Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 6 7 [8] 9

Author Topic: Mommies na walang maid  (Read 71835 times)

mayde77

  • Newbie
  • *
  • Posts: 21
  • www.bizandmoreph.blogspot.com
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #105 on: April 01, 2013, 12:50:20 am »

Wow mommy ang galing mo, with baby number 4 pa on the way  plus a business tapus no yaya.    But since malapit ka ng manganak you need some one who can help you after you give birth.

Oo nga eh Medyo worried na ko now kc malapit na due date ko, parang last time sa 3rd baby ko dahil walang maid mag Isa Lang ako sa hospital dahil wala mag aattend sa mga kids di malayong mangyari ulet yun. Right now parang feeling ko mas maayos ang set up Ng bahay pag walang maid or yaya. Minsan na isip ko na Lang American living para wala ka ikakasama Ng loob Kung wala ka Talaga makuhang katulong. Marami kc Talaga pasaway now almost Lahat yata. Good luck na Lang satin mga mommies kaya natin to time management Lang talaga.
« Last Edit: April 06, 2013, 12:59:44 am by toughmom »
Logged

toughmom moderator

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1150
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #106 on: April 06, 2013, 01:04:42 am »

This thread has been pruned. At some instances, quoting is not necessary because the post you are quoting can already be read within the same page. A referring link will appear attributing the original post being quoted. When clicked, this will lead the viewer to the original message thus quoting the entire post is not necessary. Should you need to quote, please keep it short. If you are referring/replying to a post just above or preceding yours, use the caret "^" sign instead of quoting the entire message. Quoting a quote isn't allowed.
Logged

TheMommyWithNoNanny

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
  • www.mommywithnonanny.com
    • View Profile
    • The Mommy With No Nanny
Re: Mommies na walang maid
« Reply #107 on: April 08, 2013, 04:40:17 pm »

Wow, kudos to you mommy! Having 3 kids and no maid must be  very, very challenging. I have a toddler and no yaya or maid. I'm still nursing her full-time 24/7.  Time to relax? I ask daddy to give me time alone on a Saturday. Kahit na isa o dalawang oras lang. Parang bonding time na rin nila yun. Daily ang pinaka-time to relax ata yung bath time na lang. . . I made my bathroom very relaxing. . .put sturdy indoor plants,  essential oils. . . nice and fluffy towels and throw. . . so when I'm there I feel like I'm in a spa.

 I wrote an article for a website, I hope it helps: http://mommywithnonanny.com/2013/02/saving-your-sanity-without-household-help/


Logged
Raising a child is a tough job, let alone raising one without a yaya. Thank God there are mommy solutions!  http://mommywithnonanny.com

Visit my online store: Kid StarMaker. . .personalized books,music & videos for your Li'l Star!  http://kidstarmaker.com

TheMommyWithNoNanny

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
  • www.mommywithnonanny.com
    • View Profile
    • The Mommy With No Nanny
Re: Mommies na walang maid
« Reply #108 on: April 08, 2013, 05:01:12 pm »

Hi mga mommies! :)   I decided not to get a yaya and maid for now while taking care of our 23 month old toddler. Mahirap na masarap. Ito  yung experience namin at ito yung mga tips na nakatulong. Hope you can read it here : http://mommywithnonanny.com/2013/02/saving-your-sanity-without-household-help/

God bless!
« Last Edit: April 09, 2013, 03:43:54 pm by Mommyjazz »
Logged
Raising a child is a tough job, let alone raising one without a yaya. Thank God there are mommy solutions!  http://mommywithnonanny.com

Visit my online store: Kid StarMaker. . .personalized books,music & videos for your Li'l Star!  http://kidstarmaker.com

bella swan

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 156
  • "I can do all things through Christ" Phil 4:13
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #109 on: April 16, 2013, 11:32:58 am »

