naging over naman sa pagbantay after nung incident. Hindi ko siya pinagalitan kahit inis na inis ako sa kanya. Simula nun ayaw niya bitawan kamay ng anak ko kahit saan mgpunta. Natakot na. Hahaha
Logged

mich_tatsdwayne

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 255
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #301 on: April 01, 2012, 06:31:40 pm »

My almost 4 years old son nahulog na naman sa bed namin last thursday ng madaling araw. He sleeps sa gitna naming mag-asawa and kapag may isang bumangon sa amin ni hubby, nilalagyan namin ng pillow yung tabi nung anak namin. That time nag-toilet ako tapos bigla na lang may kumalabog. Paglabas ko ng banyo karga na ni hubby anak namin (seated). Iyak ng iyak anak ko tapos hawak ni hubby yung chin niya. Sobrang natakot ako kasi may dugo. Pumutok ng konti yung sa may baba niya. Sabi ko agad kay hubby, "May dugo! Dalhin na natin sa ospital!" Mangiyak-ngiyak na talaga ko nun. Natataranta na talaga ko habang si hubby kampante lang. Naisip ko kasi baka kelangan tahiin. Buti na lang kampante lang si hubby, may presence of mind pa din sya. Pinakuha niya ko ng damp cloth tapos kumuha din ako ng ice para mag-stop yung bleeding. Tumigil na din sa pag-iyak yung anak namin. After malapatan ng first aid, i checked din yung head niya tapos tinatanong ko kung ano masakit sa kanya. Yung chin lang daw niya masakit. Grabe talaga takot ko nun. But he's ok now. Ayoko na talaga maulit ulit 'yun. 
Logged

mameh_ella

  • Newbie
  • *
  • Posts: 11
  • "just keep trying"
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #302 on: April 01, 2012, 10:24:39 pm »

awww..mahirap kapag nahuhulog si baby specially those babies na hindi pa nakakapag salita, they cant tell you kung san ang masakit:(...just watch out for some vomiting or other symptoms kasi baka mamaya my internal bleeding na di pa alam..me and my hubby decided to sleep sa floor kasi sobrang kulit ng baby ko 360 degress ang ikot umaabot hanngang paanan namin kaya bumili kame ng mosquito net yung worth 499 n parang tent..atleast kampante kameng matulog walng fear of fall ky baby ang gingawa lang namin hatak dito hatak dun kasi kung san san nakakrating pero atleast di lalayo kasi my tent hehehhe
Logged

Anne Mercado

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 485
    • View Profile
    • Green Eggs & Moms
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #303 on: April 04, 2012, 11:44:19 pm »

My son used to fall off the bed too and into a wooden floor :( Luckily nothing bad happened naman to him.

But if you're worried about head bumps, here's what you have to know http://goo.gl/mxGGR

The signs you have to watch out for after  a head injury are: being dazed and confused, difficult to wake after sleeping, moodiness (days after the incident) and irritability, vomiting, dizziness, memory problems.
Logged
my take on parenting: http://greeneggsandmoms.com

KVsmommy

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 471
  • Living a full life as a WAHMmy. :D
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #304 on: May 23, 2012, 12:23:14 am »

my 3 year old kid has fell off the bed mga 3 times na siguro. Pero most of it happened last year to this year lang (at age 2-3). Ingat na ingat talaga kami sa kanya nung baby sya kaya never sya nalaglag sa bed or sa hinihigaan. Pero nung nagsimula na syang magwalk at maglikot ng bonggang bongga, yun, hindi na talaga maiwasan ang falls and bumps. The first time, ER talaga kami agad dahil queen of praning ako eh. the next two or three ata, siempre super praning pa din ako, although less than 2 feet lang height ng kama namin na pinagbagsakan niya. Nakakatakot pa din. Never naman nagkaron ng negative signs like pagsusuka or biglang sleepy, kaya tuloy nasasabihan ako ni hubby na OA pag natatakot ako...

trishevil

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 686
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #305 on: May 31, 2012, 01:16:27 pm »

