Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 16 17 [18] 19 20 ... 24

Author Topic: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS  (Read 313393 times)

hanne

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 161
    • View Profile
    • My Curious Ava
Re: All about CS - insights, fear, care, tips, scheduled & emergency, repeat CS
« Reply #255 on: February 20, 2012, 04:36:03 am »

emergency CS din ako last Oct 19, 2011

1.ilang months po bago kayo nakarecover?
 - by the 10th day nakapag commute na ako sa hospital alone for my check-up (tho isang trike ride lang naman yun) and by the 11th day nag grocery na ako mag-isa. almost no pain na nun, parang mabilis lang ako mangawit pag nakatayo ng matagal, sumasakit balakang ko but was perfectly mobile and all.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
 - normally ata gising talaga. kase dapat gising din ako like the other moms but may part na nararamdaman ko yung pain and my heart rate shot up (initially kinakausap ko pa anesthesiologist ko and i said i can feel something while hinihiwa ako and he said baka phantom pain lang cos if i can really feel something my vitals would change and after a min or two i dunno pero bigla sya nagpanic and she told my OB to stop cos i need to be put down, so i think nagbago na vitals ko by then).

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
 - 3 days, wed night ako nanganak, sat lunch ako na re-lease.

4.naka catheter po ba kayo?
 - Yes, first 24hrs. di ko naramdaman ilagay. di rin masakit nung tinangal.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
 - binder lang nga din tawag namin dun. paggising ko meron na e, so i guess the hospital will sometimes provide for it. hehe

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
 - required ako to walk after the first 24hrs kaya tinanggal ang catherer, para maglakad ako everytime i need to pee

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
 - first 2 hiwa, parang malamig na ballpen lang na sinusulatan tummy ko. eventually i can feel a 'snipping' pain sa left side, parang may hinihila na something sa tummy ko cos i can feel the pressure of being pulled somewhere then i 'snip' na parang may release tapos yun ang masakit. as i've mentioned, i was eventually put out after a while so dun wala na talaga akong naalala at nararamdaman until i woke up 2hrs after sa recovery room.
Logged
Visit our Curious Ava Shop for clothes and accessories fit for mommies and their little girls --

https://www.facebook.com/curiousava

charmed0304

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 94
  • I love being a mom!
    • View Profile


had my prenatal check up yesterday.. i know long before, sked cs na ako for my 2nd baby.. Yes, excited ako to see my baby but facts are popping out of my head! Hiwa na naman, operation na naman after 1yr and 4mos lang ng first CS operation ko.. Waaahh.. Before di ko masyado iniisip to, cool lang ako about it.. But now na malapit na ako manganak, sked CS would probably be on April 2, parang kinakabahan na ata ako ah.. Praning na naman ako as to what will happen, baka may mangyaring di maganda,etc.. Haysh.. Eto na naman pagka nega ko!
Mommies who've been there sa situation ko, please lessen my worries.. Ano ba dapat isipin ko?
Logged

Castiole

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 62
    • View Profile

Hi Sis Charmed,
     Same situation lang pala tayo. Na CS ako last Feb. 8 lang. Sked din kasi magkasunod din mga anak ko. 11 months old pa nga lang panganay ko. Syempre kinakabahan din ako like you, pero ang iniisip ko na lang ay makikita ko na din si baby. Huwag ka masyado ma tense sis kasi mas mahirap pag ganon. May possibility pa na tumaas bp mo nyan. In my opinion, hindi na gaano mahirap pag second CS kasi expected mo na rin iyong pagdaraanan mo. Mas madali pa nga recovery mo kasi alam mo na din gagawin mo. Pray ka lang lagi Sis. Good Luck!
Logged

sushilover123

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 225
  • patiently waiting for my little baby boy..
    • View Profile

First thing to do sis is pray ka lang.. Makakaraos ka din and makikita mo na si baby. :) para mawala pagkanegative mo, why not prepare or the coming of your baby? Ayos ayos ka ng mga damit and stuffs na gagamitin niya para instead na kabahan, maexcite ka diba? :D

Buti ka nga sis scheduled CS ka.. You don't have to experience labor and all the pain (syempre after CS, dun na ang bonggang pain) ako kasi emergency CS last June. Naglabor ako ng sobrang tagal tapos nilagnat then nagCS na. Sobrang thankful ako na naCS ako kasi ang sakit sakit maglabor!!

