Parent Chat

Pages: 1 [2] 3 4 ... 9

Author Topic: Mommies na walang maid  (Read 53631 times)

cris25

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 82
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #15 on: August 29, 2010, 10:21:56 pm »

wala din ko yaya kasi choice ko, pero si hubby gusto na talaga niya na may yaya, para makapahinga ko and may kasama na rin pagwala siya sa bahay. pero sabi ko hanggat kaya ko, ok lang. hirap kasi na may pinakikisamahan pa ko na iba. naisip ko rin na di rin naman uso yaya sa europe or US, pero nakakaya naman.

nakaschedule din lahat ng chores ko buong week. may division din kami ng labor ni hubby.

basta pag gising namin, habang nagmilk si baby, nagcheck ko ng email. may part time work kasi ko, so check ko kung ako yung gagawin ko for that day. then breakfast na kami ni baby, sterilized ng bottle then ligo si baby.

after maligo ni baby, lalagay ko na sa carseat at manonood siya ng video, then ligo na ko and luto na. once a day lang ko magluto, so kung ano ulam ko ng lunch, yun na rin for dinner namin ni hubby.

depende kung ano chore na gagawin ko kung linis o laba, yun ang ginagawa ko. then kain na ko, early lunch ko lagi, basta tapos na ko magluto, kain na ko agad, kahit 10am pa yan.

then pagtapos na, tatanggalin ko na si baby sa carseat, dapat magawa ko lahat yun within 1-2hrs. kasi naiinip din baby ko sa carseat. then work na ko ng part time. habang naglalaro si baby, patutulugin ko ng hapon.

paggising niya, merienda na kami, pagtapos na ko sa work ko, lalaro na kami. then wait namin si hubby pag dinner. pagdating ni hubby. siya na lahat kay baby, siya na rin sterilized ng bottle ni baby at maghugas ng dinner.

yung grocery, once a month lang namin ginagawa. yung market, si hubby gumagawa, basta may list lang siya ng bibilhin, kung ano menu namin for the week. di ko kasi kaya magbuhat ng mabigat, so siya na lang.

pag weekend at nasa bahay kami. general cleaning talaga. kasi pag weekdays, per room ang linis ko lang. hirap din ko, pero para kay baby, nag SAHM ko.

hello. may i ask ano po part time work mo? thanks! more power!!
Logged

mayde77

  • Guest
Re: Mommies na walang maid
« Reply #16 on: September 01, 2010, 02:19:16 pm »

Hindi pala ako nagiisa. ;D
Well, super duper challenging ang role ng mommu na walang yaya man lang o helper ever. Gaya ako, since nakabukod kami asawa ko from my parents. Ako talaga lahat. Dati madali na wala kami anak, pero now, naging busy ako. Multitasking kung multitask. Name it, ginagawa ko. Last 2009, I gave birth to Yuri and kahit nung nagbuntis ako sa kanya, wala akong katulong ever hanggang sa pinanganak ko sya hands-on at wala iba humawak. Cgro may pumasok sakin na maid, aba eh 1 week lang eh nilayasan na ako at hindi na bumalik, ang masakit pa pinabale ko agad :'( .. Since then nadala na ako.. I can say na hindi ako nahirapan na ako lang ang gumagawa sa lahat ng gawain bahay, kahit andito na si Yuri. Pero since now, I am pregnant again, parang napi-picture out ko na kung anong mangyayari  ;D , windang ako ever.. Kasi mag 14 months pa lang si Yuri e this Sept. Marami nagsasabi I should get help from helper or yaya, eh wish ko lang may matino at maayos pakisamahan at wala magiging prob.. Anyway, since Yuri came eto na routine ko".

