Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 21 22 [23] 24

Author Topic: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS  (Read 291808 times)

nerisse

  • Guest
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #330 on: December 18, 2012, 11:17:00 am »

normal yan sis. nothing to worry. ako, 3 yrs ago na pero there are times na bigla na lang kumikirot at humahapdi sa loob na parang biglang hiniwa...at naging sobrang malilimutin ako. just last week ipinamili namin ng damit yong son ko.  ng palabas na kami ng mall, napansin ng husband ko hindi ko dala ang pinamili naming damit ng anak ko. hindi ko talaga matandaan kung saan ko naipatong at naiwan.  we went back to the places that we went, di na namin nakita.  And worst I am totally clueless kung saan ko naipatong.  Instance like that, that I forget anything, is not unusual.  Napakalimit ko ng ganyan.  I tried to seek medical help pero wa;ang nangyari.

   
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3244
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #331 on: December 18, 2012, 12:27:25 pm »

Same topics merged. Question on  the merged topic has already been discussed on the original topic.
Logged
Sumali sa mga usaping pang magulang. Magtanong at magbigay ng payo dito sa Parent Chat.

elizabethdennis

  • Newbie
  • *
  • Posts: 12
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #332 on: December 21, 2012, 07:02:00 pm »

Hi shelaih,
Here are my answers to your questions
   a. ilang months po bago kayo nakarecover?
Recovery varies from person to person. Depende kung gaano ka kastrong and kng gaano kalaki ang threshold mo ng pain. But talking about the incision, generally, few weeks ok na ang sugat sa skin pero ang sugat sa loob, it would take around 3 months or so to heal.

   b. pwede ba na gising ako while sini-CS?
Yes. It is possible to perform the C-Section na gising ka. Hindi naman general anesthesia ang gamit kapag CS.  Just tell your anesthesiologist if gusto mo gising ka during the entire process

   c. Ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
Hospital stay is 3 to 4 days

   d. naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya... –
Yes. Nka catheter ka talaga hanggat hndi pa bumababa ang effetc ng anesthesia. If you can move your legs already, puwede nang tanggalin ang catheter. But remember you have to “pee” within 4 hours after the catheter is removed. This will show na wala nang effect ang anesthesia sa bladder mo. If hindi ka naka “pee” within 4 hours, there's a possibility na ma catheter ka ulit.
 
   e.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili? –
It's called abdominal binder. Meron niyan sa hospital pharmacy and malalaking drugstore like Mercury Drugs hindi ko lang alam kng magkano.

   f.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
Ideally, after natanggal na ang effect ng anesthesia sa katawan mo, or ma feel mo na ang legs mo, kailangan mo nang kumilos. Iyan ang sinasabi ng nurses na “ambulate as soon as possible”. Kasi kapag nglalakad-lakad ka mas madaling bumalik sa normal function ang intestines mo and other organs, mas mapapaaga ang discharge mo. But do not force yourself na mglakad agad. Start with elevating the head of the bed. Then you could sit on your bedside and dangle your feet. Then you can walk slowly but with assistance of course until na kayang kaya mo na mglakad alone.

   g.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel –
You will not feel anything from your "tummy" down to your legs.

Have a safe delivery!

babyrhye

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 148
  • My husband and my baby is my life :)
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #333 on: December 22, 2012, 08:39:28 pm »

here's mine :
   a. ilang months po bago kayo nakarecover?
after 2 weeks nakakabyahe na ko.after a month ok na ang sugat sa labas pero syempre ingat pa din dahil fresh pa ang wound sa loob.

   b. pwede ba na gising ako while sini-CS?
I was awake the entire pocess of the operation.

   c. Ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
3 days

   d. naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya... –
Yes, Gabi ako inopera. kinabukasan ng tanghali tinanggal na yung catheter.

   e.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili? –
Mine was bought from Mercury.

   f.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
pagkaremove ng catheter ko kinabukasan naglakad na ko.

   g.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel –
didnt feel any pain.parang inuuga lang.

ayreene

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #334 on: December 26, 2012, 11:53:54 am »

ako din super duwag ma cs pero nakayanan ko :) kaya yan! isipin mo kakayanin mo para sa baby mo :) God bless! Pray lang din.

