Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2 3 ... 8

Author Topic: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?  (Read 48430 times)

ics

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 58
    • View Profile

Nauubusan na kasi ako ng dahilan pag tinatanong ako ng mga tao. kesyo di ka ba niya mahal? single parent ka ba? etc..

well for me, marriage is once in a lifetime. kaya gusto ko memorable talaga. budget talaga ang problema.

kayo mga sis? what's your reason?

Read it on Smart Parenting.
What Made Kylie Padilla and Aljur Abrenica Change Their Minds About Getting Married

Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/life/news/why-kylie-padilla-aljur-abrenica-got-married-a00041-20190109?ref=parentchat

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Login to reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!
« Last Edit: January 10, 2019, 09:45:23 pm by Mommy Jazz »
Logged

sweetmj

  • Newbie
  • *
  • Posts: 19
  • iloveyou baby!!!
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #1 on: May 18, 2011, 04:50:13 pm »

hi mommy..

kami din ni hubby, di pa kami married. and we're both experiencing yung tipong wala ka ng masagot and minsan iba yung reaksyon ng nagtanong sau pag sinagot mong wala pang budget. but seriously, wala pa din kaming budget. gusto ko nga din kumita ng extra money in preparation sa schooling ni baby next year. how long na ba kaung magkasama sis?
Logged

yhamsloveŽ

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 870
  • I'm a Certified SP (Sisterly-Packaged) Member
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #2 on: May 18, 2011, 04:50:58 pm »

naku sis, pagpasensyahan mo nalang yung mga nagtatanong sa iyo kung bakit di ka pa kasal at super excited lang yung mga yun na makita kang naka-traje de boda (gusto ata invite mo sila sa big day mo!  :D )

alam mo sis, kahit hindi ka magsalita, dapat alam na nila yung sagot diyan. sa hirap ng buhay ngayon, kahit ako, hindi ko pwedeng unahin nalang yung para sa kasal lalo na may anak. kapag naka luwag-luwag nalang muna.

tama ka eh, marriage should be memorable. kaya dapat talaga paghandaan if and when you have enough resources. kami nga ng asawa ko 4 years kami nag ipon to finance our wedding day. awa ng Diyos naging okay naman... nakaraos.

don't worry sis, dadating din yang time na yan. at least, sa mata ng Diyos, kasal na kayo di ba? and at least hindi kayo nagkakaproblema.

aanhin mo ang kasal kung ang makakasama mo naman eh yung gagawing miserable ang buhay mo di ba? sayang ang datung!  :D
Logged
yhamslove  

Trapidee

  • Newbie
  • *
  • Posts: 46
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #3 on: May 18, 2011, 04:58:19 pm »

Napupunta sa mga kiddos ang pera para sa pangangailangan nila kaya wala pa muna sa budget ang pagpapakasal...
Logged

ics

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 58
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #4 on: May 18, 2011, 04:59:22 pm »

@sis sweetmj almost 2 years pa lang naman kaming live in. tama ka, si baby muna dapat priority. saka nagiinvest pa kami ng sariling bahay.

@sis yhamslove - hinahabaan ko na nga lang ang pasensya, minsan nga napagtripan ko lang ichange ang status ko sa fb from in a relationship to single. May nagcomment ng ganito: matagal ka ng single diba? ngayon mo lang napansin? O diba nakakaasar. haha. bat pa kasi ko nagchange status ako lang din pala maasar. haha.
Logged

mamacharis

  • Guest
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #5 on: May 18, 2011, 05:07:11 pm »

hindrance samin yung name ko. hindi lang typographical error ang problema ng birth certificate as in change of name talaga >:(  kelangan ko ng lawyer at hindi ko pa naasikaso plus malamang acceptance fee pa lang ng lawyer yari na ko :(

OT
bakit kaya ganun? sinunod ko birth certificate ko na hindi nso kaya un gamit ko eversince pero nung lumabas nso ko daming mali. hay.. magkaka problema naman pag sinunod ko yung nso ko.

UPDATE april 25,2012

mga sis nagpasakal na ko last month. hihi no choice na eh.
« Last Edit: April 25, 2012, 09:23:58 am by mamacharis »
Logged

nixmusic

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 448
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #6 on: May 19, 2011, 11:35:53 am »

Honestly, there are a lot of reasons why we're not married yet.
1. Getting married is expensive. Pag nag civil wedding ka naman, yung ibang mga kamag anak nyo e todo taas kilay na kesyo, tinipid ka ng napang-asawa mo, etc. To be straightforward about it, for me, it's not practical to spend a huge amount of money for one-day event. It's kinda overrated. Gown pa lang nanghihinayang na ko. Gamitin ko na lang yung money sa needs ni baby [lalo na sa vaccine na uber expensive].
2. We talked about it but we're both satisfied of what we have right now. Ang importante, we respect, trust and love each other.
3. Wala pang divorce sa Pilipinas at mahal ang annulment. We'll never know what will happen. :-\

When one of our friends got married in Boracay last year, I was surprised that he told me these words: "Sorry, I can't give you such a grand wedding." I responded, "As long as we love each other, I don't need such a grand wedding." ;)
Logged

mommyness

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 107
  • i'm a tough mommy!!
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #7 on: May 19, 2011, 12:31:25 pm »

join ako dyan!!

