Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2 3 ... 13

Author Topic: Lying in clinics vs. Hospitals  (Read 159013 times)

mc_kate

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 55
    • View Profile
Lying in clinics vs. Hospitals
« on: November 01, 2010, 08:38:54 am »

Basahin sa Smart Parenting:
Are Birth Centers Better Alternatives to Hospitals?

Click HERE.


Sisses,

Naguguluhan na ko, 2nd baby ko to and dun sa 1st ko, sa private hospital ako nanganak, and we paid aroud 50K din, kasi may complications si baby, ngayon, my partner is suggesting (actually yung lola niya) na sa lying in ako manganak. di sila ang gumastos sa 1st pregnancy ko, yung mama ni bf (hiwalay sa daddy ni bf) nagbayad lahat kasi gusto tlaga (lola ni partner) lying in lang eh since 1st pregnancy ko nun, medyo nagmatigas ako (buti na lang kasi may compli pala si baby nun).. so ngayon, eto, sumasakit ulo ko kakaisip coz ngppcheckup nko sa hospital (OB ko kay 1st baby) pero parang di nila (bf and his lola) ko sinusuportahan. natatkot ako manganak sa lying in, and nahihiya naman ako humingi tulong sa mother niya. 5k lang daw kc sa lying in then quote ni dra. (ob ko) is 33k w/c is reasonable kasi magaling syang doctor and di ako nahirapan sa kanya during my 1st.

help. gusto ko ng mapanatag ayoko kasi na may masabi sila sakin, maluho or something. its just that natatakot talaga ko. hindi ako pinapatulog ng issue n yan and im due on January  :-[

Naka-relate ka ba? Maging member na para makapagpost ng katanungan o payo dito
Reply to join this discussion.

« Last Edit: April 05, 2020, 12:03:57 pm by Mommy Jazz »
Logged

mummienina

  • Guest
Re: Lying in.. Ok ba talaga?
« Reply #1 on: November 01, 2010, 10:19:41 am »

Mommy, share ko lang yung nabasa ko sa mga birthing books... ok lang maglying-in kung walang complications ang pregnancy mo s.a. High blood, diabetes, etc. And if your 1st pregnancy and childbirth wala din complication. If you consider lying-in, dapat may malapit na hospital, in case na me magiging problem, madali kang dalhin dun and si baby.
But honestly, kung san ka kampante manganak dun ka. And important din na kung san pwede yung OB mo kasi sya talaga nakakaalam ng history ng pregnancy mo and ni baby. This may be your 2nd baby and me experience ka na, but not all birthings are the same. Specially yung first baby mo nagkaroon ng complication. In the books, that would mean high risk din yung 2nd.
Sana whatever you decide, your in-laws will be able to understand and support you.
God bless mommy!
Logged

requiem

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 153
  • LIVE. LOVE. BURN. DIE.
    • View Profile
Re: Lying in.. Ok ba talaga?
« Reply #2 on: November 01, 2010, 12:23:33 pm »

hello sis.
tama lahat sinabi ni yummie mummie. 
ako nga sa lying in din nadala eh. kala ko sa ospital kami. super "tipid" minded kasi mga relatives na kasama ko non. la ako magawa kasi super gusto ko na ilabas ang baby.
ayun. ok lang naman. parang ospital din. super galing nun midwife. sya lang magisa. and after 5min nalabas ko baby ko. the end.
pero di ko ma-gets kung bakit mas nasaktan pako nun kinukuha mga tirang blood clots sa loob (since pag di daw kasi natanggal yun magkaka-infection sometime) kesa sa panganganak. as in, manual na kinukuha talaga sa loob. mapapasigaw ka talaga.
(i dont know kung sa hospital ganun din after manganak.)
nanghina tuhod ko after. i think naglast yun for 10 min. or so... sama ng loob ko.
pero sulit na sulit talaga since my son is super healthy naman. sabi nila pag may emergency, pinapalipat nila ng hospital kasi yun lang limitation nila.
Logged
i love my BABY EROS.

honey-ecclaire

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 991
  • this is the last time I fall inlove...
    • View Profile
Re: Lying in.. Ok ba talaga?
« Reply #3 on: November 01, 2010, 05:40:24 pm »

