Parent Chat

Advanced search  

News:

Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2 3 ... 5

Author Topic: bad experience sa mga resto, food chain etc....  (Read 25628 times)

mommy shelaih

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 417
  • my life
    • View Profile
bad experience sa mga resto, food chain etc....
« on: November 10, 2008, 07:07:15 pm »

hi mga moomies share nyo naman yung mga bad experiences nyo sa recto, cafe or food chain.... para mawarningan yung iba pang mga mommies dito.... :)

ill start na po... i used to love chickenjoy sa jollibee. sino bang hindi db? lahat tayo lumaki sa jollibeee pero medyo nadismaya ako nung nagwork ako dun... ganito yun usually closing ako so kasama ko sa naglilinis... then one night bumaba ako sa kitchen close na yung store nun naghaharutan yung mga naglilinis... natabig nila yung mantika na ginagamit for chicken joy so kumalat lahat sa floor... sbi nung isa "patay tayo pare babayaran natin yan" sabi nung isa "ano ka ang mahal mahal nyan eh imop na lang nati" ayun minop nila at ibinalik sa lagayan ng mantika yuck talaga.... eh ang dumi pa din naman ng floor nun tska yung mop na mismo... ang dumi... sabi ko nga "hoy kuya bawal yan ah" sabi niya wag ka maingay lagot ka samin pag nag ingay ka..." so akyat ako sa taas para sabihin ng sa manager aba ang sabi ba naman ng manager sa kanila "hoy bilisan nyo jan kundi pababayaran ko sa inyo yan" kinunsinte pa.... grabe talaga sila..... tska eto pa yung rice nila... napakinit kasi dun sa kitchen eh pumunta ko dun para kumuha ng rice na ilalagay sa warmer at nung nakita ko yung riceman (yung nagpeprepare ng rice) takatak yung pawis as in tumutulo sa rice na binabalot niya.... alam ko na nakita sya ng manager pero di pinapansin.... hay naku sana yung mga nagwo2rk sa ganyan ayusin naman service nila... lalo na at kilala sila
Logged

francesggj

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 103
  • my angels...my life...
    • View Profile
Re: bad experience sa mga resto, food chain etc....
« Reply #1 on: November 10, 2008, 09:42:06 pm »

yucky!!!!,....yun pala ang nagpapasarap sa chix and rice nila... ;D
Logged

gabneth

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 267
    • View Profile
Re: bad experience sa mga resto, food chain etc....
« Reply #2 on: November 11, 2008, 09:41:10 am »

ako din mag share, last july 2008 ngyari.....sa greenwich naman.... napaaga kasi ako ng dating sa school ng daughter ko.....so naisipan ko muna pumunta sa greenwich pasig simbahan, nag order ako ng macaroni salad and iced tea....nang iserv ng crew yong salad napansin ko yong plate may mga tulo ng pizza sauce or spagetti sauce yata, so ang gawa ko sinabi ko sa crew, kinuha ng crew pinakita sa manager nila tapos nakasimangot yong manager na tumingin sa akin....after 3 to 5 mins binigyan ulit ako ng salad.....sabi ko sa crew "as in ganon n lang? di man lang kayo mag explain bkit madumi ang plate nyo?" then sabi ng crew " sory po, an yway pinalitan na naman po"......medyo tinopak ako.... tumayo ako and nagpunta ako sa counter nilagay ko ang iced tea and macaroni salad sa counter,.... sabi ko sa knila "sa inyo na lang yang order ko, n awalan ako ng gana.....ang dumi ng store nyo, di pa maganda ang service nyo"....as in nakatingin lang ang manager at nakasimangot pa din....so nainis na ako....buti na lang at naitabi ko resibo.... tinawagan ko ang hotline na nasa  receipt....nagkataon na yong cel no don e cell no pla ng supervisor nila.... sinabi ko ang nangyari.....i told them na may evidence ako, nakunan ko ng pics at video.... sabi ko i upload ko sa youtube, at i forward ko sa management ang complain ko....panay ang sorry at sabi pupuntahan daw ako sa house "para mki pag ayos".....or  visit daw ako sa store nila....panay din txt ng manager at crew.... sa last txt sa akin ng supervisor nila suspended daw manager at crew.....last week nag visit ulit ako sa store nila..... bago na mga plate nila at friendly p mga staff... until now nasa cell ko p din mga txt msgs ng mga taga ghreenwich....
Logged

