embed embed2

Parent Chat

Advanced search  

News:

watch now
Pages: 1 ... 22 23 [24] 25

Author Topic: Yaya Salary/Compensation/Benefits  (Read 208725 times)

Caddin

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 335
    • View Profile
    • Mommy's Lullabies
.
« Reply #345 on: March 26, 2013, 07:40:01 pm »

If bago pa lang, siguro mas safe na per month basis ang bayad sa sss. You start paying after 1 month of service, then monthly ulit after that. Ok yun if madali lang sa inyo to go to sss and remit the contributions. I have yet to apply for my yaya's sss, pero kumpleto na requirements niya.
Logged

mommy irene

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 372
  • A loving wife and mom ...
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #346 on: May 31, 2013, 04:53:49 pm »

Share lang po...

I have found a stay out yaya.. Manghihilot ko siya, yung home service pero I knew her naman and her family.. I give her Php150/day, everyday ko binibigay sa kanya.. Ang set up is kukunin niya si baby (8mos old boy) sa umaga @ 8Am then bring him home by 5-6Pm just in time na alam na niyang pauwi na ako.. Monday to Friday lang ang usapan naming so lumalabas na 3K a month din siya, ok na din yun at least may mag aalaga sa bunso ko.. My eldest naman is with my mama, hindi na kasi alagain at 3 yrs old, medyo umaangal lang si mama sa bunso ko kasi nga lagi karga at the same time mabigat, hindi na keri ng powers niya ang mag alaga ng maliit kaya ayun, si bunso ko lang ang nakaranas ng may mag aalaga..

Inaalagan ko lang talaga ang relationship ko dun sa yaya ko kasi syempre, sa kanila inuuwi si baby.. Nakakatawa lang, one time, niloadan ko siya, kasi syempre pag nasa office ako, iniisip ko si baby, text text ako.. para kako sumagot naman at wag ireason na walang load.. Ang siste, nagtext sa akin the ff day, loadan ko daw at naubos ang load ng anak niya.. Oh well, as if I have the choice, eh di niloadan ko ulit..

At least kampante ako na meron nag aalaga kay bunso.. Sana tuloy tuloy..
Logged

Learning Mom

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile
    • The Learning Mom (Parent Education Resources)
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #347 on: June 12, 2013, 11:08:58 am »

Hello, fellow mommies!!

Are you fretting over the duties imposed by the Kasambahay Law? I made things a little easier for you by providing
SAMPLE COMPUTATIONS of premium contributions and SAMPLE PAY SLIPS here - http://wp.me/p2WSnW-2q

Sample Pay slips are downloadable so that's one thing off your to do list.. Feel free to share  :)

Morefun

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 230
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #348 on: July 05, 2013, 01:40:05 am »

My yaya's salary is 3k.  Provincial rate yun.  She has a one day off/week.  She doesn't need to do the laundry.  May ibang gumagawa nun. She also doesn't have to go to the grocery or cook.  I want her to focus on my baby.  I don't know how I will contribute to her SSS.  She doesn't have any ID or at least, birth certificate.  My hubby and I are so busy with work.  Laging OT sa work, kaya di pa namin maasikaso papeles ni yaya.  Di naman niya magawa yun on her own. 
Logged

vmachine

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Salary for stay-out maid
« Reply #349 on: July 08, 2013, 01:55:31 pm »

What is the average salary for a stay-out maid in Makati? Tumawag ako sa MaidProvider and they said 10,000 monthly daw. May nagsabi din sa akin ng 9,000 per month kung stay out. Tama ba itong rate or mukhang mataas? What are the usual hours for a stay-out all around maid?
Logged

Mrs. Anderson

  • Global Moderator
  • Full Member
  • *****
  • Posts: 244
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #350 on: July 08, 2013, 03:02:11 pm »

Merged with existing thread.
Logged
It's your contributions that matter, not the number of posts.
Please use the search tools available. We have lots of valuable inputs from the members; take time to read them.

