Parent Chat

Advanced search  

News:

Poll

does anyone have guidelines on houserules that i can impose on my yaya?

what are the common houserules for yayas?
- 7 (100%)
how do i train my yaya?
- 0 (0%)

Total Members Voted: 7


Pages: 1 [2]

Author Topic: House rules for yaya  (Read 27933 times)

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: House rules for yaya
« Reply #15 on: June 28, 2011, 08:13:43 pm »

We can never be really sure kung ano ginagawa ng mga yaya sa mga anak natin kapag wala tayo. Minsan siyempre ayaw nila mapagalitan so talagang pagtatakpan nila if ever may mali sila.

Basta ang hinihingi ko lang sa yaya ng anak mo, matiyaga pakainin yung anak ko at hindi nananakit ng bata.

Yung thick na accent kaya ko pang pagbigyan kasi ganun talaga eh. Kailangan pa rin niya makipag-communicate sa bata. I just make sure na kapag may napuna akong mali, tinatama ko sa anak ko. hindi sa yaya. Ayoko rin naman mag-offend yung yaya ko.

Yung tungkol sa pamamalo, makikita mo yung sa attitude ng bata. Kung namamalo yung anak mo, better observe kung kanino niya nakuha yun. Gaya-gaya kasi ang mga bata eh.

Mas maganda talaga if you interview the yaya and check kung pasado yung personaity niya sa inyo.
Para hindi na maging rule, dahil natural na sa kanya.

For example, sa interview, pag-timplahin ninyo sa ng milk. Makikita mo dun kung paano siya mag-handle ng food. Kung OK sa inyo yung makikita ninyo, eh di go. At least natural siyang malinis. Hindi yung sasabihan mo pa siyang sumunod sa rule. Unless willing ka talagang maging patient sa kanya at pagbigyan yung mga lapses niya until matutuo siya.

Yung sa cellphone, I don't have any rule dun. Mag-text siya kung gusto niya. Basta pag tinawag ko siya or kinakausap ko siya, wag niya ako deadmahin.

Mahirap talaga makisama. Ang asawa nga sobrang patience ang kailangan. Ganun din sa mga yaya.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

soleil_ilove

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 92
  • "what you see is what you get."
    • View Profile
Re: House rules for yaya
« Reply #16 on: June 28, 2011, 11:11:41 pm »

hi sis just to share din po i have created my own yaya/househelp checklist,infact i have a yaya notebook that i give to her and that consist of her daily,weekly and monthly routines,my house rules and some important notes,pinapabasa ko sa yaya and i explain to her on her Day 1 para sa start pa lang clear na lahat ng rules and chores to do.Here are my sample rules:

1.No using of cellphone during work unless emergency or its me who's calling.She can only use it after work is done or at nighttime after her chores.(Im strict on this kase me mga yayang mahilig mag-cellphone to the point na napapabayaan na yung alaga or yung trabaho.)

2. No gossipping.It is a no-no talaga.(I dont allow her to make barkada with fellow yayas outside,ive had yayas kase before na me awayang nagaganap pa between them at nagkakapisikalan pa not to mention yung magtsi-tsismisan to the max.)

3. I only allow day-offs once or twice a month only.(Madami kase abusadong yaya na pinag-day-off mo na mag-overnight pa sa kung saan hindi man lang nagpapaalam.)

4.Cooking/eating of foods will be advised.(meron kaseng mga yayas na pati snacks ng kids kinakain ng walang paalam pati pagluto ng ulam na hindi naman in-advise na lutuin.)

5.Always ask or if in-doubt ask me on how to...,where to find...at all times.(meron kaseng iba na parang know-it-all)

6.Cash advances are not allowed unless emergency.(syempre kase budgeted ang sweldo it means hindi naman kasama sa emergency allowance mo ang cash advance ng yaya)

7.Be extra-careful with appliances.(Madami na kase nasirang rice cooker at electric kettle sa min bec of carelessness.)

8.Respect of ones own things.(meaning i dont meddle with her things so she should never meddle with our things too.)

9.Always wash hands at all times esp when preparing food and milk.

10.Clean as you go always,keep dry,be clean at all times.

11.First in,First out(this applies with the first stock/s inside the ref that will be cooked.)

