Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 5 6 [7] 8 9

Author Topic: Mommies na walang maid  (Read 59905 times)

michi247

  • Guest
Re: Mommies na walang maid
« Reply #90 on: December 18, 2012, 05:54:49 pm »

^may kilala ko simula nung nanganak siya wala siya yaya, ayaw niya talaga. so pinalaki niya baby niya na siya lang talaga. hubby niya seaman. hirap daw sa umpisa lang pero nakayanan niya, 3 yrs old na anak niya ngayon.
Logged

laneyval

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 91
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #91 on: February 02, 2013, 10:50:07 am »

Hi fellow mommies! Ako din wlang maid. Nung pinanganak ko yung daughter ko wala ko maid. Ako lang lahat. Kahit c.s. ako, ako pa din naghahandwash ng mga damit niya, naghuhugas at sterilize ng bottles, etc. kaso hnd ko kinaya kasi aside sa pagalaga sa anak at husband ko, inaalagan ko din yung sugat ko from c.s. buti after 2 weeks nagkaroon ako ng yaya/maid. Kaso nagbakasyon sya sa province nila at hnd na bumalik. 8 months pa lang anak ko nun. Matino at madalu pakisamahan yung yaya niya kaso yun nga hnd na bumalik samin. Yung 2nd naman mga 3 weeks lang ang tinagal. Pinaalis namin kasi uwi ng uwi sa bulacan kasu nagkakasakit ang anak niya n bago panganak p lang. Sabi namin alagaan niya nlang anak niya. Yung 3rd pumasok samin na buntis. At first di namin alam pero inamin niya din samin after a few weeks. Pinaalis namin sya nung nasa 7th month niya na sa pagbubuntis kasi tamad na dahil siguro nahihirapan na sya ipagsabay ang gawaing bahay at ang dinadala niya. So mga one year na ako wlang maid pero ayos lang. Pag magka second child nlang tsaka ako kukuha. Ang sistema ko maaga ako magigising. Ang gising kasi ng daughter ko usually mga 7:30 to 8:30am. So before 5pm dapat gsing na ako. Maaga pa lang nagluluto na ako tsaka saing. Magpapakain ng 2 aso at maglilinis ng cage nila.  Nagwawalis din ako sa buong bahay. Pag m-w-f,  dun ako naglalaba using washing machine. Yun ang una ko gnagawa before magluto. Habang nakasalang yung mga damit dun naman ako nagluluto. Pag t-th-sat, dun ako nagmomop ng buong house. After ko malinis na ang house, inaayos ko na ang basura by putting them in one plastic pag mondays, thursdays at saturdays kasi yun yung araw ng collection ng basura. Para pagdating ng basura ilalabas ko nalang yung basura. Mondays at thursdays ko din pinapaliguan yung 2 aso namin. dapat 7:00am tapos na ako sa lahat at makaligo na ako para pag gising ng anak ko wala na ako masyado intindihin. Hugas ng plato, ligpit ng gamit at ayos nalang ng kama habang watch ng dvd at play yung anak ko. :) maaga ako matutulog mga before 10pm para makagising ako maaga the next day. Yung husband ko ang nagbabantay sa anak ko pag ayaw pang matulog. Gigisingin naman ako ng anak ko pag gusto niya magpatulog sa akin. Gsing ako, meme ko sya tapos tulog ulit. pero ngayon since 2 katulong ng sister in law ko, hnihiram ko yung isa para maglinis ng aso, magwalis sa labas at maglabas ng basura kapag dumating. Ako pa din nagaayos ng basura. Binibigyan ko nalang ng 200 per week yung katulong niya.
Logged

laneyval

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 91
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #92 on: February 02, 2013, 10:58:24 am »

Mga 10 or mga 11am papaliguan ko na anak ko tapos papatulugin ko mg hapon. Pagtulog niya dun ko na gagawin yung mga gusto ko like magbasa, manuod ng dvds or magluto ng dinner. Yung niluto ko na yun hanggang breakfast na yun. Minsan bago umuwi asawa ko from work, sya n ang bibili ng dinner sa labas para mabawasan yung trabaho ko
Logged

jealousygirl

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 82
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #93 on: February 05, 2013, 05:14:41 pm »

hi there. i belong here na.. hihi. ako rin wala na ko maid mag t 3 weeks na, and ang hirap sa simula but then, now medyo ok naman na..

Si boyfie ang naiiwan sa house,, So siya ang nagbabantay sa aking 8 yrs.old.
We opt to give up having a helper at home,kasi 3 lang kami,, and i can do naman the house chores.
then 8 years old, eh hindi na alagain.. then time management lang para makaya ang mga bagay bagay..

