Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 20 21 [22] 23 24

Author Topic: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS  (Read 291491 times)

apple11

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #315 on: December 04, 2012, 10:35:40 pm »

hi! tama, mas mabilis ang recovery dahil siguro alam na natin dahil sa 1st experienced. Regarding naman sa scar, sa 1st cs ko nagkeloid kaya dun sa 2nd may inofer ob ko. she scrape the keloid and injected the medicine after the operation. naglessen naman yung keloid. tsaka nagreseta sya nyang contractubex. sa 3rd cs ko naginject ulit sya ng gamot. ngayon ok na. di na nagkeloid. haha..
Logged

IanAndDina

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 151
  • Live your life to the fullest!
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #316 on: December 05, 2012, 04:45:30 pm »

Hi mga sis :) 38 wks na ko. Nung 36 wks ako nakacephalic na si baby tapos nung last check up ko naging transverse lie pero after two days bumalik na ulet sa pagiging cephalic ang baby ko, kaya lang sabi ng ob ko kapag ganun posibleng cord coil na tong si kulet so possible na ma.cs daw ako :( natatakot ako dun sa recovery at tsaka sa sugat kasi i really cant stand the sight of fresh wounds :( gaano ba kahaba yung hihiwain? Naiiyak talaga ko pag naiisip ko na ma.cs ako eh,
Logged

Crocs2011

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 57
  • Proud Mom of Araeg˝an :)
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #317 on: December 05, 2012, 05:10:04 pm »

Hello sisses! CS din ako twice na, 2008 and 2010. Yung first was emergency tapos second is scheduled na. Okay naman sya, siguro sanay na din hehe naka-dalawa na kase ako. Tiwala din ako sa OB at Aneasthesiologist ko, close na nga kami e. Sa second ko nagkukwentuhan pa kami ng Aneasthesiologist ko para malibang while waiting kay baby. Pero dapat magaling ang OB at AE mo, kase yung SIL ko, naramdaman niya yung pagbiyak sa tyan niya. After mawala and aneasthesia, hindi naman masakit ang tahi, sasakit lang sya pag may movement ka. For me, ang pinakamasakit yung pagtanggal ng catheter at pag-wiwi after...grabe dyan ako nasaktan.

Anyways, ingat more sa mga mommies na buntis ngayon and keep on praying...isama nyo sa prayers nyo mga taong kasali sa panganganak nyo. Good luck mga mommies! :)
Logged

mami che

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 446
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #318 on: December 05, 2012, 09:18:44 pm »

joining!  :)

Had CS operation 4x na. normal cut ako. around 2-2 1/2 inches  lang naman ang hiwa  sis kaya pwede ka pa ring magbikini  ;D malayo kasi sa pusod ang ginawa ng OB ko kaya nakatago  :D wala din akong narinig na nalagutan ng buhay thru CS... mahirap lang yung healing process pero with support from people around you, madali lang galaw galaw ng buhay mo :)
Logged
"Of all the rights of women, the greatest is to be a mother..."

zee18

  • Newbie
  • *
  • Posts: 33
  • Loving my Aikah much
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #319 on: December 05, 2012, 09:22:10 pm »

Hi mommies. Na cs din ako sa 1st baby ko last 2009. Emergency cs un kasi nagtry ako maglabor ininduce na ako ng ob pra mapabilis daw. Na distress lang c baby kc cord coil din pla siya kaya pla I got stucked sa 2cm at di na kinaya talaga. Two and a half days ako sa hosp. Pinakamahirap lang cgro pag cs eh pag maliligo na kc bawal pa mabasa yung tahi. 5days after ng operation ko naligo nq. Nakakairita kc. Hehe. Ngayon preggy ulet ako im on my 34th week at sana this time makapag vbac ako. :)
Logged

IanAndDina

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 151
  • Live your life to the fullest!
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #320 on: December 05, 2012, 11:27:40 pm »

Gano ba kahaba ang hiwa/sugat kapag cs? Hai kinakabahan ako :(
Logged

babyrhye

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 148
  • My husband and my baby is my life :)
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #321 on: December 06, 2012, 10:07:09 am »

^ sis huwag ka kabahan.hindi ganon kasakit ang wound ng cs. at hindi din sya ganon kahaba.bikini cut ipagawa mo.para lang syang line ng panty.

rozzy

  • Global Moderator
  • Sr. Member
  • *****
  • Posts: 479
  • Having own family is the BEST GIFT from GOD :)
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #322 on: December 06, 2012, 11:15:46 am »

