Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 2 3 [4] 5

Author Topic: Beware: mga Modus Operandi  (Read 39026 times)

Aragtrz

  • Global Moderator
  • Jr. Member
  • *****
  • Posts: 72
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #45 on: November 03, 2011, 06:49:34 pm »

sis Coolmom22, nakasakay namin mismo ni mister yung "Dura Gang" halos 6 years ago na, preggy ako sa 2nd baby namin, papunta kami ng pasig palengke, sa kahabaan ng Tramo (now C. Raymundo) may sumakay na 4 na mama (mga mukhang goons talaga) yung 2 pinagitnaan yung isang dalaga so kaharap namin sila, tapos yung 2 umupo sa hilera namin (buti hindi namin mismo katabi), maya-maya kunwari dumudura yung lalaki na nakaupo sa gilid nung babae tapos nakita namin senyas ng senyas yung lalaki sa hilera naman namin dun sa babae na hawakan buhok niya dahil natalsikan daw nung dura, tapos yung babae naman hawak ng hawak at tingin sa buhok niya, napansin ng mister ko na yung isa pang katabi niya na lalaki sa kabilang side naman binubuksan na bag nung babae, tensed na kami non kasi pagkasakay pa lang nung 4 na lalaki bad vibes na agad kami at syempre buntis ako so nakakatakot talaga, bababa na dapat kami ni mister pero bigla na lang silang pumara not sure kung nakuhanan yung babae na mukhang clueless sa nangyari :'(


Sis yung friend ko na nabiktima ng dura gang sa Country Side Pasig siya nakatira. Nabiktima siya non nong papasok siya sa office. Sa Eastwood Libis siya nagwowork. Well talamak nga siguro along pasig.
Logged

two_angels'_mom

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 415
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #46 on: November 03, 2011, 07:12:26 pm »

wahh nakakatakot naman yung first post..naiimagine ko pa til now..sa ortigas pa naman ako nagwowork tapos palagi pa naman ako nagjijeep lately kasi nadala na ko magbus lalo na pagpapasok ako sa gabi kasi lagi na lang ako nakakasakay ng "GITGIT" O IPIT GANG ba yun..basta yung gigitgitin ka kunwari ng apat na lalaki tapos kinukuhanan ka na pala ng cp nung isa dun..pati yung sinasabi ni coolmom na laglag barya naexperience ko na din just last month yung lalaking kasakay ko sa bus nung pababa sya sinabayan sya ng isa pang lalake tapos me isa pang lalaki sa harapan niya kunwari nalaglagan ng barya pinulot naman nung mama tapos yun palang isang lalaki na sumabay sa kanya pagyuko niya dinukutan na sya nakita ko as in pero hindi ako nakapagreact sa bilis ng pangyayari nakababa agad ng bus yung dalawa..hay nakakatakot naman ngayon hindi ko na alam kung saan tuloy mas maganda sumakay..kasi yun namang nabanggit dito na acacia lane dinadaanan ko naman po yun tuwing nag-fx ako..dinadaan ko na lang nga sa dasal palagi kasi late pa naman ako lagi umuuwi from duty :(
Logged

MommyMichell

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 86
  • Love my smart kids!
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #47 on: November 03, 2011, 07:17:24 pm »

sis Coolmom22 nakakatakot din banda sa Countryside kasi looban sya at hindi ka makakalabas or makakauwi ng hindi nakatricycle unless game kang maglakad ng bonggang-bongga or swerte ka kung sa bukana ka lang banda nakatira, kasi sa Countryside me subdivision sa loob ng subdivision sa loob pa ng isang subdivision, kaloka

nanay ko din nabiktima before dito mismo sa harap ng bahay namin, kunwari yung ma-ma nagso-solicit para sa church, may dala pang rosary kapalit daw nung donation, tapos nakita ko nanay ko pumasok ng house parang biglang nagising (nasa trance pala sya that time)at na-realize niya na na-hypnotize daw sya nung ma-ma na ibigay lahat nung pera niya sa bulsa, luckily P200 lang pera niya sa katawan that time kaya yun lang nabigay niya kaya ngayon hindi na namin pinapansin mga nagso-solicit na hindi taga-dito sa amin

