Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 6 7 [8]

Author Topic: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?  (Read 46906 times)

GreenLady21

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
  • I Chose To Fight Because It Is The Right
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #105 on: November 17, 2013, 03:30:47 pm »

join dn ako :)

kami dn ni hubby 3years n kming nagsasama & my baby n but still hindi p kami kasal. as of now we're planning n to get married kht civil lang kc wala pang budget pag s Church ;)
Logged

mommyonsale

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 164
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #106 on: November 26, 2013, 08:20:48 am »

Noong pinagbubuntis ko first son namin kabilin bilinan ng Ina ng asawa ko wag na wag magpapakasal Sa akin kahit anong pilit ng magulang ko edi ayun ng Dahil Sa Hindi kami nakasal. Puro Plano Lang sya dapat year 2011 Nung November 11,2011 kahit Sa civil lang sana Kaso Nung May 18, 2011 I found out na buntis Ako Sa 2nd child namin. Inuna namin pampaanak ko hanggang sa umalis sya 2012 nag iipon pa din Kaso walang maipon... Hayssss...
Logged

AnJelatine

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 105
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #107 on: January 09, 2014, 10:53:29 am »

Money. Happy ako dahil kahit papaano napag-uusapan namen ang kasal :)

Naalala ko nung time na hindi pa namen napag-uusapan ang kasal at nahihiya ako mag open... Nag watch kame ng My Bestfriend's Wedding, yung part na may fireworks doon. Sabe ko, "Woooow! Gandaaaa!" Sabe niya, "Pag-iipunan naten yan ha." Happy ako malaman na may plano siya ;D

Masaya ako kung ano ang meron kame ngayon, alam ko dadating din kame sa stage na finally ikakasal din kame :D Na-eexcite ako everytime naiisip ko yung mararamdaman ko kapag dumating ang panahon na yun. Hihi! ;D

---

Mga Mommies, wag niyo isipin ang iniisip ng ibang tao. Kasal man or hindi, lagi naman may sasabihin ang ibang tao. Haha! ;) Swerte tayo na may Partner tayo na nakakasama sa buhay. Yung iba nga, ni hindi napanindigan yung anak. Samantalang tayo, may katuwang. Diba? :D Dadating din tayo sa kasal. Cheers! :D
Logged

summer1782

  • Newbie
  • *
  • Posts: 8
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #108 on: January 14, 2014, 07:00:25 am »

Money and dapat ma-feel mo respected ka nang partner mo as a person.
Logged

chukkie13

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #109 on: February 05, 2014, 02:10:51 pm »

mahirap matali kung hindi ka sigurado, ayaw kong gawing dahilan yung bata para magpakasal. gusto ko kilalang kilala ko yung taong pakakasalan ko. mahirap na magsisi
Logged

ynaffitluane

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 367
  • Wife to a Civil Engineer and Hands-On mom to Nate♥
    • View Profile
    • Pampaganda Atbp
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #110 on: February 07, 2014, 02:48:56 pm »

Hi mommies! 😊

It's so nice to be back after more than a year here sa SP..in our case it's about the budget lang talaga..si hubby kasi is super independent..ayaw na ayaw nyang umaasa sa iba lalo na sa magulang..we've been living together for 3 years now sa family ko..so far so good naman..👍

Nung una hindi kami nagpakasal cause we were both not ready yet and ayaw namin dahil lang nabuntis..though 1 year na kaming bf-gf when I got pregnant..pero habang tumatagal na pala nilalamon ka na ng insecurities mo bout it..lalo na kapag madaming nagtatanong kung bakit hindi pa..well sinasagot naman namin ng totoo! Pero dumating ako sa point na iniiyak ko sya every night kay hubby lalo na nung may mga taong ginagamit sya against me..kung ano ano sinasabi na kesyo I should not call him hubby cause We are not married and I should not call myself a wifre as well..yung mga ganun ba..😢 nakakasama lang ng loob cause it's a relative..now going back to the issue..dumating pa sa point na feeling ko naririndi na si hubby sa akin,so minsan iniiyak ko na lang magisa...i talk to myself and pray to god..