Kaya mo yan mommy!! Wag ka magisip ng kung ano anong masasama as long as sinunod mo naman lahat ng payo ng OB mo.. Kering keri mo yan!! Goodluck sis! :)
Logged
A mother's joy begins when new life is stirring inside... When a tiny heartbeat is heard from the inside and a playful kick reminds her that she is never alone.

charmed0304

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 94
  • I love being a mom!
    • View Profile


@ sis Castiole:
really sis? mas maaga pala nasundan sayo.. :) Nakakakaba lang talaga kasi alam ko na mangyayari eh.. Pray na nga lang tala siguro para mawala worries ko.. Nakaraos naman ako before so makakaraos din ngayon.. Same din ba ng cut mu sa 1st yung 2nd cut mu? I mean dun din yung hiwa? thanks! :)

@sis sushilover123:
naku sis, sa 1st baby ko same tayo, naglabor din ako for 10hours bago ako na-emergency cs.. Syempre this time, scheduled cs na since hindi umobra normal delivery nung 1st ko.. yoko na ma-experience yung ganun.. worry ko lang now is maexperience na naman same pains after cs syempre.. pero i know kaya yan for the baby di ba? :) Prayers nga dapat talaga! thanks sis! :)
Logged

nikaygelo

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 185
  • Motherhood is priced of God, at price no man may d
    • View Profile

joining din!!
emergency CS din ako last 10-05-11 (Sta Monica Hospital)


1.ilang months po bago kayo nakarecover?
- a week after, dahan dahan lang sa pag galaw

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- yup, ako gising nun, yoko matulog kase gusto ko makita baby ko, ang sarap pala sa pakiramdam nung nakita ko yung anak, nawala lahat ng sakit,pagod at hirap..naluha nga ako nun..basta iba ang feeling..

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- 3 days ako, hanap pa kase si hubby ng pambayad sa hehe, emergency kase eh..ang naipon lang namin is yung pang normal lang..un ang mali namin kase masyado kaming nag stick o nag set sa mind namin na normal delivery hehe

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
-yup, pero hindi ko naramdaman at hindi ko lam, nung sinabi lang ni hubby dun ko lang nalaman,,

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
-binder po, nung si hubby bumili nasa 100 po, meron sa mercury..pero si hubby nakabili mismo sa hospital

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
-yup, ako kinabukasan pinaglakad lakad na ako..para daw masanay sa sakit, at yung paghiga pa side ways na dahan dahan..

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
-hhmm..yung sakit hindi talaga,para nga akong mananggal nun kase manhid talaga yung buong katawan ko, pero ramdam ko na parang pinipitik yung tyan ko un pala hinihiwa na ako..kahit yung turukan ako nung sa likod hindi ko naramdaman kase ang nararamdan ko nung is LABOR napakasakit..
Logged
I Love you Nikay!![move]

babyblair

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 332
  • young mom and lucky wife.
    • View Profile

may i add pala. kasi yung post ko. talagang i said na super painless yung naging operation ko kasi diba sabi nila masakit pag tinusok na sa spine. nung sa akin kaya hindi pala masakit, kasi bago yung pinaka parang major anesthesia, yung masakit nga. e tinurukan muna ako nung local anesthesia, kaya wala ako naramdaman non. hehe

kaya sa mga kagaya ko na dadaan ulit sa CS e suggest niyo sa OB niyo na mag local anesthesia muna. hehe
Logged

jpeach

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 79
    • View Profile

sis charmed0304, emergency cs din ako nung 1st baby ko 7 years ago. i'm pregnant now with my 2nd baby and scheduled cs din sa april. nakakanerbyos talaga pag iniisip mo yung hihiwain at bubuksan ka na naman tapos yung magpapagaling ka ng sugat for ilang weeks. kung pwede lang, mas gusto ko talaga normal pero no choice na e. nag-post din ako ng parang ganitong question dun sa isa ko pang forum and sabi naman ng mga nag-reply mas madali na daw yung 2nd or 3rd na cs, even yung recovery. yung iba nga nag apat na cs pa e. medyo napalubag naman loob ko kahit na minsan bigla pa din akong kinakabahan. pray, pray, pray na lang din talaga. good luck, sis!
Logged

Castiole

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 62
    • View Profile

Sis Charmed,
       16 hours din ako naglabor sa first baby ko at CS nga ang naging ending. Maganda lang ngayong second CS ko hindi ko na pinagdaanan labor pain. After the operation na nga lang sakit. Oo Sis mas nakakatakot nga situation ko kasi maaga nga nasundan panganay ko. iyong cut pala same pa din naman. Kaya mo yan SIs charmed, nakaya mo nga noong una na may labor pain pa eh di mas lalo na ngayon. Good Luck! :)
Logged

