Hi fellas. Pa join ako,
Bago ko makita ang blog na to, Tinype ko sa google yung sentence na “nakapetition ako ng 10yrs, kelan ako magpapakasal” then lumabas ito sa searched items, kaya nag registr at nag sulat dn ako dto...
Nasa punto na ako ng buhay ko ngayon na hindi ko na alam kung ano ang pipiliin ko. Career ba o lovelife na tipong puwede na bumuo ng pamilya...
I’m 27yrs old, single with a 11yrs relationship with my boyfie, and were finally engaged narin this february lang.
Naisip ko narn naman na magppropose narn sya this yr kasi mag wwork na ako sa ibang bansa ng 2yrs as nurse, contract based kaya matagal tagal dn kaming hnd magkkita
I told my mom who resides in US about engagement kaso mjo hindi niya nagustuhan kahit alam niya ng matagal na kaming mag on, takot sya na ikasal ako agad kasi pinrocess niya ang petition ko last yr lang na maaprubahan pa after 10 yrs

Ayaw niya ikasal kami but it doesn’t mean na ayaw niya kay bf, she’s just after the marriage papers.
Nung una wala naman akong complain dun kasi ang mother ko 10yrs na mula nung nsa US sya ay talagang naghhnap sya ng paraan pra mapetitionan ako, kaso last yr lang dn kasi sya naging citizen dun kaya dun lang dn niya ako official na naprocessan ng petition, at alam ko naman ang hirap na dinanas niya makuha lang ako...
ang hirap lang kasi dahil alam naman natin mga babae na may mga timeline ang matres naten, sinabi ko sa mom ko na kung concern niya ay ang marriage documents, edi mag aanak nalang ako, hnd ko na mahhintay yung 10yrs ng approval ng petition niya, ano to? 37yr old palang ako puwede magpabuntis?
sa pamilya kasi namin na puro mattnda, uso parin yung wag muna mag aanak kung hnd kapa kinakasal, kaya i am trying na sumunod sa kanila kasi un ang gusto nila pra sakin.
but the worst part is that my mom suggest na mag go nalang kami ng garden wedding but don't registr it on cityhall, ganyan na ganyan yung pagkakasabi niya technically "fake wedding" pra daw hnd naman daw pangit sa tingin ng ibang tao na basta2 nalang ako nabuntis ng hnd man lang ako kinakasal..
I opened it to my fiancee, pero binalik niya lang sakin yung tanong, “ano ba talaga ang gusto mo? Depende yan kng ano mgging desisyon mo.”
Na kung maghhntay ako maaprove ang petition ko after 10yrs, i ssacrifice ko ba ang marriage namin na dapat na sa edad na to, o icconsider ko ba yung maghintay sa petition ng mother ko bago kami tuluyang magpakasal?
Hindi rin naman kasi yun ang nagpapa kumplikado sakin ngaun, since mag nnurse na ako sa middle east, after 2yrs contract gusto ng nanay ko na mag cross country na ako at i pursue ko yung career ko, that means to say na aftr 2yrs hnd ko parin ba ppwedeng desisyunan yung buhay q na umuwi nalang ng pinas at mag proceed na to plan having a baby? To make a family? Kasi plano ko sana pag uwi ko ng pinas balik call center nalang ako ult pra makasama ko sa work yung fiancee ko tas mag live in na kami at gmawa ng pamilya.. but the problem is, somehow at the back of my mind, I want to consider to be practical, na kng may opportunity sa ibang bansa bkit hnd i grab which is that, kung puwede kong i tuloy ang pgging nurse ko sa ibang bansa, bakit hnd? Maganda ang sahod ng mga nurses kahit sang bansa, except lang talaga sa pinas.
Pero tuluyan ko na bang i ffocus yung buhay ko sa career? Sa pag iipon? Pano yung fiancee ko, pano yung buhay namin dlawa, gaano katagal kami hnd magkakasama? Haaays... :’(
Hnd ko na alam ang mangyyari saken, and hnd ko rin alam kng may mag rreply pa sa msg kong to kasi alam ko sa facebook na mahilig mag browse lahat ng tao, pero kng meron lang sana kayong pdeng i advice sakin sobrang salamat po. At psnsya na kayo kng mjo nagguluhan kayo sa storya ko hnd lang talaga ako good in writing, this is my first online kwento ng buhay ko. Pro salamat parin sa pagbabasa.