mommy shelaih

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 417
  • my life
    • View Profile
Re: bad experience sa mga resto, food chain etc....
« Reply #3 on: November 11, 2008, 10:14:24 am »

waahhh... grabe yan sis.... ako nun kumain kami dun ni hubby yung idorder ko na lasagna malamig.... as in malamig yung loob na parang galing sa ref kainis ang tagal2 bago nila iserve tapos malamig.....

ay may isa pa pala KFC pasig yung harap ng mcdo and beside ng 1 bookstore.... siguro mga ilang months ago na nakaraan.... grabe ang haba ng pila nun ang tagal2 pa ng cashier ewan ko parang uligaga.... then umorder ako ng zinger sobrang namiss ko kasi yun then alfredo yung kay hubby ko.. so akyat na kami sa taas para hintayin yung food namin.... unang dumating yung order ni hubby tapos finollow up ko yung akin sabi nong girl "ok mam follow up ko lang po" sabi ko kay hubby kumain na sya, so wait pa rin ako kahit gutom na gutom nako hangang naubos na ni hubby yung food niya wala pa yung akin my dumaan uli na crew sabi ko "25-30minutes na ko nagiintay sa inorder ko wala pb? ano ba yun hinuli nyo pa yung manok?" sabi ng crew "mam wait lang po ifollow up ko lang" so wait pa ri ako ng mga 15 minutes then nagdecide na ko na bumaba para awayin na yung manager nung nasa hagdan na ko nakasalubong ko na yung crew at dala2 na yung zinger ko... dahil sa sobrang gutom ko hindi ko na inintindi yung galit ko at bumalik na lang ako sa upuan ko... eto na nung hawak ko yung zinger malamig yung chicken niya at NAPAKA TIGAS ng bun... GRRRRRR..... tapos nung nakita ko sa kabilang side parang meron pang kagat ng daga yung bun badtrip talaga so nagcomplain ulit ako sa crew kinuha yung zinger papalitan daw nila.... another 10 minutes dumating na yung order ko ulit at bwisit talaga kasi yun parin mismo yung pinapalitan ko ininit lang ng konti..... inaway na ni hubby yung nag manager at mega sorry.... never na ko ulit kakain dun
Logged

gwen's mom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 247
    • View Profile
Re: bad experience sa mga resto, food chain etc....
« Reply #4 on: November 11, 2008, 10:19:21 am »

ako naman sa jolibee sta. ana. I ordered 1 pc chickenjoy for lunch at bahang nasa counter ako, nakita kong nalaglag sa floor yong isang chicken na kakaluto lang. Nilagay sa isang tabi. Tapos nakita ko yong ang kinuhang chicken at binigay sa akin. Sabi ko sa crew "ayoko niyan, nalaglag yan eh", without any question, binigyan ako ng iba.

another is sa lipton iced tea that I bought at SSG supermarket sa Sta. Ana din. Lasang plastic so tinawagan ko yong number na nakalagay sa label niya. Pinuntahan ako ng product namager nila sa office, ininterview ako, kinuha ang remaining iced tea sa akin at sabi, dadaan daw sa mga tests yong natitirang iced tea na yon, after a few days, binalikan ako sa office with a bagful of their products at inamin sa akin na lasang plastic nga yong nabili kong iced tea. 
« Last Edit: November 11, 2008, 10:21:23 am by gwen's mom »
Logged
"The heart is a fertile place. Anything planted there will grow for sure, whether love or hatred. You decide what to harvest."