M-F:
5:00AM-08:00AM
 Since working si husband, as early as 5am I am awake, preparing for his clothes for work, pampaligo, breakfast, minsan nagpapabaon sya so mas maaga sa 5am dapat kasi aga pasok e. After niyan, sabay na kami breakfast. Gawin ko na rin yung pag-wash and sterilize ng bottle ni bunso. *Rest onti  ;D

9:00AM-11:00AM
-While waiting magising si Yuri, linis muna ako ng bahay, magayos ng damit ni bunso, damit namin kasi minsan nagugulo ni husband ang lalagyan.. :(
-Preparation ng lunch ko, after magluto kain na agad ako kasi pag nagising si Yuri, ay naku, hehe.
-After eating, maliligo na ako.

11:00am-1:00pm
-Eto na gising na si Yuri, after drinking milk, or pagkakain niya, give ko na sya tooth cleaning, nice bath,  ;D habang naglalaro kami sa tub..hehe
-After mabihisan, watch onti ng TV, then pag nagyaya na si bunso mag stay sa room, dun na kami 1-4pm. Basta hindi ko kinakaligtaan ang drinking time niya and mag-nap sya sa hapon, kasama na dito wash ng poop, mirienda.
-Pag nakatulog sya, gingawa ko naman yung mga extra curricular ko dito sa PC like updating monthly budget, weekly menu plan, things to buy for us and for yuri for this month, a kung ano2 pa. Naiisingit ko din ang online jobs ko, chatting, FB and SP..(naku, di na mawawala yan)

5:00pm-pagabi na
-Wash bottles ni yuri na nagamit na. Para hindi ako matambakan
-Linisan ko na si bunso ulit, palitan ng damit at diaper, (oc lang talaga ako kasi kahit hindi masyado nadumihan e, palit ng palit hehe)
-Luto ng dinner.
-Bonding na ulit kami Yuri.

Sat-sun
6am-9am:
-Wash clothes namin at Yuri (thanks to wash mach)
-Ayos ng bahay again
-Linis ng banyo
-Tulog ulit ako kahit 2-3 hours

10am-onwards
-Luto lunch
-Tiklop ng natuyo ng damit
-Wash bottles, basta lahat ng gawain para ke Yuri, gagawin ko na para marami rest..
-Kain kami sabay-sabay
-General cleaning sa room namin
-I do the grocery every after 2 weeks.
-pag weekends, nagluluto kami ng something special..

Weekly ako naglalaba kasi para mas hindi nakakapagod. Kasi naman buntis ako ngaun  ;D san ka pa?

Actually, lahat ng yan nagawa ko lang yan cgro after mag 8 mos si Yuri kasi sa totoo lang hindi mo magagawa all at the same time yan pag alagain pa ang bata  ;D basta tulog si bunso, sinasamantala ko din magrest pag lam kong malinis na dito sa sala, nakakain na kami, ok na mga gamit niya at bottles, etc.

Kaya sa malamang, pag dating ng 2nd baby namin. Things will change accordingly.. at sana makatulog pa ako. :D kasi pareho pa silang baby diba.. To think na 8bottles ang lilinisin, at sterilize, doble na ang damit na maliliit na lalabhan, doble asikaso, lahat madodoble, wish ko lang madoble din katawan ko..haha!

Minsan, true mga mommy. Nakakapanghina na at parang ang daling sabihin na kaya natin, pero hindi mo na mamalayan na masaya pala ang maging SAHM at hands-on ka sa bata kasi you never missed every single thing that your child is into. Since 2008, di na ako work.. kaya nasanay na akong ganito. Salamat narin at may asawa akong naiintindihan na kailangan ko din minsan ng pahinga.. ;)

It's better to plan you menu for the week ahead of time para mdali ng mamili.

