Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 ... 3 4 [5]

Author Topic: Beware: mga Modus Operandi  (Read 39045 times)

ahyzeyuh

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1065
  • im a good person,just keep on making bad decisions
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #60 on: June 26, 2012, 11:34:08 am »

natakot naman me dun sa saksakan na nangyari-- everyday nagtatravel kasi tayo going to work

warning sa my mga sari sari store o tindahan

nangyari eto sa store namin 3x na kaya sinara na namin- para kasi hindi maganda


my bumili sigarilo- 1pack (worth 40ph), 500 yung pera on both instance
, pagka-abot ng sukli dun sa mama, hindi pa siya umalis.. naglabas siya uli ng pera 1k-- sabi niya, baka my panukli pa kayo..
then he asked patingin nga nung bayad ko kanina
pinakita naman ng pinsan ko-- pagka-kita nung lalaki ng pera hinablot niya sabay takbo- sa kabilang street my motor na naghihintay sa kanya
--during the 1st instance pinsan kung lalki 15yrs old ang nagbabantay
2nd time na nangyari yung kapatid naman niyang 19 yrs old ang nabiktima---

merun pa-tita ko naman nabiktima

yung 2 babae- bumili 2 softdrinks and 2biscuit- pera 500 din

tambay muna sila, kumain ng binili nila-- medyo busy yung tindahan namin kaya busy busyhan si tita

after kumain- they asked for the sukli- my tita said nasuklian na sila
but the 2 ladies insist na wala pa
sabi ng tita ko - sigurado ako nabigay ko na
eto yung pera niyo 500, then yung 3sumunod sa inyo 100 and 2 tig 50 naman

yung 2 babae super insistent talaga na wala pa yung sukli kaya binigay na lang ni tita--

few days after my nabalitaan si tita my 2babae nahuli at dinala sa baranggay dahil sa panloloko-- ilang mini grocery store, botika at hamburger store na pala nabiktima nila. nadali sila sa botika dahil  my cctv--
Logged

insensitive

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 896
  • i didn't know i was capable of feeling so much...
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #61 on: June 26, 2012, 12:07:10 pm »

Last week nung nasa bahay kami ng pinsan ko may nagbabahay bahay na nanay..nanginginig sya, umiiyak kasi nawawala daw anak niya at kinuha nung lalake..tinanong namin kung paano nangyari..nagkwentuhan lang daw sila tas nacute-an sa anak niya kinarga,.pinakarga naman niya..mga ilang minuto nalingat lang sya wala na :'(

dun sya naghahanap sa area namin kasi pakilala nung lalake taga dun daw sya..eh wala naman nakakakilala dun pala..MODUS!

hay kawawa yung nanay...

sa mga mommies dapat aware din tayo sa mga ganito..nung time may ganyang balita naiimagine ko na ang ganyang scenario(ayun nangyayari pala talaga) kaya ang bilin ko kahit kakilala,kapitbahay wag ipapahawak ang anak ko..
Logged

pichi

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #62 on: August 20, 2012, 12:24:14 am »

scary talaga yung nangunguha ng bata na yan. ano na balita sa kanila? grabe talagang mga sindikato na yan. ako once na biktima na ng laglag barya gang. kainis feeling ng mabiktima ka. hayyy
Logged

BlueAby

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 461
  • Mother of two
    • View Profile
    • CS_CuteShoppe FB Page
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #63 on: August 28, 2012, 12:03:20 pm »

Nangyari na rin sa akin yung Dura Gang along Quezon Ave naman. Buntis ako that time at nakikinig ng music sa cp ko. Then inipit ako ng mga lalaki, so deadma lang since punuan yung jeep. Then may nagsabi bigla na may dumura daw sa labas ng jeep at tinamaan nga daw ako nung dura. Sinisilip ko pa muna yung labas ng jeep, wala naman akong nakita na dinaanan namin na may tao. Then yung sa tapat ko nag offer ng bimpo pamunas ko daw sa buhok ko. Sya muna ang nagpahid nun not thinking na inaalis na pala niya ang earphone sa tenga ko. Nauna na silang bumaba ng jip nun. Nung binalik ko na yung earphone sa tenga ko wala na akong marinig na music kaya binuksan ko bag ko para i-check yung cp ko. Nagulat na lang ako nung di ko makita cp ko. Mababa naman unit ng cp ko. kaso yun lang ang cp ko  :'(
Logged

trishevil

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 692
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #64 on: August 28, 2012, 12:33:53 pm »

