embed embed2

Parent Chat

Advanced search  

News:

watch now
Pages: 1 ... 15 16 [17] 18 19 ... 25

Author Topic: Yaya Salary/Compensation/Benefits  (Read 208616 times)

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #240 on: July 27, 2011, 11:19:08 am »

Hi sis.. depende rin talaga. Ang hirap kasi mag-dictate eh pero hindi rin kasi nila kasalanan.

Yung MIL ko noon, siya nagbayad sa gastos nung nakagat ng aso niya yung kasama niya sa bahay.

Iba kasi yung nagkasakit because of common illness like trankaso, ubo. Iba rin yung while on the job.

Kung ako siguro, dahil accident naman and nagtra-trabaho, I'll take care of the expenses na lang.




Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

cirejason

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #241 on: August 04, 2011, 07:51:58 pm »

mommies.. san kayo kumuha ng yaya..need ko kc..help pls
Logged

ainge88

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1045
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #242 on: August 04, 2011, 07:59:36 pm »

Mommies, help naman po. As of now po kasi 2 yung help namin, yung isa all around and yung isa yung yaya na si baby lang ang trabaho. Tumutulong naman si yaya sa all around kahit hindi niya work yun. Kaso ngayon, wala pa ako work, pero waiting na ako sa tawag and anytine na tawagan ako ready na, so usually, si baby ako rin may alaga and binibigay ko lang sa umuga and hapon pagkagising niya para masanay rin.

Ngayon ang problem po, nagcocompare sila nung sweldo :(

Kakabigay ko lang kasi ng sweldo tapos sabi ni yaya kay hubby bat daw mas mababa yung sweldo niya na 3,300 kesa sa all round na 3,500. Ang rason ko naman kasi wala naman siya masyado ginagawa pa, kasi andito pa ako and si baby lang yung trabaho niya. Kahit yung labada si all around.

Si all around pala yung MIL ko yung nagpapasweldo kay yaya naman hati kami ni MIL. Si MIL din nagset ng sweldo niya.

Paano ba gagawin ko? Should I stick with her current sweldo or increase ko na rin ng 3,500 para wala ng inggitan???
Logged

cirejason

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #243 on: August 04, 2011, 08:15:13 pm »

for me you have to stick dun sa napag usapan nyo before or talk to her in a nice way. .. good for you mommy merun ka 2 pa... ako badly need ko talaga for my 2yr old boy....hay....

Logged

ianthe

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 108
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #244 on: August 04, 2011, 11:14:47 pm »

ako din badly need ng yaya na all around...nahihirapan na din kasi ako eh palipat lipat si baby sa house ng mother ko...bago pumasok sa school ( where i'm teaching)  dadalhin ko sya dun sa house namin para maiwan sya sa mama ko medyo malayo din house ng mother ko  pero walking distance lang din naman kaso minsan kung 6 na uwi ko so kukunin ko yung anak ko at medyo gabi na din makakauwi.... sana makahanap na din ako.... wait pa ng yaya na galing sa province...hirap kasi kong malapit eh baka palaging umuwi...na try nyo na bang kumuha ng yaya sa agency...
Logged

kidsrepublik

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 264
  • mommypreneur for hubby and baby
    • View Profile
    • Diapers and Clothes for Kiddos
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #245 on: August 06, 2011, 03:08:35 pm »

@angie88 tama sinabi mo kay yaya, her work is light pa naman since pa-assist assist lang naman muna siya sayo. kapag nagfulltime ka na sa work, then you talk to her again na mas magging mabigat na work niya kasi tutok na talaga kay baby mo :)

ainge88

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1045
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #246 on: August 06, 2011, 05:59:34 pm »

Thanks sa reply sis kidsrepublik and sis cirejason :)

Si hubby na nagdecide na parehas na sila, tapos sabihan na lang namin na tumulong kay all around pag nasa akin si baby.. para wala ng inggitan hehe