^my baby fell sa wooden floor ng bedroom namin as in pahiga siya so his head and bodu hit the floor. grabe, natakot ako. May lagnat na kasi siya before pa siya mahulog tapos ganun pa nangyari. I was getting something from my bag and then I heard him fall on the floor. He cried and cried. Last night he has trouble sleeping. I don't know if it's because of his fever or dahil nahulog siya or both. :'( I feel so guilty. Napagalitan pa ako ni MIL. Pag sila daw nagbabantay di daw nila iniiwan..etc.. Alam ko naman daw na makulit si baby bakit ko daw iniwan..Haay, pero pag si baby nahuhulog or nauuntog pag sila nag-aalaga sinasabi nila "anlikot kasi ng anak mo".. Parang unfair naman. The blame always falls on me. 
Logged

xianne

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 139
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #306 on: June 14, 2012, 03:39:35 pm »

--
« Last Edit: August 14, 2012, 03:33:54 pm by xianne »
Logged

lorygirl

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 62
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #307 on: June 14, 2012, 04:21:16 pm »

^my baby fell sa wooden floor  :'( I feel so guilty. Napagalitan pa ako ni MIL. Pag sila daw nagbabantay di daw nila iniiwan..etc.. Alam ko naman daw na makulit si baby bakit ko daw iniwan..The blame always falls on me.

sis same tyo ng reaction na nakuha kay MIL, galit sya tapos compare notes na pag sya nag aalaga binabantayn talaga hehe...sa case ko kc..nasa kwarto na kami nung baby ko, ibinaba ko sya sa kama tapos all of a sudden nakita ko na nasa sahig na baby ko, at ayon ang laki ng bukol niya sa noo
awa ng Diyos ok na noo niya...mag 3 yo na siya this coming june 29
« Last Edit: June 14, 2012, 10:05:19 pm by Mommyjazz »
Logged

chardonnay

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 480
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #308 on: June 20, 2012, 04:36:46 pm »

hi there! my son fell out of our bed. he is 4 months old.i heard a loud sound indicating that he is down in the floor...but he doesn't even had any injury all over his body, he is concious and he is reacting well...i read a lot about it and almost mom said that their son didn't had an injury too.. why? our floor is concrete wall.. why he had no injury? is it depends on the baby's body structure? or angels really exist? ??? ??? ???im just confuse...

--------
Same here mommy, my 6 month old fell yesterday. Mother ko bantay and di rin namin maisip pano sya nakalampas sa mga pillows around her. Umiyak daw pero di naman matagal. Concrete floor din kami and la naman bukol and she's still so active. Ginising ko pa and nilaro nung pag uwi ko ng midnight just to check on her and la naman kakaiba, smile smile pa rin. I was thankful na okay naman pero di pa rin ako mapakali. Sabi nga namin ni hubby, "buti sinalo ka ng angel mo" , next time wag na malikot" :D) Observe ko pa rin sya sa ngayon then baka sa kabilang room na lang kami tulog, latag na lang yung foam siguro.
Logged

leegirl

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 89
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #309 on: June 22, 2012, 01:39:47 am »

nabasa ko to naalala ko last yr august 2011 sa USTH. naconfine kasi yung baby ko 2 weeks sya nun kaya nasa NICU sya. dun ako natutulog sa bench kasi breast feed sya. 7 days kami nandun/

ito na.. nung madaling araw mga 2 am yata un nagbreabreast feed ako sa baby ko. tapos tumatakbo na yung mga nurse sa office nila kasi sa ward daw me kakapanganak pa lang nalaglag daw yung baby. as in cgro mga 2 days old pa lang. nakatulog daw kasi yung me hawak sa baby, aksidenteng nalaglag yung baby. narinig na lang nung katabing bantay na me natumba sa sahig un pala baby na. taranta yung mga nurse di alam gagawin kasi hindi pa daw pwede lagyan ng yelo yung bata kasi baka magka hypothermia. gusto ko lang sugurin yung magulang at sabunutan nun. kakinis yung mga ganong tao. di ko na alam kung ano nangyari sa baby kasi umuwi na kami nun ng baby ko e.
Logged

chardonnay

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 480
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #310 on: June 23, 2012, 01:48:24 am »

di naman sinasadya mommy, baka pagod lang na talaga yung bantay esp nasa ward, baka walang matulugan. Si hubby pinapagalitan ko din kapag kalong niya sa dibdib si baby then nakahiga sya kasi baka makatulog din sya. meron din kasing nakwento sa akin na naalimpungatan, nahagis yung baby.
Logged