^bad naman nun!!! di ka man lang nirespect..alam na buntis ka.. tsk tsk tsk..
Logged

YANCY&SOPHIE'Snanay

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 218
  • I LOVE YOU NEY AND SKY...LET NO ONE HURT US.
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #65 on: August 28, 2012, 01:05:49 pm »

Share ko lang mga sisters...nangyari ito a couple of years ago...sakay ako jeep, sa may estribo ako lagi pumupuwesto poara madaling makababa....near heart center, along east ave., may sumakay 5 na lalaki...alam ko agad bad sila kasi yung remark nung isa "Panis pare, meron na sa dulo"  katapat ko isang lalaki, employee sya ng Heart Center, tabi niya vacant then lalalaki ulit. isa dun sa lima pumagitna dun sa Heart Center employee at dun sa sia pa pasahero.  yung 2 sa likod ng driver then yung isa pa sa unahan then yung panglima sa may gitna dun sa side ko naman.  Andar na jeep, mayamaya yung guy na nakapagitna sa Heart Center employee at sa isa pa pasahero bigla may tinuro opposite their side (so sa side ko, labas ng jeep kunwari) "paren ayun." tendency ng mga pasahero syempre tumingin din dun sa tinuturo nung guy, ako sa kanya ako tumingin, ayun, yung right hand niya kinukuha na yung wallet nung guy na katabi niya.  nanginig na me, then sa bhi nung taga Heart Center sa akin, "O lika, na, andito na tita mo." BUmaba kami pareho.  although hindi ko sya kilala, then lakad kami pabalik then sabi niya sa akin, "O sige, ingat ka, mga mandurukot kasi yung mga yun." dun na kami naghiwalay pero pasalamat ko sa "Angel" ko talaga....

another time, this year lang, pauwi me sakay jeep going to Novaliches Bayan.  Feeling ko nilalaslas yung bag ko (nike pa mandin, bigay ni hubby huhuhu) yung teenager na katabi ko talagang tinitigan ko ng matalim as in! bigla syang lumundag.  buti na lang double lining ang Nike Bag (moral of the story, Nike Bag ang bilhin hehe joke).  wala nakuha pero nag iwan ng ala-alang maliit na hiwa....
Logged

Nathan27

  • Newbie
  • *
  • Posts: 38
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #66 on: August 28, 2012, 01:49:32 pm »

hmmmm... hindi ako magaling mag kwento..,. gusto ko lang din magshare.
experienced naman ito ng friend ko.
from their house, sumakay sya ng jeep going to office. hindi niya ugali sumakay sa pinakadulo ng jeep.. but then yung lalaki na nasa dulo naggive way sa kanya... so doon sya napaupo.
habang umaandar yung jeep.. ginigitgit sya nung lalaki.. at itinataas pa yung kamay niya na may bag sa harap ng mukha ng friend ko, kunwari hahawak sya doon sa hawakan.. three times daw yun ginawa nung lalaki. so nagdecide sya lumipat ng upuan... kaso inunahan sya nung katabi ng lalaki. so wala na nagawa ang friend ko,, ang iniisip naman niya bumaba na lang ng jeep, kaso nung naghahanap na sya ng bababaan.. wala sya makita na matao. inisip niya kz baka sundan sya at gawan ng masama.
the worst scenario na nangyari... parang may naamoy  sya dun sa bag nung lalaki kasi nga halos nasa mukha na niya, ayun nahimatay ang friend ko... at habang umaandar ang jeep.. nahulog sya. wala pa din sya malay nung isinugod sa ospital. take note 1 month paralyzed ang mukha niya. yung parang na stroke.
pero thanks god, ok na sya ngayon. continous theraphy kasi. at until now di pa din nahuhuli. nung inireport niya yun sa police.. e sabi nung mga police marami na daw yun nabiktima.. kasi iisa ang pagkakadescribe niya ng mukha nung lalaki
Logged

graciemie

  • Newbie
  • *
  • Posts: 29
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #67 on: August 28, 2012, 04:18:47 pm »