cheiz

  • Guest
Re: bad experience sa mga resto, food chain etc....
« Reply #5 on: November 11, 2008, 10:44:20 am »

I would like to butt in. These are indeed sad, horror and horrible stories. I'm in the food business my self and instances like this gives a bad impression on other food related business. Minsan yung palpak ng isang tao (like crew or manager) affects the whole business. Kahit yung business mismo ay maayos naman. I've experience this a lot of times di lang sa fast food resto minsan sa mga fine dinning resto din. Dapat managers and resto owners won't take this against a client kc it's our rights as consumer to complain if we are not satisfied with the service we are paying for. Dapat costomers complain should be taken as constructive criticism and should be given a prompt action. Minsan this boils down din to the HR and Training. Especially for fast food there are times na hindi na nila thoroughly na screen yung applicants nila because of need. Then may times din since prompt yung need for staff sinasabak nila agad without proper training.

As for the complainants.. minsan po hinay hinay lang sa pag cocomplain especially food. Ay ! can share more horror stories regarding this pero baka mawalan na po kayo ng gana kumain. Basta remember always complain in a nice way para hindi po babuyin ang pagkain babalik sa inyo.  ;). syang nga lang dito sa pinas walang cctv na nag rerecord on what's happening at the back of the house (kitchen). You really wouldn't believe that may mga taong ganun ka sick at kayang gumawa ng ganun bagay.
Logged

Julia Allison

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 68
    • View Profile
Re: bad experience sa mga resto, food chain etc....
« Reply #6 on: November 11, 2008, 12:15:03 pm »

kami naman ni hubby, we try to extend our patience sa mga resto/fast food crews pero we call the attention of the immediate head if we are not satisfied w/ the service. This is one way for them to improve their services & give warning to the concerned person.  anyway, now may mga feedback/ suggestion forms na pinapa-fill up, hope the results are being discussed to the whole branch members whether good or bad. sa atin namang mga customers, let's not abuse this --- "Customer is always right."  i have a feeling lang na yung complaint/s natin would cause sa untimely end of contract or the worst termination ng tao. in my opinion lang naman po.
Logged
our life...our nyanyaritz_u!

elsa08

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 155
  • Mommy ni Migs..
    • View Profile
    • Little Shoppers Haven
Re: bad experience sa mga resto, food chain etc....
« Reply #7 on: November 11, 2008, 02:14:39 pm »

grabe naman.. so far haven't experienced it yet pero yung brother ko ng work sa red ribbon sa ATC.. sabi niya mga food dun minsan recycle since minsan ang mga nakain dun, since mga high society, they hardly touch their foods kaya i serve nila ulit.. ewwwwwwwwwww....
naisip ko i may not experiened it pero baka yung mga food that have been served to me.. naku, i could not even imagine.... :o
when hubby and i complain, try talaga namin to be patient as much as possible kasi katakot din na baka lalo babuyin yung food that will be served.. :o
Logged

purplesiy

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 90
    • View Profile
Re: bad experience sa mga resto, food chain etc....
« Reply #8 on: November 11, 2008, 03:07:37 pm »

naku dapat talga careful rin pag nag reklamo tayo kasi nga pwede talaga nila babuyin yung food natin.  i have a cousin naman who worked in a resto before tapos pag may nag patake-out ng natirang food, babawasan daw ng mga kasamahan niya.  kaya ang  gingawa na ng tita ko, sa harap niya mismo pinapabalot ang natirang food.
Logged

cutiemommy

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 138
  • my angels...annika phoebe and brilynn zofeya
    • View Profile
Re: bad experience sa mga resto, food chain etc....
« Reply #9 on: November 11, 2008, 03:42:44 pm »