Ang gagaling naman nyo Mommies... sana makayanan ko rin yan paglabas ng 2nd baby ko... Honestly, nagpapahanap ako sa Dad ko province, hindi kasi ako palagay pag hindi kakilala eh, natatakot ako especially na wala ang Mom ko dito. Before, a month before giving birth (dun sa first child ko), dun muna kami tumira sa parents ko then nun 3 months na si baby, lumipat na kami sa bahay namin, may kasambahay ako noon, malayong kamag-anak, pero kasi pinag-aral na ni Mama ng HS, noong nakatapos, umalis na kasi sayang naman ang pinag-aralan niya. May mga iba pa akong kinuha kaso hindi naman tumatagal, dahil siguro, wala naman kaming kapit-bahay na makakausap. Malungkot daw. Recently, may nakuha ako, ni-refer noong dating kasamabahay ng parents ko. Okay naman sana kaso sinungaling eh tas telepono ng telepono. Hindi ko naman pinagagalitan kahit nag te telepono sya kaso natatakot na ako baka gumawa ng istorya kasi nga sinungaling, after noon, wala nang sumunod pa, hinihintay ko na lang yung makukuha ng Dad ko pero kung wala, I guess, kaya naman, supportive naman si hubby eh. Tinutulungan niya naman ako at pag wala sya pasok, sya lahat gumagawa kasi 4 months preggy ako. Si Big Ate naman, Kinder 2 na sya this June, marunong ng utusan at masunurin naman. Kung meron makuha, okay lang. Kung wala, okay din, hindi naman pala ako nag-iisa :)

Gagayahin ko na lang kayo mga Super Mommies! Salamat sa topic na to :)
Logged
I love my kids sooo muc!!!

jen_anne

  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #110 on: April 16, 2013, 01:52:50 pm »

I have a 1yr old daughter..no yaya din..but my mum is here to help me out..tapos and work ko is home-based lang every night. Ang hubby ko..nasa ibang bansa..ako din gumagawa ng mga gawain dito sa bahay..nakaka pagod din lalo na pag late ka matutulog tapos hindi pa diretso ang tulog mo kasi maya't maYA naka silip ako kay bagets para mag punas ng pawis..(kahit naka aircon na..pawis pa din) pero masaya naman lalo na pag yayakap na sakin si baby. :) But, i still wish nandito si hubby to help me out..
Logged

BrightasDay

  • Newbie
  • *
  • Posts: 12
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #111 on: April 30, 2013, 11:36:56 pm »

In my situation po, with 4 kids (the youngest being a 10 month old), my ultimate relaxation technique is to find something to laugh about. Make time lang to laugh with your fam, your hubby and the kids - tanggal pagod. Iwasan na rin ang pagiging negative  ;D

Tungkol naman sa going maidless - dasal mo palagi, time management, and take it one day at a time. Planning what you want to do, and when to do it, will lessen the stress. If you think you can, you can :) God bless!
Logged

ghing_b

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #112 on: December 11, 2013, 09:48:16 am »

hi! sa pagbabasa ko ng mga stories nyo may mga nakakahalintulad ang situation ko. pero isa lang ang naiiba, may monster mother in law ako na naiiwan sa bahay, pero ayaw naman kaming tulungan sa pag aalaga sa mga bata, lahat ng ginagawa ko puro mali at palpak para sa kanya. Ginagawan pa ko ng kung ano anong masasamang kwento. Sobrang tsismosa pa sya at dalahira. Sobrang pakialamera. Feeling mayaman. feeling niya malaki sweldo ng anak niya at winawaldas ko daw. pati mga anak ko minumura at sinisiraan ako sa mga anak ko. Once na mag alaga sa mga bata, super mega isusumbat sa akin yun at gusto akong hawakan sa leeg at pasunurin sa mga gusto niya. Working mom kami ng husband ko. the same office. 8:30 am pasok namin sa office. from cavite to makati. everyday late. madalas halfday at absent dahil sa pag aasikaso sa mga bata at sa bahay. gusto kasi ng mother in law ko bago ako umalis at pumasok sa office, nakapagluto na ko ng para sa lunch and dinner. Napaliguan na si bunso. naayos na student ko, nakapaglinis na ng bahay at nahugasan na lahat ng pinggan na kinanan sa umaga. gumigiisng ako everyday 4 am, natutulog ng 2am. halos wala na ko pahinga. masama pa rin ako sa kanya pag minsan na di k mahugasan mga kinanan sa umaga dahil nagmamadali na rin ako. wala syang pang unawa. kasama rin namin sa bahay bayaw ko na binata, 40 yo na walang trabaho. palagi akong binubungangaan ng biyenan ko. Gusto pa nga niya kaming paghiwalaying mag asawa at kukunin 3 boys ko para daw sa kanya sweldo ng husband ko. ganon sya kawalanghiya. even to the point na sisirain niya pamilya ko. nakikitira lang sya sa min pero di sila marunong makisama. parang ako pa nga nakikitira sa kanila. nakakapagod na. minsan ko na syang sinagot dahil minamaltrato niya mga kids ko even the 1 yo ko.