Just wanna share our experience, twice na sila nabiktima sa bahay (talagang naulit pa!) yung first time may bumili sa tindahan namin, almost 800 daw yung nakuha kaso nung magbabayad ba naglabas ng 1000 na bill kaso walang panukli, ang sabi ibabalik nalang niya since bisita lang siya sa street namin so pumayag mother ko. we live in a subd. kasi so di mo aakalain talaga may makakapuslit na ganun. Then nung naisip ni mama tingnan saan bahay nakita niya biglang tumakbo papalayo at sobrang bilis daw buti hindi na hinabol ni mama kasi mag-isa lang siya sa bahay that time baka naman may biglang sumalisi ang pasukin ang bahay, kaloka!
Then second time, ganun din ang nangyari with the same experience medyo kinabahan na si mama so nung sinabi na ibabalik nalang nag-offer nalang sila na sasamahan ng cousin ko na bagong salta sa manila para ipadala nalang yung bayad saan man sila magpapapalit, kaso almost 2hours na hindi pa bumabalik yung cousin ko, imagine the takot na mayroon na sila kasi baka ano na ginawa etc. lagot kami sa parents nun! buti nalang after ilang ikot sa lugar namin nakita cousin ko sa isang street na naghihintay pa din, it turned out iniwan daw siya nung ale ang sinabi "bhe hintayin mo ko dyan ibabalik ko sau bayad". at naghintay nga siya! hay ang mga nangangailangan nga naman kahit anung paraan gagawin makapagnakaw lang. kaya kami sa bahay super ingat na ngaun, if hindi na nga kilala di na nila pinagbibilhan minsa.
Logged

BlueAby

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 461
  • Mother of two
    • View Profile
    • CS_CuteShoppe FB Page
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #68 on: August 28, 2012, 04:36:14 pm »

Another thing din happened to me and my hubby last year. Pauwi na kami galing office. At that time wala sa plano na sasabay sa akin pag uwi ang hubby ko and na dun sya sa bahay namin matutulog since separate parin kami ng bahay. Around 12-1am na yun, sa may escribo kami nakasakay at aantok antok na. May 3 pang pasahero yung jeep that time, Isang girl sa tabi ng driver, 1 manong sa likod ng driver then may katapat sya na isa pang girl (kahilera namin yung girl). Then pagdating sa may Araneta (sa may tulay) may pumara na dalawang binatilyo. Since nasa eskribo kami ng mister ko kitang kita namin na habang papalapit sila ng jeep ay hinuhugot na nila sa loob ng sando nila yung kitchen knife. Di naman ako natakot that time at naisip ko pa na bunutin ang pepper spray ko. Unfortunately iniisip ko ang mister ko since sya yung nasa pinakadulo and yung isang lalaki dun pumwesto as in humarang sa pasukan at yung isa yung pumasok sa dulo. Naglaban pa yung babae na kalinya namin (malaki din yung katawan nung girl) pero nakuha parin yung bag niya. Sinisenyasan ko ang mister ko kaso di niya magets. Di ko din maipahalata ang senyas ko kasi baka makita ng bantay sa likod na nilalabas ko na yung pepper spray ko. Then ako na yung pinuntahan nung binatilyo. Pilit niya inaagaw yung bag ko. Pero ayaw kong ibigay kasi nandun yung bagong bili ko na cellphone. Pero nung inambaan na niya ako ng saksak, nagmamadali yung mister ko na hablutin yung bag ko sa akin at binigay sa holdaper. Tapos nun kinuha din yung bag niya. Tapos nagmamadali na silang bumaba ng jeep. Then yung katabi ko na babae iyak ng iyak, akala ko dahil lang sa bag niya. Yun pala puro hiwa ng kutsilyo yung dalawang braso niya.

Inis talaga ako sa mga holdaper na yan. may Isa pa sa may amin 16yo binaril. Kinukuha kasi yung motor sa kanya eh hiniram lang niya sa papa niya kaya ayaw niya ibigay. Ayun walang awa na pinatay yung binata.

Another is sa may Guadalupe, tapos na yung incident nung napadaan kami dun. Sabi ng driver namin may inisnatchan daw na babae, kaso sinundan pa niya yung snatcher, di niya alam may kasama pala. Pinagsasaksak daw, wala naman tumulong dahil sa takot.
Logged

trishevil

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 692
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #69 on: August 28, 2012, 04:54:06 pm »

^OMG..ganun na ba talaga kabrutal ang mga holdaper?

may nangyari din malapit dito sa office namin na ganyan. Yung officemate ko na male, nag-aabang ng jeep na (Pasig-Quiapo). then dun sa corner nakita niya na may 4 na guys (around 18-25 daw ages nila) na nag uusap.
1: Ano kaya mo ba?
2: Kaya!, Tara.

