Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 ... 7 8 [9] 10 11 ... 14

Author Topic: Hospitals and Maternity Rates in Cavite  (Read 320876 times)

jemsky

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Hospitals and Maternity Rates in Cavite
« Reply #120 on: January 23, 2013, 02:06:42 pm »

sis do you mean UMC (De La Salle) in Dasma? I have a friend na si Dr. Crisosotomo yung OB.  Ok naman sya, also read good reviews about Dra. Dichoso. I will give birth din sa UMC this Feb. MY OB quoted me 25k-30k for NSD (sa ward and less na yung Philhealth dyan).
Logged

blade

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: Hospitals and Maternity Rates in Cavite
« Reply #121 on: January 25, 2013, 08:12:00 pm »

yup! UMC la salle. C Dr. Crisostomo OB mo? Congrats lapit na pla delivery mo..  :) ako june pa.. sa feb pa ako magpacheckup sa UMC and wala pa kc ako OB dun. hehe
Logged

bella swan

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 156
  • "I can do all things through Christ" Phil 4:13
    • View Profile
Re: Hospitals and Maternity Rates in Cavite
« Reply #122 on: February 10, 2013, 09:00:51 am »

Hello Mommies!

I am 2 months pregnant sa 2nd baby ko :). 5 years ago sa Fe Del Mundo ako nanganak kasi nandun yung kilalang OB ng sis-in-law ko, si Dr. Aguilar. We're in Cavite na. Sa DLSU sana gusto ko, I am an Intellicare card holder, meron ba kaung ma-re-recommend na mabait at affordable na OB na accredited ng Intellicare?

Thank you!  ;D

Excited na ako...  ;D
Logged
I love my kids sooo muc!!!

bella swan

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 156
  • "I can do all things through Christ" Phil 4:13
    • View Profile
Re: Hospitals and Maternity Rates in Cavite
« Reply #123 on: February 10, 2013, 09:33:09 am »

sis do you mean UMC (De La Salle) in Dasma? I have a friend na si Dr. Crisosotomo yung OB.  Ok naman sya, also read good reviews about Dra. Dichoso. .

Magkano quote ni Dr. Crisostomo? Si Dr. Soledad Crisostomo ba sya? Thank you :)
Logged
I love my kids sooo muc!!!

Judelle

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Hospitals and Maternity Rates in Cavite
« Reply #124 on: March 04, 2013, 03:11:52 pm »

Wala pa ata akong nababasa na nanganak sa MCI, balak ko sanang manganak din doon and im 30 weeks pregnant na.
Logged

bella swan

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 156
  • "I can do all things through Christ" Phil 4:13
    • View Profile
Re: Hospitals and Maternity Rates in Cavite
« Reply #125 on: March 15, 2013, 02:02:57 pm »

Halos same lang pala lahat ng private hospitals dito sa Cavite, we are new here kaya ang alam ko lang talaga na Hospital ay DLSUMC, kay Dra. Crisostomo ako nag nagpapa-check up. Hindi ko pa naitatanong kung magkano pero ang narinig sa ibang pasyente niya, mga 35K daw (semi private) w/o anesthesia and around 50K painless. yung semi-private room sa UMC, maliit lang talaga, 2 sa isang room kaya nga lang last time na nakita ko yung room, parang 10 dangkal lang ang pagitan, ewan ko kung ganun talaga un... pero kala ko noong una, mas mura sa Cavite, un pala same lang din talaga sa Manila, sa St. Lukes, 57K yung maternity package nila, maganda talaga yung offer ng St. Lukes kaya nga lang syempre, mas maganda na kung saan ka manganganak doon ang OB mo, ang hirap naman kung luluwas lagi ng Manila para magpa-check up- sayang sa gasolina, sa toll fee at sa oras...
Logged
I love my kids sooo muc!!!

theresavillaflores

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: Hospitals and Maternity Rates in Cavite
« Reply #126 on: May 18, 2013, 01:45:46 pm »

mommies im new here.. i just want to know if meron po kayo marecommend na hospital in dasma cavite yung mura lang po like 15k-20k budget i don't have philhealth po. and ask ko din if puwede ko nb byran ng 1yr ang philhealth?  my due date is on sept. 2013. ynx.
Logged

bella swan

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 156
  • "I can do all things through Christ" Phil 4:13
    • View Profile
Re: Hospitals and Maternity Rates in Cavite
« Reply #127 on: July 25, 2013, 09:28:15 am »

Magandang Araw Mommy!

