Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 21 22 [23] 24

Author Topic: experiences shared about baby falling / falling from bed  (Read 198322 times)

momidiana

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #330 on: November 13, 2013, 02:45:27 pm »

hi mommies.
Share ko lang din. This morning ayun nahulog baby ko from bed napahimbing tulog ko after Bfeeding him. Hanggang tuhod yung height ng bed namin I was in deep sleep nun then I heard blagg! nga nakita ko nalang baby ko naka tihaya sa banig sa floor bty my son is 7 months. I was so worried kanina. I cried, pray and I told my baby sorry. Di ko alam ggwin ko. After that di ko muna cia pinatulog. I checked him sa head niya mukhang ok naman. I believe meron ngang sumasalong angels sa baby e. Heto today observe pa rin ako sakanya. hopefully everythings fine. And walang magbago sa mga activities ng babyko. hay kaloka talga. i blame myself pa rin di maiwasan. Hay kasama naman ata talaga sa mga bata ang mahulog di ba mommies? kahit super ingat tayo db.
Logged

ahyzeyuh

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1065
  • im a good person,just keep on making bad decisions
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #331 on: November 14, 2013, 07:19:27 am »

Yung anak ko ilang beses na din nahulog, nauntog at nadulas.. nakakafrustrate na kahit anong ingat nadidisgrasya pa rin sila.

September 2012 was the worst for my kid, nahulog siya sa chair, she first hit the wall then the floor. we observed for 48hours, pero kabado pa rin ako so have her admitted sa St.Lukes and observed for 4 days. my kunting fracture and blood sa loob pero sabi ng neuro nothing to worry. she was released from the hospital since very active siya and hindi naman ngsusuka or nilagnat.

after that incedent, there are still few untog and hulog, pinaka recent sa bathroom, nadulas then untog sa wall, jump ng jump kc habang naliligo.. same practice lang kami, wag agad patulugin, observe if there is pagsusuka or fever.
Logged

momVeh

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 154
  • wife, mother of Bea
    • View Profile
    • babyveh
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #332 on: November 14, 2013, 08:32:27 am »

hello! very thankful ako kasi hindi pa naman nahuhulog baby ko at wag naman sana mangyari.
kwento ko experience ng friend ko living in LPC. dalawa lang kasi sila that time sa bahay ng baby niya, 3mos yung baby boy niya. napupupu sya. nagpunta sa cr tapos si baby boy nasa kama. ayun wala pa 5mins gumulong si baby boy sa kama tapos nalaglag. narinig niya sa cr yung lagabag ng baby boy niya nung malaglag kaya dali-dali syang bumalik. thank God at wala naman nangyaring masama kay baby boy. hindi na din binanggit ng friend ko yung nangyari sa asawa niya. kaya since that doble ingat ang ginawa nyang pagtutok kay baby boy at never na naiwan na walang kasama. ngayon malaki na si baby boy, active.
Logged

QuenEros

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #333 on: April 01, 2014, 01:13:51 am »

yung baby ko rin po nahulog sa kama namin and it was 3 1/2 feet high and semento po yung nilaglagan niya.. 3 months pa lang po sya..my first baby po.. worried po talaga ako until now..(yesterday morning po sya nhulog).. nakatulog po kc ako habang pinapadede ko sya. ngising nalang po ako wala n yung baby ko sa tabi ko.. patingin ko nasa lapag po sya nakadapa..pagbuhat ko saka sya umiyak mga 1 or 2 mins. saka sya tumigil..meron po syang konting galos sa noo pero hindi po ngbukol..parang bakat po nung semento tapos namula.. dinala ko po sya sa tita ko kc hindi ko alam ang gagawin ko.. nilagyan niya ng cold compress yung buong ulo niya especially yung injured area for about 10 mins.. medyo inaantok po sya nun so hindi po namin pinatulog.. habang kinocold compress sya umiiyak sya dko sure kung sa lamig or sakit n nrandaman niya from falling.. sabi i observe daw if magsuka or lagnatin.. then nung gabi mga 9pm.. di sya makatulog usually 7pm tulog n sya.. that time hirap sya matulog pero pag kinakausap ko sya tumatawa naman sya just like before and nagpplay din sya.. pero di ko lam if nag lungad lang sya nung gabi.. pero 3 time po niya ginawa .. gatas po yung sinuka niya nung una pero di naman marami and the second is parang water..then 3rd is milk ulit .. i dont know if effect lang un ng pag thumb suck niya.. nag woworry po talaga ako.. dko alam kung napaparanoid lang ako n tingin ko kay baby eh parang balisa at may nararamdaman sya.. nagwoworry po talaga ako.. naiiyak n din po ako kc hindi ko n po alam ggwin ko kay baby sobrang nagaalala n po ako.. medyo hirap po kc kami ngaun and kaka start lang ng husband ko sa work kaya medyo wala rin pang check up..  please give me some advice po.. pano ko po ba malalaman kung affected n yung brain niya.. help po pls.. di n rin ako nakakatulog kakabantay sa kanya dhil inoobserve ko po sya kahit tulog sya.. hays nkaka praning po talaga.. takot po ako kc first baby po namin and 9 years po bago po sya nabuo.. sobrang love n love po namin sya and pati papa niya nagalit skin dahil sa nangyari.. sising sisi po ako.. di ko maimagine yung impact ng pagkahulog niya.. help po what to do please..
Logged