tito ko nabiktima din ng laglag barya gang sa bus nung college days niya, may nahulog daw na barya sa paanan niya, nung yumuko sya para damputin, ayun yung gold nyang kwintas nawala na parang magic :'(

may iba pang mga modus kaming naranasan like nadenggoy kami (buti tag-P100 lang kami ng sister ko dalaga pa ako nito) paliga daw ng volleyball sa barangay, naniwala kami kasi sinamahan ng taga-dito sa amin yung bading na manggagantso akala naman namin friend niya yun pala nun lang din niya nakilala, kainis!  >:(

at yung younger sister ko ayun din nanakawan ng gold earrings, dun naman sa isang kapitbahay naman namin sya sumama birthday party daw tapos ayun pala may naghihintay na ale sa kanila

so siguro lesson: magkatay ng kapitbahay!  :o  lol  i mean ayun kahit kakilala/kapitbahay kung hindi mo super alam pagkatao wag agad magtitiwala, dalang dala na talaga kami
Logged
Thanks to all the moms here for sharing!

mum_06

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 188
  • you're my greatest achievement.love you both!!!
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #48 on: November 06, 2011, 09:55:11 pm »

:( nakakatakot na talaga ang panahon ngayon.
dami ng masasamang tao..sana patatagin pa natin ang ating pananampalataya.

nung college ako naexperienced ko din na nalaslas bag ko pro di sya ngtagumpay
kasi masyadong makapal bag ko :D..meron din nahablot necklace ng friend ko
habang lulan kami ng jeep sa Aurora Blvd.

   yong brother in law ko na seaman,kabababa lang niya at ngreport sa ofis nila sa makati
nahypnotized ng isang guy na ngpapatulong sa kanya para makapasok sa company niya.
basta ngkausap daw sila tsaka namalayan na lang niya na sakay na sya ng taxi at malapit na sa
tinutuluyan niya sa sta.quiteria,wala na mga alahas niya at 40k cash..so sad :(..

sa ngayon daw Mommies totoo daw po yung kunwari ngbebenta ng perfume.wag na wag daw amuyin
kasi mahihilo ka daw at pgnanakawan ka o kukunin..yan kasi sabi ng sis ko sa western visayas daw may nawawala na nga at kinukuha ang mga organs...grabe ninerbyos na ako sa mga pangyayari ngayon.

  Let's keep on praying & be alert na lagi Mommies..keep safe po!
Logged
:) In God we trust :)

working_girl88

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 91
  • working girl
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #49 on: November 11, 2011, 02:21:34 pm »

naka experience din ako sa jeep nung dura gang. kasama ko friend ko going to divisoria. 3 silang sumakay ng jeep sa may bandang isetan, yung isa, katabi ko pa. pero buti na lang hindi ako yung naduraan. yung babaeng nakabag tas mukang mamimili sa divi ng madami. kami kase ng friend ko, naglakwatsa lang. malapit lang kase kami sa divi kaya pambahay lang suot namin. grabe, ang bilis lang lahat ng pangyayari. after kunin nung mga lalaki yung wallet niya, bigla na lang bumaba, hindi na nga nagbayad ng pamasahe. nagulat na lang kami nung sumigaw yung babae na wala na yung wallet niya, kawawa sya kase 20k daw yung nasa wallet niya, andun pa daw lahat ng cards niya..
after that incident, lagi na kong aware sa mga gamit ko, and as much as possible pag nasa labas ako, simple lang suot ko lalo na kung magjejeep ako mag isa.

may nakwento din saken yung friend ko, hindi naman sya magnanakaw, manyakis lang, SOBRA!
yung friend ko sumakay ng fx sa marikina. sa likod sya kase medyo mataba sya. pag sakay niya, nakita niya na may naghahalikan sa gitna ng fx. maganda daw yung girl tas yung guy, medyo matanda na tas (sorry for the word) pangit. hindi na lang daw niya pinansin kase kala niya mag bf sila. tas nung malapit na sa terminal ng fx, bumaba yung guy. nagulat sya kase hindi kasama yung girl. tas biglang umiyak yung girl, sabi niya hindi daw niya kilala yung guy tas tinutukan daw sya ng icepick kaya wala syang nagawa. pinahawakan din daw sa kanya yung bird nung guy.. grabe, super loser manyakis! nung kinukwento un ng friend ko samin. nadidiri ako.. ibat iba na talga ang trip ng mga tao ngayon.. ingat tayo mga sis!
Logged

kawaiimaridel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
  • Live life to the FULLEST with GOD
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #50 on: November 11, 2011, 08:15:02 pm »

mga sis eto naman yung naexperience ko at di ko malilimutan ng bongga...