Pag naisipan kong magpa-spa, go ako jan..Sorry naman haba ng post ko.. ;D

wow how inspiring naman mommy...
talagang napakahirap ang maging nanay.
halos lahat ikaw ang gagawa minsan need pa natin mag hanap ng extra raket to sustain all our needs...
pareho tayo mommy ng sitwasyon dala narin ako sa maid ang daming demands pakikisamahan mo ng maayos lalayasan ka pa rin.
sakit ng ulo himbis na ikaw ang intindihin ikaw pa ang mag iintindi sa kanila...
anyway thanks for sharing your story.godluck
Logged

lykeil

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 126
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #17 on: September 04, 2010, 10:18:00 pm »

hello mommies im a mother of two isang 5 and 11months old...
i prefer not to hire maid anymore kc hirap makakuha ng matino...
pa share naman po ng syatem nyo sa house kung paano nyo hahatiin ang oras sa gawaing bahay at pag aalaga ng mga bata.

I suggest you get helper pa rin kahit 1 lang, nakatutok sa isang bata.

You're babies are too small. lalo na now, u have 11 month old, starting na sya maglakad, kaya dapat nakatutok ka.. better get a yaya that loves kids at matiyaga n xperienced sa 1 year old. Ikaw lang din mahirapan at yung babies mo, di mo matututukan and babagal development and baka madesgrasya pa mga anak mo.

As of now, I have a 2, and 3 years old and an 11 month old baby din. Ako lang lahat, laba, linis and cook for d kids as of now.. 6 months na wala ako yaya. but since my baby  is now 11 months old din e, wants to start to walk. Kailangan ko na rin kumuha ng katulong kc prone na sya sa untog at talagang hilig nang magpractice maglakad yan. Di na mapirmi sa isang lugar. Tapos di mo nakita, baka may makain pa sa sahig o kama na maliit na bagay while u attending to ur other baby or cleaning up or preparing other things.

Pag naging 1.5 or 1 year and 8 months na anak mo pwede ka nang walang yaya kc marunong na syang mag control ng reflexes niya. nakakatayo na sya ng mabuti.

I had bad xperiences with yayas also but for the kids sake, we need to have helper pa rin. Pag 2 years old na mga anak mo, pwede nang kahit wala yaya. Kuha ka lang ng 3k na all around yaya para makapaglinis din ng things ng bata. Tutulong din sa gawaing bahay kahit konti. Wag mo na lang lahat pagawa sa kanya importante, maayos ang alaga sa bata.

So, better to get an helper, all around yaya. para sa isang bata lang, kasi mobile na anak mo kaya dapat may lagi titingin dun sa 11 month old mo. yung 6 month old, pwede pang iwan sa crib, nakahiga lang pero starting to crawl na rin yan n upo, baka di mo nakita or attending to other kid e nahulog na pala yung isa. Pagtyagaan mo na lang muna yaya than sacrifice your kids safety.

Logged

hel

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1083
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #18 on: September 04, 2010, 11:22:26 pm »

Hi mommies, I'm a first time mom and a teen mom. I'll be giving birth this October. I would like to ask kung paano niyo po ma-handle having a newborn baby without a yaya or a helper? I prefer not to get a yaya based on the bad experiences that I and my brother have with our yayas. I don't want my baby to be physically and verbally abused by his yaya kasi we've experienced that and super nakaka-trauma talaga. Our parent kasi are both working that time so we are just left to our yayas, they are higly recommended by my lola kaya super tiwala parents namin sa kanila.

I grew up dependent sa yaya. I didn't do any household chores here sa house even though i know naman how to do it,hindi lang talaga kami pinapagawa ng papa ko kasi he wants us to focus sa studies. Few years ago when we lived here na sa ancestral house ng mother side ko, eh wala na kaming yaya or helper na kasama since me,my brother and mom are always not here sa house and we just eat outside. Pag dito naman sa house,cooks meal for us and we just do our laundry sa washing machine and someone also washes the dishes for us.

Now that I'm going to be a mother I don't expect someone to be washing my baby's clothes and linens,cleaning and sterilizing his bottles and breast feeding accessories(breast pump,storage bottles,etc) and other stuff for me so I have to take care of my baby and attend to all his needs on my own.