Basically eto yung mga important details that i tell my yaya or househelp on her Day 1 and she has a copy of all these so that from time to time she will be reminded of my rules.:)
Logged

hanne

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 161
    • View Profile
    • My Curious Ava
Re: House rules for yaya
« Reply #17 on: November 27, 2011, 11:36:28 pm »

Mga sis, any experience on giving house rules to yaya na kamag-anak? first cousin ko kase yaya ko pero nahihiya ako magbigay ng house rules at baka masamain niya and might view na mahigpit ako e kamag anak naman sya.

Just want to get a feel in case someone has experience, though plan ko na sya kausapin sa katapusan.
Logged
Visit our Curious Ava Shop for clothes and accessories fit for mommies and their little girls --

https://www.facebook.com/curiousava

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: House rules for yaya
« Reply #18 on: November 28, 2011, 09:37:55 am »

Mahirap talaga magbigay ng "rules" kapag kamag-anak.
Kaya talagang hindi na ako babalik sa gagawing yaya ang kamag-anak.

Pero since minsan no choice, maybe pwede mo gawin pakiusap at ipa-intindi mo sa kanya yung responsibilidad at yung "accountability" niya sa bata kapag wala kayo.

Im sure kung reasonable naman yung mga rules ninyo, wala naman masama kung sasabihin ninyo sa kanya.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

hanne

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 161
    • View Profile
    • My Curious Ava
Re: House rules for yaya
« Reply #19 on: November 29, 2011, 02:32:10 am »

naku mommy france, she's very good with my daughter, sa akin sya hinde nice. haha. well, sanay kase ako magisa since i bought my own place. syempre i was expecting marunong siya magsabi kung may kelangan sya or kung may hihiramin. ang nangyayari, hinahalungkat na niya ang mga gamit at closet ko tapos gagamitin ang gamit ko. nagugulat nalang ako na bath towel ko na gamit na, na ang mga branded shower gels ko nauubus, ang napkins ko bukas na tapos kalahati nalang laman etc. malakas din sya sa food. for example bumili ako ng 1.5L na softdrink, i had a glass tapos iniwan ko sa ref after dinner. nung nag snacks ako nung gabi, nakita ko pa sa ref pero less na yung laman, so deadma kase pwede naman sya talaga uminom nun. by bfast same pa din yung amt syempre pareho kame hinde nag softdrink nun. by lunch nasa basurahan na yung buong 1.5L. ubos na niya, isang baso lang nainom ko. tapos isang piling ng saging na DOLE (branded binibili ko kase dun ako nasasarapan hehe, ayaw ko naman tipirin sarili ko sa gusto kong food), sya nakaubos. as in wala akong natikman. ang nangyayari ako pa kelangan makipag agawan sa sarili kong pagkain. simple lang kung iisipin pero sirang sira budget ko. akala ko kelangan ko lang doblehin budget ko for food and stuff, nangyari triple mahigit gastos ko.

hinde naman ako madamot and since cousin ko nga sya syempre i'd share things with her naman pero i was expecting na since may pinag aralan naman sya kahit paano (vocational) e she understands the concept of 'borrowing' man lang and being able to 'share' with me the food. tipong maisip niya na, "ay tirhan ko naman sya kase sya bumili nito and bahay niya to" instead of ako pa laging nauubusan.

anyway, napagsabihan ako ngtita ko na napagkwentuhan ko ng prob ko. bilhan ko nalang daw ng monthly toiletries, tapos explain ko na it would help me budget my groceries kung ihihiwalay ko nalang yung kanya sa akin. yung food syempre willing to share naman pa rin ako. so sabi ko sige na. baka hinde lang sanay na nakakain ng mga ganun sa probinsya. pero i limit my stocks na sa pantry ko. hehe bad ba?
Logged
Visit our Curious Ava Shop for clothes and accessories fit for mommies and their little girls --

https://www.facebook.com/curiousava

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: House rules for yaya
« Reply #20 on: November 29, 2011, 11:05:41 am »

I don't think it's bad na limitahan mo yung supply ng pantry. Tama yung sinabi ng tita mo na ihiwalay mo yung sa kanya.
Para alam niya na naglalaan ka ng something for her.