layahasmin

  • Newbie
  • *
  • Posts: 28
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #351 on: July 16, 2013, 04:17:00 pm »

Grabe naman yata yung P10,000 para sa stay-out maid. Meron kaming stay-out na sinuswelduhan namin ng P2,500 a month. Ang pasok niya 6am to 4pm. Naglilinis ng bahay, hugas ng pinggan, once a week laba at plancha, tapos assorted errands din. Libre siya lunch at snacks, eat all you can kumbaga. :) Konti lang naman din ang nililinis niya kasi meron kaming stay-in na all around na sinuswelduhan naman namin ng P6,000 kasi matagal na rin siya samin.
Logged

jazzcristobal

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 56
    • View Profile
Mga mommies magkano binabayad nyo sa Yaya ng anak nyo?
« Reply #352 on: August 28, 2013, 11:15:58 am »

balak ko kasi kumuha ng yaya para may mag-aalaga kay baby pag magwowork na ko ulit. di ko alam kung magkano sahod ng mga yaya. 10am to 7pm niya lang babantayan. hindi stay-in. mga magkano kaya pag ganun.
Logged

Mrs. Anderson

  • Global Moderator
  • Full Member
  • *****
  • Posts: 244
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #353 on: August 28, 2013, 02:10:59 pm »

Merged with existing topic.
Logged
It's your contributions that matter, not the number of posts.
Please use the search tools available. We have lots of valuable inputs from the members; take time to read them.

Bry♥Shey

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 94
  • I ♥ My Wifey Shiela, Aliesh & Aera
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #354 on: August 31, 2013, 03:15:17 am »

Sa wakas nakakuha rin ng kasambahay. 3.5k ang sahod kada buwan. kaming bahala sa Flight niya papunta dito taga Dumaguete kasi. Hndi narin namin ibabawas yung ginastos namin for her flight. Alagaan at bantayan lang ang mga chikiting namin para makapag concentrate din sa trabaho.
Logged

bella swan

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 156
  • "I can do all things through Christ" Phil 4:13
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #355 on: September 01, 2013, 11:11:30 am »

Hello Mommies and Daddies, I just want to know kung okay lang bang bilhan ng uniform si Yaya. Hindi naman po kalakihan ang sweldo niya at hindi naman po kaming sobrang yaman. Ang gusto ko lang po sana eh hindi na sya mamomroblema sa susuutin kapag aalis kami. yung parang pang-nurse/caregiver. Okay lang ba yun?
Logged
I love my kids sooo muc!!!

gladys_gvp

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 76
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #356 on: September 07, 2013, 10:58:10 pm »

Hi sis bella swan, depende din kasi yun kung san din comfortable si yaya. Kami kasi ang ginagawa namin bilihan nalang ng set of clothes na pwede niya gamitin kapag lalabas kayo like pants at white shirt.meron naman nabibili ha mura yet presentable.
sa bahay naman kung meron sya maayos na damit yun na lang. Nasa iyo parin kung gusto mo maging presentable sya inside or outside your house. Meron din kasi yaya ayaw ng naka uniform.
Logged

chilame

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #357 on: September 20, 2013, 02:54:35 pm »

hello to everyone.. nghahanap ako ng matrabahuhan nang nanay at auntie ko andito sila ngayon sa antipolo sa akin nkatira stay out sila naawa ako sa kanila pagod na nga sila sa trabaho uwi pa pwede naman lakarin kaya nilalakad nalang nila..4k ang sahod..ok naman kaso lang gus2 nila stay in para pg tapos na daw trabaho mkapag pahinga din sila,ang nanay ko nghuhulog ng sarili nyang sss,d kasi ka2lad dito sa boss ko ako nag aasikaso ng mga sss ng mga yaya sa pagkain d limit at my sarili din silang kwrto..gus2 kasi nila talaga mgtrabaho dahil gus ng nanay ko my sarili ring pera at bawas stress daw pg sa kasambahay sya at nkatapos ako ng college ko dahil ngtrabaho sya sa tao kaya nasanay na sya kaya hinahayaan nalng sya namin..f sino poh interesado nghahanap poh ako mbait at safe sila just txt me 09228470187..sa  the generics pharmacy me ng wowork kaya sigrado poh na safe ang bahay nyo sa kanila at regular nko sa work ko kaya kung sakaling my gagawin silang kalokohan my hahabulin poh kyo dahil nanay ay auntie ko poh yun..thanks
Logged

gabjac

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #358 on: May 24, 2014, 01:29:06 am »

My yaya is now 19 years old and she's with me for 1 year and 3 months already. When I got her, wala sha experience sa babies so we trained her.

