Nakabili ako ng safety device last year, it was worth 3,500 with lpg hose and a free reserve daw. So far, okey naman. Kaya lang, nakaka lula talaga ang presyo. Ganun pa man, safety nga kasi at takot talaga ako sa apoy and dahil nga kami lang ng anak ko dito sa bahay, of course, binili ko... This morning, 2 beautiful young ladies came at sabi mag su-survey daw sa PNS code ba yun? something. para daw awareness for the fire prevention month. Naku, apoy nanaman, sabi ko. kaya tuloy sila. Hayun ulit, ang survey nauwi sa demo, tapos nagbebenta na, at walang ka gatol2x na sabi ulit may leak daw ang regulator ko, tapos fake daw ulit ang safety device ko, at yung hose ko class B daw kasi matigas and hindi natutupi pag halimbawa umapoy yung hose dahil sa leak. Wala naman pamimilit na nangyari, (at may mga ID din sila), pero natakot na nga kasi ako sa apoy dun sa demo nila, kaya bili ulit ako kahit buhay pa yung reserba kong hose from last year. kaya lang, ang mahal ng hose. 1500 daw kasi di nabibili sa mga hardware at kung saan2x, pero swerte nga raw ako dahil may buy1 take1 promo sila ngayon na 1,190 lang daw, at paka tingin ko sa lpg ko matapos ng demo nila, aba! ayun at nakakabit na ang di ko pa sinabing bibilhin ko nga. kaya bayad nalang ako, tas babalik daw sila this monday for the balance kasi di ko naman binayaran ng buo... Iniisip ko ngayon, gusto ko bawiin ang pera ko at isauli din hose nila... paano ko gagawin? di ako talaga marunong sa rebuttal. madali ako kumbinsihin... i need your advice... dapat ko ba talaga isauli???