mommyandkiehla

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 232
    • View Profile

Hi sis!
Ako naman had a scheduled cs din lst 10-10-10. Alam ko na from the start na possible cs ako because of complications and sensitive kasi ang pregnancy ko. Ako din sobrang takot na takot to the highest level. Takot kasi ako sa injection, blood, wound and swero. Malakas tolerance ko sa pain but then takot lang talaga ako. Kahit nga magpavaccine lang kinakabahan ako what more ang maoperahan pa and never pa kasi ako naoperahan. Dami ko ginawa preparations, 1st siyempre nakinig muna ko sa pregnancy and labor stories ng mother ko which is parang mamatay ako kapag naririnig ko mga kwento niya. 2nd, nagkaroon ng buntis congress sa hospital kung saan ako manganganak, I grabbed the opportunity kasi may delivery room tour so i got the chance makita itsura kung saan ako maoperahan and because of that ewan kung bawas sa kaba or dagdag. 3rd, I prayed a lot. May novenA ako dinadasal simula mabuntis ako hangang sa morning ng manganak ako. Sobrang nakatulong. Since ok ang 10-10-10, un na ang date na pinili ko. Habang papalapit ang araw ay grabe ang kaba ko. Nung dumating na kami sa hospital yung tibok ng puso ko ang bilis at nanginginig tuhod ko, imbis na iwheel chair ako e pinili ko n lang mglakad papunta room dahil s nerbyos ko. Bawas din sa kaba ko e ngpablow dry muna ako ng hair at nagmake up bago sumalang sa operation hahaha. Thank God everything went well. Hindi ako nasaktan sa epidural at nakiliti pa ako. Masakit lang talaga ang after operation pero after a week ok na.

Go, mommy! Dapat nga mas expert ka na kasi 2nd mo na yan! Good luck!
Logged

lykeil

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 126
    • View Profile

All of my 3 kids were cs & EVERY YEAR ako nanganak! Noong una, takot kasi walang alam, but came the 2nd & 3rd time alam na, pati nga OB ko alam na kung paano ako ihandle.. hehe...

Basta hindi ako nag preeclamsia ok na sa akin at healthy ang baby ko paglabas at may mapag iiwanan ako sa panganay ko that time kasi kasama ko si hubby sa hospital for 3 days.
Kaya kain ka na lang ng healthy for you and your baby and enjoy being preggy kasi upto 3 lang na bata pwede sa CS. Very risky kasi for baby & mommy. Depende rin sa katawan ng tao kaya siguro nakayanan ko ng 3 sunod sunod. But thank God nakayanan ko!



had my prenatal check up yesterday.. i know long before, sked cs na ako for my 2nd baby.. Yes, excited ako to see my baby but facts are popping out of my head! Hiwa na naman, operation na naman after 1yr and 4mos lang ng first CS operation ko.. Waaahh.. Before di ko masyado iniisip to, cool lang ako about it.. But now na malapit na ako manganak, sked CS would probably be on April 2, parang kinakabahan na ata ako ah.. Praning na naman ako as to what will happen, baka may mangyaring di maganda,etc.. Haysh.. Eto na naman pagka nega ko!
Mommies who've been there sa situation ko, please lessen my worries.. Ano ba dapat isipin ko?

Logged

LLLA

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 445
  • ♥♥♥cRazYwoRkiNgMoM♥♥♥
    • View Profile
    • lizloveslexidigiscrapbookplace

hello sis, pareho tayo, scheduled CS din ako sa April 10.  ;) Pero kung manigas na tummy ko baka April 2 magpa-CS na ko..pareho ng date sayo.  ;)

Ako oo medyo scared din, kasi 4years ago na yung last CS ko, pero inisip ko kaya ko to kasi kinaya ko naman sa una..tsaka much better na din kasi ayokong maglabor sis..  ;)

Magpray ka lang sis! Kaya natin toh!  ;)
Logged
♥♥♥ I just love my kids! ♥♥♥

mami che

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 436
    • View Profile

hi sis!

ok lang yan.. mas nakakatakot nga tignan yung mga naglalabor eh  :D at least, tayong mga CS, cool lang  ;) always ready tayo parang girl scouts  :)

CS din ako 4 times... sabi ko sa unang baby, ayoko ng manganak kasi ang hirap hirap ng healing process  pero grabe, i'm amazing... nag yearly din ako  ;D
Logged
"Of all the rights of women, the greatest is to be a mother..."

annie0312

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
    • View Profile

Ask ko lang po ganu katagal ang fully recover ng cs? Mga ilang months puwede bumalik sa work?
Logged
The best thing a father can do for his chlidren is to love their mother.

galathea

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 110
    • View Profile

Hallo mga mommies!

FYI talagang tinuturukan muna ng local anesthesia bago yung major anesthesia, oftentimes the reason why some mommies still feel the pain of the injection in the spine kasi may "nerbyos" sila, so medyo nale-lessen ang effect ng local anesthesia. I have two sisters that had CS three times each, and sa kanila naman basta ang bilin nila sa akin before I went to my own CS operation, is to pray and don't be nervous so that the anesthesia would work as it suppose to...
So the best advise I can give to mommies who is expected to deliver by CS is to pray, I did not feel any pain at all, because I had been praying the whole time even before I was taken to the hospital, I was praying.
God bless mga mommies!
Logged
Pages: 1 ... 16 17 [18] 19 20 ... 24