Salary:
- 4,000 basic
- 1,000 worth of clothing from my sister's online shop monthly
- 13th month

Perks
- free wifi access sa fone niya since naka wifi sa house
- free toiletries
- free food
- she's also with us when we go to hotel staycations and she eats the same hotel food
- we order the same food for her when we eat out whether fine dining or fastfood so she prefers not to take her weekly off kasi mas magastos pa daw if she will go out with her friends
- she has a facebook account with all her pictures taken when we go out and me and my mom are incharge uploading the pictures after she's done picking her best shots.
- her 1st birthday with us, hinandaan namin sha. (pizza, spag, pancit, sushi, macaroni salad, bread, cake)
- when she celebrated 1st anniversary with us, hinandaan din namin sha sa house. (chicken, shrimp, pizza, spag, ice cream, cake)
- on her first december with us, I gave her a samsung mobile fone which is what she is using for facebook

for the tasks
in scope:
- yaya of my 2-year old son (feeding, taking a bath etc)
- cook and clean the dishes for us
- clean the house, run errands

out of scope:
- she doesnt do the laundry
- she doesnt iron our clothes
Logged

maivy

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 64
    • View Profile
Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« Reply #359 on: December 17, 2014, 02:18:09 pm »

Merry Christmas mga mommies!

Question lang:

Paano kapag nagkakasakit mga yaya nyo? i mean, yun naoospital, or may mga ipapa-laboratory, or may check-ups at mga gamot? do you shoulder lahat ng gastos?

My yaya kasi for  my kids is the same yaya who took care of me when I was young. I give her  5k as basic salary, plus I pay her SSS contribution in full of 400php.

Kaso lately, she has been sickly. Like the last time I spent almost P1500.00 for her meds and check-up when she had an ear infection. And last October I spent another P1500.00 for meds, anti-tetanus shots and check-up kasi nakaapak siya ng pako. I know for this incident, talagang ico-cover ko siya, which I gladly did.

And ngayon, meron na naman gastusin. She needs to have a series of lab tests, I think ito yun tinatawag sa ospital na "Magic 8" if ever you are familiar w/that.
Medyo,umaaray na ako sa sunud-sunod na gastos kasi, lalo na ngayon magpa-Pasko.
Ang mahirap kasi sa yaya ko, hindi siya nagtatabi ng pera para sa sarili niya. Lahat ng pera,ipinapadala niya sa mga kapatid at nanay niya. And when her need arises, siya tuloy walang madukot. At hindi na siya matulungan ng mga kapatid niya.
Samantalang wala naman iba ginawa kapatid niya kundi umasa sa kanya for monetary support.
I just wanted my yaya to learn din kasi na magtabi lalo na para sa gastos sa health niya cause she's not getting younger.
Ang nangyayare kasi, pag swelso niya lahat ipapadala, at wala ise-save for her. Naiisip ko, kaya siya ganun,kasi kampante sya na kapag magkasakit siya or kelangan niya pa-check-up, may gagastos para sa kanya.
Mabuti sana if may trabaho din ako, but my hubby is the lone provider for us.So of course, may budget din ako dapat sundin.

Any suggestions ano magandang gawin ko?

I was thinking. tama lang ba na hati kami sa gagastusin sa lab test niya ngayon? hindi naman siguro ako selfish for that?

Any advise will be greatly appreciated!
Thanks mga mommies!
Logged
Pages: 1 ... 22 23 [24] 25
 

Close