Mahirap na kumuha ng yaya baka biglang umalis eh :(
Logged

kidsrepublik

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 264
  • mommypreneur for hubby and baby
    • View Profile
    • Diapers and Clothes for Kiddos
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #247 on: August 09, 2011, 07:12:56 pm »

sa case namen mas mataas ang sweldo ni yaya kesa sa helper. iniexplain den namen na mas mabigat ang role niya kasi anak na namen ang pinaguusapan. priority #1 ang bata at walang ibang gagawin except lahat sa bata or chores concerning to the kid, like laba, linis ng toys, pakain, paligo, play,etc.

naiintindihan naman nila parehas kahit yung helper, kasi alam niya mas strict den ako pagdating sa bata. :)

ainge88

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1045
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #248 on: August 09, 2011, 09:09:37 pm »

Yan din ang argument ni hubby. Mas mabigat si yaya kasi buhay ni baby yung iniintindi niya. Kaya sabi niya dapat daw gawing mas mataas si yaya :( confused.

Pero siguro I think, ngayon 3,500 muna since SAHM pa rin ako and pag back to work na saka na lang increase. Kaso baka naman magselos si all around. Hayz.
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #249 on: August 09, 2011, 09:57:51 pm »

For now siguro sis wala na tayo magagawa kasi nagsabihan na sila.
What we do, since yung mga helpers dito sa compount eh magkaka-mag-anak at yung samen lang yung yaya, we advised them upon hiring na it would be best not to talk about compensation.

Sa mga empleyado nga sa opisina bawal eh kasi talagang hindi maiiwasan na mag-compare.

For now, you've done what you could. Tama naman yung reasoning.
Basta pag nag-increase ka dun sa isa, sabihin mo wag na siya mag-sabe dun sa isa kasi magkaka-inggitan. For sure tatahimik yung kasi alam niya mas malaki yung sa kanya.

Mas maganda din na next time, pag magsasabe ng compensation about the new yaya, i-itemize yung buong package. Wag lang yung cash ang titignan.
Kung sagot ba ninyo yung toiletries, kung gaano kadalas yung day-off. Pag di nagamit yung day-off pwede ba i-carry over?
Yung snacks ba niya kasama niya sa grocery.
Possible ba na mag-ka-increase? Anong system sa pag-bale.

Pag ganito kasi, mas makikita na hindi lang yung cash ang sweldo nila. Mas ma-enganyo sila mag-work.

Kasi di ba pag yaya mas nakakalabas at nasasama sa mga resto unlike pag kasambahay lang? So better din na naipapakita sa kania na may perks din naman kahit papano. Para ganahan silang mag-alaga sa mga anak natin. :D
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

ainge88

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1045
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #250 on: August 09, 2011, 10:36:46 pm »

Thanks mommy france! Medyo nahihiya kasi ako na magsabi ng mga ganyang bagay kasi kamaganak ni hubby si yaya. Ipapadaan ko na lang kay hubby. Ako na mag itemize.

Nung sinama namin siya mag grocery, ayaw niya bumili ng toiletries niya na sagot naman namin. Meron pa daw siya. Hindi rin siya madalas mag day off. Paano yung carry over sis?

Ang balak ko lang sagot is yung load pag full time na ako sa work, kasi pang emergency if ever.

This end of august na kasi ako papasok. So kelangan masettle na lahat. Hehe

Thanks sis! :)
Logged

kimsamsoon

  • Newbie
  • *
  • Posts: 31
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #251 on: August 10, 2011, 01:43:54 am »

