(repost from another thread)
so here's my story.
Dec. 22 may scheduled checkup ako sa OB ko around 9.30am. she did the routine IE habang chinichika niya ako. tapos sabay tinanong ako, "ano, gusto mo na ba manganak?" shempre nagulat ako. tinanong ko kung bakit. she said na 2cm na daw ako and my cervix is already 50% effaced. hubby and i asked kung may possibility ba na within the next 2 days manganak na ako. sagot ni OB, "baka magkita pa tayo mamayang hapon." sabay smile. parang she was so sure na manganganak nako talaga before Christmas. when we left her clinic, sabi niya, "see you later!"
so hubby and i decided na gumala na lang muna para makatulong. sa TMC ako manganganak so we went straight to Shang after the checkup para magwindow shopping at kumain. balak ko na talaga maglakad ng bongga para bumilis ang pagbaba ni baby. around 11.30am, naramdaman ko nang nagiging regular yung contractions. pero hindi pa masakit. mga bandang 2pm, naging 4mins apart na yung contractions tapos medyo masakit na rin. sabi ni OB pag daw naramdaman ko na yung regular contractions and/or nagleak na waterbag ko dumiretso na daw ako ng pre-labor room.
we got to the pre-labor room 3pm at may bonggang pila. sa TMC kasi 3 lang beds meron sa pre-LR tapos lahat yun may laman that time, parang 4 pa kaming nakapila. sabi nung head nurse idiretso na lang daw kaming mga nakapila sa labor room kahit for observation pa lang. inobserve yung contractions ko until mga 4.30pm, tapos sinabihan na ko ng nurse na totoong contractions na nga and my OB said na i'm ready for admission.
sooooobrang bored na bored ako nung nasa LR ako. IE every 3 hrs ako ng mga nurse. mga 7pm dumating OB ko, in-IE rin ako. wala pa rin progress, pero sobrang sakit na ng contractions ko that time. so sabi niya maglakad lakad daw muna ako sa hallways ng delivery suite. so naglakad ako for 1 hr. pagbalik ko mga 9pm sa bed, IE ulit. wala pa rin progress. mga 11pm bumalik yung OB ko tapos IE ulit, wala pa rin daw. dumating rin yung anaesthesiologist tapos nilagyan na ko ng parang IV through my spine for the epidural, pero sabi ko wag muna lagyan ng gamot. mga midnight nilagyan na ko ng oxytocin sa IV, para daw pampadalas ng contractions. until mga 6am, walang kamatayang contractions at IE with no progress. nung dumating OB ko around 6am the ff day, she said na puputukin na yung waterbag ko, then tinaasan un dosage ng oxytocin. after that, nagkaron na ng progress. mga 1cm every 2 hrs and pagbukas ng cervix ko. di ko na kinaya yung sakit by 8am, nagpalagay nako ng anes after 15hrs of labor.
around 2pm IE ulit ako. 7cm na daw ako, and 80% effaced. malapit na daw. tapos yung isang doctor, minamassage na yung tummy ko para daw tulungan na bumaba si baby. around 3pm, naramdaman ko nang soooooobrang sakit na talaga. as in, hindi na kinaya nung anesthesia. nung nicheck ako nung nurse, nagulat sya kasi almost fully dilated nako and ang baba na ni baby. ayon, biglang nagkarambola sa LR. pinaprep yung delivery room for me, nagtawag na ng mga nurse, tinawagan na OB at anesthesiologist ko. ambilis ng mga pangyayari. next thing i know, nasa DR nako and around 10 people were around me coaching me to push, push, push! 30 mins later, pinatong na ng OB ko si baby sa tummy ko, pinunasan sya and pinag-latch na agad sa breast ko. i remember thinking to myself, FINALLY!
sobrang kakaiba yung feeling nung nakita ko si baby. halu-halo talagang saya, relief, at disbelief. nung tinatahi ako, kinuha na si baby para ilagay sa incubator for observation. next thing i know, nasa recovery room nako 2 hrs later.
supposedly pala si baby 6hrs after delivery naka-room in na. yun ang policy sa TMC, to promote breastfeeding din, unless may complication sa baby. pero in my case, di ko agad sya naroom in kasi mahina daw yung suckling reflex niya and the pedia wanted to observe her pa daw. yun lang ang hindi masyadong magandang experience for me, na i had to go down to the nursery every 2 hrs round the clock kasi i had to feed her. other than that, ok naman lahat. my OB was super hands on, the nurses and medical staff were accommodating, and even the room was okay, considering na ward lang yung kinuha ko as part of the package. maayos yung proseso nila from admission to discharge, mabilis lang and helpful talaga mga tao.
ngayon, nakabantay ako sa gilid ng crib ni baby as i'm typing this. i still can't believe na sa akin sya lumabas just a few days ago.
good luck sa inyo, mommies! pag nadishearten kayo during labor, isipin nyo na lang yung case ko na 24hrs halos naglelabor. hehe! happy holidays to all!