grabe naman pla mga experiences nyo mommies!! ako naman naasar lang ako minsan nung kumain kami s kfc. dami kasi nlang customers. di pa nga ako tapos kumain, nililigpit n pinagkainan namin.pati yung baso ko di ko pa nga naiinum yung water, obvious naman kasi wala pang bawas, as in kinuha na pralang umalis n kami.hay naku kaasar talaga.
Logged

ida

  • Guest
Re: bad experience sa mga resto, food chain etc....
« Reply #10 on: November 12, 2008, 11:41:20 am »

grabe naman pla mga experiences nyo mommies!! ako naman naasar lang ako minsan nung kumain kami s kfc. dami kasi nlang customers. di pa nga ako tapos kumain, nililigpit n pinagkainan namin.pati yung baso ko di ko pa nga naiinum yung water, obvious naman kasi wala pang bawas, as in kinuha na pralang umalis n kami.hay naku kaasar talaga.

Ang bastos naman nung crew na yun cutiemommy, kung ako yun, inaway ko na yun.. hehe...
experience ko naman sa sizzling plate sa food court sa megamall, matagal na yun, highschool or college pa lang ata ko. yung order ko na pork steak, may tinik ng fish sa ilalim niya, sobrang kadiri talaga, nawalan ako ng gana, nagreklamo ako (at ang ingay ko hihi) kaya yung ibang nakapila na umoorder nakatingin sa akin at nakita din nila yung plate na may tinik talaga, isa-isa silang umalis. papalitan na lang daw (take note: mataray ang dating nung manager at nung mga crew, at parang balewala lang na ganun ang service nila), sabi ko anong papalitan? palagay niyo may gana pa akong kumain uli? hay, until now hindi pa din ako kumain uli sa sizzling plate.. :(
Logged

cutiemommy

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 138
  • my angels...annika phoebe and brilynn zofeya
    • View Profile
Re: bad experience sa mga resto, food chain etc....
« Reply #11 on: November 12, 2008, 02:34:13 pm »

[/quote]

bastos talaga!pero di ko siya naaway kc kasama ko baby ko nun at natutulog habang kalong ko. afraid me bka magising baby ko, kaya hinayaan ko n lang.
Logged

ida

  • Guest
Re: bad experience sa mga resto, food chain etc....
« Reply #12 on: November 12, 2008, 05:47:12 pm »

hahaha.. pasalamat siya sa baby mo, wala talagang laban mga mommies pag para sa mga anakis e.  ganyan din ako pag naiinis ako na kasama mga kids ko, sabi ko na lang sa sarili ko pasalamat ka at kasama ko mga anak ko. alam mo naman mga kids esp mga toddlers gaya-gaya kaya dapat good girl din tayo.  ;)
Logged

rjsmom

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 299
  • Hip-hop baby
    • View Profile
Re: bad experience sa mga resto, food chain etc....
« Reply #13 on: November 17, 2008, 01:34:05 pm »

hay naku, sobrang disappointed ako sa JT's Manukan sa Malugay ... tumawag kami ng officemates ko for delivery around 11.15am ... dumating ang food namin, 10minutes to 1pm! grabe talaga! Even with repeated follow ups, wala silang nagawa ... wala daw kasing celphone yung delivery boy nila ...

so pagdating ng food, malamig na ... and yung order naming leche flan, lamog-lamog na din! and what's worse, dalawa kami ng officemate ko umorder ng bulalo broth ... nung dumating, yung isang lalagyan, almost puno ... yung isa naman, wala pa sa kalahati!

na disappoint talaga ako  >:( ... sobrang favorite ko pa naman kumain dun kasi masarap talaga yung chicken nila ...
Logged

cutiemommy

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 138
  • my angels...annika phoebe and brilynn zofeya
    • View Profile
Re: bad experience sa mga resto, food chain etc....
« Reply #14 on: November 17, 2008, 04:37:02 pm »

hehe sis baka kinain order nyo nung delivery boy kasi tanghali na.baka nagutom kumain muna kaya natagalan.
Logged
Pages: [1] 2 3 ... 5