Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: [1] 2 3 ... 8

Author Topic: Dads: Kinahihiya nyo ba wives nyo pag mataba at mukha silang "losyang" Be Honest  (Read 62030 times)

teklah

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 53
    • View Profile

anyone?

Mod's note:
Related Smart Parenting article: "Women Gain Weight after Marriage, Men after Divorce"

IMAGE Heidi Aquende courtesy of Good Housekeeping Philippines; Cris Lao
http://www.smartparenting.com.ph/life/news/women-gain-weight-after-marriage-men-after-divorce

Post a question about this topic or share your experience.
login or register here at Parent Chat and join this discussion!
« Last Edit: October 03, 2017, 09:22:42 pm by Mommyjazz »
Logged
I want to be a MOM! ;-) !!!!

mommyjanice

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 197
  • Life Is not fair, but it's still good
    • View Profile

sorry di ako dad pero sasagot ako..

subukan lang niya..haha

sya kaya ang magbuntis, sya kaya ang mag alaga ng anak, sya kaya ang maglinis..hmm, i strongly dis agree na dahil lang sa kababawan ng rason na iyan.. beauty is just a skin deep..Ang pagmamahal, hindi lang sa pisikal na aspekto ang basehan..

kaya sana maging lesson din ito sa ating mga mommies..na sana, wag ng umabot pa s apuntong ikakahiya na tayo ng ating mga asawa dahil lang sa hitsura natin...


pero ngakaroon ako ng idea siz..matanong nga si hubby maya.. ;)
Logged
[Consider pursuing your dream like a 400 meter dash. Lock your eyes on the finish line; be aware of your competitors without taking your eyes off your goal. Kapag linga ka ng linga at lingon ng lingon, di ka pa nakakalahati, semplang na ang byuti mo. Pakialam mo sa takbo nila? Ayusin mo ang takbo mo

teklah

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 53
    • View Profile

yung friend ko kasi, ewan ko ba dun, sobrang taba na niya obese na, okay lang sana kung ganun kasi natural lang sa nanganak yung tumaba, kaso parang magsuklay hindi na niya ginagawa, yung nails niya sa paa parang di na niya bina brush, tapos, kung magdamit parang hindi man lang na plantsa yung damit.

I can understand the situation of a mother pero sana kahit konti mag ayos siya. Ayoko naman sabihan baka kasi nangingialam ang dating ko. Sorry sis,mali ba ako na pinag iisipan ko siya ng ganun? Minsan kasi feeling ko yung husband niya nahihiya dahil di sya presentable tingnan.

sorry ha, correct me if Im wrong. :-[
Logged
I want to be a MOM! ;-) !!!!

reynjoyce

  • Newbie
  • *
  • Posts: 20
  • You have to go through life with a sense of humor!
    • View Profile
    • http://lbym.lilypie.com/P1aXp8.png


actually natanong ko nayan sa hubby ko eh.sabi niya" di naman pero ayoko nang mataba ka kasi di na kita mabubuhat".
 galing mag-alibi ng hubby ko noh!!! hehheheh
Logged
[/url]  [move]

vanenie

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 573
  • My beautiful girls ♥♥♥
    • View Profile
    • Vanenie's Musings

mataba ako. my family can't even remember me being thin (except nung baby pa ako). so mataba ako nung bf/gf pa lang kami ni hubby. tumaba ako lalo pagkapanganak at pag-aalaga ng baby. may times na pag andito sa bahay, nakakalimutan ko magsuklay. :o
pero pag lumalabas kami, nagsusuklay naman ako at plantsado aking damit, di lang ako naka-makeup. di naman kasi talaga ako mahilig mag-makeup -- powder at lip gloss lang, okay na.

wala namang reklamo si hubby. pag sinasabi kong ang taba ko na, sabi niya di niya napapansin.  ::) siguro nga, kasi ganun pa rin siya manggigil sa akin! ;D
Logged
Sophie: Our Life & LightEllie: Our Little Butterball

BrandonVera

  • Newbie
  • *
  • Posts: 17
    • View Profile

Hi Mommy,
This is a very ineteresting topic, pwedeng pang Mel and Joey,hahah!!

