Parent Chat

Pages: [1] 2

Author Topic: toddler biting sibling and playmates  (Read 12707 times)

amfjusay

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 51
    • View Profile
toddler biting sibling and playmates
« on: April 26, 2011, 03:48:22 pm »

hi mommies. gsto q lang ishare ginawa ng anak q sa school knina. actually sobrang na sad talaga ako up to know sa ginawa niya. She is 2yrs old. pwede na xang iwan sa skul so hindi q na mkikita yung ginagawa niya. so nung susunduin q na siya kinausap ako nung teacher niya sbe nangagat siya kinagat niya yung clasmate niya kc naga2gawan sila sa toy. hindi q 2loy alam yung ga2win q o sa2bhin q dun sa teacher. ngsory nnlng ako dun sa yaya kc ala yung mother nung bata hindi narin ako nkapgsory dun sa bata kc naglalaro sila sa playroom hanggang sa nakauwi na kami at sila.
tlaga bang ganun kahit hindi q naman sa kanya tinuturo ng mangangat. kahit my ibang ginagawa xang bad pingsa2bihan q pa rin siya.
advice mommies hindi q talaga alam ga2win q parang ayaw q na siya papasukin sa summer class niya bka kung ano na2man gawen niya.

Mod's note:
Kids Hurting Others: How to Deal with our Children’s Hurtful Behavior

Read it on Smart Parenting. Click this link:
http://www.smartparenting.com.ph/parenting/real-parenting/kids-hurting-others-how-to-deal-with-our-children-s-hurtful-behavior

Post a question about this topic or share your experience.
Login or register to join this and other discussions! Members get a downloadable freebie upon registration or membership update.
« Last Edit: November 04, 2017, 10:37:09 pm by Mommyjazz »
Logged

I love_dadilove7503

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 222
  • I love my Family
    • View Profile
    • http://lb1f.lilypie.com/7rWEp8.png
Re: bad c baby.... :(
« Reply #1 on: April 26, 2011, 04:05:13 pm »

Hi mommy! Welcome to SP.
 I don't think naman na bad si baby mo, may ganyan talaga stage, though di nga tama. Siguro naman nakausap na din sya ng teacher and napagsabihan na di na niya yun dapat gawin for sure magtatanda naman sya dun, saka sa school matutunan niya din makibagay sa iba.. Siguro sis wala kalaro si baby sa house so tendency di sya marunong na inaagawan ng toy so akala niya pag inagaw dapat gumanti sya or gumawa paraan para makuha yung toy.. try mo din siguro na magkaron siya ng playmate. Yung panganay ko parang natandaan ko ganyan nun, kasi nga mag isa tas ayun tinawag ko yung kapitbahay namin para play sila, kaso pagtalikod ko feeling niya yata aagawin nung kalaro niya yung toy kaya ayun nakuha niya yung walis tas hinampas niya sa batang kapitbahay namin, kinausap ko sya sabi ko dapat play sila hiram lang yung toy, tas ayun eventually nasanay na ng may kalaro, yun lang namimili.. may mga type lang sya kalaro.. hehe.

Papasukin mo pa rin sya. Ska try also to reach out dun sa mommy nung kinagat niya,  mainam din kasi alam niya na nag sorry ka sa ginawa ni baby, anyway bata mga yun kaya for sure maiintindihan din yun nung mommy ng classmate niya.. Sayang ang summer class, matuto siya for sure makibagay pag tinuloy mo ang summer class niya... Cheer up mommy!! ;) ;)

Mod's note:
6 Ways to help Your Child Be a More Caring Ate or Kuya

Read it on Smart Parenting. Click this link:
http://www.smartparenting.com.ph/parenting/preschooler/6-ways-to-help-ate-or-kuya-be-more-caring-to-bunso-a00026-20171123

Post a question about this topic or share your experience. 
Login or register to join this and other discussions! Members get a downloadable freebie upon registration or membership update
« Last Edit: December 08, 2017, 12:49:07 pm by Mommyjazz »
Logged

goodmornin

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 144
    • View Profile
    • Gourmet coffee business
Re: bad c baby.... :(
« Reply #2 on: April 26, 2011, 05:25:22 pm »

dont feel so bad mommy. ang galing nga ng anak mo 2 y/o pa lang pwede na iwan! ganyan talaga mga bata, di pa nila macontrol emotions nila..e inagawan sya ng toy! di niya siguro ma-express yung frustration niya..she'll learn to share lalo na she's exposed to other kids..i think it's innate for kids to not want to share..eto ang kailangan natin ituro as parents..

sa other kid, baka wala lang yun sa kanya deadma lang..bukas naglalaro na sila ulit together hehe
Logged
Trick Photography and special effects http://www.specialeffectsphotography.net

mamacharis

  • Guest
Re: bad c baby.... :(
« Reply #3 on: April 26, 2011, 06:49:33 pm »

tama sila sis! hindi bad si baby. ganun talaga ang mga bata. ang dapat lang pagsabihan sila para malaman nila na hindi tama yung ginagawa nila at later on titigil din sila.

