Muntik na po ako mabiktima 2 weeks ago ng mandurukot. We were at MOA complex papasok ng isang store. Entering the door, I felt a tug on my shoulder bag then there's someone's scarf on my bag. Hinawi ko yung scarf and this person slowly pulled it away. I discovered the zip of my bag was open na. When I looked up, bading yung tao. Churang-chura pa lang mukha nang magnanakaw.
Tinarayan ko siya at pinahiya ko (may mga customers sa loob ng shop) "Yung bag ko binuksan mo!" Kalmado siyang deny to death, ako daw ang nag bukas nun. Napaisip tuloy ako na baka hindi ko nasara after it inspected by the SM guards many times. Agad kong tiningnan kung may nawala. In the 1st place, wala naman talagang valuable sa bag ko.
Pa simpleng iniwan ako nung bakla at pumasok na nagpapanggap na customer. Hearing the commotion hinarang siya ng asawa ko sa loob. "Anong problema!!?" Bading was trying to explain na I mistook him for something about my bag then went to the counter pretending to look at the merchandize. Sinenyasan ko husband ko na walang nawala sa bag ko and I kept staring at the bading. I know hindi siya pumasok para bumili, halata namang wala siyang pambili at walang alam sa mga products doon. True enough, pasimpleng umalis at dumaan sa harap ko (no other way out) papalabas nagsosorry. Huh? Ba't siya magsosorry?
Later on I asked the store staff to check the videos. Dami nilang camera. Kaya siguro napalabas agad yung bading, kita niya daming CCTV. When the staff replayed the video, nagdagsaan lahat ng customers sa monitor. Everyone was aware pala of what happened. It showed na tumitingin pa lang kami sa window ng store, sinusundan na ako nung bading. The incident was captured alright pero zoomed out kaya hindi detailed ang mukha nung bading. I was assured by the staff that they will keep the video in file.
Though walang nawala sa akin, I still felt in shock. Ganun pala maka experience ng muntik nang madukutan. What more yung talagang nadukutan at mahal ang nadukot sa kanila? I had sleepless nights feeling angry (sana subukan niya ulit akong biktimahin at tatamaan na talaga siya sa akin), angry at myself (sana higit pa dun ang ginawa ko, sana nagiskandalo ako at nagpatawag ng security), scared (what effect will this have on my kids?) and prayerful (Diyos ko kayo nang bahala sa kaniya. Let him experience your punishment, glory or forgiveness, kung ano man ang ihahatol niyo sa kaniya).
My deep regret is sana nakuhaan ko ng pic sa cel ko, sana hindi na ako nagdalawang isip na siya nga ang nagbukas ng bag ko. I guess when you are in this situation, a feeling of doubt or denial will set in (hindi nangyayari ito, baka naiwan ko ngang bukas ang bag ko. etc.) tapos that will stop or slow you down from thinking of the right action to take (ayaw ko ng iskandalo, hindi pa ngnayayari ito sa akin at hindi ngayon). A few days after that, yun ang laman ng isip ko, puro negativity. I need to wake up and move on.
Kaya kung mangyari po ito sa inyo, seeing a cover on your bag and your bag open after lifting the cover, wag na kayong magduda. Binibiktima na kayo. Do anything you can, scream, get him off guard, take a picture, anything.