That's what I do with my son's yaya. pag nag-grocery, I ask her anong shampoo niya. In your case, dapat ikaw ang kumuha kasi siyempre may budget ka lang din. Kung marami naman tayong resources madali lang naman magbigay pero siyempre with a budget of a young family, medyo kailangan ng diskarte.

The thing with having a relative take care of your child is that even if you give them compensation for their service, they still treat it as something that you owe from them. Tipong malaki pa rin yung utang na loob mo and mahirap maging authoritative. Pero, may mga tricks naman na pwedeng gawin without demeaning them.

Allot a budget for her toiletries and snacks. And keep yours locked away. Hindi kasi siya nagpapaalam. Pag sinabihan mo naman magtatampo at i-tsi-tsismis ka pa sa buong angkan. :( Naranasan ko na yan eh. Sabihan ba naman ako na ginugutom ko daw siya. Siya nga itong ginugutom at sinasaktan ang anak ko.
Nung pinatira din niya yung anak niya sa bahay pumayag naman ako kaso napapansin ko yung mga toiletries ko pinagpapakialaman ng anak niya. Kung sa kapatid ko nga sa bahay nagpapaalamanan kami eh, mas lalo na dapat sila.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

hanne

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 161
    • View Profile
    • My Curious Ava
Re: House rules for yaya
« Reply #21 on: December 02, 2011, 01:02:19 pm »

ayan, nagusap na kame. meron na syang sarili niyang toiletry basket  and monthly toiletry allotments (ako na bibili since madali lang naman isabay sa grocery ko tutal sagot ko naman yun) at itinago ko na ang mga stocks ko ng sabon, shampoo, napkin, tissue,toothpaste at toothbrush sa t&b sa room ko. tapos binigyan ko sya ng P300 na monthly snacks allowance. sinabi ko na bahala na sya bumili at mag budget ng mga merye-meryenda niya.

ito, just now nakita ko ginagamit niya pala ang pldt sim ko for texting (landline na naka sim and pwede sa cp ipasok). may 6 local nos and 1 intl no sa last 10 nos na pinadalhan ng sms. tinext ko na nga sya to ask if ginagamit niya (pero sino pa ba e ako, siya at baby ko lang andito sa bahay ko) since naka off sya today. natetempt nga ako itext isa isa yung mga nos at itanong sino sila e.  ::)
Logged
Visit our Curious Ava Shop for clothes and accessories fit for mommies and their little girls --

https://www.facebook.com/curiousava

Errych

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 619
  • Watch.Wait.Time will unfold & fulfill its purpose.
    • View Profile
Re: House rules for yaya
« Reply #22 on: April 19, 2012, 11:13:36 am »

5 Effective Tools in Training and Supervising Your Helpers
A list of house rules for your yayas’ guidance ensures that you are on the same page.

http://www.smartparenting.com.ph/home-living/about-yaya/5-effective-tools-in-training-and-supervising-your-helpers/page/1
Logged

toughmom moderator

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1148
    • View Profile
Re: House rules for yaya
« Reply #23 on: June 25, 2013, 11:48:53 pm »

Logged

Morefun

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 230
    • View Profile
Re: House rules for yaya
« Reply #24 on: July 05, 2013, 01:51:31 am »

Hi mga sis!  Ang galing ng house rules niyo.  Gagayahin ko yan!  May yaya na ko for my 2 year old daughter.  Technically she is our first yaya.  She's fairly young and maayos naman so far.  Yun lang, ala pa masyadong alam sa gawaing bahay.  For me, ok pa naman yun.  Ang importante is for her to take care of my baby and my baby's stuff.  I will definitely follow your advice about writing down the house rules.  Thanks!
Logged

gorgeous gal

  • Newbie
  • *
  • Posts: 18
    • View Profile
Re: House rules for yaya
« Reply #25 on: September 19, 2013, 11:47:01 am »

hi everyone,

I consolidate some of my list of house rules for yaya.  here it is:

http://babyneosmama.blogspot.com/2013/09/house-rules-for-new-yaya.html
Logged
http://babyneosmama.blogspot.com/

I'm a wife and a mom, and I'm lovin' it!
Pages: 1 [2]