Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2 3 ... 24

Author Topic: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS  (Read 290828 times)

mommy shelaih

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 417
  • my life
    • View Profile

Basahin sa Smart Parenting. Click any topic title below for full information.

What You Need to Know About C-Sections
delivery room
12 Stories of C-Section Delivery
C-section recovery
Why Doctors Perform Emergency C-Section


hi im here again hehe :) galing po ako sa ob ko kanina and she told me na cs daw po ako :( kasi my baby is too big 4 my size daw maliit kasi balakang ko talga nung hindi pa ko preggy nun pa man sinabi na niya na wag mo palalakihin masyado si baby sa tummy mo kasi mahihirapan ka manganak.... ah super tigas pa rin ulo ko sige pa rin ako kain laki tuloy tummy ko hehe ;D mga mommy na na-CS i have questions po di ko kasi natanong sa ob ko kanina dahil nashock ako sa news niya na ma-CS ako... hope you can help me

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya... :(
5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel

yun na lang po muna question ko hehe baka kasi makulitan na kayo sakin :D thanks po

Reply to join this discussion.

« Last Edit: September 06, 2019, 09:10:59 am by Parentchat Admin »
Logged

mama_jo

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 485
  • female version of her papa
    • View Profile

1.ilang months po bago kayo nakarecover? 

ako mabilis akong naka-recover, pagkauwi namin sa house, karga ko na si baby kz magaan lang naman ang bebs ko at advised din ng OB ko, kinabukasan after CS dapat nakakagalaw na konti (e.g. naka-upo ka na sa bed mo without support, tayo konti) to avoid daw na magdidikit ang intestines..following days, more moves the better...nasa sayo yan if pano mo i-treat yong condition mo...basta galaw-galaw ka lang...

ang pinakabawal lang ng OB sa akin, magbuhat ng mabigat/mamwersa na wala pang 3 months...after 3 months, ok na...


2.pwede ba na gising ako while sini-CS?

yes, puwede ka gising...like me gising ako throughout the operation, lahat ng kwentuhan maririning mo til maririnig mo ang first cry ng baby mo...ako, cry-cry pa nong marinig ko ang cry ni jana...thru spine ang anesthesia...

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?

4 days kami nag-stay sa hospital to include yong 1st day sa hospital for induction (induce kz ako pero wala pa rin, emergency CS pa rin)

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya... :(

nilagyan ako ng catheter nong nasa OR na at administered na ang anes kaya di ko ramdam at no pain pero alam kong may pinasok...

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?

abdominal support ang tawag don pero puwede mo na rin sabihing binder for CS mommy hehe ganyan ang tawag ng mother ko nong bumili sya kz di pa namin alam ano name, sabi lang kz sa hospital binder... we bought mine sa mercury...besure na ang mabibili mong binder hindi yong rubberize kz mainit at magnanaknak ang sugat mo sabi ng mga attendants ng hospital kz may naging patient sila na rubberize ang gamit...P700+ ang bili namin..

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?

di pa agad makakalakad kz 4-6 hours bago mag-subside ang anesthesia, nakakahilo yon kaya kahit pillow sa head di puwede, bawal ma-elevate ang head at based on my experience, 2pm ng jan 18 ako na CS, kinabukasan pa ako pinasuot ng binder kaya di puwede tumagilid...nong naka-binder na ako kinabukasan, dinalaw na ako ng OB ko to move my legs at slowly upo at kinagabihan, nakakalakad na ko slowly...alalay lang kasi masakit pa ang sugat

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel

totally wala kang maramdaman kaya malaki talaga ang role ng Anesthesiologist (yong anes ko hubby ng OB ko kaya i trusted him 200%)..iti-test pa ng anes yon after administering the anesthesia...sa akin, may matulis na thing na pinatong sa tummy ko at asked niya if parang pinatong lang or matulis...tapos matulis na thing na yon, pinatong din niya sa braso ko na walang anes kaya na-compare ko na dull ang feeling sa tummy...di ko nga alam na nahiwa na pala ako pati pag tahi...

don't worry...be strong lang pero malay mo di ka ma-CS...
Logged

yummymommy

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 279
    • View Profile
    • on-line raket! :)

here are my answers based from experience:

1. mga 3 months.. pero actually, sabi nila 3 years daw talaga ang itatagal para mag heal talaga yung wound inside.
2. pwede naman.. gising ako nun eh, pero bangag bangag na.. hehe.. dahil nga sa anesthesia.. nararamdaman ko pan umuuga ako (yun pala binibiyak na ko nun) :p tas nung pinakita sakin baby ko, saka na ko napapikit. nagising ako nasa recovery room na ko, then nagising ulit ako nilalabas na ko elevator, then nagising na naman ako nasa room na ko.. ehhehe..
3. 3 days din ako nagstay or 3 1/2.. kasi sabi ng ob ko kailangan daw maka poopoo muna ako bago ako lumabas ng hosp.
4. yes, naka catheter po ako, kaya lang di naman siya masakit.. kahit na sinabi nilang masakit daw pag unang ihi, wala naman ako naramdaman.
5. dun sa binder, pag gising ko meron nang nakalagay sakin, sa hospital na galing.
6. pinaglakad na ko nung 2nd day ko na, pero siguro kasi bata pa ko kaya malakas ako nun, yun sabi nila.. pero di ko lang sure.. masasabi naman sayo ng ob mo yan pag pwede ka na.
7. wala kang mafifeel na sakin kasi may anesthesia na naman, naramdaman ko lang na umaalog katawan ko.. hehe..

hope nakatulong ako kahit papano :)

prettytrisha

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 201
    • View Profile

@cassie
Mommy try mo kaya muna magpa-check up sa other OB. You try Dra.Sangalang sa Chinese. Kc nakakagulat naman ang OB mo na declare agad na CS ka. Kung first baby, dapat inaantay mag-labor at ska yung progress ng labor. Then pag hindi talaga kaya, dun lang idi-declare na CS.

Ang dami kong kilala na mga moms na ang liliit at ang papayat pero lahat sila normal deliveries. May nakilala din ako na ang height yta ay 4'10 at ang baby niya 8lbs, pero normal delivery siya. In my case, ang laki ng balakang ko and everybody was shocked nung nalaman nila na na-CS ako kc maliit daw sipit-sipitan ko eh ang baby ko 6lbs lang. compare dun sa mga naglalakihang mga baby ng ibang mommies na normal ang delivery. Pero ako na-declare na CS sa labor room na after several hours of labor at walang progress pagbaba ng baby.

Sad to say, baka naman gusto lang ng OB mo na kumita kaya sinabi na CS kana agad. Mga friends ko galit sa OB ko kc kaya ko daw mag normal kc nga blessed ako sa balakang. Hanggang ngayon sinasabi nila na kung nagpunta ako kay Dra.Sangalang, baka normal delivery ako or kung CS man, bikini cut (yun kc ginagawa niya kahit emergency CS).
« Last Edit: December 28, 2012, 12:21:51 am by toughmom »
Logged

mama_jo

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 485
  • female version of her papa
    • View Profile

u're right sis prettytrisha...nagulat din ako na declare na agad ng OB na CS si cassie...ako nga, kahit petite pero mabalakang...never nagsabi ang OB ko na baka ma-CS ako basta ang sabi niya prepare lang ng panggastos in case ma-CS, kaya nga kahit overdue na ako at di pa rin humilab tummy ko at 1cm lang ang dilation ng cervix ko, induce pa rin niya ako at i was enduring the labor pain for 15 hours kz antay talaga namin na natural birth (normal delivery)...saka na ang OB ko nagsabi na CS na niya ako at asked permission sa mother ko (somewhere in the middle of the sea kz work ng hubby ko) nong nagka-canal na ang tummy ko, parang nahati na ang umbok ng tummy ko, 1 of the signs daw yon na stress na si baby pero 2cm lang ang cervix dilation ko...

dapat sis cassie, encourage ka ng OB mo ng normal delivery...
Logged

mommielynne

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 382
  • great powers come with great responsibilities....
    • View Profile

tama sila mommy kasi, kasi with my case kahit talang nirequest na namin ni hubby na CS ako ayaw ng OB ko. ang sabi niya try muna namin ang normal delivery since 1st pregnancy ko. ang alam ko ang mga OB usually hindi ngaeencourage ng CS they will try as much as possible na normal delivery unless nacocompromise na yung safety nyo ni baby. i was 4cm when i was admitted, tapos induced pa niya ko, from 12pm-9pm naghintay OB ko kaso prolonged labor ako hanggang 7cm lang ang dilation ko so nagdecide sya ng CS na ko, turned out 9lbs pala baby ko. i agree with mommy prettytrisha to ask for 2nd opinion sa ibang OB.
Logged

mommy shelaih

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 417
  • my life
    • View Profile

hi ask ko na rin my kilalala or marerefer ba kayo na ob na pwede sa chinese general hospital? i heard kasi na mura daw dun and ok naman daw.... pwede pa kaya ako lumipat ng ob ko though im 34 weeks na narealized ko kasi ang mahal ng singil sakin ng ob ko eh.... tska dibe pwede ko naman isked kung wen ko gusto manganak since cs naman ako.... :)

Dra.Sangalan. siya OB ng mga friends ko na nanganak sa Chinese at ok nga daw siya

hi sis... do you think pwede pa ko lipat ng ob gyne? san ba clinic ng ob mo? tska pwede send mo sakin num niya? ayoko na magpa 2nd opinion sa iba para incase CS talga edi dun na lang ako sa ob mo.... sis if you dont mind how much nagastos mo sa CGH? sa sta cruz manila ba yun? :) thanks po.....