buti na lang talaga im very aware with modus operandi dahil mahilig akong manood ng tv...
medyo mahaba lang...

pumunta ako sa tita ko sa san juan to pick up yung mga paninda na binigay ng pinsan ko,mga 3 kahon yun..hinatid pa ako ng pinsan ko at nagbibiruan pa kami nung isinakay niya ako sa taxi na pinara niya,sabi ko saa taxi driver sa cainta ako pahatid,ayun...nung nasa betty-go belmonte na kami going to cubao nakakaamoy na ako ng mabahong amoy from aircon at punas ng punas na siya ng basang face towel..eh napanood ko nayung ganun,kasi pampatulog yun..as in pinatatag ko ang sarili ko,buti na lang at aware ako...tinext ko agad ang plate # at tinawagan ko kaagad ang asawa ko na nasa marikina that time...grabe talaga ang kaba ko nun at halos makatulog na ako sa amoy..sabi ko sa asawa ko na clueless na sundin niya ako sa isetan cubao,as in nagtataka yung asawa ko kung pano niya ako masusundo..as in nagagalit pa siya sa akin..pero firm pa din ang pagkakasabi ko na sunduin niya ako dun..at sinabi ko sa driver na tinext ko na ang plate # niya at pinapaamoy niya ako ng  pampatulog..di siya nagsasalita...bubuksan ko sana yung bintana pero walang hawakan yung bukasan,sabi ko sa kanya  pag may nagyaring masama sa akin alam na ang # niya,hindi ko din mabuksan ang pinto gawa ng sira ang lock ng pinto...pinabuksan ko sa kanya yun ng pilt..nasa edsa kami nakabukas ang pinto ng taxi..hindi ko na naisip na humingi ng tulong or sumigaw kasi nanghihina na ako at nagpapanic na utak ko..pero tinatatagan ko pa din...pinilit ko talaga siya na pababain ako sa isetan...nung nakababa na ako dun lang siya nagsalita at sinabi niya na gamot daw niya sa hika yung naaamoy ko,minura ko siya at sinabi ko na wala akong hika para paamuyin ng gamot niya..sani ko isusumbong ko talaga siya sa mga pulis..kahit super nanginginig na ang mga tuhod ko...grabe kaya never ever na akong sumakay ng taxi na mag-isa kahit magcommue na lang ako wag lang taxi....kasi paano kung nakatulog ako,ok lang na kunin niya lahat ng gamit ko,paano kung marape pa ako or itapon na lang sa daan ng hubo't hubad..im sorry for the word pero lets face the truth,tulog ako nun at yun yung mga naimagine ko..im so blessed that God gave me strength to face that eviil thing...
Logged
iloveyou my princess paula..eventhough you cant smile...but you are the only one who makes me feel special mom and be contented in my life...iloveyou too daddy joel..

MommyMichell

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 86
  • Love my smart kids!
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #51 on: November 12, 2011, 01:07:12 am »

buti sis kawaiimaridel natext mo agad kay mister at nakaligtas ka, naku hirap naman kaya takot din ako magtaxi kaya hindi rin ako talaga umaalis mag-isa unless ever lang pupuntahan na medyo malapit lang talaga at safe kasi pag di ko kasama si mister, sakay ako ng tricycle dito sa amin hanggang ever tapos pauwi yung tricycle naman ng ever sasakyan ko

nalaslasan na rin ako ng bag pero walang nakuha kasi naramdaman ko yung paglaslas, matandang lalaki sa may sakayan ng bus sa Edsa Central pasakay ako ng Ortigas Ilalim na bus, sumabay sya samin nung friend ko kunwari pasakay buti na lang isang paa ko pa lang nakahakbang naramdaman ko ng nilalaslas yung bag ko kaya binalingan ko yung matanda ayun tumakbo agad palayo
Logged
Thanks to all the moms here for sharing!

