Hi Jhennn28,
Sana kasama mo ang BF sa paga-aalala mo ngayon. Yun ang totoong relationship, magkasama, magkasalo sa lahat ng bagay...lalo na sa hirap...at di lang sa sarap. Makakasira ng relationship ninyo kung may kasamang sex. Kung malaman mo na hindi ka buntis...sana naman ma-realize ninyo ang mga hassle nito at health risks. Ang body mo ay kasisimula pa lang sa growing process. Check mo ang link ko dito on "The Story of Menstruation"
Hindi biro maging babae...lalo na sa hygiene. Mahirap na nga alagaan ang sarili mong katawan, may maiinvolve pang isa pang katawan...lalaki pa...katawan ng BF mo...na hindi mo kontrolado...di mo alam kung ano ang health risks.
HIndi lang pagkabuntis ang risk na iisipin mo. Ang madalas ay infection. Pag may skin to skin contact...skin infections and diseases....pag body fluids...other contagious diseases...like Hepatitis.
Recently, mayroon akong na-meet na student sa school clinic nila...galing lang sa confinement...for severe Urinary Tract Infection...dahil sexually active siya. Nakakahiya kapag lumabas sa examination ng doctor...lalo na kung Sexually Transmitted Infections. Marami sa mga ito hindi gumagaling. May mga nakamamatay, like HPV-Cervical Cancer at HIV-AIDS
Kapag hindi pa mature at committed sa relationship ang lalaki, possible na makipag-sex siya sa iba. Here's an example of a message sent to me by someone who might be infected with gonorrhea:
"May Girlfriend po ako 5months n po kami..Nakipagtalik po ako sa ibang babae hindi ko po alam may Tulo pala sya,after 2 days po...hindi ko pa nalaman na may tulo pala yung girl,nagtalik kami ng gf ko...pagtapos after 1 weeek doon ko na po nalaman na may tulo na ako.. May posibilidad po ba na mahawaan din ang gf ko?"
Anyway, heto ang details mo
Sep. 2, Day 1
Sep. 9, Day 8 - X - intercourse
Sep. 28, Day 27 - X - intercourse
Ang sagot ko ngayon sa question mo, possible na hindi ka mabuntis. Pero sana mai-share mo ang iba pang dates ng Day ng Mens mo...para malaman kung ano ba talaga ang cycle length mo. Kailan mo na-observe yung parang jelly na discharge mo? Anong date?
References:
Walt Disney The Story Of Menstruation - YouTube
http://youtu.be/eLhld_PI2zg4:45 "The time between periods is usually about 28 days...."
4:50 "However it may be shorter for some girls, longer for others,
"For just as the Pituitary Gland orders some girls to grow short, some tall, some heavy....
5:12 "You should be very regular within yourself...."
Film Review:
'Stop feeling sorry for yourself - it's easier to keep even-tempered': Disney's 1946 video explaining 'the story of menstruation'