Sis, wag kang kabahan... Lakasan mo ang kalooban mo. At isa pa iwasan mo muna mag isip isip ng hindi maganda kasi hindi rin maganda sa baby mo yan. Emergency CS din ako. Yung tipong alam namin na mag normal delivery ako at wala naman problema sa akin. Kaso from 8am - 4pm eh naglalabor ako buti na lang nasa clinic ako ng OB ko nun at monitor nila baby ko. Ang bilis ng tibok ng puso ng baby namin then ayun nung ultra sound eh naubusan na ng tubig yung dalawang area. Eh hindi naman ako naputungan pa ng panubugan at 5cm palang ako. Ayun nag decide kami na iCS na nga ako. Kaya mo yan sis! God is with you and your baby! :)
Logged
"It is not good for a man to live alone, I will make a helper suitable for him" Genesis 2:18

Parent Chat Community Rules

mommy irene

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 373
  • A loving wife and mom ...
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #323 on: December 06, 2012, 11:48:26 am »

ill share my experience naman..

actually, normal delivery dapat ako sa 2nd baby ko (1st was nsd, 3 pushes lang at 4hrs labor lang).. itong 2nd ko, oh well, oct 5 ako nanganak via emergency cs.. naubusan ako ng water at pre-eclampsia ako.. good thing naisip ko pang magdrop by sa clinic ng OB ko nung day na yun kasi 2 days prior, i had spot, bahid lnag na blood sa undies ko, nakiramdam ako kung may mga contractions PERO wala until that day..

so ako naman komo ngat wala ako nafifeel, magrereport pa ako ng office kasi should be yun na ang last day ko at ML na ako plust the fact na anniv din ng office kaya need nila na andun ako.. so heto na, sa clinic ni doc, smile smile pa ako, musta musta, beso with OB then sabi niya tara IE tayo (first IE for my 9th month).. i was shocked when she told me na manganganak na ako, as in 8cm na ako.. OMG di ba?.. eh wala man lang ako nafifeel na pain that time, i can even smile, joke around.. nung nag bp kami, ayun, ang taas 180/100, again, walang hilo ako nafeel.. sabi ko nga mataas ang tolerance ko sa pain.. so ayun, she ask her sec na samahan na ako sa kabilang building (CGH ako), imagine, nakuha ko pa maglakad ha.. so ayun, eh hindi pa kami ulit nakapag ultrasound sa latest position ni baby - so pinapunta ako sa lab - cephalic si baby meaning i can deliver it normal KASO ubos na ang water ko.. again, hindi na naman ako aware dun siguro daw dahil sumasama na sa wiwi ko yun, out of 8 highest score, nasa 2 na lang ang water ko so if ipipilit pa namin ni OB na mag normal delivery, baby and i will end up stressed or worst baka hindi kayanin ni baby.. eh that time pala mga sisses, ako lang magisa ha, nagreport pa si hubby sa agency niya - so during this time, ako lang ang nasa loob ng labor room, doing the calls (yes, they allowed me to get a call - partida, naisip kopang magbilin ng work sa office, hahaha PLUS tawag sa asawa ko).. pagdating niya (hubby) sa loob ng labor room, he was advised kung ano yun gagawin saken - cs nga daw dahil sa ganun nga bp and less water na.. then nung nag sign na si hubby, pinasok na ko sa OR.. yun ang aking moment.. hehe.. what i did was really pray hard for me and baby to survive and we did.. praise God!!.. alam niyo yung feeling sa OR na nasusuka ka, na parang hinihila yung tyan mo, ganun yun all the time - groggy to the highest level ang lola niyo - turukan ba naman ako ng ilang dose ng mag pampababa ng bp.. ang height pa, before ako i-cs, nakipag chikahan pa ko kay doc - i remember i even say hi to her habang nilalagay ako sa operating table para katayin (hahaha)..

sorry ha, haba ng kuwento..  sa healing naman, medyo nahirapan lang ako sa pag ihi - kasi feeling ko naipon lahat ng wiwi ko (after tanggalin yung catheter) eh hindi ako makawiwi sa diaper so what i did was ask again from the nurses kung puwede ako palagay ulit ng catheter, good thing sabi ng nurses na mas masakit lagyan ng catheter kesa mag wiwi ng kusa - biruin niyo 2 silang nurse ang naghelp sa ken na magwiwi - arteartehan ako nun - nag bed pan ako pero pinalagay ko sa upuan (hindi ako makalakad pa kasi that time), ayun, pagkaupo ko pa lang, bagsak na si wiwi.. yun tahi ko is normal na hiwa lang, pero madali naman nagheal sa ken at maganda ang pagkatahi..betadine lang yun at gauge.. gaya ng iba dito, nakaligo ako after 5 - 7 days kasi nga takot din ako mabasa yung sugat ko.. so ayun, i experienced both normal & cs delivery..