Tapos sumilip sila sa jeep sa unahan. (stoplight kasi). Then dun sa next sila sumakay. yung 1st jeep daw kasi puno. Yung 2nd jeep. 4 lang sakay..3 College girls at isang college boy. Pagkasakay nila nagdeclare ng hold-up tapos inagaw mga bags nila. Nung tumatakbo na, hahampasin daw sana ng payong nung officemate ko kaso nakita niya na may  baril pala na tinatago kaya nagstep back siya.

After nung holdup, bumaba yung 2 pasahero ng jeep, Yung girl at yung nag-iisang boy. Yung boy gusto habulin yung mga holdupper kasi andun yung project niya (engineering student kasi). Tapos luckily di nakuha yung phone at wallet niya kasi nasa bag). yung girl na-shock. Tapos nung pinuntahan na sila ng mga tao na nag-uusisa, napansin nung officemate ko na yung isa sa mga holdupper, di sumabay sa pagtakas. Casual lang na bumaba sa jeep at naglakad-lakad at take note, nagkunwari pang pasahero rin daw siya buti na lang daw wala siyang dalang gamit. Di nila nagsalita yung officemate ko. Tinitigan niya lang. Yun pala, lookout yun. Tinitingnan kung may nakakilala sa kanila at kung may magsusumbong.

Yung boy, pinigilan nila na hab ulin yung holdupper kasi sa Muslim Community nakatira yung mga holdupper at dun sila nagtago.

Nakakalungkot lang kasi yung mga Muslim na kakilala ko, mababait lahat. Friends ko nga sila eh tapos nasisira reputation nila sa mga Catholics dahil sa ginagawa ng iba sa kanila. May mga tao kasi na nagja-judge ng mga Muslim as "terrorists" agad..napaka discriminatory nila. Tapos nadadagdagan lang reason nila para ijudge sila that way dahil sa fault ng iba. Kawawa naman yung mga mabubuting tao.
Logged

trisha88

  • Newbie
  • *
  • Posts: 43
  • The hardest job is being a PARENT not a PRESIDENT
    • View Profile
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #70 on: September 08, 2012, 03:16:44 pm »

Grabe talaga mga holdupper na yan. hindi man lang lumaban ng patas. Pumapatay pa. Yung baril ba nila eh may bala talaga yun? Lalo na ngayon mag papasko.

Sa Taft Ave. , bandang Quirino, nakita namin (nasa FX kame) yung mga bata nakaupo sa isang tabi, mga 4 siguro sila. tintignan ko kasi mukhang di gagawa ng matino. Tapos ang weird nagpalitan sila ng damit nung isang bata, kaya sabi ko sa kasama ko na ilock yung door ng FX, ugali ko kasi yun na ilock agad pagsakay ko. Tapos ayun, yung nakipagpalit ng damit, naglakad sa may jeep tapos biglang hinablot yung hikaw nung babae na naksakay sa jepp. Naka stop kasi that time. Tapos parang casual lang naglakad palayo, nagplait na sila ulit ng damit nung kasa,a niya at umupo lang ulit. Normal lang. Binuksan ng driver ng FX namin yung pinto niya at sumigaw na magnanakaw daw yun, yung medyo mas matanda sa kanila na binata, nagalit ba naman, babatuhin FX na sinasakyan namin. Grabe talaga!!!
Logged
The hardest job is not being a PRESIDENT but being a PARENT

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3237
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #71 on: February 28, 2013, 11:39:31 am »

Muntik na po ako mabiktima 2 weeks ago ng mandurukot. We were at  MOA complex papasok ng isang store. Entering the door, I felt a tug on my shoulder bag then there's someone's scarf on my bag. Hinawi ko yung scarf and this person slowly pulled it away. I discovered the zip of my bag was open na. When I looked up, bading yung tao. Churang-chura pa lang mukha nang magnanakaw.
Tinarayan ko siya at pinahiya ko (may mga customers sa loob ng shop) "Yung bag ko binuksan mo!" Kalmado siyang deny to death, ako daw ang nag bukas nun. Napaisip tuloy ako na baka hindi ko nasara after it inspected by the SM guards many times. Agad kong tiningnan kung may nawala. In the 1st place, wala naman talagang valuable sa bag ko.

