Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 2 [3]

Author Topic: Young or old yaya?  (Read 23334 times)

just_memom

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 440
    • View Profile
Re: Young or old yaya?
« Reply #30 on: December 26, 2012, 05:11:33 pm »

Agree with mommy mommyjm, depende sya

- 1st time mom (walang experience at all) -
OLDER yaya
Pro: experienced, maaasahan, may matututunan rin yun first-time parents
Cons: matigas ulo, may sariling paniniwala or methed sa pagalaga

- newborn baby up until 1 year old - older yaya preferred rin kasi experienced na sila.
OLDER yaya
Pro: experienced,
Cons: may physical limitation na, hirap maghabol ng bata.

- 1 year old and up
YOUNGER yaya
Pros: masigasig, malakas kumain (i take this as advantage kasi importante may laman tiyan ng yaya para may lakas magalaga ng bata),  nakikinig (kahit ano sabihin mo gagawin)
Cons: depende sa makukuha mo meron iba nga siguro mahilig sa TV, or mag text.
Logged

QueenBee

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 159
    • View Profile
Re: Young or old yaya?
« Reply #31 on: December 26, 2012, 05:35:23 pm »

I tried both and I prefer younger than me. Yong yaya ng baby ko date sa province older than me tas yon nga nakakahiya magutos kaya ako din gumagawa lahat (nagyaya pa ako?) plus the fact na nagmamarunong sila lalot alam nila na first time mom ka at sila madame anak. Yong 2nd nanny naman ng baby ko is older than me again. Mahilig din magtext. So yong pagtetext na yan eh wala sa edad  ;D.. BTW, the second nanny lasted a month lang sa akin  :( Currently bata yong yaya ng anak ko. 19 years old. Mas madali sya utusan at sumunod sa mga patakaran ko in dealing with my son. Hindi naman niya napapabayaan ang baby ko though I should say mahilig din talaga sya magtext at manuod ng TV plus gumala sa labas. Mas kilala pa nga niya kapitbahay ko kesa sa akin eh. hehe. Pero I do understand naman kase kung ikaw ba naman asa bahay lang so para hindi siguro sila mabord, they are finding ways na aliwin sarili nila kahit papano para hindi din sila mahomesick.

So I guess depende talaga yan sa personality ng tao pero based on experience mas madaming pros sa younger nanny than the older ones.
Logged

eloytski

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 140
    • View Profile
Re: Young or old yaya?
« Reply #32 on: December 26, 2012, 09:41:34 pm »

Saktong-sakto ang thread na 'to sa dilemma ko ngayon...my 37 yo yaya went home this Christmas at mukhang hindi makakabalik. She's okay naman -- maalaga kay baby, madaling pumik-ap ng mga instructions, may kusa at malakas naman pangangatawan. Yun nga lang,mahilig din mag-text at tumawag, mahilig din sa food (lalo na yung medyo masasarap like Krispy Kreme donuts at super hilig sa softdrinks!).

Eto na...nung nagpaalam sya na uuwi, naghanap na agad ang hubby ko ng posibleng kapalit (though nagpa-promise si yaya na babalik). Kaya lang naku, nung nakita ko, bata pa, 18 yo at maganda, maporma! Una ko agad naisip is ayoko! Baka kako yung hubby ko ang alagaan niya, hindi yun baby! Hahaha! Buti wala kayo experiences sa ganun mommies, kapag bata ang yaya? :-)

Pero shempre si baby ang priority, at may tiwala naman ako kay hubby. :-)
Logged

lykeil

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 126
    • View Profile
Re: Young or old yaya?
« Reply #33 on: December 27, 2012, 12:24:06 am »

From new born to 8 months babies, pwede yung older yaya, around 35-45 yrs old. At least, get with an experience talaga para hindi ka rin mahirapan lalo na sa mga 1st time mother.

Pag mobile na si  baby, 10 month old to 1 year, they were very active and wants to learn how to walk na pwede nang kumuha ng mga nasa 20-28 yrs old na yaya para maliksi at mahilig makipaglaro kay baby. Tapos mature enough and responsible na to handle things lalo na pag sila lang ni baby naiiwan sa bahay..

I had bad experience with 18-19 yrs old, sobrang hilig pang matulog.. kinatulugan ba naman yung lugaw na papakain sa anak ko... buti nasa bahay ako that time, kung hindi eh nasunugan pa kami! Hirap kasing makahanap ng maayos na yaya nowadays kaya dapat very careful and aware ka sa ginagawa sa mga anak natin.

Pag sobrang tanda naman, aba, sobrang tamad nang kumilos. Lalo na pag mataba.. kaya huwag na huwag kukuha ng matabang yaya be it young or old, mga sis!. Hindi na active yun, nood lang nang nood ng tv at kain lang ng kain, magre-reklamo pa pag walang masyadong ulam. Buti pang mga payat kahit itlog lang ulam ok lang. : P
 
Logged

mommycheska

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
  • I Love My Adorable Kids "Mat, Franco & Lucas"!
    • View Profile
    • Treasure Box Photo Booth
Re: Young or old yaya?
« Reply #34 on: December 27, 2012, 01:17:08 am »

