1.ilang months po bago kayo nakarecover?
sabi nila 3 mos daw fully recover pero ako this time my second CS two weeks pa lang ako after my operation I can do many things na I walk my eldest, I do my grocery and I drive na din. Sometimes nasa tao na din ang healing if you think you need to recover fast because your family needs you or you need to do something madali ka mag he heal.
2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
It's your choice pero my ANES recommends to be awake or my term sila "twilight" ata yun. mas ok na gising kasi alam mo ang nangyayari sa OR you'll hear your baby's first cry and yung anxiety and excitement ng mga person sa OR pag malapit ng ilabas si baby

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
2 days po. a day after CS OR dapat nakakatyo na para daw maiwansan lagnatin kasi delikado daw yun.
4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...

yes, just for one day kasi your body needs to adjust after the pregnancy everything must be place on its normal position kasi sis hindi ka pa makaka ihi sa toilet bowl after the operation hindi mo pa mararamdaman yung half ng body mo. pag nakakatayo ka na at nakaka walk na minsan nag dedecide na sila na tanggalin na yung catheter.
5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
sometimes the hospital provide it also as per request na din ng OB. you can also bring your own blue binder available sa mercury and also buy adult diaper and maternity pad
6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
after OR hindi pa kasi mahiluhin ka pa and pag nawala na yung anesthesia you start to feel the pain of the surgery 2 hours sa recovery room dapat you can move your feet na. the another 6 hours on bed after 6 hours dapat you can be able turn sideways on the bed. day after kelangan nakaka upo ka na sa bed or stand beside the bed. kung hindi mo na feel yung hilo you can practice walking in your room na.
7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
ako totally wala kasi after the ANES inject sa spine he ask me if i can move my feet several seconds numb na totally then hindi ko na maigalaw half of my body they start na the surgery
if you still have any other concerns ask lang ng ask

My CS operation last October 30, 2008 kaya fresh pa lahat sa memory