I am looking forward na makaipon na, dahil wala na kong babayaran na yaya. which is 2500 monthly...
magtitiis nalang ako na maglaba sa gabi pag uwi, at maglinis ng bahay sa umaga..pagdating galing sa hatid sa school.. Si boyfie ang tagaluto sa bahay., and houseguard. chos..

mahirap, pero siguro masarap pag nakaipon .. :D
Logged

vanessav

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #94 on: February 08, 2013, 01:49:48 am »

Hi mommies!
I just want to share. I delivered my daughter here in SG, who's now turning 2 in a month. Hubby n I both decided na mging stay-at-home mom muna ako kasi we're not comfortable to hire a yaya/maid. During nung 1st month ni baby andun pa c MIL pero since tourist lang sya 30 days lang sya allowed to stay. After nun kami nalang ni hubby. Mahirap pra sakin nung una dahil dumating sa stage na every 10mins nggsing baby ko from nap. Then naging 3x nap niya pero tig less than 30mins lang. Tapos every 2-3 hrs p gsing sa gabi. May mga times na naiiyak nko sa sobrang pagod. Dumating sa point na nghhnap nko online ng infant care center pra iwan c baby for ilang hours. Pro pgnghhnap nko ngguilty nko and naiiyak. Ng ooffer na c hubby to get a maid pero npapaisip ako kasi mahal mghire dito. Kaya tiniis ko nalang kahit may crying times ako. Siguro dahil narin sa homesickness. Tumutulong naman c hubby pgdating sa bahay. Sya na nglluto, hugas, linis. Yung laba automatic naman dito kaya sampay nalang ako. Ako kasi ang gmgsing sa gabi pra diretso tulog ni hubby. Ngayon na malaki n sya, nakakausap at nkakaintindi na, although makulit at mkalat sa toys, magaan na para skin. Marami nkong "me time". Ako n nglluto, ngllinis, laba, except plantsa :) looking back, npapaisip tuloy ako na buti kinaya ko yun.  Kaya sobrang bilib ako sa mga moms n more than 2 ang anak tapos wlang yaya. Lilipas din ang panahon at mgsisilakihan din sila. :)
Logged

peachiepiegollywow

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #95 on: March 22, 2013, 10:55:32 pm »

Hi mga mommies. I am a full time housewife, with 3 kids ages 10, 7 and 4 years of age.  for the past 10 years, we always have a kasambahay.  Since we got married and had our first child, I've decided to stay home to take care of the baby. then I have 1 kasambahay to help me out.  Then I will go back to work pag mga 2 years old na and malaki na yung kids ko. Pero ywhen i gave birth to my 3rd child, hindi na ako makapagtrabaho, kasi wala akong mahanap na matinung kasama sa bahay    Before we have two kasambahay that is really matino  and maasahan and talagang marunong sa gawaing bahay but since kailangan rin sila ng family nila, kaya umuwi na lang sila sa probinsya after sometime of staying with us.

 Since then hindi na ako nakahanap ng maayos na kasambahay.  Most of them were pasaway  and no commitments sa trabaho nila.  As in bigla bigla na lang magpapa alam umalis.  Because of this pauli ulit na experience. Nadala na akong kumuha ulit ng kasambahay.  Kaya ngayon wala na kaming kasama sa bahay.  Marunong naman ako ng gawaing bahay kasi I grew up na wala rin kasambahay.  Kaya lang there are times that I feel burnt out or stressed a lot.   Siguro dahil na rin nag aadjust sa bagong situation and parang natutulog na yung utak ko, puro housechores na lang ang iniintindi ko   .  Mga mommies especially the full time mommies out there, How do you find time for relaxation or find time for yourself?  Thanks a lot.




 
Logged

mommyonsale

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 164
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #96 on: March 23, 2013, 04:44:56 am »

Ako sis simula NG nagkaanak Wala akong katulong as in ako Lang... Ang relaxation ko before nung isa pa Lang baby ko nagmomall ako pero Kasama pa din si baby at si hubby then ngaun na dalawa na anak ko tapos nag abroad si hubby heto windang ang Ganda ko. Nagpapamassage ako NG 1 hour man Lang. Nagpapamasahe ako then pag nag pamasahe ako sarili ko Lang inisip ko for just one hour after nun balik uli sa pagiging mommy.... My eldest 4 my youmgest 1. Sa 4 years na Wala akong katulong itong ika 5th year kukuha na ako kasi di na kaya ng Katawan ko
Logged

MommyGreysi777

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #97 on: March 23, 2013, 11:43:40 pm »

Matagal na din akong walang helper kc after you train them and treat them well (bring them with you to malls with free lunches, dinners) iiwan ka lang. Mahirap na maghanap ng magiging faithful na helper.

I do everything from housekeeping to taking care of the kids.  Suggest kumuha ka ng stay out that would clean your place, iron clothes etc once a week, that is what we do.  Hindi masiado mabigat for me, luto nalang and konting linis.