Logged

prettyhope

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 68
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #335 on: January 03, 2013, 12:51:09 pm »

here's mine :
   a. ilang months po bago kayo nakarecover?
- fully recovered i think 1-2mos. nakatayo ako agad in 3-5days. ang hirap! ang sakit! hehe
.

   b. pwede ba na gising ako while sini-CS?
tulog ako the whole time. pero i was shaking, alam ko nagsasalita pa ako, saying "im shaking! im dying!" hehe... yung diwa ko half awake pero yung katawan ko bagsak talaga... naririnig ko din sinasabi ng mga nurses at doctors ko hehe

   c. Ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
3 days

   d. naka catheter po ba kayo?
     yes, may catheter, pero tngal agad saken eh, once okay na ako.. kinabukassan din ata tinangal na'

   e.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili? –
sa mercury sis meron

   f.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
para sure rest ka muna, mga in 2days start ka na tumayo at maglakad... mabagal ka lang sa una pero nmakakayanan mo din

   g.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel –
naramdaman ko na hinihiwa ako. im cs e. pero dahilo bangag sa gamot wala ako magawa kundi matulog eheh




Daddy Jehu,

try mo sa mga maternity hospitals, mas mura un than general hospitals or lying in.. fabella try nyo din. sana maging okay panganaganak ng wife mo.. ang sweet naman, ;)

Logged
Proud Mom. Professional Marketer. Independent. Meticulous.

Youmiyanaira

  • Newbie
  • *
  • Posts: 12
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #336 on: January 25, 2013, 01:23:57 pm »

 :)Joining....

I just had my 2nd C.S last year.. So far, Medyo Mabilis ang recovery ko in less than a month ok n ako.. yung 1st few weeks lang ako nahirapan.. Magkaiba yung OB ko at sinundan lang niya yung Tahi ko sa Una ... Since 9 yrs yung gap.. D gaano n halata yung unang Tahi ko... kaya Medyo nahirapan itrace ni Dra yung hiwa.. hehe..
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3244
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #337 on: January 25, 2013, 02:22:08 pm »

topic "Second CS operation experience" merged with this thread.

Talking about 2nd CS operation, on my 2nd experience (I've 2 kids but never experienced normal delivery), pareho din ng 1st experience ko. The only difference on my 2nd, ginamitan ako ng parang clear tape sa tahi ko. It protects my stitch and I can take a bath normally. By the time it loses it's adhesion, magaling na yung wound.
Logged
Sumali sa mga usaping pang magulang. Magtanong at magbigay ng payo dito sa Parent Chat.

winsel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #338 on: February 23, 2013, 10:56:55 am »

hi momies...ask ko lang kung normal lang b n sumaskit yung likod ko.n cs din me 4 months ago...b4 sumaskit din yung tian ko at likod tas nag pacheck up me nireseta sken ng ob ko maalox,it is normal 4 breasfeeding mom.....ngaun d n nskit tian ko,,likod nlang,,don siya s part ng pinaginjeckan ng gen.anestisia....yung bb ko gus2 lgi niya buhat kahit pagdede,eh 8kilos n siya....nata2kot me kc bka mag kascoliosis me.....meron din b s inyo gni2 experiens...thanks po!!
Logged

Nanay ni Liam

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 280
    • View Profile

Sharing mine bago makalimutan  :D :

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
Ongoing pa ang recovery ko. Just had mine 4 days ago  :)

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
I asked my anesthesiologist if pwedeng gising ako. He said yes naman but if he saw daw na nahihirapan ako huminga, patutulugin na ako. Then ayun, when i woke up nililinis na ako ng mga nurses, so I guess i had difficulty breathing while ginagawa ang procedure. But hubby was able to see nung mag-baby out. Pinapasok sya  :D

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
I stayed sa hospital 2 days lang. OB reliever has an activity the 3rd day ng whole day at late na daw ako mara-rounds, so since okay naman na ako basta naka poop na, pinauwi na ako.