Anyways, I think, never will come a time na ikakahiya ko ang asawa ko.

Pero para sagutin yung tanong, I will and will never will na ikakahiya sya kahit kasing laki na sya ng cabinet ng anak kong panganay..haha

Actually mataba na sya ngayon, hmmm, I think 25 lang waistline niya nung GF ko pa lang sya. Lightweight lang sya nun. When she gave birth to out first kid naging Middleweight, tapos nung sa second baby na ayun heavyweight na sya. Pero never ko sya kinahiya. Kasi in everyday, lalo akong nabibilib sa kanya. Kasi matalino sya eh. Sa call center ako nagtatrabaho, and sa tingin ko talo pa ng wife ko yung trainer namen pagdating sa tamang grammar. Hinde porke may accent eh magaling na mag english.

Well, hinde ko alam kung mababasa niya to.

Pero, Mommy Wendy, I AM SO PROUD OF YOU. Sana makuha ng mga kids naten ang katalinuhan mo...(and sana sa aking nila makuha ang magandang lahi,haha)

I love you Mommy Wendy.

Hope to hear from the other Dad...
Logged

always_able

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
  • Going there! Soon!
    • View Profile

sana naman hindi!  >:(
Logged

momi_chesca kikay

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 152
  • Can`t wait to see my little Lance..
    • View Profile

Waahhh!! wag naman....  subukan lang niya,.... :o :-[ >:(
Logged

mich_tatsdwayne

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 255
    • View Profile

mataba ako. my family can't even remember me being thin (except nung baby pa ako). so mataba ako nung bf/gf pa lang kami ni hubby. tumaba ako lalo pagkapanganak at pag-aalaga ng baby. may times na pag andito sa bahay, nakakalimutan ko magsuklay. :o
pero pag lumalabas kami, nagsusuklay naman ako at plantsado aking damit, di lang ako naka-makeup. di naman kasi talaga ako mahilig mag-makeup -- powder at lip gloss lang, okay na.

wala namang reklamo si hubby. pag sinasabi kong ang taba ko na, sabi niya di niya napapansin.  ::) siguro nga, kasi ganun pa rin siya manggigil sa akin! ;D

Same tayo, sis. Mataba na din ako nung nakilala ako ni hubby. Nung bf/gf pa lang kami, hanggang sa ikasal and before mabuntis, L-XL pa lang ako. Nung manganak ako XXL na. Tapos ngayon XXXL na. Di na ko pumayat at di rin naman ako nagpapapayat. Di rin naman ako pinipressure ni hubby na mag-loose ng weight. Minsan pinapaalalahanan niya din ako kasi concern sya sa health ko. Nasa lahi kasi namin (mother side) ang may high blood pressure at diabetic.

'Pag lumalabas kami I make sure naman na presentable ang itsura ko tsaka di ako lumalabas na hindi plantsado suot ko. Eversince di naman ako nagme-make-up (ayaw din ni hubby) kaya powder ok na. No-no din kay hubby ang nail polish. Gusto niya simple lang talaga.   


 
Logged

mybhie06

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 319
  • hubby and hayley.. my life.. my everything :)
    • View Profile
    • My Blog

Aw ang sweet naman ni daddy BrandonVera! ::)

Ako din makiki post kahit hindi ako daddy..hehe..naku ako, sanay na kong tuksuhin ng asawa kong mataba! Kahit nung mag bf/gf pa lang kami, "mami pig" na tawag niya sakin. Ngayong nabuntis ako, "mami elephant" na! :o Haha! Pero talagang normal na mapang asar ang hubby ko so ok lang, nasanay na din ako kahit minsan eh nakakainis talaga. Pero at least naman yun, alam kong lambing lang at never naman ako kinahiya ng asawa ko kahit chubby ako. But syempre naman mageeffort pa din ako magpapayat at never ako magmumukhang losyang noh! hehe! Syempre alam kong kahit naman ok lang sa hubby ko yun, dapat may effort ka pa din na magmukhang maganda palagi sa kanya di ba? Saka di lang naman para sa kanya yun, para din sayo yun. Ang panget naman na sabihin ng iba na porket nagka anak ka lang eh nalosyang ka na
Logged
mamidadibaby