~_Chi-Chi_~

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 157
  • mommy<3AVY<3daddy
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #311 on: August 08, 2012, 04:29:28 pm »

My 8th month old, nahulog din sa bed namin. Super hindi ko talaga matanggap. Sobrang bilis din ng pangyayari. We just came home from Vigan that night and tulog naman na si baby nung dumating kami sa house so nilagay ko na sa bed, then nagising saglit tapos napatulog ko din agad.Pinalibutan ko pa ng sobrang daming pillows. Then lumabas lang ako saglit para palutuan sa kasambahay si hubby ng ulam kasi hinatid niya si mama sa family house namin, tapos ayun, may narinig akong iyak sa room. Takbo agad ako, same with sis in law. Actually naunang makapasok sa room si sis in law kasi nasa sala siya nun. Tapos yung reaction niya yung pagpasok niya, sobrang shocked siya tapos sabi niya, "ate si Vinice nahulog", tapos kinuha agad niya then kinuha ko din agad sa kanya. Grabe yung reflexes ko nun. As in. Nakita ko pa yung itsura ng baby ko, nakadapa siya tapos nakataas yung chin niya tapos nung karga ko naman na, tumigil na din siya sa pag iyak tapos nakikipagtawanan na. Lahat kami sa bahay sobrang natakot kasi pag nalaman ni hubby and nila mama and pati ng parents niya e lagot kaming lahat. Pero super okay naman siya. Walang bukol, pasa or kahit yung namumulang part. Kaya sabi ng kasambahay namin, "sinalo ng angel niya". Grabe, super thankful ako na okay si baby. Pero pag naaalala ko yung event na yunm may part na super guilty ako and hindi ko matanggap. Kaya ngayon, over bantay na kami sa kanya. Sinabi ko din kay hubby yun. Medyo napagalitan ako.hehe Tapos super inspect siya kay baby kung may bukol ba or what then nikiss niya yung hand and natulog siya na yakap yakap niya si baby. Hindi na talaga mauulit to. Sobrang sakit talaga sa loob ko nung nangyari. Atleast ngayon, mas super mag iingat pa.
Logged

chardonnay

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 480
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #312 on: August 08, 2012, 04:38:49 pm »

anak ko, naka 2nd time last week :( Daddy naman niya bantay! As in tumayo lang sya to make milk, ayun ang bilis din ng pangyayari kasi ang likot na ng 8 months. Super sorry sya sa akin. So far, very active naman si baby. Basta sabi lang ng OB, watch kung mag vomit and masyadong maging sleepy.
Logged

~_Chi-Chi_~

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 157
  • mommy<3AVY<3daddy
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #313 on: August 08, 2012, 05:26:54 pm »

^ honga sis. Super likot na kasi talaga ng 8 months old. Super bantay na din ako sa kanya ngayon. Grabe kasi yung trauma ko dun sa nangyari. :(
Logged

chococream

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 569
  • without you life is without meaning baby
    • View Profile
    • Online Store
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #314 on: August 09, 2012, 04:30:17 am »

anak ko din naman dumaan sa stage nato. kaya ang bed namin is naka flat sa wall nung months pa lang si baby ko. nasa sahig kami natutulog ni hubb tapos sa center si baby. nung 1year plus na sya sa bed na kami pero yong bed is nilalapat namin sa parang L shape na parte ng kuarto para ang wall and bottom is merong wall na nakalapat. so yong area na open is yong side ni hubby. pero this time si baby is nasa pinaka lapit na ng wall nilalagyan nalang namin ng hotdogs para hindi madikit sobra sa dingding si baby tapos tabi na kami ni hubby sa other side so if aalis si hubby for cr or early makaka bangon meron pa ding natitira isa.

if wala din kami dalawa sa bed naglalatag ako ng banig and comforter sa sahig. dun ko nilalalgay si baby if wala kami sa room. 1x lang nahulog si baby ko sa bed pero nakaka phobia kasi talaga kaya no chances na talaga bahala syang saang mapunta kakalikot matulog bsta walang mahuhulogan.
Logged
Pages: 1 ... 19 20 [21] 22 23 24