4. Naka catheter po ba kayo?
Yes. Pero dko naramdaman na nilagay. Tinanggal din naman after I passed gas The next day.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
Abdominal binder. Mine was from my sister na na-CS din and pahiram ng friend ko, so i have 2 :)

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
I had my CS Friday 3pm, then Saturday 10am naglakad na ako. Ni-wheelchair papunta sa nursery kasi may nag leak na milk and i want to see my baby uli kasi nung pinakita sakin sa Recovery Room hindi ko natingnan masyado kasi groggy pa. I was curious kasi sabi pogi daw si baby. Hehe! Pero nung tinanggal na IV ko and oral na lang pain reliever ko, back to square 1 ang pain ko. Hindi na ako halos makalakad sa sobrang sakit. Now that im on my 4th day medyo nakaka-hakbang na ng matino but pain is still there. Assisted ang movements ko. It's so frustrating that you have to depend to other people para sa simpleng bagay, even yung pag-alaga sa sarili mo. Isipin na lang na it will all pass soon.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
Wala akong na-feel during the operation. yung pain will really kick in pag oral meds na lang. Masakit at matagal ang recovery lalo kapag bikini cut sabi ng OB. Well, bikini cut ako and sobrang painful sya. Tiis ganda lang talaga  ;D

Tips: if possible, stay muna sa bed ng 24hrs. Wag abusuhin ang katawan like what i did :(
Kapag nasa room mo na ikaw, try not to talk para mag-pass agad ng gas (tip from my friend, medyo sinunod ko pero di rin gaano kasi atat ako makipagkwentuhan sa hubby ko. I was asking a lot about our baby at 2am!)
After 24hrs, try mo na mag-turn to your sides, then sit down sa bed pa rin, then dangle your feet kapag okay na pakirAmdam mo. 3rd day mo na ikaw maglakad-lakad para di mapwersa katawan mo.
Give yourself a chance to recover. Sabi nga ni friend "feeling mo kasi ikaw si superwoman."...kasi now parang bumagal pa recovery ko. I hate depending to others kasi lalo for self care, kaya lang the more na pilitin mo, the more na nabubugbog katawan mo. So take it slow. Thats what im telling myself hanggang ngayon :(

______________________
Mod's note:
Post a question about this topic, share your experience and enjoy Parent Chat perks.
Login or register to join this and other discussions! Members get a downloadable freebie upon registration or membership update.
« Last Edit: November 21, 2017, 05:26:15 pm by Mommyjazz »
Logged

Mommy ni Gab

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile

before i had the C-section, i was induced by my OB due to trial of labor.. because i wanted to have a normal delivery then, Since it was my very first pregnancy...
20th day of December 2011,It was just an ordinary pre natal check up when,My OB admitted me to the hospital and undergone the inducement process but unfortunately hindi kaagad nagtake effect yung gamot na nilagay sa IV ko. so i need to wait for another day expecting to have a SAFE and NORMAL Delivery..
 they say na pag nainduce ka mararamdaman mo yung sakit na parang maglalabor ka.
but i felt nothing! the next day i was hoping na mag tatake effect na yung gamot na nilagay sa IV ko, BUT Still nothing happens,  ??? hangang sa umiyak na ako,  :'( I was so depressed! because it's holiday season then and i wanted to get out of that hospital bed and spend our first Christmas as a Family with our baby.  :-[ :-[  :'( 'till afternoon strikes, my bag of water leaks,
i thought it was just my urine, pero parang iba ang consistency ng liquid, so my aunt call the nurses. they let me lie on my back and take a rest for an hour for some observation. hangang sa tumawag at nag instuct ang OB ko na kailangan na ako dalhin sa labor room at baka maubusan na ako ng water. the pain starts right away nang dalhin na ako sa labor room from 7pm to 10:30 pm.
nung dumating yung ob ko, she tried to check kung ilang cm na ako.. and guess what, i was just about  1CM knowing that i had induced by the doctor!  :o :o that was the time na sinabi niya na Emergency CS na ako.
my reaction was, huh??!  :o pagkatapos nung lahat lahat ma si-CS dn pala ako! but i accepted it,because thats the risk of trial of labor ika nga..after a few minutes dumating na ang anesthesiologist, and asked me to lie on my side and bend a little bit, He shot the anesthesia sa likod ko, pero walang pain akong naramdaman knowing na ang laki ng needle. :) after that manhid na buong katawan ko and i felt i was on drugs! parang naka high ako  ::) at ang sarap ng pkiramdam.  ;)
hangang 11:04pm lumabas na si baby! December 21,2011at 11:04 pm exact time!  ;D ;D I was awake nung nilabas siya dahil gusto ko except from everyone around the operating room ako unang makakita at makarinig sa kanya.
His pedia let him kissed by me. nung narining ko yung iyak niya, parang kakaiba yung pakiramdam, i cant believe na andyan na siya! Safe and Sound..  ;D ;D before siya dalhin sa nursery room the doctors said i can now sleep, and i did so.
dahil parang ansarap matulog dahil effect na rin ng anesthesia. the moment i woke up, i was in the recovery room na,at ililipat na ako sa room ko.
And Yes we spent Christmas sa hospital, but i dont mind anyway..  8) importante we are complete as a family! 
My parents,twin siblings, my husband and of YES of course our new bundle of joy! :)  8)
December 26,2011 FINALLY nadischarge na kami ng hospital! i stayed there for almost 6 days.. pero happy parin dahil Safe si baby and me. pangit nga lang ng effect ng anesthesia cause i got allergies at naging makakalimutin ako.  :-[