Ako din lying in baby ko.....For me it's okay naman eh as long as you have healthy pregnancy,malakas ang loob...no diabetes,asthma or anything that needs medical doctor,...most of us in tipid modes naman talaga eventhough napaghahandaan naman ito...my husband doesn't like the idae at first kase wala daw oxygen or so..sabi ko okay naman since,I'm healthy and I know na the lying in na napili ko is safe and clean.....I know the OB and sya talaga nag-alaga sa akin all through out the nine months....then if the mommy chooses hospital same thing you have to know kung malinis and safe to give in....
Logged
The moment a child is born, the mother is also born.  She never existed before.  The woman existed, but the mother, never.  A mother is something absolutely new.  ~Rajneesh

♥_caramel_♥

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1753
  • i LOVE my family ,especially, my beloved son AIDAN
    • View Profile
Re: Lying in.. Ok ba talaga?
« Reply #4 on: November 01, 2010, 06:09:20 pm »

for me lying in is ok naman dun ako nanganak last year at next year dun din kasi dun ang doctor ko nakadestino ,. safe namna sya gaya nga ng sabe ni honey ecclaire eh pag healthy ka at malakas loob mo eh pwede ka dun practical din sya ,. pero kung maselan ka naman eh doctor mo na magsasabe sayo na ilipit ka ng ibang hospital eh since wala makabagong equipments sa lying in ,. kaya pangnormal delivery lang yun diba., pero sis gaya nung isang mommy kung san ka mas kampante eh di dun ka po ,. para di ka magwoworry while giving birth ,. worrying is not good for preggy moms ,.
Logged
  [move]

raiza0022

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 78
  • "we are the reason"
    • View Profile
Re: Lying in.. Ok ba talaga?
« Reply #5 on: November 02, 2010, 07:11:06 am »

ako at first ayoko sana sa lying in dhl ayaw dn sana ng mom ko na dun ako, pero since dito ko sa in-laws ko nktira at gusto nila sa lying in ako (kahit ako gagastos :)) eh d sa lying-in na lang ngpapaka tatag na nga lang ako eh pero may takot pa dn ako kc nga d ko naman masasabi yung mga pdeng mangyari pero nagdadasal na lang ako... sa mga check up ko naman ok naman kami ni baby thank God talaga kc wala akong diabetes, high blood, asthma, or heart disease kahit may history ng ganyan sa family ko.. and sa tngin ko ok naman yung lying in na panganganakan ko, nsa sayo yun tgnan mo kht pano kung malinis ba yung lugar and mga gamit nila  :)
Logged

mc_kate

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 55
    • View Profile
Re: Lying in.. Ok ba talaga?
« Reply #6 on: November 03, 2010, 05:40:11 am »

Thanks mga mommies! Di kasi ako mapakali, second baby ko to so parang first time ko rin kasi tulog ako sa first baby ko nung nanganak ako...  :-\ I'll canvass na rin and I'll ask my current OB's opinion about it... :)
Logged

hayne22

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 130
  • m0mmy ni Johann
    • View Profile
Re: Lying in.. Ok ba talaga?
« Reply #7 on: November 03, 2010, 08:04:41 am »

i think ok lang din sa lying in ka manganak..yun nga lang dapat walang complications para hindi ka na ililipat sa hospital if something went wrong..(wag naman..) tyaka dapat yung midwife or yung mag papaanak sayo alam dapat yung history ng pregnancy mo para ma monitor niya..or puwede ka naman siguro humingi ng note sa previous ob mo diba..this days kelangan na lang naten talaga maging practical..ako din mag wa-ward lang sa CGH pag manganganak..pare-parehas lang siguro hehe.

gawin mo mc_kate, mag search ka na lang na ng lying in na malapit sa place nyo..para makakuha ka ng feedback kung good ba yun or not.. ;D
Logged

insensitive

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 893
  • i didn't know i was capable of feeling so much...
    • View Profile
Re: Lying in.. Ok ba talaga?
« Reply #8 on: November 03, 2010, 08:53:16 am »

korek sis si hayne2, hanap ka ng malapit na lying-in saka magtanong ka din sa mga nanganak na kung ok dun, kung pwede silipin mu kung malinis ang loob :)
Or baka ang OB mu meron lying-in sa kanya ka na lang
Ako sa lying in dapat ni OB manganganak, kaso nung time na yun ilang araw pa lang nakakalipas ang ondoy kaya brownout lagi, kaya napunta ako sa CGH.
palakasan lang ng loob yan sis,
Logged

mc_kate

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 55
    • View Profile
Re: Lying in.. Ok ba talaga?
« Reply #9 on: November 04, 2010, 06:52:02 am »

i think ok lang din sa lying in ka manganak..yun nga lang dapat walang complications para hindi ka na ililipat sa hospital if something went wrong..(wag naman..) tyaka dapat yung midwife or yung mag papaanak sayo alam dapat yung history ng pregnancy mo para ma monitor niya..or puwede ka naman siguro humingi ng note sa previous ob mo diba..this days kelangan na lang naten talaga maging practical..ako din mag wa-ward lang sa CGH pag manganganak..pare-parehas lang siguro hehe.

