Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 2 3 [4] 5

Author Topic: First day of school experience. Excitement, adjustment and separation anxiety  (Read 34988 times)

sweetmj

  • Newbie
  • *
  • Posts: 19
  • iloveyou baby!!!
    • View Profile

Hi mommies.. Hope you can help me with this. My daughter is 3yrs old and i enrolled her to OB Montessori. At first wala akong problema sa kanya.. She gets along with others. Dahil working mom ako, yung mother ko ang naghahatid sa kanya at nag iintay until matapos yung session. Lately madaming holidays so yung anak ko naging comfortable sa bahay. This past few days, lagi na lang sya umiiyak sa loob ng classroom nila. Hinahanap daw lagi yung mother ko. Pag tinatanong naman ng teacher kung gusto ng umuwi, ayaw daw naman. Yun nga lang talagang mag iiiyak sya don.

I tried to talk to  my kid, sabi niya hindi na daw uulit.. Tapos ngayon, tumawag ako sa bahay to check kung kumusta sya, ayun, nag iiiyak na naman..

Mommies, please help.. I really dont know how to talk to her the way na maiintindihan niya na hindi ako magiging harsh..

I really need your help..

Thanks in advance..
Logged

Mrs. Anderson

  • Global Moderator
  • Full Member
  • *****
  • Posts: 244
    • View Profile

Merged with existing topic on separation anxiety.
Logged
It's your contributions that matter, not the number of posts.
Please use the search tools available. We have lots of valuable inputs from the members; take time to read them.

chococream

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 569
  • without you life is without meaning baby
    • View Profile
    • Online Store

two months din full akong nasa classroom kasama anak ko. buti at small private catholic school lang dito sa amin hidni pa masyadong super strict toddlers school pa lang naman. graveh talaga ang iyakan at away sa mga teachers niya pagumalis kasi ako. kaya ayon andun ako sa loob. this start of august lang nagstart na sya na pagsinabi ko na dun ako sa labas maghihintay sa kanya pumapayag na sya bsta if parang mag worry sya na wala ako sa labas pagsilip niya andun lang ako. makikita niya sa labas ng room with other mommies.

yesterday na tapos na finally yong room namin for parents kung saan dun kami lahat maghihintay pati mga yaya's and granny's sa mga bata. kaya hindi na ako nakikita ok lang naman din sa kay baby ko bsta paglabas nila ng classroom hinahatid sila ni teacher dun sa amin andun ako or else nko hindi ko ma imagine ano ang pagwawala ng anak kong kulot na yon.

i love the changes din now sa anak ko eversince pinasok ko sya sa toddlers school. friendly na sya, hindi na super bratty and pala away. marunong na syang maki pagfriend and makihalobilo. hay nko mga sis super bratty talaga lahat ng classmates ng anak ko nung start of classes nila. buti nalang at hindi ako teacher kasi wala akong patience sa sakit ng ulo ng mga batang super spoiled.
Logged

rozzy

  • Global Moderator
  • Sr. Member
  • *****
  • Posts: 465
  • Having own family is the BEST GIFT from GOD :)
    • View Profile

@sweetmj, in my opinion siguro yung excitement ang nawala sa daughter mo. Since puro walang pasok nung nakawaan then si Grandma ang lagi na niya kasama parang she get used with it. Try mo kaya na everyday before she go to school paalalahanan mo sya not to cry and susunduin naman sya agad after class. Or paunti unti ibalik yung excitement like ask her (or her teacher) ano ginawa sa school (esp. kung sing or dance sila) then sabay kayo sing or dance. For sure matutuwa daughter mo and makakaboost kahit papano ng excitement the following day sa school. O kaya naman ask her about her classmates and kung may mga friends na sya. Parang talks about her schooling not only academically pero socially. Mga bata naman natural sa kanila na maging masaya pag may kalaro. Then, ask her teacher na rin about her sa loob ng class para alam mo rin kung san mo sya need i-quide. Also, pag may mga stars na marks sya nareceived parang mag compliment ka sa kanya. Makakatulong din yun to boost her na pumasok sa school.

Pero syempre I understand your situation kasi working mom ka. And mahirap din yung tutukan ang bata consistently. Pero sure naman ako na kaya mo. Maybe ask help na rin from your mom.
Logged
"It is not good for a man to live alone, I will make a helper suitable for him" Genesis 2:18

Parent Chat Community Rules

sweetmj

  • Newbie
  • *
  • Posts: 19
  • iloveyou baby!!!
    • View Profile

@ rozzy.. super thanks sis.. your advice is really a big help.. eto nga at may mahaba na namang bakasyon, im really thinking of activities na pwede naming gawin para mabalik yung excitement niya at hindi sya tamarin.. thanks so much..
Logged

ilovemybaby

  • Newbie
  • *
  • Posts: 45
    • View Profile
Re: First day of school experience. Excitement, adjustment and separation anxiety
« Reply #50 on: September 03, 2012, 08:37:22 am »

^It's been 2 months now mommy since you posted this, how is your kid now? Is she/he now comfortable being left at school?
Logged

kiz_me1109

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 320
    • View Profile

My son is 3 years and 6 months old and he will start schooling this year. Me and hubby are so excited for his first day at school. But after reading this thread, bigla akong kinabahan. hahaha I don't know how will he react kapag iniwan ko na siya dun. I hope he will not cry. =(

We already went to his school to pay the reservation fee. And sa May meron din sila Socialization Class for 2 weeks para makilala na daw nila agad yung classmates nila before the firstc day of school talaga.