I'm going to be SAHM til I go back to school and my mom is going to help me take care of my baby. Though she's going to help me to take care of my child para makabawi siya nung baby pa ako na iwan lang sa yaya, I really want to be hands-on when it comes to taking care of my baby. In that way I can bond with him and spend quality time with him before I go back to school.

Grabeng adjustment for me kasi as a teen na dependent pa now sa parents ko I will have my own baby na magiging dependent sa akin. I hope kayanin ko talaga kasi as much as possible ayaw ko talaga kumuha ng yaya for my baby kasi natatakot ako na baka saktan lang si baby at di maalagaan masyado. Di rin kasi ako sure if maaasikaso niya ng maayos si baby,mga stuff and needs ni baby. I'm afraid na baka hindi masunod ang instructions or bilin ko. Kaya mas gusto ko na ako na lang personally ang mag-wash and iron ng clothes and linens niya and maglinis at mag-ayos ng ibang stuff niya para sure na malinis talaga especially his bottles and yung breast feeding accessories since I'll be pumping breastmilk when we will go out and pag babalik na sa school.
Logged

mayde77

  • Guest
Re: Mommies na walang maid
« Reply #19 on: September 07, 2010, 01:37:55 am »

thanks sa payo mommy lykiel, i just had a conversation with my husband nga he is asking me to get help na nga. tama ka nga maybe its time para mag hire ulit ng yaya.
Logged

kidsrepublik

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 264
  • mommypreneur for hubby and baby
    • View Profile
    • Diapers and Clothes for Kiddos
Re: Mommies na walang maid
« Reply #20 on: September 07, 2010, 09:55:08 am »

ang gagaling nyo naman mga mommies. hindi ko ata kaya ako lang sa bahay. kaya ko magisa with baby but yung chores hindi ko matututukan.
napapabilib den ako sa mom ko kapag naiiwan sa kanya si baby sa house ng parents ko. nagagawa niya paren mga trabaho sa bahay kahit walang maid or yaya.

but im thinking of getting one na ren kasi lapit na maglakad si baby and shes getting bored naren sa crib kapag tumatagal. i just need someone as extra hand of my mom kapag may kelangan gawing chores or kelangan batayan saglit si baby. feeling ko ren naman hindi matitiis ng mom ko na ipaalaga sa yaya buong araw si baby.

isa pang challenge kasi ang makahanap ng matinong helper/yaya na hindi magttake advantage sa kabaitan mo. :(

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1649
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #21 on: September 07, 2010, 10:43:57 am »

Ako talaga saludo sa mommies na walang maid or yaya.
Sobrang hirap mag-asikaso ng bahay lalo na't working ako.

Nung 3 weeks kaming walang yaya, grabe tlaga. We were eating sa paper plates kasi sobrang walang time.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

chizbunmom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 140
  • Chizbun, Cali and Cassie!
    • View Profile
    • Just Me!
Re: Mommies na walang maid
« Reply #22 on: September 07, 2010, 10:54:21 am »

wow, galing ng mga mommies!

kami kasi we're living in my parent's place since Cali just turned one and i'm giving birth this October. Mas gusto ko din na si Mama at Papa ko nag-aalaga kay Cali. Takot ako na ma-imbibe ang ugali ng iba. Takot din ako sa mga yayang nananakit ng bata. Kaya siguro ayoko din mag-maid kasi hindi rin kami lumaki ng kapatid ko sa yaya.

Logged

[move]

- Mommy Jo -

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 593
  • blessed and happy! :)
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #23 on: September 07, 2010, 11:07:14 am »

super bilib din talaga ko sa mga mommies na kinakaya lahat,household chores,kids and hubby etc.