Pero this year, we are planning to have a very simple civil wedding na talagang IL lang and 1 set of witness 😉 we are currently planning on it.. Hopefully mid this year.. 😄
Logged
 

zhel1605

  • Newbie
  • *
  • Posts: 20
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #111 on: February 17, 2014, 02:07:55 pm »

Pajoin din ako :)

 kami rin ng partner ko hindi pa rin married. 2 years na din kaming together and nung malaman namin na preggy ako, gusto niya magpakasal kami kahit civil lang. Pero maraming what if's sa isip ko so tumanggi ako. At syempre gusto ko rin ng memorable ang wedding ko. Ayoko rin magpakasal dahil lang preggy ako. Naiinis din ako dati kasi dami din nagtatanong sakin bout dyan pero deadma lang. Sagot ko na lang "di pa ko ready magpakasal, baka magsisi lang din ako sa huli" hehe. Pero deep inside syempre gusto ko rin kaso andun yung takot.
But ever since hindi na namin napagusapan ang marriage. Gusto ko rin ulit kasi marinig from him e.
Logged

gheng

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 74
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #112 on: May 22, 2014, 10:04:54 am »

For us, below are the reason kung bakit hindi pa kami nagpapakasal

1. RELIGION. my husband is INC at ako ay catholic. Hindi naman talaga issue samen un, sa family ko lang. kasi i never wanted him to convert just for the sake of marriage.
2. MONEY. mahal magpaksal period.
3. EARLY GIFT FROM GOD we have 1 yr old daughter when we started living together. its unexpected, pero we accepted it with open heart. of course, our priorities right now is to give her all she needs and for her future
4.MY MOM she liked my husband when mag bf palang kami. kasi when i got pregnant, it all turned. lagi niya kami pinagsasabihan na bata p kami at bka maghiwalay lang kami (dont worry mama, because of REASON #5)
5. MY STRONG BELIEF IN MARRIAGE hindi ko talaga pinangap IKASAL. dati kala ko TOMBOY ako kaya ganun yung paniniwala ko (na hindi naman). i just dont get the idea na ikakasal kayo tpos eventually maghihiwalay din naman kayo.

I often tell my husband na ngayon, I wanted to get married pag matatanda na kami. to show people that we have stand thru the test of time and we have conquered them all. marami ang my ayaw sa husband ko, but for me, respecting my decision on this really make me happy that i choose him.  ;D
Logged

kawaiimaridel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
  • Live life to the FULLEST with GOD
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #113 on: March 12, 2018, 03:07:53 pm »

Im very lucky na hindi ako nakasal sa isang maling tao..
We've been together for 15 years,may plano naman kami magpakasal talaga but still hindi natutuloy and ipinagpapasalamat ko yun,akala ko kilalang kilala ko na siya dahil sa tagal ng pagsasama namin at nagkaroon pa kami ng 2 anak.pero nagkamali ako...
buti na lang hindi talaga ako nakasal sa tao na akala ko nung una ay may paninindigan sa pamilya,may pangarap at pagmamahal..but nagkamali ako...buti na lang talaga..
Logged
iloveyou my princess paula..eventhough you cant smile...but you are the only one who makes me feel special mom and be contented in my life...iloveyou too daddy joel..

Cee Villania

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: For unmarried couples: what is the reason to not marry yet?
« Reply #114 on: March 07, 2019, 10:33:04 pm »

Hi fellas. Pa join ako,
Bago ko makita ang blog na to, Tinype ko sa google yung sentence na “nakapetition ako ng 10yrs, kelan ako magpapakasal” then lumabas ito sa searched items, kaya nag registr at nag sulat dn ako dto...
Nasa punto na ako ng buhay ko ngayon na hindi ko na alam kung ano ang pipiliin ko. Career ba o lovelife na tipong puwede na bumuo ng pamilya...