now, naka indifinite leave ako, pero malapit na ring pumasok for almost 6 mos leave. ayaw ko ng mag alaga biyenan ko, palahing may sakit mga bata, ang papayat , di kasi pinapakain ng regular at pinapadede ng maayos. nakakapagod kasi wala akong magawa, nakasisksik sila sa min dahil walang mapuntahan. masyadong mayabang biyenan ko. perfectionist at all knowing. sya lang palagi ang tama at magaling. mahirap makisama sa ganong tao. lahat unacceptable. grade 4 lang inabot niya pero mapagmalaki sya. maliit lang naman sweldo anak niya, ako halos palagi gumagawa ng paraan kapag kinakapos kami. feeling niya umaasa ako sa anak niya, gastador daw ako at winawaldas pera ng anak niya. samantalang wala naman halos sinusweldo anak niya dahil napupunta sa mga loans nito.

hayyyy hirap. wag daw sasagot sa biyenan pero sobtra sobra na. di nga ginagawa sa kin un ng mga magulang ko na nagpaaral sa kin.

wala namang narating biyenan ko kahit 13 years sa abroad asawa niya. walang napatapos na anak. walang  napundar. husband ko self supporting kaya nakatapos.  pero masyado p rin sya mayabang biyenan ko...
Logged

MommyniAddie

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 256
  • A proud Mom and a happy Wife :)
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #113 on: December 11, 2013, 09:59:03 am »

Whew!..hirap ng walang yaya talaga...kami naman mama ko ang nag aalaga sa baby ko pag nasa trabaho kami..ok lang naman sa kanya kasi may rason naman daw kung bakit ang pag aalaga eh napupunta sa kanya...bale hinahatian niya ako ng house chores...Mon-Fri ang pasok ko 8-6...pagdating sa bahay hugas ng bote, lilinisan si baby konting laro laro then papatulugin ko na siya..ang luto naman sa morning siya na ang gumagawa kasi mahirap naman daw yung madarang ako sa init tapos maliligo...as much as I can lahat ng  kaya ko ako ang gagawa..akin ang linis ng bahay at laba pag weekend..pamalengke kaming mag asawa..kasi alam ko naman ang hirap ng pag aalaga ng bata...thankful lang akong siya ang nanay ko :)
Logged
There is no more lovely, friendly and charming relationship, communion or company than a good marriage.

~ Martin Luther ~

Akosibulinggay

  • Newbie
  • *
  • Posts: 42
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #114 on: December 11, 2013, 10:09:10 am »

Ako since sahm naman, di nako naghire ng maid simula ng nanganak ako. Cs ako , ebf at 2.5 years old na baby ko. Mahirap sa una pero cyempre kailangan kayanin, at kinakaya ko padin til now  ;D
Logged

mayde77

  • Newbie
  • *
  • Posts: 21
  • www.bizandmoreph.blogspot.com
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #115 on: December 11, 2013, 03:16:08 pm »

I have 4kids now and walang yaya parin. Same old story papalit palit kaya nananawa na ko maghire.And hinde narin ako nag eexpect na magkaroon mas maganda pa ngang walang maid. My eldest is now 8 then 4, 2 and my youngest is 7month old now.I also manage our business at the same time with the help of my husband.Most of the time stress talaga pero sanayan lang talaga and discipline.We manage naman at ang bilis lumaki ng mga bata di ko namamalayan.Si bunso na lang ang alagain since breastfed sya,Ang ganda pa ng walang yaya lumalaking independent ang mga bata mas malapit sa amin.
Logged