working mom din ako and instead of getting a nanny,my mom is the one taking care of xian kapag wala kami ni hubby sa bahay. since xian is the only apo sa side ko sobrang aliw pa nga parents ko na gawin yun and maswerte ako kase alam ko na panatag ako kahit maiwan ko man si xian since alam ko kung panong pag-aalaga at pagmamahal ang binibigay nila. my son lovingly call them "inay and tatay".. household chores naman are manageable.share na kami ni hubby plus we also have a helper (pero di namin kasama sa bahay) na taga dun din lang sa place namin na pumupunta sa bahay every 2 days para maglinis, maglaba at magplantsa.
Logged

insensitive

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 896
  • i didn't know i was capable of feeling so much...
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #24 on: September 07, 2010, 12:05:57 pm »

kami din walang maid..ako,si hubby at baby lang sa bahay, SInce 4mos palang kami nakabukod sa parents ko, medyo ng-a-adjust pa kami. Si hubby ang nagaalaga kay baby kasi wala naman sya work and we preffered na sya muna magalaga.Pag malaki na si baby, yung nakakapagsalita na ska na mag-yaya.
Ganito routine namin everyday:
Morning:
Since malapit bahay ko sa office 6:30 or 7am ako nagigising..
*ready ko bottles niya at milk
*luto ng breakfast saka minsan food ni hubby
*babad ko mga damit at lampin ni baby

Pag-uwi ko galing work;
*laro muna kay baby
*ligpit ng kalat nila(hugasin at mga laruan)
*si hubby magluluto ng dinner
*lalabhan ko binabad ko(si baby nsa crib nilalapit ko sken pra kwn2han kami at d sya mainip)

pag saturday:
*linis ng bahay/plansta minsan lang din
*maglalaba ng damit namin
*or mamamalengke(madalas si hubby)

sunday:
*church/malling
*rest ko pero hindi gaano. kasi si baby pag nasa bahay ako never natutulog,gusto maglaro maghapon

so far,nakakaya naman namin :)
Logged

riddermark

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 590
  • back to my old name
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #25 on: September 07, 2010, 01:18:39 pm »

saludo talaga ako sa SAHM. nung 1 pa lang baby ko i cant imagine doing everything my self. sobrang alagain kasi ang panganay ko at lakas umiyak. even now na 2yo na lagi pa rin dapat tignan kasi kung ano-ano sinusubo.. active baby so paakyat-akyat din. tapos sabay pa yung 8mo old din na natuto nang magreklamo ngayon hehe  ;D  lakas din sumigaw! kaya 2 ang yaya namin eversince (kahit 1 pa lang baby kasi the yayas came in package).

but ive been wanting to learn how to tame and take care of them while doing household chores pa din. as much as i want to be a working mom, gusto ko rin syempre matutunan papano sa bahay. mabilis kasi akong mapagod (physically di na ako ganon kalakas). di rin sana dapat ma-stress. but i know that sooner or later i have to learn how to handle my kids and the house.

kaya laki ng paghangan ko sa mga stay at home moms at lalo na sa mga walang yaya. 2 kids of almost the same age? hay... pano naman!
« Last Edit: September 07, 2010, 01:21:05 pm by riddermark »
Logged
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
God created little boys for He knew that there should be lots of love and happiness added to a family.

yhamsloveŽ

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 886
  • I'm a Certified SP (Sisterly-Packaged) Member
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #26 on: September 08, 2010, 02:12:00 pm »

Temporarily, naranasan ko ito, at masasabi kong hindi madali. Although magkatabi lang bahay namin ng Nanay ko, sa kanya naiiwan si Geno kapag pumapasok kami sa trabaho ng asawa ko.

Nahirapan talaga ako.  :'( Simula August 21 (EB natin yun) hanggang ngayon (sabi ng yaya namin today daw ang dating niya), feeling ko, hindi pa ako nagpapahinga.

Lately, madalas akong ma-late sa office. At may isang beses pa na tinanghali ako ng gising.  :-[

Ito rin kase yung mga araw na nagkasakit yung anak ko (sipon at ubo) kaya puyat din kami kase round-the-clock yung pag-inom niya ng gamot.

It's hard to be a working mom.. but it's more difficult if you don't have someone to assist you.