Lyz1202

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #334 on: April 07, 2014, 01:12:18 am »

Hi! Mga mommies, help naman po.. I cant sleep , i'm very worried.. nahulog kasi si baby sa bed and nagkabukol sya ng malaki and nangingitim na parang pasa at nalamog talaga yung noo niya. After 15 mins nagsuka pa sya.. at ang tamlay tamlay niya maghapon.. what to do and what are the signs na need ko na sya ipacheck up sa doctor? I'm very afraid na baka magkaroon ito ng hindi magandang epekto sakanya sooner or later..Pls help!  :'(  :(  :'( TIA
Logged

annamariemomof3

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 145
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #335 on: April 07, 2014, 05:46:30 am »

take your baby sa pedia right away. normal lang sa bata ang nabubukulan pero if may pagsusuka at change in demeanor it can be a cause for alarm so better be safe.
Logged

Lyz1202

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #336 on: April 08, 2014, 01:01:20 am »

Thank you mommy annamariemomof3 :)
Logged

kathnrhai

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 110
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #337 on: April 09, 2014, 12:53:43 am »

hi sis lyz1202:

 Sis if ako ang tatanungin mo although i am not a pedia or something.. RIGHT AWAY SIS!..

lalo na kung ganyan ang symptoms na nangyari sa baby mo. serious case na yan sis and dapat ng medical attention. tama si sis annamariemomof3. normal lang sa mga bata ang mauntog, mahulog sa kama, mabukulan. pero kung nagsuka na sya at naging matamlay,, iba na yun sis.

 suggest ko sis, wag na kayo gumamit ng kama. parang un korean style lang na mattres sa lapag. para iwas laglag ang baby mo. mabuti na yung nagiingat tayong mga mommies
Logged

Lyz1202

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #338 on: July 30, 2014, 02:46:28 pm »

Hi sis kathnrhai,

Thanks for your reply. Ngayon lang nakapag open ulit. He's okay now sis pero pansin ko lang parang until now meron pa rin maliit na umbok sa noo niya at medyo maitim. Natural lang ba yun? mawawala rin kaya eventually? o kailangan ko ulit ipacheck, kasi nakakaworry pa rin kasi 3 months ago na since nahulog sya sa bed pero bakit may ganun pa rin? What do you think po? TIA
Logged

chardonnay

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 488
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #339 on: July 30, 2014, 08:30:43 pm »

sis di mo ba nabanggit during your last pedia visit? di ba monthly naman for that age?
Ang pasa kasi hindi naman tumatagal ng more than a week or 2. parang unusal sya.
Logged

Lyz1202

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #340 on: July 31, 2014, 01:11:13 pm »

Hi sis chardonnay,

Hindi ko nabanggit nung last visit namin sa pedia, actually kasi kelan ko lang napansin na parang meron pa rin na maliit na umbok sa noo niya. He's 1 yr old na.. sa next visit namin ikoconsult ko nga sya eh. Thanks sis!
Logged

chardonnay

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 488
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #341 on: July 31, 2014, 08:04:39 pm »

I see :) as long as very active naman na siya, don't worry much.  :-*
Logged

mommai23

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #342 on: August 12, 2014, 04:40:32 am »

I also have my own share of this. 3 months pa lang si baby nang mahulog sa bed. She hit the wooden crib beside the bed first then our tiled floor. Grabe ang kaba namin and hindi talaga namin pinatulog for 2 hours. Thank God she was okay and from then on, never na kami natulog sa bed. Sa foam sa sahig na kami natutulog. She's now 14months, akyat-baba na sya palagi sa bed but sa sahig pa rin kami natutulog. Na trauma ang mommy eh.  :P :)
Logged

Ria Sam

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 61
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #343 on: June 02, 2015, 10:20:28 am »

Hi Mommies,

Nahulog ddin before panganay ko. Sharing with you these posts i have written about it:

What to do if the baby rolls off the bed/couch and how too prevent such, moving forward:

http://happypinaymommy.com/2015/06/01/dapat-gawin-pag-nahulog-si-baby/

http://happypinaymommy.com/2015/06/01/paano-maiiwasang-mahulog-si-baby-sa-kama/

Logged

jnica cruz

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: experiences shared about baby falling / falling from bed
« Reply #344 on: January 24, 2017, 09:33:29 pm »

mommies. ask ko lang po kasi yung baby ko nahulog sa bed kagabi pa 11pm . below the knee yung taas . nakaiglip kasi ako pero tulog naman siya nun may unan din sa gilid at paanan . patalikod sya nalaglag taas kamay pa. tpus sbi sken wag mung patulugin . so nilaro muna namin ng 1hr tpus nag suka siya ng plema kasi inuubo at sinisipon siya dala siguro ng panahon. so after nun hndi muna siya nag dede tpus mga 30mins after nun nkatulog na siya ulit . tapus nung umaga nakapa kuna yung bukol sa right side lower back ng head . pinahilot ko . my pilay daw . pero iyak padn ng iyak . atska nag ssuka siya . balak ko bukas ng umaga pacheck up kona . natatakot din kasi ako . o bka dahil sa ubot sipon niya kaya iyak siya ng iyak
Logged
Pages: 1 ... 21 22 [23] 24