Nawindang naman ako mga mommies sa salary ng mga yaya nyo kasi sakin 3K ang pasweldo ko at more than 3 years na sya sakin.  Although may catch yun kasi kasama niya dito yun 6yrs. old nyang anak na babae. Sagot naman namin lahat ng needs nilang mag-ina even yun check up ng anak niya (nadiagnose with PTB) at gamot kami rin ang sumasagot.  When I discussed with her yun SSS at Philhealth, medyo negative rin reaction niya...icash ko na lang daw (haller!!) kaya never ko na ulit inopen yun topic. Sa workload, naging all around na rin sya kasi  hindi na rin naman alagain yun daughter ko (turning 4 y/o this yr) kaya parang mas part time yaya na sya.. 
May ugali din kasi sya na hindi tumutupad sa usapan at andaming excuses kaya parang hindi ako convince bigyan ng increase. Pag umuwi sya ng weekend (sat) balik nyan Monday mga before lunch reason niya hirap daw sumakay at sobrang trapik (she lives in Rizal). Worst when I allowed her to go home sa province niya to visit her sick mother usapan namin 2 weeks lang sya pero inabot sya ng 1 month ni walang text o tawag na mageextend sya. As expected may excuse na naman, kesyo nasira daw yun phone niya tapos naubusan na raw sya ng budget kaya nakadepend lang sya kun kelan babalik yun isa nyang kapatid.  I forgot to mention na sinagot ko pala yun round trip ticket nilang mag-ina kaya sa sobrang bwiset ko, pinasalary deduct ko talaga yun 9k na expenses nila which originally ang plano ko sana parang gift ko na lang sa kanya. 
Recently, feeling ko nagpaparinig na ng increase kasi since pregnant ako with my 2nd baby siguro iniisip niya na madadagdagan load niya dahil ipapaalaga ko sa kanya si baby.  Hindi niya alam na kaya ako nagresign sa work kasi nagdecide na kami magasawa na magfocus na ako sa mga anak namin.  After giving birth siguro mga 2 months recovery, pwede ko na sya iterminate....tingnan ko lang kung may tatanggap pa sa kanya thinking may kabuntot syang anak na walang ginawa maghapon kundi humilata at manood ng tv.   Anyone here who is interested?!  hehe  ;D  just kiddin. 
« Last Edit: August 10, 2011, 08:08:04 am by kimsamsoon »
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #252 on: August 10, 2011, 07:34:14 am »

Thanks mommy france! Medyo nahihiya kasi ako na magsabi ng mga ganyang bagay kasi kamaganak ni hubby si yaya. Ipapadaan ko na lang kay hubby. Ako na mag itemize.

Nung sinama namin siya mag grocery, ayaw niya bumili ng toiletries niya na sagot naman namin. Meron pa daw siya. Hindi rin siya madalas mag day off. Paano yung carry over sis?

Ang balak ko lang sagot is yung load pag full time na ako sa work, kasi pang emergency if ever.

This end of august na kasi ako papasok. So kelangan masettle na lahat. Hehe

Thanks sis! :)

Mahirap nga kapag kamag-anak sis.  Sa mga susunod na yaya na alng if ever. At kunwari mag-increase ka, i-raise mo sa husband mo para mapag-usapan.

Yung sa toiletries, kung tumanggi siya, eh siya na bahala dun. Basta inalok mo. Pwede mo rin naman sabihin na kumuha na siya para hindi na mabawasan yung mismong sweldo niya.

Yung carry over namen sa yaya ng miggy, kapag hindi niya nagamit yung day-off niya this week, gagamitin niya the next week. Basta kailangan sa 4 weeks, meron siyang 4 day-offs. Kung half-day lang niya gagamitin, choice naman niya yun. Basta may pahinga siya at pwede siya lumabas. Siyempre kami ng asawa ko may weekend na pahinga, siya nga one day lang kaya lage ko siya tinatanong agad kung mag- day-off ba siya. mas gusto kasi niya yung every 2 weeks kasi bulacan pa siya pumupunta.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

toughmom moderator

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1148
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #253 on: August 23, 2011, 08:58:42 pm »

Determine what you feel are your negotiables as well as your non-negotiables. Even before interviewing an applicant, it must be very clear to you as to what you want from a yaya and what you can compromise. Do you want a midwife, a nurse, and do you require her to be a board-passer? A nursing aide? An experienced yaya? A yaya with minimal experience but can be trained?
Read SP article on Hiring a Yaya: Compensation and Benefits
http://www.smartparenting.com.ph/home-living/about-yaya/hiring-a-yaya-compensation-and-benefits

Logged

mariann

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 859
  • enjoying motherhood to micah and iza
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #254 on: August 29, 2011, 02:15:23 pm »

we've change the rate for our helpers.
 
instead of P2,500 starting (iloilo city),  starting salary now is P2,000 with quarterly increase of P100.00.
 
free soap, shampoo, toothpaste and some other goodies that i find not useful for me  ;D
Logged
mariann[move]
Pages: 1 ... 15 16 [17] 18 19 ... 25
 

Close