Share ko lang.. yung pamangkin ko laging nanampal, nanabunot o nangangagat nung 2 yr old sya pero ngayong mag 3 na sya nawala rin naman.. meron sigurong stage yung mga bata na ganun o tumitigil din siguro sila kapag alam nila na hindi tama un. yung pamangkin ko na un ilang months din niya gagawin un pag nakakarinig sya ng hindi niya gusto o di napagbibigyan.  ;D
Logged

♥♥♥mommyangel♥♥♥

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 378
  • HAPPINESS! :)
    • View Profile
    • The Who Mom
Re: bad c baby.... :(
« Reply #4 on: April 26, 2011, 10:40:02 pm »

don't feel bad mommy.. my daughter din sa shool, may nakaaway din, pero after a day lang, ok na ulit. dumadaan talaga sa stage na ganyan ang mga bata. pero kinausap ko siya nun ng mabuti, na hindi na siya mag school pag inulit niya pa yun. wala din kasi ibang kalaro anak ko kaya hindi nasanay pero nung nag school naman, ok na. and ang galing naman, 2 yrs old pa lang anak mo naiiwan na siya? kausapin mo na lang siya mabuti, masasanay din siya. sayang naman ang summer class diba? time na din para matuto siya makisama sa ibang bata.
Logged

amfjusay

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 51
    • View Profile
Re: bad si baby.... :(
« Reply #5 on: April 27, 2011, 12:02:10 am »

Thanks mga mommies s advice kht papaanu nrelieve yung sadness ko s nangyre.
Yup 2yrs old siya at talagang ala xang playm8 dito s bhy. Kc yung mga bta dito smen hndi niya kcng age tpos yung mga cousins mal2yo naman amg house totaly me lang ang kasi den d rest of d family. 
Cgro yung mommy  nung clasm8 ng baby q feeling q galit n glt un. sana mkta q siya bks para mkausap q.
« Last Edit: April 27, 2011, 07:12:10 am by amfjusay »
Logged

♥♥♥mommyangel♥♥♥

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 378
  • HAPPINESS! :)
    • View Profile
    • The Who Mom
Re: bad c baby.... :(
« Reply #6 on: April 27, 2011, 01:02:50 am »

2 yrs old pa lang naman siya, di man niya maintindihan kaagad, kahit ipakita mo lang na upset ka or hindi ka natuwa sa ginawa niya. kasi if pagagalitan lagi, baka di niya din maintindihan. basta lagi mo lang siya kausapin.
Logged

amfjusay

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 51
    • View Profile
Re: bad si baby.... :(
« Reply #7 on: April 27, 2011, 06:52:06 am »

thank you sa inyo . sana maging positive today yung pagpasok ng baby ko sa school ngayon.
« Last Edit: April 27, 2011, 07:08:47 am by amfjusay »
Logged

amfjusay

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 51
    • View Profile
Re: nangangagat si baby ng classmates niya.... :(
« Reply #8 on: April 28, 2011, 02:13:28 pm »

let me share again yung ginawa ng baby ko for yesterday and today. She bite again and hit one of her classmates. sobrang nasasad ako  sa nangyare.
Logged

I love_dadilove7503

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 222
  • I love my Family
    • View Profile
    • http://lb1f.lilypie.com/7rWEp8.png
Re: nangangagat si baby ng classmates niya.... :(
« Reply #9 on: April 28, 2011, 02:18:55 pm »

Hi Sis! sad na naman.. hay talaga ganyan,  lahat ng bata may ganyang stage, since nag ischool na sya malelearn niya din how to properly communicate sa mga classmates niya without hurting. Defense mechanism niya siguro kasi nga di naman sanay na nahihiwalay sayo at di rin sya sanay na may playmate. Unti unti mawawala din yan. basta be patient and lagi mo sabihin sa kanya na your sad kasi she do it again sa school, try mo din sabihin na magagalit yugn mommy nung kinagat kaya wag na niya ulitin. Smile na mommy!
Logged

amfjusay

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 51
    • View Profile
Re: bad c baby.... :(
« Reply #10 on: April 28, 2011, 07:18:05 pm »