I’m 27yrs old, single with a 11yrs relationship with my boyfie, and were finally engaged narin this february lang.

Naisip ko narn naman na magppropose narn sya this yr kasi mag wwork na ako sa ibang bansa ng 2yrs as nurse, contract based kaya matagal tagal dn kaming hnd magkkita

I told my mom who resides in US about engagement kaso mjo hindi niya nagustuhan kahit alam niya ng matagal na kaming mag on, takot sya na ikasal ako agad kasi pinrocess niya ang petition ko last yr lang na maaprubahan pa after 10 yrs :(

Ayaw niya ikasal kami but it doesn’t mean na ayaw niya kay bf, she’s just after the marriage papers.

Nung una wala naman akong complain dun kasi ang mother ko 10yrs na mula nung nsa US sya ay talagang naghhnap sya ng paraan pra mapetitionan ako, kaso last yr lang dn kasi sya naging citizen dun kaya dun lang dn niya ako official na naprocessan ng petition, at alam ko naman ang hirap na dinanas niya makuha lang ako...

ang hirap lang kasi dahil alam naman natin mga babae na may mga timeline ang matres naten, sinabi ko sa mom ko na kung concern niya ay ang marriage documents, edi mag aanak nalang ako, hnd ko na mahhintay yung 10yrs ng approval ng petition niya, ano to? 37yr old palang ako puwede magpabuntis?

sa pamilya kasi namin na puro mattnda, uso parin yung wag muna mag aanak kung hnd kapa kinakasal, kaya i am trying na sumunod sa kanila kasi un ang gusto nila pra sakin.
but the worst part is that my mom suggest na mag go nalang kami ng garden wedding but don't registr it on cityhall, ganyan na ganyan yung pagkakasabi niya technically "fake wedding" pra daw hnd naman daw pangit sa tingin ng ibang tao na basta2 nalang ako nabuntis ng hnd man lang ako kinakasal..

I opened it to my fiancee, pero binalik niya lang sakin yung tanong, “ano ba talaga ang gusto mo? Depende yan kng ano mgging desisyon mo.”
Na kung maghhntay ako maaprove ang petition ko after 10yrs, i ssacrifice ko ba ang marriage namin na dapat na sa edad na to, o icconsider ko ba yung maghintay sa petition ng mother ko bago kami tuluyang magpakasal?

Hindi rin naman kasi yun ang nagpapa kumplikado sakin ngaun, since mag nnurse na ako sa middle east, after 2yrs contract gusto ng nanay ko na mag cross country na ako at i pursue ko yung career ko, that means to say na aftr 2yrs hnd ko parin ba ppwedeng desisyunan yung buhay q na umuwi nalang ng pinas at mag proceed na to plan having a baby? To make a family? Kasi plano ko sana pag uwi ko ng pinas balik call center nalang ako ult pra makasama ko sa work yung fiancee ko tas mag live in na kami at gmawa ng pamilya.. but the problem is, somehow at the back of my mind, I want to consider to be practical, na kng may opportunity sa ibang bansa bkit hnd i grab which is that, kung puwede kong i tuloy ang pgging nurse ko sa ibang bansa, bakit hnd? Maganda ang sahod ng mga nurses kahit sang bansa, except lang talaga sa pinas.

Pero  tuluyan ko na bang i ffocus yung buhay ko sa career? Sa pag iipon? Pano yung fiancee ko, pano yung buhay namin dlawa, gaano katagal kami hnd magkakasama? Haaays... :’(
Hnd ko na alam ang mangyyari saken, and hnd ko rin alam kng may mag rreply pa sa msg kong to kasi alam ko sa facebook na mahilig mag browse lahat ng tao, pero kng meron lang sana kayong pdeng i advice sakin sobrang salamat po. At psnsya na kayo kng mjo nagguluhan kayo sa storya ko hnd lang talaga ako good in writing, this is my first online kwento ng buhay ko. Pro salamat parin sa pagbabasa.
Logged
Pages: 1 ... 6 7 [8]