For me to be able to relax, I leave my 2 kids with their Lola so I can read a book or watch a movie.  We need that to rejuvenate  :)
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1649
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #98 on: March 25, 2013, 02:02:59 pm »

Kaya lang there are times that I feel burnt out or stressed a lot.   Siguro dahil na rin nag aadjust sa bagong situation and parang natutulog na yung utak ko, puro housechores na lang ang iniintindi ko   .

Di ako full-time at home sis ha. Pero nakaka-burn out pa rin lalo na pag maraming trabaho sa office tapos mag-re-review pa kayo ng bata, tapos may mga pinapaasikaso pa si mister.

I ask for my husband's help. I'm never ashamed to tell him that I'm tired or I need to relax. Hindi ako full energy palagi.
Minsan nag-re-request ako na mauuna ako matulog. Pag magpapa-home service massage siya, pati ako papadamay na rin.

Try mo na yung paglalaba eh iba na lang gumawa. Di mo naman kailangan ng full time na kasama for laundry. Kahit weekly lang.
« Last Edit: April 06, 2013, 12:58:49 am by toughmom »
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

mayde77

  • Newbie
  • *
  • Posts: 22
  • www.bizandmoreph.blogspot.com
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #99 on: March 26, 2013, 04:26:32 pm »

Ako naman full time mom and I have a homebased business, I have 3 kids and pregnant with my 4th child. I just recently had a yaya for 2months pa lang pero aalis na naman,but I am able to manage since my husband is also helping me and my in laws sometimes helps us up looking after the kids when we need to go out. Sa dami narin ng experience ko sa mga maid na pasaway di na ko umaasa sa kanila,kahit masala sila no big deal.yun nga Lang Medyo malapit na ko mag due kaya Medyo mahirap ang sitwasyon ko. I find time to relax once in awhile kc talagang stressful ang gawing bahay dagdag pa ang kakulitan Ng mga kids.
Logged

peachiepiegollywow

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #100 on: March 29, 2013, 11:28:29 am »

^

Wow mommy ang galing mo, with baby number 4 pa on the way  plus a business tapus no yaya.    But since malapit ka ng manganak you need some one who can help you after you give birth.  Mahirap baka kung mapaano ka pa.  Its great that you have in-laws who is wiling to help you out na rin, kami kasi kami lang talaga ng hubby ko.
« Last Edit: April 06, 2013, 12:52:25 am by toughmom »
Logged

peachiepiegollywow

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #101 on: March 29, 2013, 11:34:12 am »

Thanks for all the replies.  Nakaka inspire. :)   Im going to try yoga, sana makatulong. And  I do have taga laba and plantsa na rin.  So konting linis linis and luto na lang.  No plans na maghanap ng katulong pag meron na lang sigurong dumating.  :)
Logged

peachiepiegollywow

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #102 on: March 29, 2013, 11:38:16 am »

@mommyonsale
Ang tagal  ng four years.  Sana kaya ko rin. As long as may taga laba and plantsa kaya naman. Wag lang syang mawawala. Kasi sis medyo may edad na rin.  pero as in maasahan talaga maski pag punta sa palengke para ipamili ako ginagawa niya. 
« Last Edit: April 06, 2013, 12:55:52 am by toughmom »
Logged

CallcenterMom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 108
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #103 on: March 29, 2013, 01:44:53 pm »

I'm a working mom with a 7yo child.  I lost my reliable yaya a year ago and since then, hindi na ako nakakita ng matinong yaya.  Pinaka matagal na ang 3-4 months.  Ginastusan mo ng pamasahe (plane ticket pa) tapos lalayasan ka for a lot of reason.  Nandun, hindi daw alam na ganun pala kahirap mamasukan bilang katulong, nagtanan, yung iba ako na nagpapalayas kasi sinisigawan at sasaktan ang anak ko tapos nangungupit.

2 months na akong walang kasama sa bahay na maid.  May nakuha akong taga-laba pero still ako pa rin at asawa ko ang magkatulong sa house.  Normally most of the chores akin like, plantsa, luto and the likes. 

Nakaka-stress at nakakasawa not to mention nakakapagod.  Dati may time pa ako for myself, now, nakikita ko na lang ang kama ko kapag matutulog.  I leave at 6am tapos uuwi akong house ng 4pm, diretso na un.  Linis, luto, hugas ng pinggan, alaga ng bata, prepare dinner , alis asawa ko para pumasok, tapos hugas ulit pinggan, konting linis, tiklop ng damit, plantsa....haiz. 

I badly need a maid ASAP.
Logged

CallcenterMom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 108
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #104 on: March 29, 2013, 01:48:56 pm »

I salute you!  However, parang mag-break down na ako.
Logged
Pages: 1 ... 5 6 [7] 8 9