« Last Edit: March 19, 2013, 05:28:15 pm by Mommyjazz »
Logged
:)   :)  nics  :)   :)

Nuna

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 438
    • View Profile

Hello mommes, CS din ako sa first baby ko at ngayon we are expectimg our 2nd baby. Nagtrial labor din ako nung una, pero wala na emergency cs din. Grabe yung labor ko nun, ang tagal at hirap pero wala pa din. Inis ako sa OB ko non kasi feeling ko hindi pa naman talaga ko manganganak.

Yung isi CS nako, tinurukan ako ng anaesthesia pero naitataas ko pa paa ko, so ayun pinapalit palit ako ng position, tinurukan hanggang finally tinalaban nako mg anaesthesia. Pero nung andun nako biglang hindi naman ako makahinga... I told them pero ang bagal nilang lahat wala sila ginawa hanggang parang feeling ko mallaagot na hininga ko kasi hindi nako makpag salita kahit konti.. Hindi na din ako maka mulat. Tas yun wala nako namalayan. Pag gising ko, yung baby ko napaliguan na tas pina kiss na sakin. Dun ako takot na takot talaga sa part na hindi ako makahinga... At yung ayaw tumalab ng anaesthesia. Medyo nainis din ako sa ob ko kasi sana man lang mas maalaga sya kasi first time ko manganganak non.. Tsaka nagkasakit pa din ako after ko manganak. Nilagnat ako, hindi ako maka pupu, super sakit ulo ko.. Mga ganun.

Ngayon, ang question ko mga sis.. Ok lang ba na magpalit ako ng OB? Or mas maganda ba na sa kanya ulit ako magpa CS kasi sya nung nag CS sakin sa first baby ko? May nagsabi kasi sakin mas maganda daw kung dun nako sa unang nag cs sakin para atleast alam na niya pano niya ginawa, pano ako before and during the cs operation. Nung una kasi desidido na ako sa iba na, pero ilan na yung nagsabi sakin na dun nalang ulit ako magpa CS sa nag CS sakin  na una. Hmm.. help.
Logged
Life's not perfect but I AM HAPPY.



Nanay ni Liam

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 280
    • View Profile

Sis Nuna, yung friend ko 2x na nanganak via CS. Magkaiba yung ob na gumawa sa kanya. If you are not comfortable with your previous ob, i guess it's ok na lumipat ka as long as alam mo yung previous pregnancy history mo para just in case magtanong yung new ob, mabibigyan mo ng sagot. Anyway if talagang hindi pwede lumipat, sasabihin naman ng new ob syo yun kapag nagpa checkup ka. Plan ko din magpalit ng ob sa next pregnancy ko kahit na 5yrs pa siguro nyan bago ko sundan si baby. Hehe!
Logged

PinkyshKate

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile

Sis Nuna, pwede ka namang lumipat ng OB eh kasi ang factor na iconsider mo is yung aalagaan ka talaga,hindi ka maawkward sa kanya. Isa pa sa dami ng pinaanak ng OB mo hindi niya matatandaan bawat pasyente at sigurado akong magbe-based pa din sya sa Operative Technique at Medical Records mo.
Ibang OB at ibang hospital magpapanak sakin ngayon sa 2nd baby ko at CS uli ako. Dun sya magbased sa Operative Technique ko sa previous CS ko.
Logged

mico_pr

  • Newbie
  • *
  • Posts: 9
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #344 on: October 21, 2013, 09:54:49 pm »

Hi po mga mommies.may question lang po ako sa mga may nakakaalam.scheduled  cs po ako this coming november ask ko lang po if mag papaschedule na need na po bang magbayad ng initial deposit?thanks in advance.
Logged
Pages: 1 ... 21 22 [23] 24