mixx

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 633
  • rockstarXmom
    • View Profile

di ako dad pero as a teenager mahirap kasi importante ang physical features ng isang tao. im known by most people as someone na maganda mukha, maganda buhok, and maganda chest tsaka maganda ang curve ng katawan. naging pride ako ng bf ko sa ibang tao dahil dun. tapos ngayon parang feeling ko hindi na siya ganun kaproud sakin. though iniintindi ko nalang kasi teens kami and malaking factor nga siguro sakanya ang physical aspect ko pero sabi naman daw niya na mahal niya ako kahit baby baboy niya na daw ako :|

so right now, at 37 almost 38 weeks pregnant, super pressured na ako to get my body back. as in super talaga. pati buhok ko pinapahaba ko na ulet, and pinaplano ko na diet ko after giving birth kasi feeling ko di ko masisikmura ang pangaasar sakin ng bf ko.
Logged
First time , well-informed,research addict, exclusively breastfeeding, internet geek,  young mom to Aiden Alexandria -- August 30, 2010. :)

vanenie

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 573
  • My beautiful girls ♥♥♥
    • View Profile
    • Vanenie's Musings

daddy BrandonVera panalo ka! :D ganyan dapat ang mga daddies hehe :) swerte ni mommy wendystar! (see you both on Saturday yey!)

sis mich_tatsdwayne, apir!!! :D
Logged
Sophie: Our Life & LightEllie: Our Little Butterball

yhamsloveŽ

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 870
  • I'm a Certified SP (Sisterly-Packaged) Member
    • View Profile

I think, never will come a time na ikakahiya ko ang asawa ko.

You're so sweet sir BrandonVera!!

Naalala ko tuloy asawa ko..  :D

ako rin, hindi ko naramdaman na ikinahiya ako ng asawa ko. kahit lumaki na yung balakang ko, kahit mukha pa rin akong 2 months preggy, he doesn't mind...

pero siyempre, kahit pa walang reklamo ang asawa ko, hindi ko pa rin pinapabayaan ang sarili ko. oo nga hindi niya ako kinakahiya, pero ayaw ko naman na siya ang mapahiya sa ibang tao.

i think ganon talaga pag mahal ka ng isang tao. kahit ano pa itsura mo o kahit ano pa nagbago sa katawan mo, hindi niya yun papansinin, kase yung pagiging asawa mo sa kanya ang binibigyan niya ng halaga.  ;) :D
Logged
yhamslove  

BrandonVera

  • Newbie
  • *
  • Posts: 17
    • View Profile

Thanks to all mommy na natuwa sa post ko.

Pero ang totoo binobola ko lang ang asawa kong si Wendystar. Para hinde niya na kunin yung napanalunan kong Gold's Gym GC dito sa SP(remeber hotdad). Ipambibili ko kasi ng shoes eh..haha

Anyways, Siguro ganun lang talaga pag nagmamahal. You don't really need to be sweet. I mean, let the other people see how sweet you are with the one you love.

Di ko alam kung nabasa na ng asawa ko to eh. But if she did sana natuwa din sya katulad nyo..

Going back to the topic, ok lang naman talaga kung tataba sya. Meaning masarap at magaling ako mag alaga. haha

Logged

chubyswife

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 148
    • View Profile

share ko lang din to mga sis,

tinanong ko din si hubby kung ikina ka hiya ba niya ako lalo na kung anjan friends niya, sabi niya hindi naman daw.

pero mga sis, kunwari sa mall tapos na kakasalubong namin yung mga friends niya, ako na lang ang humihiwalay, kunwari may titingnan ako sa malayo, kusa ko pong gagawin yun, feeling ko kasi hindi sya proud sakin o kaya nahihiya sya na mataba ang wife niya while ang si sexy parin ng mga friends niya. iwan ko ba sis? o baka paranoid lang talaga ako.
Logged
Pages: [1] 2 3 ... 8