Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 [2]

Author Topic: Your ideal family before versus your real family now.  (Read 6893 times)

gandangmorena

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 138
    • View Profile
Re: Your ideal family before versus your real family now.
« Reply #15 on: April 23, 2012, 11:32:26 am »

well....

ideal fam. - may sariling house, syempre importante yun eh...
future fam. - buti na lang may sariling house na si hubby before kam ikasal.

idela fam. - gusto ko kami lang yung nakatira sa house la ng iba, me, my hubby & future kids.
future fam. - kasama namin si MIL kasi naawa si hubby na mag-isa sa house yung mother niya kasi deceased na si FIL ko.

ideal fam. - 2 to 3 kids (parang kami ng mga siblings ko)
future fam. - 1 child. Gusto pa ni hubby dagdagan ng isa pa, pero ayaw ko na sana, hirap mag-labor...

ideal fam. - maayos na hubby... yung can provide things that are needs & wants.
future fam. - had a very good provider husband.

ideal fam - plain housewife
future fam. - pwede palang pagsabayin ang pagiging houswife & career woman although the great career in life is to be a plain housewife talaga...

 ;) ;) ;)
Logged

BlueAby

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 461
  • Mother of two
    • View Profile
    • CS_CuteShoppe FB Page
Re: Your ideal family before versus your real family now.
« Reply #16 on: June 15, 2012, 09:43:54 pm »

Nung bata pa ko super super laki ng pangarap ko like magkaron ng sariling bahay. Yung malaki with swimming pool and a separate house for my dogs (mahilig kasi ako sa aso) :D

But then nung lumaki ako, all I want is a simple family. Iniisip ko pa kung paano ang magiging proposal ng mapapangasawa ko. To get married, ideal ko is garden wedding. Then may sariling house, and alaga ko mga kids ko sa bahay.

Pero ang life ko ngayon  :(   Im not yet married, with 2 kids na i-raised on my own, Atras abante si SD sa amin, Makikipag balikan tapos iiwan kami ulit. Walang proposal or wedding since nabuntis ako ng wala sa plan. Walang sariling bahay, nakikitira lang with my parents. Need to work pangdagdag sa gastusin sa mga anak ko and pang help sa parents ko.

Im SAD on how my life has turn out. Pero happy na rin cause I have my two kids with me. Nakita ko lang din ang frustration sa parents ko. hay  :'(
Logged

chococream

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 574
  • without you life is without meaning baby
    • View Profile
    • Online Store
Re: Your ideal family before versus your real family now.
« Reply #17 on: June 15, 2012, 10:32:10 pm »

Ideal family ko talaga is like,

for hubby - yong merong sweet grand gesture proposal and malakign kasal with all the adoring family celebrating our moment together, tapos the reception will be at the beach.

and then after that meron na kaming our very own house and lot, stable income at business tapos 3kids.

iba naman pala ang future, kasi i never heard any proposal, nabuntis ng wala sa oras and instead of a doting family and wedding tragedy pa ang nangyari for both our families. We still dont have a house and lot but sa ancestral house nila. thoug isa pa lang ang ang daughter namin, im still hoping it will turn out great.

i learned in a hardway that fairytales dont happen in the real world. and not all marriage that starts with a wedding is successful.  :) :) :) :)
Logged

KVsmommy

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 477
  • Living a full life as a WAHMmy. :D
    • View Profile
Re: Your ideal family before versus your real family now.
« Reply #18 on: June 16, 2012, 01:13:08 am »

I like this thread. :)

Hmmm...

Nung kabataan ko kasi eh madami akong heartaches na pinagdaanan. May mga taong akala mo yun na, pero hindi pala yun ang meant for you. So noon, ang ideal family ko talaga is very simple lang, gusto ko lang ng stable na buhay, asawang responsable, mapagmahal, and masayahin. Healthy and smart na anak, plus na lang yung maging kasing-ganda ko sya (chos. hahaha!). :D

Now that I have my own family na...I'm happy to say got more than what I wished for pa. :)

My hubby is loving, funny, and very responsible. He's also a very good father, and a real family-man kind of guy. Sya rin yung tipong may pangarap sa buhay, he won't settle for mediocrity kaya nagsisipag talaga. Sa anak naman, I have my pretty and witty little girl, na talaga namang ngayon pa lang mas maganda na sa kin. hehe (love your own). :D She's also turning out to have a liking for the arts (singing and dancing).

And at this age, masasabi ko naman na nakapag-establish na kami kahit papano, we're independent, have our own house and van na. We're still working on other assets, and hopefully and God-willing, be able to start a biz someday.

Siguro kung isa dun sa mga ex ko napang-asawa ko, naku malabo kang ma-achieve ko lahat ito at magkaron ng mga ganitong plans for the future. hehe. Not meant to be talaga sila for me, kaya kahit super duper emote ako sa dami ng heartaches, worth it naman for being with the man now that's meant for me. :)

Ok lang din naman kung dumami pa ang pera ng bonggang-bongga, mas lumaki ang bahay, magkaron ng bonggang negosyo, at bonggang kotse along with other bonggang assets at great school and other stuff for my kid (or kids in the future!). :D

Ok lang din naman kung di maging ganun kabongga, kasi happy na naman ako with my family now. :) Financial stability and good health and safety lang talaga ang wish ko for my family.  :)





danel_em

  • Guest
Re: Your ideal family before versus your real family now.
« Reply #19 on: June 16, 2012, 06:15:48 pm »

i had a complete family dream.. now its not so kinda sad.
Logged
Pages: 1 [2]