Naiyak na nga ako sa teacher niya. Sabe ko parang ayaw ko na siyang papasukin sabe sken huwag daw ako magive up. Malelearn daw nila or makakapgadjust pa sila. Inaproach ko kung sino yung kasama nung clasmate ng baby ko kahit humingi ako ng paxenxa iba pa rin yung feeling ko pag nakatalikod na ako. Tska sabe ko dun s teacher yung baby ko lang yung ganun. The rest ng clasmates niya hindi naman nanakit. Nakadepress lang  huwag sana ako gumive up.
Logged

amfjusay

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 51
    • View Profile
Tuition fee for pre-nursery?
« Reply #11 on: May 11, 2011, 09:48:29 pm »

Hi mga mommies.
Share ko lang ulit ang mga happenings ng anak actually nung 2nd week happy kasi naging behave yung baby ko . Pero ngayong 3rd week kanina lang nasad ako kasi nagbite siya ulit. Tapos yung mommy parang ayaw niya tangapin yung sorry ko nakasimangot siya. Tangap ko naman na mali ng anak ko kaya lang bat ganun.?
Logged

ilovegabe

  • A Nurse, A Mommy and A
  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1355
    • View Profile
Re: nangangagat si baby ng classmates niya.... :(
« Reply #12 on: May 11, 2011, 11:08:21 pm »

Sis, ganun ata talaga. In a class merong nangangat, merong nanunutok, merong nanunulak.
My son was bitten by his classmate sa cheek before. Nag pasa nga yung kagat e.
And normal yun na medyo maaasar yung nanay ng batang nakagat ng baby mo.
Yung mommy nun batang kumagat sa baby ko, nahiya rin sya sakin, she asked if ok lang daw ba yung baby ko, anong sabi daw ng daddy ng baby ko, I felt na concerned naman talaga sya and sincere with her apology.
After that incident, sya na nagbabantay sa baby niya sa school. She went with him and talagang she made sure na her son will not bite again,

Please check kinagat si baby ng bata.

Bantayan mo nalang si baby mo. Ask the teacher if you can stay in the room or outside the room and take a peek once in a while nalang to reassure your baby. Baka kasi naninibago sya or natatakot kaya niya ginawa yun.
Logged
Train up a child in the way he should go: and when he is old, he will not depart from it.
-Proverbs 22:6

For it is by grace you have been saved, through faith—and this not from yourselves, it is the gift of God— not by works, so that no one can boast.
-Ephesians 2:8-9

amfjusay

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 51
    • View Profile
Tuition fee for pre-nursery?
« Reply #13 on: May 11, 2011, 11:34:12 pm »

 @ilovegabe sana nga sis na puwede sa loob ako kaya lang hindi na puwede nung 1st day of class. Stay lang kame sa waiting area. Bawal din magpeek.
Nawala na sa isip ko na patigilin siyang magsummer class pero ngayon bumabalik na naman. Naiisip ko pa naman na magschool na siya pumapasok na nanaman na huwag na muna baka kasi maging worst pa e
Logged

♥♥♥mommyangel♥♥♥

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 378
  • HAPPINESS! :)
    • View Profile
    • The Who Mom
Re: nangangagat si baby ng classmates niya.... :(
« Reply #14 on: May 13, 2011, 04:17:23 pm »

konting tiyaga pa sis. tama naman na ikaw muna magbantay para malaman mo yung sitwasyon, and talk to the teacher din, to allow you to check kung ano ginagawa niya, for you to observe. kahit yung hindi niya mahalata na sisilip ka. di pa siguro siya nakaka adjust talaga kasi first time niya diba? tiyaga tiyagain mo lang sis, kesa naman istop mo, e di mas lalo siya hindi masanay diba? and as always, kausapin mo lang lagi anak mo. di ka pa naman niya fully maintindihan, at least yung malaman niya na mali yung kagatin yung classmate niya. and pala, talk to the teacher, ano ba ginagawa nung mga kids nung kinagat niya classmate niya, if there's a specific activity or situation na naging cause, at least maiwasan diba?
Logged
Pages: [1] 2