Mas masarap kayakap ang mataba at medyo mukhang losyang lalo na kung mahal mo. Ako, ayoko ng wife na sa sobrang conscious about appearance eh nababawasan o affected na ang interaction namin. Mas nakakalungkot naman na ang marami diyan na parang isa lang o limited ang notion about beauty. Siguro, sa sobrang panonood ng TV, Magazine, Billboards, internet images at iba pang media.
"Beauty is truth, truth beauty," - that is all
Ye know on earth, and all ye need to know."
- John Keats, Ode on a Grecian Urn
Hindi mo na alam ngayon kung totoo pa ang nakikita mo sa media. Parang standard procedure na ngayon ang mag-alter ng pictures. May makita ka mang maganda in person, di mo alam kung babae ba iyon o lalaki.
Ang babaeng sinumpaan mo na mamahalin habang buhay ay kilalang-kilala mo na.
When you came, you were like red wine and honey,
And the taste of you burnt my mouth with its sweetness.
Now you are like morning bread,
Smooth and pleasant.
I hardly taste you at all for I know your savour,
But I am completely nourished.
-- Amy Lowell, Decade
You no longer see her as she appears but you experience her, wholly, completely. Paghawak mo sa braso niya, hindi mo mapapansin na kung medyo iba na ito...pero mararamdaman mo ang kakaibang init.
Pagyakap mo sa kaniya mula sa likod at mata-touch mo ang tiyan niya...di mo na maiisip kung nagbago man ang puson niya...may kilig pa rin na nararamdaman sa paglalapat ng inyong katawan.
The body remembers, that's what my wife and I would always say. Meron kayong intimacy na kayo lang ang nakakaalam. You no longer see each other at a distance and see mere appearances. You are so close that you are no longer two different persons. Body and spirit - you would always feel each other's existence because you are one...and you are as infinite as the universe itself.
Sana madiscover pa ng maraming tao ito.