thank you din sa mga mommy na nagreply mwuah
Logged

yshaleigh

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 412
    • View Profile
    • http://lilypie.com/pic/080924/h6EJ.jpg

ako OB ko c dra sanggalang sa chinese gen... she hates her patient n gumastos ng malaki.. as much as possible kng kaya inormal...ipipilit niya kng talagang pwede naman unless pag d talaga kaya i CS k niya..

like what happen sa kin.. almost 12 hrs ako ininduced pero ayaw bumuka ng cervix ko.. hanggang 3cm lang... so what she did is pinputok n niya yung panubigan ko kc po ngbbleed n ko pero wala pa ding changes sa cervix, so pagputok niya as in to the max ang sakit dhil db nga pag nglabor ka maskit n db pero once n nwala n ang panubigan triple ang pain good thing in an hour bumuka ang cervix ko ng 7cm going to 8cm.. so dinala n ko sa delivery room pero kng hnd bumuka ang cervix ko iCCS niya ko kc may heart problem ako baka d k n kayanin yung mga gmot and pain..
every hour monitoring ang gnwa niya sa kin kahit nsa hauz n sya.. every hour ang call niya dhil nririnig ko yung nurse and mga docs don..

pwed k pa magpalit ng OB mo.. kay dra sanggalang... 1st visit 100 lgn tpos sa mga susunod wala ng bayad un..

tpos ang room niya is sa dulo.. pagpasok m sa clinic department turn right ka lang.. dulong dulo at makikita mo dami patient ni dra kc sbrang galing niya mag alaga at magpaanak... hnd mbigat ang kamay at hnd sya magastos or mukhang pera.. hehe

blumintrit lang ang CGH...

itoh ang breakdown nla::

normal:
ward 20k w/o philhealth but with philhealth 17k lang
semi private 27k w/o but w/ Philhealth 24k
private 30k w/o then w/ 27k..

excluded po ang PF ng OB... approximately mga 3-6k lang ang PF niya.
pag CS ,, double the price lang ng pack ng normal.. un ang sabi sa kin..

iIIE k naman niya weekly at check niya kng kaya mo inormal..
hope it helps.
goodluck



Logged

sweet_heaven

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile

@cassie

hi cassie! how are you?  i agree with another mom's advice, see another OB. 
i was CS den because im almost over 42 weeks with no labor pains at all!
there is a binder avail at mercury kaya  lang i didn't like it. pero hospitals
provide binders naman, not sure lang if all hosp. kc with my exprerience, galin sa hospital yung binder.

my mom is a nurse for like 30 years.  she advised not to take the type of operation
na sa spinal idadaan yung anesthesia.  mas madami daw kc side effects un.  you can actually
ask ur OB on the diff types of CS tapos mamimili kung alin yung gus2 mo.  i think me 3 types un,
nkalimutan ko lang un mga tawag. hehe.

good luck!
« Last Edit: April 17, 2018, 09:56:07 pm by Mommyjazz »
Logged
A mother is she who can take the place of all others but whose place no one else can take. - Cardinal Mermillod

cpasfri

  • Newbie
  • *
  • Posts: 32
  • my 1 month baby curt bernard
    • View Profile

hi..base on my experience, im a new mom and just gave birth last april 2008.. :)

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
     sandali lang, nakarecover nako, i guess may tuyu na yung tahi ko sa labas but definitely yung inside hindi pa as they say it will heal for 4 years

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
      actually ako gising ako..umeffect lang ang pampatulog nakalabas na yung baby ko sa recovery room tulog ako, pero not deep sleep yun
   
3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
     dahil package ako 4-7days kasi pero 4 days lang ako pwede kana pauwiin kapag ok kana nakakatayo kana ngfart kana

4.naka catheter po ba kayo?
      definitely nakacatheter ka, pero they will put the catheter after mo iinject ng anasthesia
 
5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?
    i don't lmow sa makati med kasi its like a cloth abdominal binder twag dun..autiomatic they will put it on you tummy sa akin nilagay yun when they put me on the recovery room na..sa mercurt they sell abdominal binder pero makapal yun parang may rubber i thinks nasa 500.+

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
     actually untiunti first day ko labas side by side nako tapos by night ngtry nako tumayo kasi nakafart na ako, once ngfart  kana pwede kana umupo tumayo pero wag mo bibiglain untiunti lang kasi baka mahilo ka sideeffect ng anasthesia

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
      ako ang naramdama ko yung insertion ng catheter after that wala hindi ko naramdaman..but im awake ha

i hope this will help...
Logged
cherry ;o))

keih liwanag

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1078
  • ANNE KEIR.. the HAPPINESS beyond our HAPPINESS!
    • View Profile
    • my multiply
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #10 on: November 04, 2008, 01:50:28 pm »

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
- 2 months. but the first two weeks, hindi ko pwede buhatin si baby. i also visit my OB parin nun kaya nababantayan recovery ko. we also used foskina medicine for the tahi.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- yes, i preferred that. ayoko tlaga yung patutulugin ako. kahit normal birth. ayoko ng tulog.