Looking back, natatawa ako kase, wow, nakayanan ko yon?  :D
Logged
yhamslove  

mummienina

  • Guest
Re: Mommies na walang maid
« Reply #27 on: September 08, 2010, 02:40:58 pm »

Me and hubby are both overseas. I decided to quit work before i gave birth since i want to take care of our first baby. It's also hard to leave baby with a yaya na di mo gaano kilala especially we're in a foreign country pa na pwede ka iiwan without a trace. We are looking pa for a yaya from pinas but sa ngayon i'm enjoying being a SAHMmie kasi i see my baby grow up everyday. I see all her new tricks and it's always a joy. She's only 2 months.

Mahirap kaso kinaya naman namin ni hubby since we share doing the house chores and looking after baby. Buti nalang ngayon di na iyakin si baby sa gabi and nakakatulog na sya mahaba so we're not so puyat na.

So what we do - hubby prepares breakfast pati rice for lunch, while ligo ako. Ligo sya, ligo si baby. Eat breakfast before hubby goes to work. Hubby comes back for lunch, initin ang ulam for lunch which i cook the night before, eat lunch.hubby does the dishes after meals.after work hubby does plantsa, I cook dinner and ulam for lunch at night. Before bed, i wash all lampin for the day. We clean house and wash clothes weekends.

It helps that i  breastfeed so we don't have bottles to sterilize.
Logged

insensitive

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 896
  • i didn't know i was capable of feeling so much...
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #28 on: September 08, 2010, 06:10:12 pm »

Temporarily, naranasan ko ito, at masasabi kong hindi madali. Although magkatabi lang bahay namin ng Nanay ko, sa kanya naiiwan si Geno kapag pumapasok kami sa trabaho ng asawa ko.

Nahirapan talaga ako.  :'( Simula August 21 (EB natin yun) hanggang ngayon (sabi ng yaya namin today daw ang dating niya), feeling ko, hindi pa ako nagpapahinga.

Lately, madalas akong ma-late sa office. At may isang beses pa na tinanghali ako ng gising.  :-[

Ito rin kase yung mga araw na nagkasakit yung anak ko (sipon at ubo) kaya puyat din kami kase round-the-clock yung pag-inom niya ng gamot.

It's hard to be a working mom.. but it's more difficult if you don't have someone to assist you.

Looking back, natatawa ako kase, wow, nakayanan ko yon?  :D

sis marnie, ganun daw talaga mga nanay..SUPERMOM! makakaya ang lahat. Kapagod talaga pag walang helper. D ko pa kaya magpasweldo kaya tiis muna
Logged

mommy ni lijah

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 295
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #29 on: September 14, 2010, 08:08:01 am »

ako din sis no yaya/maid... nung bagong lipat meron kasi marami akong inaasikaso.. eh bata pa, ang daming kelangan sabihn na gagawin, aysus, mas lalo akong nahihirpan... wala kasing kusa minsan kelangan pang sabihan na linisin mu yun, linisin mu yan.. heheh

nagtaka si hubby bakit ko pinauwi, sabi ko  kaya ko naman, tska at least kami lang ni baby iniitindi ko pag kakain, yung kasama ko kasi sa bahy, mas marrte pa sakin sa food, may mga pagkain na ayaw kainin, tapos yung mga squidballs, binubuksan niya , hindi ko pa alam, malalaman ko na lang na panis na kasi, ilang araw ng bukas.. sana niluto na niya lahat...

lahat ako gumgawa, ultimo gardening o kaya may pipiinturahan, natatawa kapatid ko baka pag uwi daw ng asawa ko mashocked sa mga pinaggagawa ko... ako kasi nagpaint ng bintana, yung rails sa hagdan etc..pati pagsemento, ako din... kaya ang masasabi ko kering keri natin mga sis!

ayun, sis, sakit sa ulo kasi pag bata pa... if ever na kukuha u
lit ako, ill make sure na may edad na..
Logged
Pages: 1 [2] 3 4 ... 9