kawaiimaridel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
  • Live life to the FULLEST with GOD
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #52 on: November 12, 2011, 09:17:29 am »

kaya never na talaga ako nagsolo sa taxi...dami na ding times na muntik na akong madukutan as in nasa loob na ng bag ko yung kamay nila...sa farmers cubao,novaliches bayan,even naglalakd ako sa edsa at aurora blvd. yung mga batang kalye at mga pulubing gusgusin,sa malll naman disenteng tingnan pero may sungay pala....as of now di pa naman ako nawawalan ng kahit ano,kasi sa totoo lang pag nasa biyahe ako mag-isa lahat ng katabi ko suspect agad sa paningin ko..tsaka nakakalat ang pera ko..baka kasi mamya makuha wallet ko wala akong pamasahe pauwi..basta lakasan nyo lang lagi pakiramdam niyo like me...kaya lang may mga magagaling talaga sa ganyan...
Logged
iloveyou my princess paula..eventhough you cant smile...but you are the only one who makes me feel special mom and be contented in my life...iloveyou too daddy joel..

momofrainchira

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 233
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #53 on: November 12, 2011, 05:32:40 pm »

ako man nabiktima ng taxi gang na yan,dala ko 14k cash,pambayad ng rent sa house at kuryente.noon kasi ugali ko sa harap sasakay .nangyari eyo along alabang zapote road,yung tapat ng festival madamo p  yan,may sumakay 3 sa likod,isang tomboy tas 2 lalaki nataranta ako sa pagkagulat kasi bakit nagsakay yung driver eh taken ko n yung taxi niya,ngalit ako pero hinihila n yung backpack ko,nanlaban pko kaya puro ako kalmot sa braso tas nagsalita yung driver wag n daw ako lumban kasi masasaktan lang ibigay ko n daw,tas yun pinababa ako dun sa tapat ng bellevue hotel ba yun...basta madamo p din yung paligid,as in wala ako pamasahe eh las pinas pko uuwi naglakad ako tas nung may nkita ako police station humingi ako tulong tas tinwagan nila hubby ko...

binilhan niya ko ng pepper spray until now pinagdadala niya ko nyan,naghahanap nga kami ng dagger eh yung pang kuryente kasi mas madali gamitin ata un...
Logged

Aragtrz

  • Global Moderator
  • Jr. Member
  • *****
  • Posts: 72
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #54 on: November 13, 2011, 11:41:06 am »

^Sis momofrainchira ang lakas ng loob mo manlaban sa masasamang loob buti wala naman nangyaring masama sayo.. Next time (wag naman sana mangyari) kapag natyempuhan ka wag kang lalaban kasi hindi mo rin masasabi baka malalakas ang loob ng mga yun na pumatay. Kaya ang the best talaga wag magdadala ng malaking cash para kung matyempuhan man hindi nakakapanghinayang kung ano ang makuha.

Naalala ko yung news dati, matagal na itong news kasikatan pa ng nokia 3210 & 3310. Namatay yung binatilyo kasi pinipilit na kunin yung 3310 niya kaya ayun binaril siya ng holdaper... magkano nalang ba ang 3310 ngayon? Siguro sa P300 magkakaron kana non. Sayang ang buhay ng binatilyo.:(
Logged

imeego

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 340
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #55 on: November 13, 2011, 12:42:01 pm »