For me young yaya para makasabay sa energy level ng mga kids ko but for newborn babies I prefer older yayas, kasi marunong sila mag-alaga.
Logged

just_memom

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 440
    • View Profile
Re: Young or old yaya?
« Reply #35 on: December 27, 2012, 10:38:23 am »

agree with the mommies. Current yaya ko rin 21 years old, matakaw sya kumain ng food (which we like para may energy hehe), d sya mahilig sa TV, sa text naman minsan minsan lang.
Logged

QueenBee

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 159
    • View Profile
Re: Young or old yaya?
« Reply #36 on: January 09, 2013, 02:13:01 pm »

sis eloytski, ang yaya ko na 19 yr old maporma, sexy at may itsura din. kahit asa bahay lang ayos na ayos sya from hair to toe. naka manicure pa yan at pedicure with matching dangling earrings, rings and necklace. lage nakabihis napanglabas like pantalon and sexy shirts or blouses. at pag may okasyon hindi din yan papakabog.. backless kung backless, spaghetti strap at kung ano-ano pa. pero siguro kampanti lang ako na wala ng gaganda sa akin sa paningin ng hubby ko. hehe  ;D ;) kaya ako deadma lang basta nagagawa niya ng maayos ang pagbabantay at alaga sa baby ko.
Logged

imiyeeyesiam

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 89
    • View Profile
Re: Young or old yaya?
« Reply #37 on: February 13, 2013, 06:03:48 pm »

Depende po siguro talaga... na try ko na kasi young and old..both may negative talaga..
Logged

benj

  • Newbie
  • *
  • Posts: 17
  • i loooooooooove my baby pogi and his daddy!!! ;-)
    • View Profile
Re: Young or old yaya?
« Reply #38 on: February 14, 2013, 11:12:48 am »

Mas gusto ko nasa 40s na yaya coz mas madami na alam sa baby and sa bahay. Kapag early 20s kasi ma-cellphone nga, tv, and need pa utusan to get things done.
Logged

didi

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 61
    • View Profile
Re: Young or old yaya?
« Reply #39 on: February 14, 2013, 02:03:44 pm »

Maraming Pros and Cons:

Young Yaya - Pros
-  they can keep up with the kids
-  they can move much faster
-  you can still teach/mould them

Young Yaya - Cons
-  no work experience / you need to teach them
-  ma-cellphone at times
-  easily gives up (walang ganang magtrabaho)

Older Yaya - Pros
-  experienced
-  if you trust them enough, they can watch over your child without supervision
-  mas marunong mag-alaga

Older Yaya - Cons
-  slower compared to the younger ones
-  ma-cellphone (who isnt nowadays)
-  can't run after the kids / might move slower
-  set in her ways/matigas ang ulo at times/hindi mo maturuan
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: Young or old yaya?
« Reply #40 on: February 14, 2013, 03:04:23 pm »

it depends ..my mom said, never hire a yaya of your age bracket and beautiful enough to be a mistress, mahirap na daw.haha...never hire too old to be your lola kasi mahirap na daw utusan...so for us, yaya in their 30' s is ok...it depends pa din sa performance niya sa mga chores na naka assign sa kanya kung magtatagal siya samin :)
Logged

imiyeeyesiam

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 89
    • View Profile
Re: Young or old yaya?
« Reply #41 on: February 16, 2013, 07:52:25 pm »

sakit sa ulo young yaya...parang nadagdagan tuloy anak ko :'(
Logged

kumikosan_9

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile
Re: Young or old yaya?
« Reply #42 on: March 05, 2013, 11:03:31 am »

i just got a new yaya yesterday, wow mukha syang sexbomb mga sis. naka naila art, naka anklet, super ikli ng shorts at sikip ng top at big hairdo. pero naisip ko, its wrong to judge her sa appearance lang kaya i will try kung okay sya at gusto sya ng anak ko. she's 18 years old, from surigao. aba sumasama ang anak ko sa kanya. mahilig ata ang son ko sa seksi hehe.
Logged

Shin Xi

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Young or old yaya?
« Reply #43 on: February 21, 2019, 07:17:06 pm »

Hello, I know this is an old thread pero nakakatuwa na hindi lang pala ako nakaka experienceng stress at kunsumisyon. I don't have kids but my dogs has yaya.

Yung una mas bata sakin ng 2 years lang naman. Okay siya sakin and she knows how to follow my instructions from meal preparations to feeding time pati paglilinis ng bahay. She stayed with me for more than 1 year then she went overseas.

Yung pangalawa naman, 6 months lang sakin. Nangungunsumi ako kaka cellphone niya. May call center yata hahaha. She's 12 years older than me. Wala siya nagagawa na work kaya nung 3rd month niya sinabihan ko na. With my patience, nakatagal pa rin siya til 6 months, hindi ko na kinaya kasi ako na lahat gumagawa ng gawaing bahay habang siya nakaupo at busy sa phone niya.

Then eto yung 3rd yaya ko na bago ngaun. 2 weeks palang siya sakin. Nasa late 40's na siya. Naloka lang ako kasi kabago bago niya gusto na agad magsalary advance. May anak kasi siya na nag aaral pa. Sa work, wala naman ako problem sa kanya. Yun lang nadadala niya pagkananay niya at maraming pinakikialaman sa bahay pero hindi ko siya pinapansin. Sana may patience ako sa kanya nang tumagal siya sakin. 😂
Logged
Pages: 1 2 [3]