buti nga kayong mga mommies hindi lang pagligo ang ini-insist sa inyo ng mga oldies.. ako, naku.. andami dami.. bawal ganito, bawal ganyan.. nakakaloka na..

bago pa man ako manganak.. sinabihan na ako ng mga oldies sa amin na after i give birth, hindi daw ako agad makakaligo.. kaya nung nasa birthing clinic na ako a day before i gave birth, naligo na ako ng bonggang bongga.. keber kung may labor pains, basta sinulit ko na yung ligo ko..

nung nanganak ako, binihisan kaagad ako ng mom ko ng t-shirt, jacket, jogging pants at medyas.. nakahiga pa ako nun kasi hindi ko pa kaya tumayo tapos ansakit ng vajayjay ko, pero tiisin ko daw sabi ng mom ko kasi baka daw pasukin ako ng lamig.. pinapagdikit niya rin yung dalawang hita ko (nakabukaka kasi ako nun kasi ansakit nga nun tahi tapos naka-diaper pa) hay grabeng sakit! pero tiis para lang hindi ako mapagalitan..
pagkauwi ng bahay 10 days rin ako hindi naligo.. wala akong ibang ginawa noon kundi asikasuhin ang sarili ko at ang baby ko.. hindi nila ako pinaghuhugas ng pinggan (na ginagawa ko lagi nung hindi pa ako nanganganak).. bsta any chore in the house, husband ko at mom ko ang gumagawa.. ni magsuklay hindi rin pwede kasi mabibinat daw..
hindi ako naligo for 10 days pero kada iihi or dudumi ako, panghugas ko e warm water with boiled bayabas leaves para di bumaho tapos palit every 4 hours ng napkin.. tapos pinapausukan ko rin yung vajayjay ko sa steam nung boiled bayabas leaves.. not necessarily for five minutes, minsan pag kaya ko matagal, i do it.. sabi kasi nila nakakabilis daw makaliit ng puson so i did.. true naman, maliit na puson ko kasi nagshrink na yung uterus ko.. and i fit to my pre-pregnancy pants na after one month.. sinulit ko yung puno ng bayabas namin kaya ayun, kalbo na ngayon..

after 10 days na hindi naligo, pinaliguan ako ng warm water na may iba-ibang klase ng halamang gamot.. dahon ng bayabas, lagundi, sambong, salay, lucban at kung ano-ano pa.. mabango naman kaya keri..

after naligo, hinilot ako using coconut oil.. for seven days yun para ibalik daw yung mga buto sa dati nilang pwesto.. para din daw lumabas yung patay na dugo na naiwan pa sa uterus.. ewan ko pero after nung hilot daming lumabas na dugo, buo-buo pa yung iba..

sa pagligo, after nung mga dahon, 7 days ulit no bath, then 6 days, 5, 4 ,3 hanggang sa every other day na.. lahat warm water tapos sandali lang, bawal tumuwad or so, dapat daw nakatayo lang.. pinapanood ako ng mom ko pagligo, para sure sha na hindi ako uupo or tutuwad.. dapat rin nakatsinelas..

hanggang ngayon, every other day ako hindi nakakaligo.. punas-punas lang in between.. vajayjay lang pwede hugasan ng warm water.. after one year pa ako pwede maligo ng araw-araw at ng tap water..

one month ako nakamedyas, jogging pants, tshirt outfit.. pero until now, three months after giving birth, lagi parin ako naka-jogging pants.. kontra lamig daw..
kada uupo ako sa kahit anong surface, dapat may sapin na tuwalya, iwas lamig daw..
hindi nila ako pinapakain ng pagkain na hindi luto.. so yung mga fruits and raw veggies, hindi ako pwedeng kumain.. isipin nyo nalang nung pasko, may fruit salad.. kami wala nun kasi baka daw mainggit ako, hindi nalang gumawa ang husband ko.. hanggang 6 months daw yun.. may 3 months pa akong bubunuin.. sabi nila para hindi daw ako maging sikmurain.. mga nanganak daw mabilis pasukan ng lamig sabi nila..
everytime na gusto kong sumuway, lagi nila akong tinatakot na magmumukha akong losyang.. shempre takot naman ako.. at my age, magmumukha akong thunders, ayoko nga..
pero my mom said na hindi naman daw sa ganun, lahat naman daw ng pinagagawa nila sa akin e ma-aappreciate ko pag nasa 4os na ako.. hindi daw ako tutubuan ng warts at pekas.. which is true to the fact kasi looking at my mom, at her age of 51, she doesn't look like it..
haba ng post ko.. sana nakatulong ito..