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 4days

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
- i think so. shocks, can't remember. haha sencia na 2 surgeries na eh, cs & gallbladder. dami ko na anesthesia. hehe

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- as is sis, tummy wrap or tummy binder. department stores have them. pero mine, pinabili ko sa lola ko sa states, magaganda kase quality daw dun so she bought me two. 1 na medyo manipis, 1 makapal.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
- sa 3rd day, nirerecommend na actually ng mga nurses, and they will support you.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
- wala talaga sis. promise!  ;)
Logged
Being a mom is deciding forever to have your heart go walking around outside your body.

gwen's mom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 247
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #11 on: November 04, 2008, 02:11:29 pm »

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
      - 1 month lang yata ok na ok na pakiramdam ko pero actually 1 week pa lang nagbiyahe na ako, I went back to my OB to have the end of my tahi removed. 1 hour away lang naman siya.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
      - yes, gising ako during my CS operation

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
      - 3 days lang

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
     - yes

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
     - tummy binder, sa mercury drug store kami nakabili. good quality pero mahirap hanapin, madalas out of stock

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
      the following day after my operation pinaglakad na ako ng OB ko, kinarga ko na rin si baby.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
      - yes, ramdam kong hinihiwa ako pero walang sakit siyempre may anesthesia eh. The first hiwa, di kasya baby ko, malaki kc (9.9lbs), kaya hiniwa uli ko, nilakihan para makalabas si baby.
« Last Edit: November 04, 2008, 02:28:29 pm by gwen's mom »
Logged
"The heart is a fertile place. Anything planted there will grow for sure, whether love or hatred. You decide what to harvest."

mommy shelaih

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 417
  • my life
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #12 on: November 04, 2008, 08:32:04 pm »

hi mga sis naka sked po ako ng CS this nov 27.... yehey makita ko na baby ko.... last q's na po mommy ano ba maganda buy na ko ng binder now or hayaan ko na lang yung bibigay ng hospital?(since sabi nyo po mahirap humanap at maganda naman yung sa mercury) tska mommies totoo ba na my bad effect yung anes?
Logged

sweet_heaven

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #13 on: November 04, 2008, 09:42:34 pm »

hi mga sis naka sked po ako ng CS this nov 27.... yehey makita ko na baby ko.... last q's na po mommy ano ba maganda buy na ko ng binder now or hayaan ko na lang yung bibigay ng hospital?(since sabi nyo po mahirap humanap at maganda naman yung sa mercury) tska mommies totoo ba na my bad effect yung anes?

hey sis! good luck. know how u feel. excited!
i checked my binder's brand, and it's "LongBone". mas nagustuhan ko sya
kesa yung sa mercury. me soft cushion kc yung longbone and very easy to adjust.
un yung binigay sa ken sa hosp. Jesus Delgado yung hosp ko, its in qc.

cassie, meds naman talaga have side effects.
yung advice lang sa ken, wag na lang yung anes na dadaan sa spinal
mas prone to pagiging "makakalimutin".
nevertheless, sabi ko nga, lahat naman ng types na yan me
good and bad effects.  basta ang mahalaga, healthy ang baby
and safe ang delivery!

good luck sis!
Logged
A mother is she who can take the place of all others but whose place no one else can take. - Cardinal Mermillod

cpasfri

  • Newbie
  • *
  • Posts: 32
  • my 1 month baby curt bernard
    • View Profile
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #14 on: November 04, 2008, 10:18:14 pm »

hi mga sis naka sked po ako ng CS this nov 27.... yehey makita ko na baby ko.... last q's na po mommy ano ba maganda buy na ko ng binder now or hayaan ko na lang yung bibigay ng hospital?(since sabi nyo po mahirap humanap at maganda naman yung sa mercury) tska mommies totoo ba na my bad effect yung anes?
hi mommy cassie ngayon pa lang congratulation...like they say just relax hehe..saang hospital kaba?kasi some hospital automatic they put binder na after the operation..but if you want you can buy sa mercury they also have sa sm..idk kasi my binder is a cloth like ok din siya coz its nit mainit on tummy...goodluck girl..
the side effect for me ng anasthesia is..nglalagas yung hair ko..ayun..
Logged
cherry ;o))
Pages: [1] 2 3 ... 24