Jean_31

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 157
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #116 on: February 21, 2014, 02:20:34 pm »

I have a 3yo son and 3mos baby boy. I do all the chores and also taking care or my sons. As in soobrang hirap kasi wala man lang ako kasama para may tumulong man lang sakin. My hubby works abroad.
Logged

xpepayx

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #117 on: April 21, 2014, 01:04:20 am »

Upon reading all your stories naisip kong super mega palad ko haha.. First time mom ako, nag resign ako sa work preggy palang ako dahil malayo ang office ko, ok naman kay hubby.. Then nung nanganak ako sa parents ko kami tumira, buti nalang ang naging nanay ko ay ang mama ko hehe.. Gusto niya sya ang naglalaba ng mga damit namin (OC) at ng apo niya, gusto niya sya mag aalaga kapag may work na ako ayaw niya sa yaya..

Ngayon naka bukod na kami simula mag 3 months si baby pero same street sa mama ko, ayun kahit nahihirapan ako everyday hands on kay baby, THANKFUL parin ako dahil si mama ang naglalaba, at pinupuntahan ako everyday dito sa apartment..

:)
Logged

sangolko

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 160
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #118 on: April 22, 2014, 12:35:56 pm »

Wala din ako yaya or helper. 3 months pa lang akong preggy nagresign na ako sa work kase stressfull masyado ang nature ng work ko. Turning 21 months na si baby at nakasanayan ko na ako lahat ang gumagawa sa bahay. Yaya ako ng anak ko at katulong ng asawa ko, minsan nakakasawa pero madalas naman masaya. May mga time na dahil sa dami ng gawaing bahay feeling ko napapabayaan ko na si baby. 3 times a day ako magluto kase ayaw ng asawa ko ng inulit na pagkain then yung anak ko picky eater. Pag ayaw kumain babad sa dede ko kaya naman feeling ko construction worker ang peg ko sa pagkain hehe
Logged

kiz_me1109

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 320
    • View Profile
Re: Mommies na walang maid
« Reply #119 on: September 04, 2014, 02:56:22 am »

We decided not to get a yaya because for us, it's an additional stress imbes na matulungan kami. Plus, we get to save the money na dapat e ibabayad pa namin sa yaya. Hubby and I are both working at night. We have a 5 year old son and my MIL is working during the day but she's at home at night to be with my son. Here's how we manage our time:

We go home at 530-6am. One of us will cook breakfast and the other one will wake up our son and prepare him for school. We eat breakfast together and husband ko maghahatid sa anak ko sa school at 7am.

During that time, I am in charge of cleaning the house, washing tha dishes, prepare ingredients para sa lulutuin sa lunch.

Pagbalik ni Hubby pahinga kami. That's the time where we can watch TV, surf the net, etc.

At 9:45, hubby will fetch our son from school while I cook lunch.

Pagdating, laro konti yung anak namin and then we eat lunch.

After lunch, review kami ng lessons and kung may assignment e ginagawa na namin.

At 1 or 2pm we have to go to sleep na.

Now, you may be wondering kung hindi naman nahihirapan yung anak namin sa set up namin. I don't think so. When we are asleep, he can play inside the room. Bahala nang magulo. The good thing about my son is he knows how to return all his toys back. So, by the time we wake up, the room is clutter free again. :) Sometimes, he watches movies sa laptop. What my husband do is he makes sure that the battery is half empty. So by the time na manonood siya ng movie, he knows na kapag empty bat na e time for him to take a nap. He knows how to pee in the bathroom na rin. But to avoid accidents while we are sleeping, may potty siya sa labas ng room.

At 7pm time for us to wake up, prepare the dinner and prepare to work. Then si MIL na ang kasama ng anak namin sa gabi. :)

We've been doing this for 4 months already and were proud that we were able to do it. :)
Logged
[enter]anne080809.blogspot.com[/center]
Pages: 1 ... 6 7 [8] 9