Logged

IanAndDina

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 151
  • Live your life to the fullest!
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #324 on: December 06, 2012, 02:00:56 pm »

Salamat mga sis sa pag.encourage, expect ko din kasi na mano.normal delivery si baby. Kaya lang at 38 wks nag.transverse siya tapos kinabukasan nag.cephalic ulet, e pag ganun daw posibleng ma.cord coil, kaya nireready ko na ang sarili ko na puwede akong ma.cs :( salamat ulet mga sis :)
Logged

Janet31

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
    • View Profile
    • New Beginnings
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #325 on: December 08, 2012, 10:20:33 pm »

scary ang caesarian with my 3 kids normal lahat ako kahit sabihin pa ng doctor na CS na I said "NO" I can make it.
with scar issues I heard from other moms na CS na hindi na talga matanggal yung scars.

mommy chen

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 96
  • loves being a mom
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #326 on: December 10, 2012, 04:37:41 pm »

Hi mga sis,
im on my second pregnancy 26weeks na si baby..

on my 1st child (year 2010) emergency cs ako..ilang oras akong nglabor pero hindi ko kinaya 10cm na ako but still hindi lumabas si baby..during my pregnancy kasi 1st ultrasound ko pa lang may nakita nang cyst sa left ovary ko..yung ob ko sa st.lukes ang gusto niya operahan ako kapag ng5months na si baby sa tummy ko, i dont want that idea, ayoko itake ang risk e pano kung hindi makayanan ni baby?..worst comes to worst mawala siya during the operation ako ang talo..nawalan na ko ng obaryo nawala pa si baby, so ang ginawa ko humanap ako ng ibang ob to ask second opinion sa findings nila hindi naman nakakasama sa pagbubuntis ko yung cyst so there's no need for me to undergo operation during my pregnancy(thank God) ang naging problem lang...hindi ako nakapanganak ng normal..pero we've tried kasi mas gusto ko talaga normal besides sa mas mura siya e mas may health benefits kay baby kung dadaan siya sa normal na labasan talaga..nung naglalabor na ko ayaw talaga lumabas ni baby un pala nakaharang yung cyst ang ending pa din CS ako..nung time na yun hindi ko na naramdaman ang lahat kasi sobrang pagod na din ako sa ilang oras na labor akala ko nga nun katapusan ko na(hahaha) sinabi ko pa sa ob ko doc kayo na po bahala..sobrang hinang hina na ako..

ayun thank god okay naman kame ni baby..at eto manganganak ulit ako for our second baby this coming march..this maybe our last baby dahil nga nagiisa na lang ang ovary ko..actually hinabol lang din namen na magkaron ng pangalawang anak kasi yung natitirang ovary ko lumalaki din siya..i just hope and pray to God na wag niyang pahintulutan na lumaki siya ng husto na dumating ulit sa point na tanggalin siya..im just turning 28 this january ayoko naman na at this young e wala na ang dalawang ovary ko :(

yan yung isa sa pinangangambahan ko ngayon at talagang kinakabahan din ako na ma-CS ulit sabi kasi nila masakit daw yung turukan ka ng anesthesia sa likuran..pero sa pagpapagaling naman ng sugat wala namang naging problema kasi may mga iniinom naman na pain relievers para hindi siya makirot although mahirap lang talaga gumalaw sa 1st few days after the operation..pero pray lang tayo mga sis..keri bum bum naten yan..mawawala lahat ng sakit pag nakita na naten ang ating mga angels :) :)

Good Luck sa atin and happy pregnancy 
Logged

little lantern

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 65
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #327 on: December 17, 2012, 07:42:11 pm »

Hi mga moms. May gusto lang sana ako itanong sa mga na-CS na. 1st time mother kasi ako at CS ako. I gave birth 7 months ago. Ang weird lang kasi ng feeling ng tiyan ko para  bang minsan may pumipitik sa loob kaya tuloy iniisip ko baka preggy na naman ako pero nag-PT na ako last saturday at negative. After I gave birth, aware naman ako na iba talaga ang feeling pag CS, lalo na pag pumipwesto na yung mga internal organs. Normal lang kaya itong nararamdaman ko sa tiyan ko? parang ang sikip sa loob na ewan tapos yung tahi ko medyo mahapdi din. Yung pusod ko nga hindi na din pumasok sa loob, unlike dati na malalim.

Pwede bang paki-inform ako kung ano ba talaga yung mga karaniwang nararamdaman pag na-CS. Thank you.

Logged

KathMendoza

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 123
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #328 on: December 17, 2012, 10:10:04 pm »

Ako din sis CS ako kpag malamig normal daw na kumikirot yung sugat kasi hindi pa siya magaling sa loob..
Logged

xianne

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 139
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #329 on: December 18, 2012, 11:07:06 am »

ako din sis CS ako.. 10months ago lang :)
same tayo minsan parang may baby pa sa loob hehe..
nung 6 months ako medyo makirot pa din sia lalo sa gilid..
pero now okay na un lang may nagalaw ang nararamdamn ko :)
Logged
Pages: 1 ... 20 21 [22] 23 24