Pa simpleng iniwan ako nung bakla at pumasok na nagpapanggap na customer. Hearing the commotion hinarang siya ng asawa ko sa loob. "Anong problema!!?" Bading was trying to explain na I mistook him for something about my bag then went to the counter pretending to look at the merchandize. Sinenyasan ko husband ko na walang nawala sa bag ko and I kept staring at the bading. I know hindi siya pumasok para bumili, halata namang wala siyang pambili at walang alam sa mga products doon. True enough, pasimpleng umalis at dumaan sa harap ko (no other way out) papalabas nagsosorry. Huh? Ba't siya magsosorry?

Later on I asked the store staff to check the videos. Dami nilang camera. Kaya siguro napalabas agad yung bading, kita niya daming CCTV. When the staff replayed the video, nagdagsaan lahat ng customers sa monitor. Everyone was aware pala of what happened. It showed na tumitingin pa lang kami sa window ng store, sinusundan na ako nung bading. The incident was captured alright pero zoomed out kaya hindi detailed ang mukha nung bading. I was assured by the staff that they will keep the video in file.

Though walang nawala sa akin, I still felt in shock. Ganun pala maka experience ng muntik nang madukutan. What more yung talagang nadukutan at mahal ang nadukot sa kanila? I had sleepless nights feeling angry (sana subukan niya ulit akong biktimahin at tatamaan na talaga siya sa akin), angry at myself (sana higit pa dun ang ginawa ko, sana nagiskandalo ako at nagpatawag ng security), scared (what effect will this have on my kids?) and prayerful (Diyos ko kayo nang bahala sa kaniya. Let him experience your punishment, glory or forgiveness, kung ano man ang ihahatol niyo sa kaniya).

My deep regret is sana nakuhaan ko ng pic sa cel ko, sana hindi na ako nagdalawang isip na siya nga ang nagbukas ng bag ko. I guess when you are in this situation, a feeling of doubt or denial will set in (hindi nangyayari ito, baka naiwan ko ngang bukas ang bag ko. etc.) tapos that will stop or slow you down from thinking of the right action to take (ayaw ko ng iskandalo, hindi pa ngnayayari ito sa akin at hindi ngayon). A few days after that, yun ang laman ng isip ko, puro negativity. I need to wake up and move on.

Kaya kung mangyari po ito sa inyo, seeing a cover on your bag and your bag open after lifting the cover, wag na kayong magduda. Binibiktima na kayo. Do anything you can, scream, get him off guard, take a picture, anything.
Logged

BlueAby

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 461
  • Mother of two
    • View Profile
    • CS_CuteShoppe FB Page
Re: Beware: mga Modus Operandi
« Reply #72 on: March 04, 2013, 10:56:12 am »

Kami din muntik ng mabiktima ng Kidnap naman sa mall sa Taytay.

We were there para mag-grocery ng needs ng kids namin. And since pagod sila, nilagay namin sila on separate shopping cart hanggang sa nakatulog na sila doon. Tig isa kami ng shopping cart ng mister ko. May time na napapalayo kami sa shopping cart dahil masikip na yung way kaya kami na lang ang papasok, pero I make sure na di ako ganun kalayo sa mga anak ko and nakikita ko prin sila. Then may lumapit na ale. I was looking at her kasi binabantayan ko nga kids ko. I think di niya kita kung saan ako nakapwesto and she maybe thinking na malayo yung kasama nung mga bata. Kitang kita ko na sinisipat pa niya yung itsura ng mga kids ko. Then nung palapit na sya sa cart, lumapit na rin ako at nagkunwari na may inaayos sa mga kids ko. Then bumalik na rin sa cart ang mister ko. Yung ale biglang lumingon sa mga damit na nakadisplay sa may likuran niya. Being aware sa ginawa niya, I kept on looking at her. Para kasing kakaiba ang kilos niya. If she wants to buy clothes dun sa tinitignan niya na pwesto bakit di man lang niya hinahawakan yung mga damit? As in nakatitig lang sya sa mga damit. Habang papalayo na kami nakikita ko na napapalingon sya sa amin ng patago. I told it to my husband after kaming makalayo sa place na yun. And sabi niya sana daw ay nireport ko sa guard dahil kawawa naman kung may makuhang bata yung ale. Though nagdalawang isip rin kasi ako na baka isumbong ko sa guard then maling hinala lang pala ako at magcause pa ng kaguluhan sa mall. Sana lang walang nabiktimang iba yung ale na yun. Iniisip ko nga sana pala nakuhaan ko sya ng picture.
Logged
Pages: 1 ... 3 4 [5]