Bago lang din ako sa Cavite kaya napili ko ang DLSU-MC. According to the people around, that is the best hospital in Cavite. Ayoko rin naman kasing makipagsapalaran sa hindi ko kakilalang hospital lalo na at malayo ang Mama ko, walang mag-aalaga sakin after giving birth.

Sabi ng OB ko, sa ward, up to 30K ang magagastos. Sa semi-private (2 patients in a room), around 40K then pag private naman, around 50K. Maraming hospital na mas mura na okay naman daw along Aguinaldo Hiway tulad ng Pillar (Imus na rin ata to) kaya lang late na ng malaman ko kasi nga nakailang balik na po ako sa OB ko and so far, kasundo ko naman yung OB- mabait at binibigyan niya ako lagi ng options kung saan ako mas makakamenos. September din pala ang due ko :)
Logged
I love my kids sooo muc!!!

vuzhia

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile
Re: Hospitals and Maternity Rates in Cavite
« Reply #128 on: August 07, 2013, 03:18:00 pm »

sa nanganak at ang OB ay si Dr. Freida Ilano ng Our Lady of the Pillar Hospita, breastfeed friendly ba ang hospital & supportive ba si Dr. Ilano sa gusto mag breastfeed?

sya kase ang OB ko ngayun & I'm 11 weeks preggy, hindi pa naman namin napag-uusapan yung tungkol sa pag breastfeed, baka sabihin masyado akong atat, hehe!
Logged

lily_pad

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: Hospitals and Maternity Rates in Cavite
« Reply #129 on: October 14, 2013, 09:51:46 am »

Hi everyone,

Need your advise sana. I'm 30 weeks pregnant at naguusap na kami ni OB tungkol sa kung saan ko gusto manganak. Since tight ang budget namin ng partner ko sa ngayon, we opted na dun na lang kami sa isang affiliated hospital niya- Imus Family Hospital. Sabi niya secondary hospital lang daw yun, so hindi kumpleto equipment at baka nurse lang daw ang magasikaso sa baby pagkalabas. (Weird coz I remember she suggested that hospital in one of my visits nung first trimester ko pa lang.) Mas maigi na raw sa isang tertiary hospital ako manganak, like Medical Center Imus or Metrosouth Medical Center. Eh sobrang mahal naman para sa budget namin, di raw kasi bababa ng 40K ang bill. Sa ngayon I'm considering giving birth sa isang lying in clinic dito sa Molino- yung Madre De Dios Maternity Clinic- kasi ang quotation ng nurse sa akin is 15K daw, kasama na PF ng pedia. Si Dr. Fatima Acojido ang OB and mukhang ok naman yung clinic, plus maraming hospital affiliations si Dr. Acojido, including Asian Hospital.

Second baby ko na to, mga sis. My son is 7 years old, NSD ako sa kanya at same OB ko ngayon yung nagpaanak saken dati sa Metrosouth. Wala naman ako naging complications, although nag-stay si baby ng one more day sa hospital para ma-administer sa kanya yung antibiotics kasi nag-premature rupture of membrane ako nun. Husto naman sa edad si baby. Just being extra careful at by the book daw yun sabi ng pedia. Sa ngayon, wala naman ako nagiging problema sa pagbubuntis ko. Okay mga lab tests and regular mga check ups, sometimes dumodoble pa nga pag sobra ako napapraning.  :)

Do you think, given my condition, at financial situation, e i-pursue ko pa rin na mag tertiary hospital o pwede na mag lying in or secondary hospital na lang? I have Intellicare and Philhealth kaso di naman covered ng Intellicare ang maternity. Gusto ko sana maka-save as much as possible kasi 2 months ding walang papasok na pera sa akin (when I go on Maternity Leave). Pero at the same time I'm super worried na baka kung anong mangyari saken at nasa lying in clinic lang ako.  :-\  Sobrang comfortable na rin ako sa current OB ko sa ngayon- Dr. Lucia Kalaw-Garcia. Although I wish na mas maging supportive sya sa desisyon ko to cut down on the cost.