share ko naman experience ko dito...we went to MOA with my friend, cousin and his wife..dumating kami dun around 1030 to 11 am siguro so konti pa lang tao...pasok kami sa isang store tingin-tingin, ako napahiwalay sa kanila...dun sa store may napansin akong magkakasama na 2 adults and 2 kids, parang nanay, lola and kids na aged 6 to 7 siguro, yung lola at isang kid nakaupo, while yung dalawa nakatayo kunwari nag-uusap sila,...mali ko dumaan ako sa tabi nila, ginawa nung lola at isang kid tumayo din sila so parang na-sandwich ako between dun sa apat...nung una, kala ko wala lang yun na nagkataon lang...paglipat namin sa kabilang store dun ko napansin bukas na zipper ng bag ko and wala na wallet ko..i knew right away na sila ang culprit kasi magtataka ka na nandun sila eh medyo high end yung store and yung suot nila ang dudungis (di naman po sa nanlalait ako no) saka bukod sa kanila eh kami lang nung mga kasama ko nandun :o sobrang taranta ako kasi nandun yung atm ko and 2 credit cards baka magamit nila, ok lang yung cash eh (pero sayang din kasi 6k din yun hehe)...buti na lang nareport ko agad sa credit card company...funny thing is after a month may tumawag from that store and nakita daw ng guard yung wallet ko with my prc id...so binalikan ko sya and true enough yun na lang laman, everything else wala na...kaya ingat po lagi sa mga ganun, kunwari gigitgitin ka yun pala strategy talaga nila yun >:(
Logged

momofrainchira

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 233
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #56 on: November 13, 2011, 07:37:42 pm »

@coolmom...ang tapang ko nun kase naisip ko lang baka maputulan kame ng kuryente dahil pambayad nga din yung pera,pero later on narealize ko na delikado talaga yun,hindi ko na uulitin hehe...eto nga sinabihan ko yung sister ko pag naka encounter ng mga ganitong eksena eh deadma nalang at ibigay nalang agad...
tsaka pag nag tataxi ako pinapatext ng asawa ko yung plate number agad.nangyari eto wala pa kaming anak kaya siguro wala akong masyadong takot,pero now nagiingat na rin para sa mga anak ko...
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3237
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #57 on: June 25, 2012, 03:50:18 pm »

Medyo aware na ako sa mga MO from the news, stories of friends and experiences I read here on SP. Hindi sarili ko ang worry ko kundi ang anak ko. Pretty soon dapat matuto na siya ng errands, hindi ko naman pwedeng ikulong sa bahay forever just to make sure she's safe. Ayoko rin naman punuan ang isip niya ng mga dangers sa streets.
How can I protect my kids from these MOs? Anong MOs ba na bata ang laging nabibiktima?
Logged

trishevil

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 692
    • View Profile
Re: Beware! Holdaper New Modus
« Reply #58 on: June 25, 2012, 04:55:21 pm »

Totoo po ito kasi yung anak kong college student sa rtu boni e na-experience po ito.pauwi na siya at sumakay sila ng mga classmates niya sumakay sila ng jeep sa me acacia lane,

^sis sunshine23 - sa Acacia Lane? Naku yan ang route ko pauwi during the time na nangyari yan.. bakit parang hindi naman naibalita sa TV? Nakakatakot naman. Possible na same lang yung story kasi may street near Acacia Lane na F. Ortigas ang pangalan. Ang main road near Acacia Lane is SHaw Blvd., then if going Boni ka, labas mo is P.Cruz Street. Nag-jogging kasi kami ng sister ko around the neighborhood. Medyo madilim lang talaga sa Acacia Lane at maraming Informal Settlers.
« Last Edit: June 25, 2012, 05:07:44 pm by trishevil »
Logged

jealousygirl

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 82
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #59 on: June 25, 2012, 06:24:53 pm »

Hi mga mommies.. Now ko lang nabasa tong thread na to,, I was so shockes, nung nabasa ko yung story na share ni thread starter.. I heard that same as in same story last year.. ka ofismate ko nag kwento sakin,,  nakakatakot, nung marinig ko yun, para kong natakot mag jip, bigla,, kakapraning..

then last year, may ka ofismate naman ako na naholdap sila sa FX, papuntang Antipolo,pinababa sila sa madilim na lugar, at pinagkukuha wallet nila, at tinutukan pa sila ng baril.

then last year rin mga Nov.  victim rin ako ng modus na laslas bag gang,, nakasakay ako sa jeep, tanghaling tapat., feeling ko yung katabi kong mama na amoy kili kili ang tumira ng bag ko at ng phone ko,,  :'( 

sobrang dami na talagang masasamang tao sa panahon natin now,, nakakatakot for our kids sa mga susunod pang mga panahon at araw...

pray,, pray at pray lang talaga,
Logged
Pages: 1 2 3 [4] 5