Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: [1] 2 3

Author Topic: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog  (Read 179566 times)

badudets

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
    • View Profile
Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
« on: January 07, 2011, 04:01:06 pm »

Basahin sa Smart Parenting. Click any of these topics to read full article.
Does Your Baby Gurgle or Whistle In Her Sleep?

photo by PIXABAY


My baby is 2 weeks old. Lately napansin ko na lagi syang inat ng inat to the point na namumula na tapos may sounds pa galing sa throat niya. Feeling ko di sya makaderecho ng tulog because of this.

Naexperience nyo rin ba to sa baby nyo?

Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment tungkol dito o mag Reply para makapagpost ng katanungan, payo o kwento.

« Last Edit: November 19, 2021, 01:29:03 pm by Parentchat Admin »
Logged

ronigj

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 71
    • View Profile
Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
« Reply #1 on: January 08, 2011, 11:00:09 am »

yes 1st month ng baby namin ganyan din ang gawa at may kasama pang utot na malakas hehe, pero mawawala din yan.
Logged
Having a child is surely the most beautifully irrational act that two people in love can commit.
Bill Cosby

pinoytamil

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 316
  • its so hard wanting & labing sam1 dat u cant be w/
    • View Profile
Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
« Reply #2 on: January 08, 2011, 02:02:02 pm »

i think sis dats normal ganyan din kasi ang baby ko katulad nga ng sabi ni ronigj
mawawala din yan
relax ka lang sis hehe
Logged

luk_resha

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 366
    • View Profile
Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
« Reply #3 on: January 10, 2011, 02:24:24 pm »

oo nga sis i think thats normal for them baby ko ganyan din dati as in super lukot o kaya binat ng katawan niya to the highest level once na uminat pero na outgrown din naman niya later on... dati hirap pa ako mag explain sa pedia niya kung ano nga yung ginagawa nyang klase ng pag inat buti na lang may time nun na check up niya tapos kakapahiga ko sa baby bed saktong ginawa niya yung pilit kong ine-explain kay dok ayun natawa din si dok sa labas pwet liyad ulo na style niya ng pag inat ;D
Logged

victoria

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 142
  • Happy because I am now a mother and a....
    • View Profile
Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
« Reply #4 on: January 14, 2011, 12:20:51 pm »

ganito din baby ko..maingay na parang nag na-nag at inat ng inat sa katawan.. minsan napapaiyak siya after inat..nasobrahan seguro...
Logged

1sttimemom

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 82
  • inta hayati inta habibi
    • View Profile
Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
« Reply #5 on: January 27, 2011, 08:44:18 am »

yung baby ko din ganito to the point na para na siyang lechon sa pula kakainat  with matching super lakas na sound effects :) sabi ng mga oldies nagpapalaki daw pag ganon.
Logged
You know you're in a good place when you can laugh at something that would have made you mad in the past...:)

pretty_girl

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 243
  • God is good all the time!
    • View Profile
    • Seana Boutique
Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
« Reply #6 on: January 27, 2011, 12:30:31 pm »

ganyan din baby ko , natatawa nga kami kapag nag-iinat siya na may sounds pa at minsan may kasi pang maraming utot. haha. kakatuwa. pero for the first month to second month niya lang yun. ngayong mag 4 1/2 months na siya, nabawas bawasan na :)
Logged

MommyJammy

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 243
  • Disco Disco Good Good \(^o^)/
    • View Profile
Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
« Reply #7 on: January 30, 2011, 06:34:36 am »

ganyan din baby ko and i was starting to be worried, kala ko sya lang ang ganon.
Logged

honey-ecclaire

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 991
  • this is the last time I fall inlove...
    • View Profile
Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
« Reply #8 on: January 30, 2011, 07:56:19 am »

My son was like this before stsrting zero mos.super baluktot pag nag iinat and maingay..parang pang big boy na nga daw eh..
they said na pinipiga ko daw kase yung lampin pag naglalaba ako kaya ayun ang tendency eh namamaluktoit si baby pag umiinat..di naman ako naniniwala....

my pedia said ganito din daw kung mag-inant ang baby sa tyan natin kaya it's normal naman daw..he outgrew nung nasa four to five months na sya....nothing to worry mga mommies if may hinid normal lang ke baby like if di sya makahinga sa sobrang super hikab niya....
Logged
The moment a child is born, the mother is also born.  She never existed before.  The woman existed, but the mother, never.  A mother is something absolutely new.  ~Rajneesh

misyelicious

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 292
  • I'm happy_mommychelle =)
    • View Profile
Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
« Reply #9 on: January 31, 2011, 04:31:03 am »

mag ti 3months na baby boy ko...ganyan din sya..pag nag iinat todong todo at super namumula na sya..madalas din sya nauutot...ang lakas pa...tinatawanan ko na lang ..
Logged
I am a daycare provider, a chef, a maid and a counselor. And I do it all for free. No I'm not stupid...I am a mom. =)

JMatt

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 116
    • View Profile
Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
« Reply #10 on: February 02, 2011, 03:23:35 pm »

same here mommies! ;D ;D good thing normal lang pla un.  :) :) :)
Logged

momzloue83

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
    • View Profile
Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
« Reply #11 on: February 06, 2011, 08:00:39 am »

nag-stretch lang yan si baby sa kanyang bones kasi tumataas sila, at yes thats normal lang na namumula sila, tama may kasama pang utot. yung baby ko nagsnore kapag tulog mlakas kaya . wala kayang indication yun na may health problem, hope wala naman sana.
Logged
momzloue27

ryuu

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 518
    • View Profile
Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
« Reply #12 on: February 14, 2011, 09:02:25 am »

ganyan din baby ko until now.. nagpapalaki daw sabi ng mom ko.. :D
mawawala rin naman din daw yan in due time.. wag ka worry.. :)
Logged
 

sexyvamp

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
    • View Profile
Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
« Reply #13 on: February 16, 2011, 04:56:27 pm »

3 weeks old baby boy ko ganyan maingay matulog and inat ng inat, he makes sounds like baby elephant, kaya natatawa ako pag nadidinig ko yun. yung first baby ko ganun din e.
Logged

jensanjose

  • Guest
Re: Maingay si baby at inat ng inat pag tulog
« Reply #14 on: March 12, 2011, 09:56:23 am »

hello mga mommies! newbie here sa SP, share ko lang... yung twins ko super ingay din pag tulog...inat ng inat, akala nga namin palaging iiyak at gising pero tulog pala, lahat kami nagtatawanan sa dalawang itlog na yun  ;D.... lagi pa tinataas yung paa, akala ko nga sila lang yung gagnun, kasi sabi ng mga nakakakita, ngayon lang daw sila nakakita ng ganung baby na maingay pag nag-inat
Logged
Pages: [1] 2 3