gawin mo mc_kate, mag search ka na lang na ng lying in na malapit sa place nyo..para makakuha ka ng feedback kung good ba yun or not.. ;D

sis hayne22, parang kilala kita... hehe maglalakad lakad na rin ako to check on other hospitals. pero most likely, CGH or Delgado pa rin. Sana makicooperate si hubby. :)
Logged

hayne22

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 130
  • m0mmy ni Johann
    • View Profile
Re: Lying in.. Ok ba talaga?
« Reply #10 on: November 04, 2010, 07:06:40 am »


sis hayne22, parang kilala kita... hehe maglalakad lakad na rin ako to check on other hospitals. pero most likely, CGH or Delgado pa rin. Sana makicooperate si hubby. :)


ahh sinabi na siguro niya sayo..heheh ako nga!  ;D

anyways, dapat alam mo na by now kung san ka manganak..kelan ba due mo?..
Logged

chinadoll

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 813
  • "I believe in the faith that grows..."
    • View Profile
Re: Lying in.. Ok ba talaga?
« Reply #11 on: November 04, 2010, 08:27:11 am »

Our helper was suppose to give birth in a "lying in"  but ended up in a nearby hospital due to complications. She had to give birth via CS because of the babies cord.

I would personally not take the risk because we are dealing with lives here and regret is the greatest mistake.

That's just me though.
Logged

mc_kate

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 55
    • View Profile
Re: Lying in.. Ok ba talaga?
« Reply #12 on: November 04, 2010, 12:55:17 pm »


sis hayne22, parang kilala kita... hehe maglalakad lakad na rin ako to check on other hospitals. pero most likely, CGH or Delgado pa rin. Sana makicooperate si hubby. :)


ahh sinabi na siguro niya sayo..heheh ako nga!  ;D

anyways, dapat alam mo na by now kung san ka manganak..kelan ba due mo?..

oo sinabi na niya pagpasok ko kanina. hehe  ;D Sa January pa due ko, 2nd or 3rd week. Sa Delgado ako nagpapacheckup pero try ko rin yung OB nung sup namin dati ni hubby mo hehe. Sa CGH.
Logged

mc_kate

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 55
    • View Profile
Re: Lying in.. Ok ba talaga?
« Reply #13 on: November 04, 2010, 12:57:58 pm »

Our helper was suppose to give birth in a "lying in"  but ended up in a nearby hospital due to complications. She had to give birth via CS because of the babies cord.

I would personally not take the risk because we are dealing with lives here and regret is the greatest mistake.

That's just me though.

Yes sis, its one of the reasons why naghehesitate ako. Kasi what if may mga complications (wag naman sana   :( ) sa delivery, and ako lang magisa since parang di nga nakikipagcooperate si bf. all through out ako lang lumalakad at nagaasikaso magrereact lang pag alam nyang lalaki ang gastos sa isang bagay like hospital or delivery mismo. hayyy
Logged

MomiStar

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 115
  • "baby Love"
    • View Profile
Re: Lying in.. Ok ba talaga?
« Reply #14 on: November 04, 2010, 01:15:17 pm »

1st baby ko lying in. midwife nagpaanak sakin. Nahirapan ako kasi pure normal walang inijection na kahit ano kaya super ramdan ko sakit mula labor gang panganganak!
Ok naman dun kaso never nq babalik sa lying in na yun. Naiinis ako sa mga midwife na nagasikaso sakin ang susungit.
San kapa bang nanganganak ako nakaupo yung midwife at nakikipagkwentuhan. zzz

2nd baby ko lying in din But this time its different. Super LIKE this lying in. Midwife is so caring. then Doctor talaga nagpaanak sakin. Nagpainless ako and di ko na matandaan yung ibang shots. :d
Super bilis ko lang nanganak. malinis pa :)

Better check kung sang lying mo balak manganak if ever. :)
Logged
"Thank you GOD for all the blessings"
Pages: [1] 2 3 ... 13