As part of his preparation, aside from telling him everyday that he will soon go to school, lagi din kami dumadaan sa school niya. Alam narin niya na yun yung school niya everytime napapadaan kami. Sa Village lang din kasi namin yung school.

I really hope he could cope up with his first day at school.
Logged
[enter]anne080809.blogspot.com[/center]

rozzy

  • Global Moderator
  • Sr. Member
  • *****
  • Posts: 465
  • Having own family is the BEST GIFT from GOD :)
    • View Profile

@ rozzy.. super thanks sis.. your advice is really a big help..
No problem sis. Ako rin naman I get opinions from other moms too. Syempre we are worried about the changes nila.

^sis kiz_me1109, galing mo mag-prepare sa anak mo. ;) Maganda yang 2 weeks socialization class na yan, sobrang makakatulong sa anak mo to adjust before going to school.
Logged
"It is not good for a man to live alone, I will make a helper suitable for him" Genesis 2:18

Parent Chat Community Rules

KVsmommy

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 471
  • Living a full life as a WAHMmy. :D
    • View Profile

Nyyaaaay, nervous din ako for my daughter's first day of school this coming June. Not worried much about separation anxiety, kasi she did summer school naman last year, and a couple months day care after that, wala kami problem with leaving her in the classroom.

My worry is how she will interact with her classmates and the teacher, kasi siempre new set of people. she's a tad shy kasi eh, pero pag nag-warm up na ok naman. I'm also nervous as to how she will 'warm' to the idea of regular schooling, as in five days a week. When she was in day care kasi, we pulled her out kasi we can see she really wasn't ready for the 'demands' ng studying, so before sya ma-trauma, tinanggal na namin sya. But this year, she'll be four by June, and she's changed a lot na when it comes to approaching study responsibilities, so we think she's at the right age. :)

Sana meron din socialization class like nung kay sis kiz_me1109 dun sa school ng anak ko, that would reaaally help kasi they'd get accustomed na to the classroom and to each other kahit papano, kaso wala. :(

Mommies, do you think it would be advisable na mag-summer classes/sessions sya (different school, kasi wala dun sa school niya) to get her ready for the upcoming school year? Or would that 'oversaturate' her with the idea of school at baka tamarin na pumasok by June? Would love to hear your ideas. :)



Jing21

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile

Hi mommies. Im a newbie. I just want to seek help. My 4 year old daughter has this separation anxiety. She's now in kinder and everytime papasok sya sa school umiiyak sya. Kinausap ko na sya ng maayos for so many times at sabi niya hindi na sya iiyak pro ganun pa din.. Gumagawa naman sya sa school and lahat ng seatworks niya perfect. Lagi nyang tinatanong saken kung yung lola ba daw niya is nasa labas lang, hindi sya iiwan. Hindi naman sya iniiwan don sa school. I really dont know what to do. Mommies your comments and suggestions will really help..
Logged

εїз" Mrs.Pisces "εїз

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 221
  • " i love you baby yuri "
    • View Profile

hi sis First Time niya ba mag Schooling? Normal lang Yan sis!! Sa susunod Maiiwanan Mo rin si baby sa school!!
Yung Baby Ko first day of school palang naiwanan Ko nah!! Pero ang sinabi Ko sa kanya kasama niya naman si Mcqueen Kasi puro mcqueen Yung gamit niya!! Okay naman!! Pero Yung pamangkin Ng asawa Ko sis Naku 6months Nasa Labas Yung Lola kasi ayaw talagang magpaiwan! Pero ngayun okay na naman Grade One na Yung pamangkin ni Hubby now At wala ng problem about Going to school , Yung mga classmate Ng anak ko Ganyan din pero kalaunan nagpaiwan na naman sila basta palagay na loob nila kay Teacher at sa mga classmate Nila Tyaga -tyaga lang sis
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3200
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting

Topics "My 4 year old daughter has separation anxiety!" and "separation anxiety" merged with this thread.
Logged

Jing21

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile

@sis εїз" Mrs.Pisces "εїз, naku sis second time na niya mag school. befure ganun din sya tpos nawala. tapos eto na naman. june 5 nagstart yung schooling niya tpos jun 7 nag start yung pag iyak niya sa loob ng classroom hanggang ngayon..
Logged

Julia Allison

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 67
    • View Profile

I am thankful since wala po kami masyado separation anxiety. siguro nakatulong yung pag uusap namin prior to 1st day of school and let her feel/know that I will just be outside waiting for her.   I observed during her 1st day in school last summer,  she went out after half an hour with permission from teacher to get or ask something from me then makikita niya na totoo na I didn't leave her, wala naman siya ginawa/ tinanong actually.  Til kanina na 1st day niya as Grade 1, happy siya to meet her teacher and summer classmates/schoolmates. Big factor din ang approach ni teacher on the very 1st day of school so kids will feel comfortable with them.
Logged
our life...our nyanyaritz_u!

KVsmommy

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 471
  • Living a full life as a WAHMmy. :D
    • View Profile

First week of school was great! :) Enjoy pa din yung daughter ko and very enthusiastic pumasok - it's a good sign, kasi if she's not adjusting well, malamang yan tatamarin na sya.

I do have a little concern though, when we're at home, she does her seatwork/homework very well, pag nagcocolor maayos, pag nagttrace maayos din. Pero pag nasa school, yung mga nakikita ko sa workbook niya, lagpas yung pagcolor, yung pagtrace liko-liko. :( Yung para bang nagmamadali...

Bakit kaya ganun? Hay, or baka OA lang ang expectations ko talaga...
Pages: 1 2 3 [4] 5