kami sis ako gusto talaga maikasal kahit civil lang muna and jakit nga secret lang eh, kasi gusto ko maging legitimate ang son ko, pero si hubby ayaw, kasi gusto niya yung memorable daw,yung pinaghirapan naming dalwa.
naiintindihan ko sya,pero nasasad ako pag nakakaencounter ako ng mga friends and relatives na kinasal na..
budget din ang main reason..
Logged
happy mom!

ics

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 58
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #8 on: May 19, 2011, 01:26:35 pm »

True. nakakalungkot pag yung mga friends mo kasal na though wala pang anak tapos ako may anak na pero di pa kasal. nakakainggit lang minsan. pero naiisip ko na lang na baka naiinggit din sila samin dahil may baby na kami.
Logged

purplemgs

  • Newbie
  • *
  • Posts: 12
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #9 on: May 19, 2011, 02:52:56 pm »

My partner and I are waiting for our daughter to be old enough to be our flower girl. We want her to be able to remember being a part of her parents big day :)
Logged

chester

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 321
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #10 on: May 19, 2011, 03:19:38 pm »

@mommyness:  madaming reasons why couples dont want to marry yet.  pero for me and my hubby, ngcivil wedding lang kami.  secret marriage pa sa amin.  nagcivil wedding kami because magkakababy na kami (im on my 30th weeks na).  ayaw niya din kasing lumaki baby namin na rin hindi buo pamilya.  saka sabi ko rin sa kanya na kung hindi kami kasal ay family name ko gagamitin sa baby.  gusto ko na ang baby namin ay ang legal son niya. jejeje... sabi niya before kami magcivil wedding eh ng-eenjoy pa daw siya sa pagiging bachelor niya. jejeje..
Logged

raiza0022

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 78
  • "we are the reason"
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #11 on: May 19, 2011, 03:54:09 pm »

same here!!! budget dn problem...
nung preggy ako ang plano after ko manganak ska mgpapakasal... e super dami as in super daming gastos pag may baby na. kaya ayun naging less priority ang marriage. talagang no. 1 problem yung budget in all aspects na ata sa mundo na to!! haaay...
anyway,  wag mo intindihin mga nagtatanong sa inyo siguro naman maiintindihan nila kung kulang sa budget kc mahirap naman talaga buhay nowadays. basta importante alam nyo sa sarili nyo na nagmamahalan kayong dalawa... yun ang pinaka importante sa lahat.
Logged

Adaline

  • Newbie
  • *
  • Posts: 31
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #12 on: May 20, 2011, 10:36:01 pm »

hello, pasali..
kami, main reason namin yung petition ng mama niya sa states.. sa tingin ko medyo matatagalan pa pero hindi na lang namin iniisip.. though sabi naman ng mama niya give the petition at least two years kung hindi talaga umaandar yung papers bahala na daw kami kung gusto namin na magpakasal na..
and then yung budget, simpleng kasal aabot din siguro ng 150k.. since wala pang 1 yr old baby namin, sobrang laki ng gastos at alam ko lalaki pa lalo pag nag aral na..

naiinis din ako sa mga nagtatanong kung baket hindi kami kasal..
feeling ko parang hinuhusgahan ka agad..
minsan gusto ko na lang sabihin " e hindi ako inalok eh " or "penge visa at pera papakasal ako" 
pero as long as you know what you're doing at wala naman natatapakan na iba, e go lang
wag ipilit kung hindi pa panahon..

:) un lang hehe
Logged

♥_caramel_♥

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1753
  • i LOVE my family ,especially, my beloved son AIDAN
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #13 on: May 20, 2011, 10:51:08 pm »

pasali din po ,. akala ko ako lang ang may ganitong sitwasyon hehe  ;D ,. samen din po mainly eh budget ang prob lalo na ngayon 2 kids na so sa mga bata po muna , saka na lang kame, it can wait naman at minsan naiisip ko we'll never know what will happen in the future baka magkahiwalay din kame (not that pinananalangin ko) pero just a thought sayang di lang yung pera eh but the effort , tsaka naisip ko din po mga tao naman talga mahilig mamuna , pag di kayo nagpakasal pag bubulungan kayo uusisain, pag nagpakasal kayo at naghiwalay ganun lang din naman ,. so bahala sila hehe basta tayo masasaya tayo at love naten mga partners at mga anak naten,. kasal can wait, yun nga lang minsan maiisip naten (or ako lang) na 'baket di ako pakasalan' at malulungkot tayo dahil dream ng every woman ang makasal kaso baket naten ipipilit kung di pa napapanahon at di pa binibigay ni God ,. mas panget ang hinog sa pilit  ;D
Logged
  [move]

miekee_18

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 222
  • Mom of SuperTWINS
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #14 on: May 21, 2011, 05:10:05 am »

Pa-join...
Samin din Budget din talaga..Good thing wala naman masyadong tanung ng tanung kung bakit di pa kami kasal..Although ang alam ko pinaiipunan ng mga IL ko ang wedding namin kasi may pamahiin ata yung FIL ko na hindi pwede magpakasal yung mga younger sis & bro ng hubby ko hanggat di kasal yung panganay eh alangan hintayin nila kami magkabudget eh mukhang malabo twins kasi agad yung blessing samin n Lord eh kaya kapos kapos talaga sa budget
Logged
miekee_18
Pages: [1] 2 3 ... 8