Thanks for reading my long post. Hope to hear from you. Thanks in advance!
Logged

lily_pad

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: Hospitals and Maternity Rates in Cavite
« Reply #130 on: October 14, 2013, 09:57:02 am »

Mga sis, baka may marerecommend din kayong cheaper hospital around Bacoor/Imus Cavite. Para di lang sa tatlong hospitals/clinic na yun ako mamili. Sobrang stressed na talaga ako sa ngayon. :(  My partner is currently unemployed at ang inaasahan lang namin e yung sweldo ko plus konting savings plus SSS benefits. Thank ulit!
Logged

gorgeous gal

  • Newbie
  • *
  • Posts: 18
    • View Profile
Re: Hospitals and Maternity Rates in Cavite
« Reply #131 on: October 14, 2013, 02:44:37 pm »

hi mommy.  I gave birth at Imus Family. its okay naman. high risk ba ang pregnancy mo kaya ka nirerecommend ng OB mo sa tertiary hospital?
Logged
http://babyneosmama.blogspot.com/

I'm a wife and a mom, and I'm lovin' it!

lily_pad

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: Hospitals and Maternity Rates in Cavite
« Reply #132 on: October 14, 2013, 02:51:08 pm »

Wala naman sinasabi OB ko na high risk. My blood tests are all okay, sa mga ultrasound okay naman daw si baby. I think gusto lang niya talaga sa malaking ospital kasi kumpleto equipment. Sabi pa niya, dinidiscourage niya talaga mga patients niya na gusto mag-lying in. Sis, pwede mo ba ako bigyan ng quotation sa nagastos mo sa Imus Family? Thanks! :)
 
Logged

gorgeous gal

  • Newbie
  • *
  • Posts: 18
    • View Profile
Re: Hospitals and Maternity Rates in Cavite
« Reply #133 on: October 16, 2013, 10:56:55 am »

hi sis.  actually birth plan ko is lying in talaga, then sabi emergency CS daw ako (its a long story). and the cheapest hospital daw na affiliated si OB is Imus Family.  I'll check my receipts, sis ha? pero honestly, yung hospital itself is not pricey. ang mahal talaga is the PF ng OB.

I suggest, if okay all your lab tests and its a normal pregnancy, go go with lying in.  OB pa din naman magpapaanak sau e. tsaka yung gagastusin mo sa tertiary hospital, naku, ibili mo na lang ng gamit ni baby.
Logged
http://babyneosmama.blogspot.com/

I'm a wife and a mom, and I'm lovin' it!

chabilita09

  • Newbie
  • *
  • Posts: 21
    • View Profile
Re: Hospitals and Maternity Rates in Cavite
« Reply #134 on: November 01, 2013, 08:02:28 pm »

Hi mga sis. Im on my seventh month ng pregnancy. My mom suggested a lying in. Wc is queens crown sa queens row sa molino. Kasi dun daw nanganak manugang ng friend niya and medyo dehado kami ngayon sa ob ko kasi bagong panganak din dpa namin alam when is she gonna be back sa work kasi on leave pa sya. and doon daw sa nirecommend ng mom ko pag nsd covered na ng philhealth. :) im also contacting the lying in itself para makapagset ako ng appointment by monday agad. Kasi past due na ng scheduled checkup ko. hehe ayun. Tsaka andito kasi kami sa buhay na tubig eh yung kung saan ako nagpapacheckup recently is in dasma. Kaya medyo hassle na magpnta pnta. Gusto din ng parents ko and ni bf na mas ok na yung malapit kesa yung malayo pa para ready agad whatever happens :) tight din kami sa budget ngayon ni bf kasi iniisip naming pagkapanganak ko there are more expenses to come pa.

Ayun lang :)

God bless sa mga nagbubuntis like me <3
Logged
Pages: 1 ... 7 8 [9] 10 11 ... 14